Chapter 13

UNCOVER
Please Subscribe to read the full chapter

"Sa oras na iisipin ko rin ang sarili ko, hindi lang para sakin ito, kundi para rin sa atin at hindi na ako makapaghintay na may maging "tayo""-author.

 

"Para san tong emergency meeting?", tanong ni Jennie. On the way sila papuntang building nina Seulgi.

 

"Secret. Walang clue", pangaasar ni Irene na agad namang hinampas ito ni Jennie.

 

"Iba kutob ko jan madam ah", singit ni Joy na nagdadrive.

 

"Ano ba kayo. Wala lang to. Kinakabahan ba kayo?", smirk ni Irene.

 

"Iready ko na ba pera mo sa bangko? Yung nakapangalan sa Irene Bae?", tanong ni Jennie. Iba yung bangko ni Irene Bae, iba rin ang bangko ni Joohyun Bae, pano nangyari yun? Syempre kase isa rin sa may ari ng bangko si Irene pero hindi nakapublic ito. Pinipili niyang ilihim ang lahat ng ari-arian niya. Just how rich Irene Bae? Seriously? Kahit umupo na lang siya at walang gawin papasok parin ang pera sa bangko niya dahil sa mga business niyang nakapangalan kay Joohyun Bae at hindi sa stage name niyang si Irene Bae.

 

The two names has different personality tho pero may iisang bagay na magkatulad sila. Yung pagiging marupok kay Seulgi Kang at director Kang. Ofcourse, director Kang and Seulgi Kang has different personality too. Pero para kay Bae? Marupok siya sa iisang taong may-ari ng pangalang ito.

 

"Hoy!", mahinang hampas ni Jennie na nagbalik kay Irene sa wisyo.

 

"Ano?", walang expression na tanong ni Irene.

 

"Maglalabas na ba tayo ng cheke sabe ko. Pero bigla kang natulala ano ba, Irene", taas kilay ni Jennie sakanya.

 

"Bat ka maglalabas ng pera?", inosenteng tanong ni Irene.

 

"Malay ko ba ilang danyos yung pag-urong sa movie project? Hays", napabuntong hininga si Jennie.

 

"Sino nagsabing uurong tayo sa movie project?", inosente ulit na tanong ni Irene.

 

"Gosh! Irene. Are you seriously gonna continue this movie? Itutuloy mo na ba yung kissing scene kaya may emergency meeting? Damn", napahawak ang mga kamay ni Jennie sa kanyang ulo.

 

"Sino nagsabing matutuloy ang kissing scene sa random girl na yun?", inosente paring tanong ni Irene na may pag act na parang masusuka.

 

"Pwede ba itigil mo na kakatanong at painosente jan. Nanggigigil na ako sayo Irene ha. Isa pa", kunot noong sabi ni Jennie at hinampas ulit nito si Irene.

 

Napatawa naman ng pagkalakas lakas si Irene dahil satisfied siya sa reaction ni Jennie. Kahit kailan talaga gustong gusto niya nakikita si Jennie na naaasar dahil walang katumbas ang reaksyon nito.

 

Pero sa kabila ng bawat pangaasar niya at pagtawa ay lakip nito ang kaba. This time, papayag kaya si Seulgi sa pinaplano niya. Yung kapalit nito to accept the kissing scene? Or as usual tatanggi ulit si Seulgi at magmamatigas parin at ipipilit yung kissing scene na gusto niyang mangyari sa movie.

 

If it happens, kung yun na talaga ang desisyon niya pagkatapos sabihin ang offer. Mapipilitan siyang iurong ang kontrata. Ofcourse alam na niya ang kalalabasan nito. Kakamuhian siya ni Seulgi sa tala ng kanyang buhay. Pero sa lahat ng kayamanan niya sa mundo yung halik sa pisngi niya na gawa ni Seulgi ang katangi tangi na kahit anoman o sinoman ay walang pwedeng makapag alis ng marka nito. Ito na lamang ang natatanging naiwan ni Seulgi sa kanya na hindi mawawala o walang makakapag alis maliban lang din sa nagbigay. Babanggahin niya lahat ng taong mag-aalis nito at wala siyang pakialam kahit si Seulgi pa mismo ang may utos. Minsan lang magpakaselfish si Irene. Sa bagay na ito lang. Sa bagay na ito na hindi lang naman para sa sarili niya dahil para sa kanila parin ni Seulgi.

 

She hopes, sa pinakakaunting pag-asa na sana maintindihan ito ni Seulgi pagdating ng araw. Araw kung kailan maaalala na niya siya. Araw kung saan sana pwede pa, pwede na. Sa oras na iisipin din ni Irene ang sarili niya na para rin sa kanilang dalawa at may "sila" na.

 

Pero at this moment. Wala na siyang pag-asa na mapapayag si Seulgi. Parang nakita na niya ang kalalabasan ng offer na naiisip niya. Pero she has no choice but to try. Wala naman mawawala kung susubukan niya. Baka mas manalo yung 0.0000001% na probability para mapapayag ito kaysa sa 99.9% na probability na irereject niya ito. She has no choice yet she's so desperate na gagawin niya na lahat at alam niyang magagalit ang mga kaibigan niya for this pero parang wala nang pakialam si Irene sa lahat dahil hindi narin niya alam ang gagawin niya. Ang alam lang niya gusto na niyang bumalik sa kanya si Seulgi. Masyadong marami na ang oras na nasayang na sana naspend nila ang bawat oras na to ng magkasama.

