Chapter 8-Part 1

UNCOVER
Please Subscribe to read the full chapter

"Sa mundo kong ikaw lang, bakit sa mundo mo naging kayo"-author

 

"Rene! Rene! Joohyun! Bae Joohyun!", tawag ni Jennie habang hinahabol si Irene papunta kung saan, hindi niya alam kung saan at maging si Irene hindi niya alam saan siya papunta basta naglalakad lang siya, mabilis, nakakapagod, nakakalito.

 

"What?!", galit na tanong ni Irene. Sa wakas lumingon na siya kay Jennie at Joy na kanina pa siya tinatawag.

 

"Saan ka pupunta?", tanong ni Joy.

 

"Gusto mo bang makita ng mga stalker mo? The last time na ganito muntik ka nang makidnap ng mga baliw sayo buti kasama pa natin ang ibag staff ngayon", buntong hininga ni Jennie.

 

"Do you want that to happen again, Irene? Really? Tayong tatlo na lang dito at di natin alam kung may nagmamasid", pagpapatuloy niya.

 

"Oo nga Rene. Uwi na tayo. Madaling araw pa shooting natin bukas", pag-aalala ni Joy na nakakunot na ang noo niya. Piniplease si Irene na pumayag nang umuwi.

 

"Safe place", bulong ni Irene pero sapat na marinig ng dalawa.

 

"Really? Now? Ongoing pa ang shooting mo? Tas tatakas ka?", galit na sabi ni Jennie.

 

"Safe place", pag-uulit ni Irene at nang iangat na niya ang ulo niya sabay sa pagtulo ng kaniyang mga luha.

 

"!", mura ni Joy at dali dali namang tumakbo si Jennie papunta sa kanya.

 

"I'm sorry, Rene. I'm sorry. Hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses. I'm so sorry", pag-aalala ni Jennie at niyakap siya habang hinahaplos ang likod ni Irene.

 

Ayaw na ayaw kasi ni Irene nang nasisigawan. Natatakot siya kapag nakakarinig siya ng sigaw. This is part ng trauma niya sa past kaya minsan maingat si Jennie sa pakikipag-usap sa kanya. Alam ni Irene kung galit or naggagalit galitan lang si Jennie. But this time she knows na galit na galit siya at totoong sigaw ng galit yung narinig niya kaya siya naiyak.

 

"Ayusin mo yan rubijin", pagtataas ng kilay ni Joy at napabuntong hininga naman si Jennie.

 

"Rene, i'm sorry. Sorry. Worried lang ako kaya ganun. Alam mo naman ayokong napapahamak ka. Please. I'm sorry", nag-aalala parin na sabi ni Jennie at naluluha narin.

 

"Safe place", pabulong parin ni Irene na sumisinghot pero rinig at intindi ito ng dalawa.

 

"Nagpupunta ka lang dun pag malungkot ka or gusto mo magpahinga. But why now?", tanong ni Jennie at kumawala si Irene sa yakap nito para harapin ang dalawa.

 

"Babalik din ako bago ang shooting bukas. I promise, hindi ko tatakasan yung movie", paninigurado ni Irene.

 

"Anong gagamitin mo now?", tanong ni Jennie.

 

"Yung wigo, hindi ko pa nagagamit yun. Hindi pa alam yun ng mga stalker", sabi ni Irene.

 

Marami kase siyang sasakyan. Iba ibang model. Kapag nagamit na niya matapos ang isang linggo ibebenta ito at sasabihin na dating kotse niya. At dahil maraming baliw sa kanya bibilhin naman nila agad at mag iiwan siya ng signature kung saan gusto malagyan ng customer. Hindi ganun kaexpensive ang mga binibili niyang sasakyan dahil alam naman niyang ibebenta din naman agad ito kaya bat daw pa siya gagastos ng mamahalin na sasakyan. And take note lahat ng sasakyan niya is yung mga mini size na kotse. No one knows bakit ganun ang mga tipo niya. Nananatili talaga siyang misteryoso sa lahat ng tao.

