Chapter 7.

katipan sa katipunan.
Please Subscribe to read the full chapter

JENNIE POV

 

"Ano nga ulit yung bayan na pupuntahan natin?"

 

"Los Baños."

 

I wore my seatbelt and started the engine, bago kami tuluyang umalis ng rest house ay pinagmasdan ko muna ang kabuuan nito. Humalukipkip ako at tinanaw ang veranda kung saan naroon ang favorite spot namin ni Mommy at Daddy. 

 

Ito na siguro yung huling beses na narito ako bilang may-ari ng bahay. Hindi ko maiwasang hindi malungkot, sa isang iglap ay posible pala talagang mawala sa'yo ang lahat, at sa hindi mo inaasahang pagkakataon ay ito pa yung kung ano na lang ang mayroon ka.

 

"Irog."

 

"Jisoo."

 

"Is there something wrong? Pwede naman tayong umuwi ng Manila at 'wag nang tumuloy sa Laguna."

 

"Walang dahilan para hindi tumuloy. Alam kong matagal mo nang gustong umuwi roon, I want you to see your grandfather."

 

"Irog." Mahinahon niyang sambit. "Palagay ko talaga ay may bumabagabag d'yan sa puso't isip mo. Pwede kang mag sabi sa'kin, ako lang 'to." Aniya at tinapik ang balikat ko. "Handa akong makinig palagi sa'yo, irog."

 

She softly pinched my cheeks and gave me a reassuring smile. Tinanggal niya ang kanyang seatbelt at yumakap sa'kin, ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat. "Pero kung hindi mo kayang sabihin ay ayos lang. Makakapaghintay naman ako, irog ko." She smiles at me and pouted her lips.

 

Sino ba naman ang tatanggi sa labing 'yan? Ipinikit ko ang aking mata bago tumingin sa kanya, she's right, mabuti na lang ay nandito siya, i have someone to share all of my doubts and fears, and i think that's very comforting.

 

"Napagdesisyunan nang ibenta ng mga magulang ko ang rest house, Jisoo." Sambit ko. "Wala na akong mapupuntahan kapag gusto kong mapag-isa para mag-isip ng mga bagay. This house will always be my safe haven, and i'm not even sure kung matatawag ko pa ba itong tahanan, kasi, yung dahilan kung bakit ko naramdaman ang panatag na kalooban dito, ay sila rin pa lang dahilan kung bakit bumibigat."

 

"Irog," She plays with my hair and her lower lip. Hinaplos niya ang aking kamay at inangat ang baba sa pagkakatuon mula sa aking balikat. "I am here, pwede mo akong puntahan sa mga panahon na gusto mong mapag-isa, i'll make sure you're safe with me, we can make our own home, Jennie, in our own pace, and we'll make it work just like what you said." She whispers and softly kissed my shoulder.

 

Ngiti at mahigpit na yakap na lang ang aking isinukli sa kanya. Mahirap para sa'kin mag labas ng emosyon dahil ang palagi kong ipinapakita sa iba ay yung mga bagay na gusto ko lang na makita nila. But Jisoo is different, I want her to see every part of me, dahil walang pag-aalinlangan niyang ipinapakita at ipinapakilala ang kanyang sarili sa akin.

 

"Thank you. I appreciate it so much." I patted her back pero hindi pa rin ito kumakalas sa yakap.

 

"You don't have to worry about everything, let's focus on what's left behind, irog." Aniya. "Balang araw, ibabalik ko ang lahat nang nawala sa'yo, at kung mapasama man ako roon, babalik ako because i want to be your safe haven, i want to be your peace. At alam ko na masyado pang maaga para sabihin 'to but i want you to be with me for the rest of my life."

 

"Jisoo, you're making me cry."

 

"And i'm here to wipe those tears away." Hinalikan niya ang aking pisngi at kumalas na sa yakap. Muli niyang inayos ang buhok ko at ngumiti ng matamis.

 

"I'm curious at one thing."

 

"Yes, irog?" She asked.

 

"Why do you want me for the rest of your life?"

 

"Ako ba, ayaw mong makasama habang buhay?"

 

I was caught off guard, marahan kong hinawakan ang baba niya, pinaglaruan ko ang kanyang labi bago humalik doon. I accidentally bit her piercing there and immediately looks away.

 

"Masakit, irog." Reklamo niya at umaktong papaiyak na habang hawak ang kanyang labi.

 

"I'm sorry." I chuckled and gave her a peck.

