Chapter 16

UNCOVER
Please Subscribe to read the full chapter

"Marami akong pagpipilian ngunit isa lamang ang paulit-ulit kong pinipili, yun ay huwag kang bitawan"-author.

 

Flashback...

 

"Kilala ko ba ang isang Joohyun Bae bago ako magkaamnesia, mom?", malambing at mahinang tanong nito sa mom niya.

 

Napatitig ang mom ni Seulgi sa kanya. Kinakabisa kung anong emosyon ang pinapakita nito ngayon.

 

Nagulat din si Seulgi dahil hindi man lang nagulat ang mom niya sa tinanong niya at napangiti pa nga ito.

 

"Ah. Yung first love mo", sa ilang minutong katahimikan ay ito ang mga salitang binitawan niya. Hindi naman lingid ang pamumula ni Seulgi ng marinig ito at napatanong siya kung paanong siya ang kanyang first love.

 

"Mom, panong siya first love ko?", seryosong tanong ulit nito.

 

"Actually, hindi ko alam kung paano and I never met Joohyun. Pero noong mga panahong nasa probinsya ka kasama ang dad mo", napatigil ang mom nito after niyang mabanggit ang dad ni Seulgi at napansin niya to. Biglang nagpanic si Seulgi dahil parang matritrigger niya ang mom niya.

 

Hinawakan niya ang kamay nito at hinaplos gamit ang thumb niya.

 

"Mom. Its okay. Its okay", sabi niya to stop her mom sa pagkwekwento dahil baka ano pa ang mangyari dito.

 

"No. I'm okay, anak. Hindi naman ito about sa dad mo. Its about Joohyun, right?", sabi ng mom niya at napakagat ng labi si Seulgi dahil bakit kapag naririnig niya ang Joohyun may kung anong kirot sa puso niya.

 

"Who's Joohyun, mom? Paanong first love ko siya?", tanong ulit nito.

 

"Yun nga. I never met her. Pero everytime na tumatawag ako sayo. Your day is full of stories about her. Yung magkwekwento ka saan kayo nagpunta or anong kinain niyo or anong mga ginawa niyo. You seem so happy with her na wala kang ibang bukambibig kundi pangalan niya", napangiti ang mom niya habang sinasabi ang mga ito at nakikinig naman ng maayos si Seulgi sa kanya.

 

"Meron pa nga noong time na nag-uusap tayo and she was there, you call her "Hyun-ah" kung hindi ako nagkakamali. You want me to talk to her kaso saktong magtratrabaho na ako noon", huminga ng malalim ang mom niya.

 

"And there's this one time. Bigla kang tumawag. Akala ko ano na ang nangyari dahil ilang days na lang operation mo na. I slightly panic that time", at natawa na ang mom niya. Nakatitig lang si Seulgi sa kanya. Unti-unting sinisink in ang mga impormasyong nasasabi sa kanya ng mom niya.

 

"Pero excited kang naggreet sakin and told me your concerns. You suddenly want Joohyun to be your lover kapag may trabaho ka na. You're so confident to take the operation nun dahil sabi mo kapag magaling ka na magiging professional director ka. Kikita ka ng malaki at may ipagmamalaki ka na sa kanya", napangiti ulit ang mom niya habang inaalala ang mga nangyari nun na yung iba ay hindi na malinaw.

 

"Hindi ko pa man din nakikita si Joohyun I already want her for you dahil sa lahat ng tao, siya lamang ang nagbigay ng ganung confidence sayo. You're so afraid before but Joohyun made you strong. You're so insecure before but Joohyun made you confident. You're not that cheerful before but Joohyun made you like that", tumingin ang mom niya kay Seulgi with full of love.

 

"Until that incident, sa pagputok ng bulkan. Nagwala ka sa hospital nun ng malaman mo ang balita. You suddenly want to cancel the operation at puntahan si Joohyun but we can't cancel it anymore dahil pag pinatagal pa baka hindi ka makasurvive. That incident gave you trauma at it stressed you out kaya ang epekto ng operasyon ay pagkawala ng iyong ala-ala. I panicked before, Seulgi. My only daughter. You know we did everything para may mga parts na maalala ka diba?", Seulgi nodded her head. Hindi niya alam anong sasabihin niya pero napabuntong hininga siya bago tumingin sa mom niya.

 

"Pero bakit wala kayong nasabi sakin about kay Joohyun nung matapos ang operation, mom?", nagtatakang tanong ni Seulgi.

 

"Nung matapos ang operasyon mo, nawala sa isip ko ang lahat lahat including her. Alam ko nga hindi rin siya nakasurvive kase wala na akong balita about sa kanya nun hanggang sa nawala na talaga siya sa isip ko at nagfocus sa pagpapagaling mo. Until this day, ngayon ko lang ulit siya naalala and hindi ko rin naman alam pano siya hanapin dahil hindi ko alam ang kanyang mukha", sagot nito sa kanya.

 

"Mom, yan po ba talaga ang kwento namin ni Joohyun?", tanong ulit nito.

 

"I don't know all the details, anak. Yan lang ang mga naaalala kong kwento mo noon. I don't really know what exactly happened noong kayo lang ang magkasama", pageexplain ng mom niya.

 

"Is it too late, mom? Para alalahanin ko siya?", nagugulohang tanong ulit ni Seulgi.

 

"Well, it is, kung may iba na siya. Pero as long as ikaw parin ang hinihintay niya, anak. Why not chase her?", sagot ulit ng mom niya.

 

"Paano kung hindi ko na talaga siya maalala, mom? Paano kung wala na talaga? Mom", naluluhang sabi ni Seul at agad siyang niyakap ng mom niya.

 

"Lahat makakalimutan ng isip, anak. Pero pag ang puso mo tumibok, dahil pinaparamdam niya ang dati mong nararamdaman nung naaalala mo pa siya, that's more than enough. Trust me, anak", hinahaplos na ng mom niya ang likod niya para pakalmahin ang umiiyak niyang anak.

 

"Nasaktan ko siya mom", hikbing sabi ni Seulgi.

 

"Nasaktan mo na siya simula nung araw na hindi mo siya maalala, anak. At sinasaktan mo parin siya hangga't hindi mo siya naaalala. Uncover, Seulgi. You already know anong ibig kong sabihin", bumitaw sa pagkakayakap si Seulgi at tumitig sa mom niya.

 

"Am I ready mom?", she really has many concerns.

 

"Matagal na anak. Pero pinipilit mo paring magtago. Maybe, Joohyun is the only one to uncover you?", ang mom niya ang sunod na nagtanong sa kanya.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
incorrecthyun
Meron ako ginawang playlist para sa ff na to skskskksk pakicheck na lang foreword po hehez

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
43 streak #1
Reread
foneall #2
Is there the english version of this story?
i really wanna read this story😭😭😭
its_aaarrriii
43 streak #3
Chapter 16: Reread before magslep, bading bading bading
reveluv316 783 streak #4
Chapter 26: loved this story
serenedipitea
#5
Chapter 26: mindblown sa plot twist <333
snowtaems
#6
I was so happy to check the plot until no english 😭
Oct_13_wen_03 #7
Can u translate in English, I really want to read 😭
zjkdlin0121 #8
Chapter 26: nung nabasa ko yung ending gets kona agad na nag acting lang pala sila haha
Jensoo4everlove #9
Why is this not in English 😭😭
beartokkin
#10
Chapter 1: nooooooooo i am so sad i was so excited to read it and then i saw that it is in another language :((((((