 

Papunta siya ngayon sa safe place niya. When you say safe place, siya lang ang nakakaalam kung saan. Kahit sina Jennie at Joy hindi ito alam. Iba yung bahay na pinupuntahan nung dalawa at iba rin yung bahay na siya lang ang nakakapunta. Kaya nag-aalala yung dalawa dahil kapag hindi siya sumipot hindi na nila alam saan siya hahanapin.

 

"When was the last time I came here", sabi niya nang mabuksan ang pinto at napabuntong hininga nung maupo siya sa sofa.

 

Napatingin siya sa ceiling. Yung luha niya tumutulo na. Batid na ng katawan niya yung pagod, yung lungkot, yung pagkaumay sa mundo. Gusto na lang niyang tumira dito. malayo sa mga taong mapanghusga. Malayo sa mga taong ang gusto ay sirain lamang siya. Ngunit hindi maaari. Kailangan niyang magpatuloy sa inumpisahan niya. Kailangan niyang ipagpatuloy para sa taong rason ng lahat ng pinaghirapan niya.

 

Sa mundo ni Irene eh siya lang pero sa mundo niya wala nang "siya" dahil sa mga pangyayari. Napatawa si Irene ng mapait, mga luha ay pilit paring tumutulo sa mga naiisip niya ngayon.

 

Humiga na siya sa kanyang kama. Pinikit ang mga mata at kinausap ang sarili. "Hyun-ah, malay mo bukas, okay na. Pwede pa"

 

-----

 

"Taena naman, Seulgi! Bat kase madaling araw tayo ngayon. Pinuyat mo pa ko sa kakahanap ng kanta!", pagrereklamo ni Lisa.

 

"Ikaw ang maarte! Ang arte mo sa kanta! Nasearch ko na lahat ng OPM yun lang pala ang hanap mo?!", reklamo parin ni Lisa.

 

"Yun lang kase ang bagay. Kaya sabihin mo si Wan yun ang iinsert ha", tapik ni Seulgi sa balikat ni Lisa.

 

"Anong insert insert. Maglalive music tayo", ngising sabi ni Lisa.

 

"Anong live music eh malapit sa batis yung filming natin sa scene. Ano? Patayo ng resto malapit sa batis tas background music eh yung kanta na hinanap natin?", sarkastikong sabi ni Seulgi.

 

"Pwede rin", ngisi parin sabi ni Lisa.

 

"Taena mo. Wag mong guluhin ang script", pagbatok ni Seulgi kay Lisa.

 

"Hindi naman siya magugulo. Pwede namang habang nagdedate si actress Bae at yung leading man niya sa batis eh may nakashuffle na kanta. Tas sa scene na masakit na eh dun lalakasan yung part na napili mong lyrics. Duh", pagyayabang ni Lisa.

 

"Lisa. You small brain and your big mouth", gulat na sabi ni Seulgi.

 

"I know right", ngisi ni Lisa tapos tawang tawa si Seulgi.

 

"Teka. Did you just say the opposite?", gulat ni Lisa ng marealize ang sinabi ni Seulgi pero tumakbo na ito palabas nang makita na niyang nainis na si Lisa habang tumatawa siya.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
incorrecthyun
Meron ako ginawang playlist para sa ff na to skskskksk pakicheck na lang foreword po hehez

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
30 streak #1
Reread
foneall #2
Is there the english version of this story?
i really wanna read this story😭😭😭
its_aaarrriii
30 streak #3
Chapter 16: Reread before magslep, bading bading bading
reveluv316 769 streak #4
Chapter 26: loved this story
serenedipitea
#5
Chapter 26: mindblown sa plot twist <333
snowtaems
#6
I was so happy to check the plot until no english 😭
Oct_13_wen_03 64 streak #7
Can u translate in English, I really want to read 😭
zjkdlin0121 #8
Chapter 26: nung nabasa ko yung ending gets kona agad na nag acting lang pala sila haha
Jensoo4everlove #9
Why is this not in English 😭😭
beartokkin
#10
Chapter 1: nooooooooo i am so sad i was so excited to read it and then i saw that it is in another language :((((((