 

-----


"Direk! Direk! Ready na po", hingal na hingal na sabi ni Yeri kagagaling lang sa conference room para ayusin ito for the emergency meeting.

 

"Bakit kase napakahilig ng actress na yan sa emergency meeting. Di man lang tatanungin kung available ka o hindi o maayos ba yung room o ganto ganyan basta pupunta na lang?", inis na sabi ni Seulgi habang inaayos ang mga script sa harapan nito.

 

"Pag tinanong ba niyang available ka. Oo ba ang sagot?", natatawang tanong ni Lisa.

 

"Oo nga direk. Panong available ba yan? For jowa label o for asawa label na?", natawa na si Jisoo sa pinagsasabi nito.

 

"Ano nga, Seulgi? Available pa? O unavailable na kase may iba na?", tinataas baba ni Wendy ang kanyang kilay para mas maasar pa si Seulgi. Tamang tawa na lang si Rosé at Yeri sa kakulitan nila at baka kapag nagsalita pa ang mga to sasabog na ang direktor.

 

"Ang tanong may naging "sila" ba", asar ni Lisa na nagsenyas pa ng quote sign gamit ang kamay niya.

 

"Seulgi, its not you, its me. Hanep. Daig pa yung mismong gumanap sa movie. Ew", pagkukunwari ni Jisoo na parang nandidiri.

 

"Tapos babalik. Seulgi ako na lang ulit. Gago. Natakot kay Naeun kaya umapoy ang pwet dinala kay Seulgi", sabi ni Wendy at natatawa na sila.

 

Naalala tuloy ni Seulgi yung moment na dumalaw ni Naeun sa set at tinawag siyang bear at ang tawag naman nito kay Naeun ay honey. Dahil ganun naman talaga diba? Magkakambal ang bear at honey.

 

May nagkwento nito sa taong kakatapos lang siyang iwan dahil hindi pa raw siya ready ang kauna unahang tao na sinubukan ni Seulgi na alagaan pero nabaliwala lang.

 

Sumugod sa set yung babae at nagmakaawa na siya na lang daw ulit. Na subukan na raw nila dahil nakapag isip isip na siya but too late kase narealize na ni Seulgi na hindi dapat pagaksayahan ng oras ang mga ganyang tao. Natuto na siya na kapag ayaw sa kanya ng tao hindi niya kailangang magmakaawa para magustuhan siya. She learned how to let go and accept the fact na hindi lahat magugustuhan ka kahit pa alagaan mo sila sa paraang alam mo at gusto mo. Kung ayaw talaga sayo, useless lang.

 

As the time passes by nasanay na si Seulgi na laging naiissue siya kay Naeun at hinahayaan lang niya ito not wanting na ipaalam sa lahat ang identity ni Naeun. Mas malaking issue na naman if ever.

 

Naeun is her step sister. Nalaman nilang may anak sa ibang babae ang dad ni Seulgi while working away from them. Pinakilala ito ng nabuntisan ng dad niya nung mabalitaan niya ang nangyari dito which cause anxiety and depression to her mom dahil hindi niya ito matanggap. Whereas, ang alam nila their family is so perfect pero may sabit pala. Yan ang tingin ng mom ni Seulgi kay Naeun, sabit sa pamilya nila kaya hindi niya ito tinanggap.

 

This is one of the reason bakit hindi nagtatanong si Seulgi about sa nakaraan. It will just trigger her mom na maalala ang pagkakamali ng dad niya at ang kapahamakang nagdulot ng bangungot sa kanyang pamilya.

 

When Naeun's mom died, lumapit siya kay Seulgi. Nagmakaawa na wala na siyang pupuntahan at wala na siyang matitirhan dahil yung bahay na inuupahan nila lubog narin sa utang. Isang taon na silang hindi nakapagbabayad that time. Seulgi didn't hesitate na tulongan si Naeun dahil afterall kapatid parin niya ito.

 

Binilhan niya siya ng condo at pinag-aral. Ito yung dahilan kaya naging close ang dalawa hanggang sa hindi na sila mapaghiwalay maliban nung kailangan mag-aral ni Naeun sa malayo. Her mom knew about it. She's a bit disappointed pero wala narin siyang magagawa dahil sariling pera ni Seulgi ang ginamit nito kaya wala siyang maisusumbat at tinanggap na lang pero hindi parin niya tanggap ang sabit sa pamilya nila.

 

A

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
incorrecthyun
Meron ako ginawang playlist para sa ff na to skskskksk pakicheck na lang foreword po hehez

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
#1
Reread
foneall #2
Is there the english version of this story?
i really wanna read this story😭😭😭
its_aaarrriii
#3
Chapter 16: Reread before magslep, bading bading bading
reveluv316 741 streak #4
Chapter 26: loved this story
serenedipitea
#5
Chapter 26: mindblown sa plot twist <333
snowtaems
#6
I was so happy to check the plot until no english 😭
Oct_13_wen_03 36 streak #7
Can u translate in English, I really want to read 😭
zjkdlin0121 #8
Chapter 26: nung nabasa ko yung ending gets kona agad na nag acting lang pala sila haha
Jensoo4everlove #9
Why is this not in English 😭😭
beartokkin
#10
Chapter 1: nooooooooo i am so sad i was so excited to read it and then i saw that it is in another language :((((((