Hello, Sunset

UNCOVER
Please Subscribe to read the full chapter

Special Chapter :)

(Here's the link for the playlist of this fic) ENJOY!!!

 

 

-----

 

Sabi nila, kailanman hindi raw makokontento yung isang tao sa kung anong meron sila. Na sa araw-araw nilang buhay may hahanap-hanapin silang bagong bagay sa buhay.

 

Pero para sa akin, kontento na ako sa piling ng taong mahal ko. Pakiramdam ko nasa akin na lahat. Na sa kada paglubog ng araw, may Seulgi Kang ako na uuwian. Yayakapin sa bisig ko at handa akong ialay ang buong buhay ko makasama lang siya panghabambuhay.

 

Bigla akong napangiti sa mga iniisip ko habang pinapanood siyang nagluluto, para sa amin. Ang sarap sa pakiramdam na gigising ka sa umaga at bungad sayo yung taong mahal na mahal mo.

 

"Seulgi-yah", tawag ko sa kanya.

 

"Hm?", maikling sagot niya.

 

"Gutom na ko", pag-iinarte ko.

 

"Nanay mo ko?", yan laging sagot niya pag nagpapabebe ako sa kanya.

 

"Hindi. Pero nanay ng magiging anak ko", paulit ulit din na ito ang sagot ko.

 

"Hindi pa nga tayo kasal magiging nanay na agad ako aba", sa wakas, hinarap na niya ko. Dali dali akong pumunta sa harap niya at niyakap siya. Mahigpit na mahigpit na parang nakasalalay sa kanya yung buhay ko. Na kapag bumitaw ako mamamatay ako.

 

"Wala ka na sa tabi ko paggising ko", reklamo ko ulit at huminga ng malalim sapat para mapakalma ng amoy niya.

 

"Siyempre kailangan kong magpakawife material. Ayaw kitang gutomin no", sabi niya at hinalikan ako sa ulo kung nasaan ang mole ko.

 

"Ready ka na maging wife ko?", tanong ko pero hindi kumakalas sa pagkakayakap ko sa kanya. Nakapulopot parin ang mga kamay ko sa bewang niya pero nakatingin na ko sa kanya.

 

"Nope", sagot niya at sinamaan ko siya ng tingin.

 

"Nag yes ka nung tinanong ko ang will you marry me tapos---"

 

"Pero ready na ko sa panghabambuhay kasama ka", dagdag niya at hinalikan ako sa noo na dahilan para mapapikit ako. Alam ko sa sarili kong kontento na ko sa buhay na to.

 

"Nakakainis ka", mahinang hampas ko sa kanya.

 

"Kinilig ka lang eh", at dinilatan ako. Aba parang bata.

 

"Gutom na ko", at sinubsob kong muli ang mukha ko sa dibdib niya para tumahan na siya kakaasar sa akin. Inaamin ko naman eh. Kinikilig ako at alam kong namumula narin ako.

 

"Okay baby. Yes baby. Luto na ang breakfast baby", dagdag na pang-aasar niya. I swear hindi kompleto araw niya pag hindi niya ako naaasar.

 

"Seulgi Kang Bae", paisa-isa kong binigkas ito at napatigil siya. Okay, payback time, my Seulgi.

 

"Ah. Unfair", pagpapout niya nung kumalas na ako sa yakap at handa nang asarin siya.

 

"Ikaw ang unfair. Asar talo", ako naman sumunod na dilatan siya.

 

"Nye nye", yan. Ganyan siya pag asar na. Nakakainis.

 

"Kain na tayo. Tuloy ba tayo today?", seryoso nang tanong ko sa kanya.

 

"Uh huh. Doon mo gustong pumunta?", tanong niya habang inaayos ang lamesa at umupo narin ako.

 

"Yep. Maganda raw kase sunset nila doon", sagot ko.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
incorrecthyun
Meron ako ginawang playlist para sa ff na to skskskksk pakicheck na lang foreword po hehez

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
33 streak #1
Reread
foneall #2
Is there the english version of this story?
i really wanna read this story😭😭😭
its_aaarrriii
33 streak #3
Chapter 16: Reread before magslep, bading bading bading
reveluv316 771 streak #4
Chapter 26: loved this story
serenedipitea
#5
Chapter 26: mindblown sa plot twist <333
snowtaems
#6
I was so happy to check the plot until no english 😭
Oct_13_wen_03 66 streak #7
Can u translate in English, I really want to read 😭
zjkdlin0121 #8
Chapter 26: nung nabasa ko yung ending gets kona agad na nag acting lang pala sila haha
Jensoo4everlove #9
Why is this not in English 😭😭
beartokkin
#10
Chapter 1: nooooooooo i am so sad i was so excited to read it and then i saw that it is in another language :((((((