 

"Masakit pero masarap. Isa pa nga." Natatawa niyang sambit at ngumuso. Umirap na lang ako at sinampal ng mahina ang mukha niya. Muli niyang isinuot ang seatbelt at ibinaling ang tingin sa rest house.

 

"I couldn't find the location in waze, Jisoo."

 

"Ano pang silbi ko rito kung hindi ko naman ituturo ang tamang daan sa'yo?" My eyes widened, hindi ko alam kung bakit iba ang ibig sabihin no'n sa akin.

 

"Ah, alam mo naman na i'm not good at directions, e."

 

"Hindi ka maliligaw kapag ako ang kasama mo, irog." Hinawakan niya ang kamay kong nasa ibabaw ng gear. "Let's go?" I nodded and started driving.  Nang marating namin ang intersection ay bigla siyang nag salita at may tinanaw sa kalsada.

 

"Irog, can you make tigil there?" Umiwas ako ng tingin at ngumiti. Nagsisimula na talaga siyang maging conyo at hindi niya 'yon napapansin.

 

"Okay, Jisoo. Where?" I asked and shifted the gear.

 

"There, o." She pouted the other side of the street.

 

Nakita kong may nagtitinda roon ng iba't ibang uri ng bulaklak, may prutas din at kung ano pa. Nang maiparada ko ang Corvette sa tapat nito ay parang nag-aalinlangan pa siyang bumaba. Looks like she's gonna buy something kaya may bigla akong naisip.

 

"Jisoo, I want to buy something for your Lolo."

 

"Let's buy together na lang. That's what i'm planning to do, e."

 

"Okay." She get off the car and followed me. I held her arm habang naniningin ng mga prutas. Hinaplos ko ang tinta sa braso niya hanggang sa tingnan niya na ako.

 

"Do you love my tattoos that much?" She asked.

 

"Huh?" Wala sa wisyo kong sagot. "Why?"

 

"Mas madalas mo pang hawakan 'yan 'kaysa sa kamay ko." Aniya, "Ano pang silbi ng kamay ko, kung hindi lang din naman pala mahahawakan yung iyo?" Her voice is being sarcastic. Mukhang may balak na naman siyang mang-asar.

 

Inilipat ko ang aking kamay sa leeg niya at umakbay sa kanya. I even held her face para iharap 'to sa akin, kinagat niya muna ang kanyang labi bago ako tingnan sa mata, napansin ko ang pag haba ng nguso niya but I shaked my head.

 

"No, maraming tao."

 

"Isa lang. Damot."

 

I raised a brow, unti-unti siyang lumapit sa mukha ko para humalik sa aking labi, hindi ko namalayan na lumalim na pala ang halik namin sa isa't isa kaya humigpit ang hawak ko sa kanyang batok. I heard her cursed nang maibaon ko ang aking kuko roon.

 

Parang nanghina ang aking tuhod nang bumaba sa bewang ko ang kamay niya at hinaplos 'yon, I gasped when she bit my lower lip kaya napahawak ako sa kung anong nasa likod namin na 'yun pala ay yung mga prutas kaya ang nangyari ay nahulog at gumulong ang mga ito sa kalsada dahilan para matigil ang ginagawa namin ni Jisoo.

 

"Mga ija, maraming hotel dito sa Tagaytay, bakit hindi kayo mag check in?" Halos masamid ako sa aking narinig kaya itinulak ko si Jisoo at umakto na parang walang nangyari.

 

"May balak ba kayong bumili? Kung wala ay makakaalis na kayo dahil haka mabulok pa ang paninda ko." Masungit na sambit ng tindera at pinaypayan pa ang sarili. Irita ang kanyang tingin at hindi makapaniwala sa nakita.

 

Mabilis na tumango si Jisoo na ngayon ay may namumuong pawis sa noo, agad niyang kinuha ang mga nahulog na prutas sa kalsada. Umubo pa siya at nag ayos ng sarili bago dumampot ng kung anong prutas kahit hindi niya naman ito tinitingnan. Inabot niya ito sa tindera at tumingin sa'kin, nagpipigil siya ng tawa habang kagat ang labi.

 

Para akong namula, nag halikan kami sa gilid ng kalsada for crying out loud. Napansin kong hindi lang pala tindera ang nakakita sa amin. Nasaan na kaya ang aking dignidad? Huminga ako ng malalim at sa laylayan na lang ng damit niya kumapit. Agad akong nag suot ng salamin para umiwas ng tingin sa tao.

