Chapter 3

UNCOVER
Please Subscribe to read the full chapter

"Direk! Direk! Direk!", sigaw ni Yeri habang tumatakbo papunta sa opisina ni Seulgi na naabutan niyang nakikipagtawanan kay Lisa.

 

"Ano? Hinga ka muna. Pwede ka naman maglakad papunta dito bat ka nagtatatakbo?", sabi ni Seulgi sa kanya.

 

"Naku, Yeri habulin mo hininga mo kung ayaw mong ambulansya hahabol sayo. Pero okay narin para atleast may gustong maghabol sayo", sabi ni Lisa at natawa sila pareho ni Seulgi.

 

"May", hinga, "ibabalita", hinga, "kase", hinga, "ako", hinga, "sa inyo", hinga.

 

"Huminga ka nga muna ng maayos bago magsalita. Ang labo mong intindihin", saway ni Lisa.

 

"Oo nga. Parang kasing labo na magkakalove life ka pa", pagbibiro ni Seulgi na tinawanan na naman nila pareho.

 

"Nakakainis kayo! Eh kung wag ko na sabihin?", taas kilay ni Yeri na ngayon maayos-ayos na ang paghinga.

 

"Ano nga. Ang tagal", sabi ni Seulgi na hindi makapaghintay.

 

"May nahanap na akong actress para sa lead role", sambit ni Yeri.

 

At sa mga salitang yun. Nagkatinginan si Lisa at Seulgi pagkatapos binaling ulit kay Yeri ang tingin. Sa pakiramdam ni Seulgi parang tumigil ang pagtibok ng puso niya. Pinagpapawisan siya na hindi niya mapaliwanag kung ano ba talaga nararamdaman niya. Naghihintay ng susunod na sasabihin ni Yeri na parang sa susunod na bibigkasin niya'y dahilan para sumabog ang kanyang puso. Kaba? Takot? Excitement? Hindi niya alam. Gusto na niya malaman kung sino ba.

 

"Yeri ang tagal!", sigaw ni Lisa dahil pati siya kinakabahan sa sasabihin na susunod ni Yeri.

 

"Si actress Bae", nakangising sagot ni Yeri na parang napakaproud niya sa kanyang sinabi.

 

Sabay ulit na napatingin sa isa't isa ang dalawa. Yung puso ni Seulgi gusto nang sumabog. Sa time na to alam niyang wala na, sira na ang UNCOVER.

 

"You mean, Irene Bae? The Great pakening Irene Bae?", pag-uulit ni Lisa na hindi makapaniwala.

 

Si Seulgi na nakatulala lamang at pinaprocess pa ang mga pangyayari.

 

"Yup. Thank me later", kindat ni Yeri na walang idea sa nangyayari.

 

"You messed up", mahinang sabi ni Seulgi na napabuntong hininga pagkatapos.

 

"Panong I messed up? Actress Irene Bae, pinagkakaguluhan ng ibang direktor, iilan lang ang pinapayagan niyang direktor na kunin siya ng paulit-ulit. So pano naging mess?", confused parin na tanong ni Yeri.

 

"Ayaw na ayaw ni actress Bae ng kissing scene, Yeri. Panong di mo alam yun at panong di ko nabasa ang script? At alam mong isa sa pinakaimportanteng scene ng UNCOVER yung scene na yun", sabi ni Lisa habang minamasahe ang kilay niya.

 

"Tawagin mo si Rosé, Jisoo at Wendy", sabi ni Seulgi bago pa makapagsalita ulit si Yeri. Agad naman itong sumunod at dali daling lumabas sa opisina ni Seulgi.

 

"Lili", and from that moment. Alam na ni Lisa nararamdaman ni Seulgi ngayon. Saka lang siya tinatawag ni Seulgi sa nickname niya kapag uneasy siya, malungkot, may problema.

 

"You do know hindi na to pwede icancel no?", mahinang sabi ni Lisa at lumapit siya para yakapin si Seul

 

"Sinulat ko tong UNCOVER, for like, more than a year? Tapos humingi ako ng tulong sa inyo sa pagprepare for like two years ata? Then finally, nung nafinalize na, ready na para ilabas na movie, saka nagkagulo lahat", buntong hininga niya.

 

"Hindi lang oras pinuhunan ko dito, Lili. Kase buhay ko to. Kase finally mailalabas ko na yung ako. Yung sino ako na walang pakealam sa sasabihin ng iba. I just want this to be perfect", sabi niya at hinigpitan pa lalo ang pagyakap kay Lisa.

 

"I know. I know. We can get through this. Di ko alam kung paano pero kaya naman siguro ni actress Bae?", sabi ni Lisa at bago pa siya makapagsalita. Kumatok na sina Wendy sa opisina nila. Pahiwatig para buksan na nila ang pinto. Kumalas naman na agad sa pagkakayakap ang dalawa at hinarap ang kanilang mga kaibigan.

 

"Emergency meeting ulit?", sabi ni Wendy na naupo sa sofa ni Seulgi.

 

"Oo nga. Ano meron?", tanong ni Rosé na naupo sa arm ng sofa.

 

"Parang iba kutob ko dito ah", sabi ni Jisoo na natayo lang at sa likod niya ay isang takot na takot na Yeri.

 

"May lead actress na tayo", sabi ni Lisa.

 

"Oh. So I guess that's a good news?", sabi ni Wendy.

 

"Oo nga. Means masisimulan na natin ang filming", pagsasang-ayon ni Rosé.

 

"Unless, may sabit?", tanong ni Jisoo habang nalingon sa likod niya.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
incorrecthyun
Meron ako ginawang playlist para sa ff na to skskskksk pakicheck na lang foreword po hehez

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
30 streak #1
Reread
foneall #2
Is there the english version of this story?
i really wanna read this story😭😭😭
its_aaarrriii
30 streak #3
Chapter 16: Reread before magslep, bading bading bading
reveluv316 768 streak #4
Chapter 26: loved this story
serenedipitea
#5
Chapter 26: mindblown sa plot twist <333
snowtaems
#6
I was so happy to check the plot until no english 😭
Oct_13_wen_03 63 streak #7
Can u translate in English, I really want to read 😭
zjkdlin0121 #8
Chapter 26: nung nabasa ko yung ending gets kona agad na nag acting lang pala sila haha
Jensoo4everlove #9
Why is this not in English 😭😭
beartokkin
#10
Chapter 1: nooooooooo i am so sad i was so excited to read it and then i saw that it is in another language :((((((