Chapter 9-Part 2

UNCOVER
Please Subscribe to read the full chapter

"Kahit hindi mo na ako maalala, basta sa panahong ito, magiging akin ka"-author.

 

"Jennie. Ano wala pa?", tanong ni Seulgi na kagagaling sa kanyang tent para iayos ang mga gamit.

 

"Wala pa nga. Hindi siya sumasagot sa mga tawag or text. Tangina", hindi na napigilan ni Jennie na hindi makapagsalita ng masama.

 

"Ano ba kase sabi niya?", tanong ulit ni Seulgi.

 

"For the nth time Seulgi. Nasa safe place niya kase siya. Sabi ko naman last time na nagtaping tayo may lagnat na siya nun. Knowing Irene ipipilit parin niyang magtrabaho", iritang sabi ni Jennie.

 

Kanina pa kase tanong ng tanong si Seulgi at paulit ulit din na yan ang sagot ni Jennie sa kanya. Naiirita na si Jennie dahil napakakulit ni Seulgi.

 

"Jennie, pano kung---"

 

"Don't. Don't say anything or assume anything", pagpuputol ni Jennie sa sasabihin dapat ni Joy.

 

"Ano wala pa?", lumapit si Lisa sa kinaroroonan nila at ngiwi lamang ang natanggap niya mula kay Seulgi.

 

Ang lamya ng mukha ni Seulgi ngayon. Yung tipong nag-aalala na hindi mo maintindihan. Gusto niyang puntahan si Irene kung nasan man siya ngayon pero hindi niya alam saan siya pupuntahan. Bakit nga ba niya gustong puntahan si Irene? Again, hindi niya alam sa sarili niya kung bakit.

 

"Direk. Tuloy pa po ba ang shooting today?", paglapit ni Yeri sa kanila.

 

"Nope. Let's pack up", sabi ni Seulgi na napatingin ang lahat sa kanya.

 

"What? Are you sure? Baka mamaya kung ano ano na naman ang sasabihin mo kay Irene ha after nito", kunot noo na sabi ni Jennie.

 

"Yeri. Sabihin mo kina Jisoo na cancel ang taping today at ayusin ang mga kagamitan. I'll just inform everyone when's the next shooting", pagdidismiss ni Seulgi.

 

"Okay direk", sabi ni Yeri at iniwan na niya sina Joy, Jennie, Lisa at Seulgi para iinform sa iba ang pinapasabi ni Seulgi.

 

"Tawagan mo siya ng sampung beses pa", sabi ni Seulgi.

 

"Ha?", di maprocess ni Jennie ang sinabi ni Seul.

 

"Tawagan mo pa siya. Tatlong beses sabi ko", kalmadong sabi ni Seulgi.

 

Calling Irene, first dial. Kabado ang lahat nakatingin kay Jennie. Ngumiwi ito nung walang sumagot sa kabilang linya.

 

Calling Irene, 3rd dial. Nilalaro na ni Seulgi ang tshirt niya habanag naghihintay ng sagot. Pero ngumiwi ulit si Jennie.

 

Calling Irene, 7th dial. Hinihimas ni Lisa ang balikat ni Seulgi. Ramdam na ramdam niya kase. Alam ni Lisa kung gaano mag-alala ang kanyang kaibigan. Kahit hindi niya sabihin.

 

Calling Irene, 10th dial. Kinakagat na ni Seulgi ang kuko ng thumb niya. Ayaw niyang ipahalata ang nginig at kaba niya. "Irene, where are you", mga salitang binibigkas niya sa utak niya.

 

"That was the 10th call direk. What should we do?", tanong ni Jennie.

 

"Oo nga. Nag-aalala na ko kay madam", buntong hininga ni Joy.

 

"Di naman natin siya pwedeng ipablotter kase magiging issue. Hays", sabi ni Lisa.

 

"Jen. Penge ako ng number niya", biglang bigkas ni Seulgi na kinagulat ng tatlo.

 

"Bakit?", kunot noo na tanong ni Jennie.

 

"Just give it to me", kitang kita sa mata ni Seulgi ang pagmamakaawa nito na hindi rin maintindihan ng tatlo kung bakit siya nagkakaganito. Maging si Seulgi ay hindi niya rin alam kung bakit. Bakit ganito siya mag-alala para kay Irene. Bakit ganito na lang siya kadesperado na malaman kung okay lang ba siya o hindi.

 

Matapos niyang makuha ang number ni Irene pumunta agad siya sa kanyang kotse. Hindi na siya nagpaalam sa tatlo. Tinatawag nila ang pangalan niya pero hindi siya lumingon at pinaandar na ang sasakyan niya.

 

"Irene please. Pick up the call. Please", mahinang sabi niya sa sarili niya habang nakakonekta ang phone niya sa kanyang sasakyan.

 

"Irene. Pick up the call. Pick up", bulong niyang muli ng hindi sumagot si Irene. Maghahating gabi na. Inuuna nila kase ang mga scenes sa gabi bago ang mga scenes sa umaga. Dalawang scene na lang ang natitira. Yung scene na naudlot ngayon at scene na pinakaayaw ni Irene. Kissing scene.

 

Nagdadrive si Seulgi na hindi niya alam saan siya pupunta. Nagdadrive siya kase just in case na sumagot si Irene baka sakaling malapit lang siya kung nasaan ito.

 

"Rene, please", and from the moment she sobs. Hindi niya alam kung bakit. Lahat ng bagay na nararamdaman niya para kay Irene hindi niya alam ang dahilan. Basta ang alam lang niya ay inuutusan siya ng sarili niyang gawin ang mga to.