 

Tahimik lang siya hanggang sa kunin niya na ang eco bag na may lamang prutas na pinamili namin. Jisoo was about to make bayad pero pinigilan ko 'yon. Nakita ko ang pag taas ng kilay ng tindera sa amin. Umirap ako at tinaasan din siya ng kilay. Kumuha ako ng isang libo sa aking wallet at inabot 'yon sa kanya. 

 

"Keep the change." I said at mabilis na umalis roon dahil sa kahihiyan. Hinigit ko si Jisoo sa harap ng Corvette at doon lang siya nag salita ulit.

 

"Nakita mo ba yung reaction nung tindera?" She asked and laughed out loud. "That was an epic fail, Jennie." Aniya at sinilip pa yung nakakita sa'min kanina. "Kawawa naman yung mga prutas, nahulog." Humalakhak pa siya at humawak sa kanyang tiyan.

 

"That wasn't funny."

 

"Alam ko, kaya lang naman ako natawa kasi nahulog yung mga prutas, e." Umirap ako dahil hindi pa rin siya tumitigil. Kinurot ko ang tagiliran niya at doon lang siya tumigil. Itinikom niya ang kanyang bibig at umiling sa'kin, senyales na hindi na siya tatawa ulit.

 

"Let's go." I plainly said.

 

"Sandali, may bibilhin pa 'ko, e."

 

I rolled my eyes. "What?"

 

"Bulaklak." She smiles at me and placed her arm on my shoulder, dinala niya 'ko sa bilihan ng bulaklak at namili roon habang nakakunot ang kanyang noo.

 

"What's your favorite flower, Jennie?"

 

"Oh." Do I even have a favorite flower? "I have none."

 

"What do you mean?" Her brows furrowed.

 

"Wala akong paboritong bulaklak, Jisoo. But my mother used to send me a blue flowers in my room everytime na hindi siya nakakauwi agad, and that was before, nung bata pa 'ko." I suddenly feel sad about it.

 

She nodded her head and caressed my arm. "What's your favorite color then?"

 

I wonder why. "I think it's blue."

 

"Oh, is it because you're a blue blooded Atenean?" 

 

"So ikaw kulay maroon?" I asked sarcastically.

 

"Tsk!" Hindi niya makapaniwalang sagot. "Why blue?"

 

"Because blue is the warmest color, Jisoo."

 

Napanganga siya sa aking sinabi, mukha natulala pa siya sa sinagot ko at itinikom ang kanyang bibig nang mapagtanto ang kanyang itsura. "Sige, asul. Sabi mo, e." Ano na naman kaya ang pakulo nito?

 

I shrugged it off and took my phone, palihim akong kumuha ng litrato niya habang tumitingin ng bulaklak. Inaamoy niya pa ito hanggang sa bigla siyang tumingin sa'kin kaya agad kong tinago ang telepono ko.

 

"Ano 'yon?"

 

"Huh? Wala, ah!"

 

"Labas mo phone mo, kuhanan mo 'ko." May hawak siyang isang tangkay ng kulay asul na rosas at tinapat sa mukha niya. She made a different poses in front of my camera until she placed the stem on the back of my ear. I'm glad i recorded it, she was all smiles on the video at para akong namula sa ginawa ni Jisoo. "Ang ganda naman ng irog ko na 'yan."

 

"Bagay na bagay." She added, inayos niya pa ang buhok ko dahil natatakpan nito ang aking mukha dahil sa malakas na hangin. "Bagay na bagay sa akin." She kissed my forehead at inilipat ang atensyon sa tindero. 

 

Kaya pala niya tinatanong ang paborito kong kulay. She bought a bouquet of blue roses for me, "What's meron, Jisoo?"

 

"Tayo." She confidently said with all of her heart. "Tandaan mo yung araw na sinabi mong tayo na, ah! September 5– e, September 6 na ngayon kaya happy daysary, Jennie!" Tuwang tuwa siya sa kalokohan niya. Hindi ko alam kung bakit siya ganyan, pero dahil nga ganyan siya, mahal ko siya. "May 5ever."

 

"Whatever. Alam mo, one of these days, hindi na ako magugulat kung gagayahin mo yung nakita ko sa facebook."

 

"Ano 'yon, irog?"

 

"I don't know if you saw it but a teenager couple celebrates their monthsary, i think? And then the boy just wrote a message sa paper na halos kasing haba na ng isang hallway." Umalingawngaw ang tawa niya at pumikit pa.

