Chapter 12

UNCOVER
Please Subscribe to read the full chapter

"Alalahanin mo, ako'y naging iyo at ika'y naging akin, hindi lamang sa panaginip kundi dito sa mundong puno ng pasakit"-author.


"Seulgi! Ano na plano mo", nag-aalalang tanong ni Lisa sa opisina ni Seulgi. Limang araw na simula nung itigil nila ang shooting.

 

"Anong anong plano? Edi tuloy ang movie", inis na sagot ni Seulgi.

 

"Shunga. Hindi mo ba alam na plano ni actress Bae na itigil ang movie?", napabuntong hininga matapos niyang sabihin ito.

 

"She can't do that", napakunot ng noo si Seulgi habang nakatingin kay Lisa.

 

"Oh. Yes. She can. At alam mo ring barya lang sa kanya ang danyos", napaupo na si Lisa at hinahaplos ang batok.

 

"I will sue her", may galit na sa mga salita ni Seulgi.

 

"You know you can't", Lisa sound defeated.

 

"Seulgi, ano ba kaseng nangyari? That night. Anong nangyari? May ginawa ka ba para magturn down si actress Bae? Baka pwede pa nating ihingi ng tawad?", mahinahon na sabi ni Lisa habang nakatingin parin siya sa sahig.

 

At nagflashback na nga ang mga nangyari sa gabing yun. Kung pano niya pinahiya si Irene. Paanong sinabihan niya siya ng mga salitang hindi dapat. Masisisi mo ba siya? Kung siya mismo galit sa nararamdaman niyang hindi maipaliwanag. Kung bakit at paanong inuutusan siya ng puso niyang alagaan si Irene pero kinokontra ito ng isip niya.

 

Sa tingin ba ni Irene siya lang ang nahihirapan? Pati si Seulgi na sobrang sakit na ng ulo niya kaiisip bakit ganito siya kay Irene pero yung puso niyang sobrang kalmado sa mga pangyayari.

 

Yung painting, yung singsing, yung amoy ni Irene na amoy kape. Yung urge niyang alagaan at protektahan siya. Gulong gulo na siya. Parang ang mga bagay na ito ay nangyari na pero napakalabo sa panaginip niya. Ano bang nangyari noon na hindi niya maalala? Ano bang mayroon sa nakaraan na bakit tila nabura?

 

Gustong gustong magtanong ni Seulgi sa mama niya pero nirerespeto niya at nag-aalala siya sa mararamdaman nito. Alam niyang matapos ang operasyon niya nalaman niyang kasama sa mga namatay ang papa niya sa volcanic eruption na may kasamang lindol. Na kapag nagtanong si Seulgi sa anong nangyari sa mga panahon na yun maaalala lang niya ang papa niya at natatakot siyang maibalik sa mama niya ang sakit. Yan ang dahilan bakit kailanman hindi nagtanong si Seulgi sa kung anong nangyari bago ang operasyon niya.

 

Napaisip din siya kung kasama ba si Irene sa ala-ala niya bago ang operasyon kaya natanong niya ito minsan sa kuya niya noong umuwi siya.

 

"Kuya", tawag ni Seulgi habang nainom ng kape ang kuya niya sa kusina.

 

"By any chance. Bago mawala ang ala-ala ko", napatigil si Seulgi.

 

"Its okay to ask, Seul. At kung inaalala mo na babalik yung pait about sa nangyari kay dad. Ang masasabi ko lang never nawala yung sakit. Magtatanong ka man or hindi about dun, masakit parin. So go on", pagaassure ng kuya ni Seulgi at tinawag niya ito upang umupo sa harapan niya.

 

"Ano kasi. May nakilala ba akong Irene ang pangalan noon?", nakayukong tanong nito sa kuya niya.

 

"Sino bang Irene yan? Baka si actress Bae ha. Crush mo?", pangaasar ng kuya ni Seulgi at agad naman niyang dineny ito.

 

"No. No. No. Hindi. Ah. Ano kase. Ano", nabubulol na sabi ni Seulgi.

 

"Inaasar lang kita. Ano ka ba", natawang sabi ng kuya niya.

 

"Kuya naman eh!", pagpapout ni Seulgi. The baby that she is sa family nila. Natawa lang ulit kuya niya at muling nagsalita.

 

"About jan. Irene. Wala akong maalala sa mga kaibigan na Irene ang pangalan o kahit sinong naencounter mong tao. Ang weird na sa dami ng Irene sa mundo eh wala kang nameet na ganun ang pangalan", napakibit balikat ang kuya nito.

 

"Oh", tanging sagot lang ni Seulgi.

 

"Tandaan mo, Seul, kung hindi pa makaalala ang isip mo, wag mong pilitin, baka may risk ulit na dumating, wag naman sana. At kung hindi maalala niyan, sigurado, maaalala yan ng puso mo. Alalahanin mong nakilala mo ulit kami ni mama kase tinuro yan ng puso mo at hindi ang utak mo", sabi nang kuya niya bago tumayo at ginulo muna ang buhok ni Seulgi bago umalis sa kusina.

 

Napaisip na naman ulit ito. Napahawak sa kanyang ulo habang nakatingin sa lamesa bago pumikit.

 

"Irene. Irene. Irene Bae. Hindi talaga kita maalala. Wala akong maalala na Irene gaya ng sabi ni kuya. Pero bakit. Bakit ganito ang epekto mo sa puso ko. Bakit somewhere in my life eh nakasama kita. Pero bakit hindi familiar ang pangalan mo sakin, kahit katiting", bulong ni Seulgi sa sarili niya at ginulo ang sarili niyang buhok dahil sa frustrations niya sa mga pangyayari ngayon.

 

"Seulgi", tawag sa kanya.

 

"Seulgi!", may tumawag ulit sa kanya.

 

"Seulgi Kang!"

 

"Ouch!", haplos nito sa ulo niya dahil may bote ng tubig na walang laman ang dumampi sa ulo niya.

 

"Wendy! Aray ko!", sigaw nito habang hinahaplos ang ulo niya.

 

"Gaga. Kanina ka pa kase namin tinatawag. Di ka namamansin", saway ni Jisoo.

 

"Mga ilang minuto ka rin na nakatulala kase gaga. Nakatulala ka nung umalis ako para tawagin sila tas nakatunganga ka parin pagbalik namin", sabi ni Lisa.

 

"Bakit kayo andito? Wala namang meeting eh", hayag ni Seulgi habang hinahaplos parin ang ulo neto.

 

"Wala nga", maikling sabi ni Rosé.

 

"Pero kailangan may gawin tayo", buntong hininga ni Jisoo.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
incorrecthyun
Meron ako ginawang playlist para sa ff na to skskskksk pakicheck na lang foreword po hehez

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
33 streak #1
Reread
foneall #2
Is there the english version of this story?
i really wanna read this story😭😭😭
its_aaarrriii
33 streak #3
Chapter 16: Reread before magslep, bading bading bading
reveluv316 771 streak #4
Chapter 26: loved this story
serenedipitea
#5
Chapter 26: mindblown sa plot twist <333
snowtaems
#6
I was so happy to check the plot until no english 😭
Oct_13_wen_03 66 streak #7
Can u translate in English, I really want to read 😭
zjkdlin0121 #8
Chapter 26: nung nabasa ko yung ending gets kona agad na nag acting lang pala sila haha
Jensoo4everlove #9
Why is this not in English 😭😭
beartokkin
#10
Chapter 1: nooooooooo i am so sad i was so excited to read it and then i saw that it is in another language :((((((