 

Napakagat siya ng labi at napayuko dahil nakared light pa naman ang traffic light. Nabalik siya sa wisyo nung marinig niya ang mga busina sa kanyang likuran.

 

Natapos na ulit ang pagdadial niya. Pero wala paring Irene na sumasagot sa linya. Nagpark siya sa gilid ng kalsada, huminga ng malalim at napasandal sa steering wheel.

 

"Irene", bulong niya.

 

"Hm?", nagulat siya ng biglang may sumagot sa kabilang linya.

 

Napalaki ang mga mata niya at tinitigan ang phone niya.

 

"Irene? Irene? Ikaw ba to?", hindi makapaniwalang tanong niya.

 

"Yes, speaking. Sino to?", maalumanay na tanong ni Irene. Halatang malamya. Walang sigla. Nanghihina.

 

"Si. Hmm. Si. S-seulgi t-to", nauutal na sabi ni Seulgi.

 

"Director Kang?", hindi makapaniwalang tanong ni Irene.

 

"Yes", maikling sagot ni Seulgi.

 

". I'm sorry. Its already 3days and my vacation is over. Oh . I forgot. I---"

 

"Where are you?", kalmadong sabi ni Seulgi sa pagputol niya sa mga sinasabi ni Irene.

 

"Hindi ka galit?", nagtatakang tanong ni Irene sa kabilang linya.

 

"Irene, where are you?", maalumanay ulit na tanong ni Seulgi.

 

"I'm at my safe place. I'm so dizzy to type the exact address. I'm---"

 

"Can you turn your gps for me?", pagpuputol ulit ni Seulgi kay Irene pero napakaalumanay and it makes Irene melt just by hearing Seulgi's voice.

 

At sa hindi inaasahang pangyayari. Irene unconsciously turned her gps on at agad naman itong nadetect ni Seulgi.

 

"Okay. Mejo malapit lang ito sa kinaroroonan ko now. Could you wait for me?", sa pagkasoft ng boses ni Seulgi parang makakatulog si Irene habang pinapakinggan lamang ito.

 

Bago pumunta si Seulgi sa safe place ni Irene. Nagpunta muna siya sa pinakamalapit na convenience store para bumili ng pagkain, gamot at cool fever.

 

From time to time tinitingnan niya yung salamin if may sumusunod ba sa kanya or wala. Mukhang umaayon ang tadhana sa kanya dahil walang sumusunod sa kanya.

 

Hindi narin niya marinig ang nasa kabilang linya. Mukhang nakatulog ulit si Irene kaya hindi na niya ito inistorbong kausapin at tinitingnan na lamang niya ang location nito. Mejo malapit na.

 

Nakakatakot yung lugar dahil walang masyadong mga bahay. Or sabihin na nating wala talagang bahay dahil isa lang ang natatanaw niyang bahay. Pent house to be exact. Marahil ito na ang safe place ni Irene dahil ito ang nakabase sa gps.

 

"Irene?", tawag ni Seulgi sa kabilang linya.

 

"May key sa ilalim ng carpet. And my room's door is slightly open", nanghihinang sagot ni Irene na malamang alam na niya ang sasabihin ni Seulgi.

 

Agad namang kinuha ni Seulgi ang susi at nilock agad ang pinto ng makapasok sa bahay. Pinatay na niya ang tawag. May kakaiba siyang nararamdaman. Pinagpapawisan siya. Kinakabahan. Habang bitbit ang kanyang mga pinamili. Ngayon natatanong na naman niya sa sarili niya bakit siya nandito sa puder ni Irene. Basta dinala na lamang siya ng kanyang mga paa.

 

Napalingon siya sa kwartong nakaopen ng kaunti. Malamang sa malamang yun na ang kwarto ni Irene. Napabuntong hininga siya bago maglakad papunta dito. Habang papalapit siya ng papalapit. Lalong lumalakas ang pintig ng puso niya.

 

"Seulgi. Bakit ka ba kabado. Ibibigay mo lang naman to", angat niya sa pinamili niya at napabuntong hininga. "Kalma. Ibibigay mo lang to", usap niya ulit sa sarili niya at pumasok na siya sa kwarto.

 

Nakita niya si Irene na nakahiga habang nasa tabi niya ang kanyang phone. Nakatulog siguro siya habang kausap niya ito.

 

Lumibot ang mga mata niya sa kwarto at nahagip ng atensyon niya ang isang painting. Lumapit siya ri

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
incorrecthyun
Meron ako ginawang playlist para sa ff na to skskskksk pakicheck na lang foreword po hehez

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
24 streak #1
Reread
foneall #2
Is there the english version of this story?
i really wanna read this story😭😭😭
its_aaarrriii
24 streak #3
Chapter 16: Reread before magslep, bading bading bading
reveluv316 761 streak #4
Chapter 26: loved this story
serenedipitea
#5
Chapter 26: mindblown sa plot twist <333
snowtaems
#6
I was so happy to check the plot until no english 😭
Oct_13_wen_03 56 streak #7
Can u translate in English, I really want to read 😭
zjkdlin0121 #8
Chapter 26: nung nabasa ko yung ending gets kona agad na nag acting lang pala sila haha
Jensoo4everlove #9
Why is this not in English 😭😭
beartokkin
#10
Chapter 1: nooooooooo i am so sad i was so excited to read it and then i saw that it is in another language :((((((