 

"Kung ano anong nakikita mo, irog."

 

Kinuha ko ang bulaklak sa kanya at inamoy iyon.

 

"Syempre," she chuckles. "Wait lang, ah." I nodded my head, mukhang hindi pa siya tapos maningin ng bulaklak. 

 

To my surprise, bumili siya ng fresh sunflower and it is placed on a pot. Kumunot ang noo ko sa pagtataka kung bakit 'yon ang naisipan niyang bilhin dahil nasa paso pa. "What was that for, Jisoo?" I asked.

 

"Ah, itatanim ko sa bahay." 

 

"For what?"

 

"Ito kasi ang paborito kong bulaklak."

 

"Oh, and then?"

 

"I'll grow them, at kapag lumago na, doon na lang manggagaling ang ibibigay ko sa'yo." Aniya at nag bayad na. "Dahil hindi lang kita basta gustong bigyan ng mga bagay na kaya kong ibigay, irog. I want to give you something that will remind you na kung ang bulaklak nga ay kaya kong alagaan at hintayin sa pag lago, ikaw pa kaya?" She whispered with a soft sincereness in her voice while staring at me with love in her eyes.

 

I find it very romantic, the way she puts all of her efforts makes me fall inlove with her more. "Irog."

 

"Jisoo."

 

"Will you marry me?" 

 

"What?!" Sa gulat ay naihampas ko ang bulaklak sa kanya.

 

Tumawa siya ng malakas at sumilip pa sa'kin para makita ang reaction ko. "Practice lang, irog." She gave me a peace sign, napasapo na lang ako sa noo ko at umiling dahil sa kanyang sinabi at reaction.

 

"Mahina ka pala, e. Kailangan mo pa ng practice."

 

"Tsaka na kita tatanungin ulit kapag praktisado na 'ko."

 

"You want to marry me, Jisoo?"

 

She her lower lip. "Jennie, I date to marry."

 

Alam mong seryoso siya kapag ang itinawag niya na lang sa akin ay pangalan. Jisoo seems to be the futuristic type of person. Sobrang advance niyang mag-isip sa mga bagay na bago ko pa lang naiintindihan, para akong nakikipag-usap sa matanda palagi. Although she's old enough to know and understand what she wants in life, siya yung tipo ng tao na handang buksan ang buhay para sa iba at sa sarili niya, na kahit marami na siyang alam ay gusto pa rin matuto. 

 

Ngayon ko lang napagtanto ito, dahil sa loob nang ilang buwan na kami ay magkasama, hindi lang ako ang natuto sa kanya. Natuto rin siya. Natutunan niyang kabisaduhin ang buong pagkatao ko.

 

At katulad nang pag-aaral niya sa pinakamamahal niyang musika, natutunan niya kung ano ang dapat ilapat sa taludturan na nais niyang iparamdam at ibahagi sa'kin sa pamamagitan ng pag bigkas sa bawat linya na kanyang inilalabas— para madama ko na ang pagmamahal niya sa'kin ay totoo, at para makabisado niya ang totoong ako.

 

"Malapit na tayo. Tingin ka sa kaliwa, makikita mo yung rebulto ni Jose Rizal." I looked at the left side of the road, tumango ako at nakita nga ang rebulto ng bayani.

 

"Tingin ka sa kanan, you'll see the right person for you." Ngumisi ako at kinagat ang labi para asarin siya.

 

"No, I should focus on the road."

 

"Luh! Ayaw mo bang makita ang tamang tao para sa'yo?!"

 

"Ang sarap mong ibaba sa gilid ng kalsada. Alam mong nagmamaneho ako tapos puro kalandian ang pinapairal mo." Sambit ko at hinawakan ang mukha niya nang hindi tumitingin sa kanya.

 

"Sige na nga. Mamaya ka sa'kin pag baba natin."

 

"Landi mo!" Kinurot ko ang pisngi niya at ibinalik na ang kamay sa manibela.

 

"Gustong gusto mo naman, 'diba?" She teased.

 

"Ewan ko sa'yo." She giggles and change the music, tagalog ang tumugtog at sinabayan niya ang kanta.

 

Oh wag kang tumingin

Ng ganyan sa 'kin

Wag mo akong kulitin

Wag mo akong tanungin

 

"Kilala mo ba yung vocalist ng Sugarfree?"

 

"No, e." I answered.

 

"Si Sir Ebe." Aniya. "Yung kumanta ng Hari ng Sablay— tsaka Makita Kang Muli? I'm sure alam mo 'yon. Soundtrack 'yon ng mga lumang palabas, e."

 

"I'm not familiar with any of it, Jisoo."

 

"Nye!" Singhal niya. "Anyway, 'yan! Yung bandang tumutugtog— Sugarfree 'yan. Tapos yung vocalist nila taga rito. The good thing about it is he's just around. Madalas siyang may gig dito sa Elbi."

 

"Elbi?"

 

"Los Baños."

 

"Huh? Paano naging Elbi?"

 

"L tsaka B, edi Elbi, baby."

 

"Interesting." 

 

"Lupit 'yan! Palagi rin siyang may gig sa Route, sa Quezon City." Oh, doon rin siya madalas may gig. 

 

"That's nice. Have you met him?"

 

"Oo, may picture pa nga kami no'n!" She looks happy while saying that. "Ito, sigurado ako kilala mo."

 

"Who?"

 

"Rico Blanco, taga San Pedro naman siya, bayan din ng Laguna, irog. Siya naging vocalist ng Rivermaya after Bamboo left the band." 

 

"No, i don't know them. Sorry."

 

"What? You didn't know Rico? Siya yung kumanta ng Your Universe— kinakanta ko sa'yo palagi 'yon, irog."

 

"I know the song— pero hindi ko kilala yung artist."

 

"Kung gano'n, sino lang pala ang kilala mo?"

 

"A great musician named Jisoo Kim." I said seriously.

 

Kinagat niya ang kwelyo ng kanyang flannel at hindi na muling nag salita. Kung alam ko lang, kinikilig na 'yan. We continued listening to her playlist. I should keep up with her interest, para naman may alam ako kapag may kwento siya sa'kin. Itinuro niya ang daan papunta sa bilihan ng buko pie bago kami tuluyang makarating sa kanila dahil paborito daw 'yon ng Lolo niya.

 

"Pag dumaretso ka d'yan, makikita mo na UPLB."

 

"Oh." I nodded. "Malapit lang pala sa inyo?"

 

"Yes, irog. Walking distance lang." Scam. Yung huling beses na sinabi niyang walking distance lang, ang layo ng nilakad namin.

 

"Bakit nakarating ka ng Diliman kung may UP naman pala dito?"

 

"Walang music course dito, Jennie."

 

"Right." Tipid kong sagot. 

 

Palipat lipat ang tingin niya sa magkabilang kalsada. She took a photo of the road, itinapat niya rin sa'kin ang camera. Looks like she's recording na naman dahil pinapatingin niya 'ko, and when i looked at it— nag salita siya.

 

"Maligayang pag dating sa bayan ko, irog."

 

"At maligayang pag dating sa buhay ko, Jisoo."

 

She hid her phone after that. "You're different than the usual. What's wrong?"

 

"Nothing, I just appreciate your existence so much."

 

"But my life feels better when i know you've existed."

 

"We are too sweet, aren't we? Baka mag hiwalay tayo niyan..." My voice was filled with humor pero walang reaction ang kanyang mukha, she's looking at me na para bang may mali sa sinabi ko.

 

"We were just being true to each other, Jennie. And i think, it's very important to be vocal about our feelings so it won't be hard for us to make it work together, right? Don't talk about the break up. Hindi ko hahayaan mangyari 'yon."

 

"I know, but you know how hard it is for me to let out my thoughts and emotions, Jisoo. I don't even know how to express myself sometimes. Ayoko naman na ikaw lang ang kayang umintindi sa ating dalawa. It's not fair, i don't want to be unfair to you."

 

"I got you, Jennie. Don't worry about it. If you're struggling about your choice of words, just say what you have on your mind, i'm here to figure it out and put them together." She whispers. "My ears are all yours."

 

"And i'm all yours, Jisoo."

 

"Now, stop being sweet and let's go outside. Lumalamig na yung buko pie." Aniya, "Mas masarap 'to kapag mainit habang umiinom ng kape." Bulong niya sa aking tenga at tumawa ng mahina roon bago ituro yung limang kahon na may lamang buko pie.

 

Nasa harap kami ngayon ng isang bahay na may dalawang palapag. Ang ibaba ay gawa sa bato, ang itaas naman ay kahoy. It looks like an ancestral house from the 19th century. May gate na dalawa o hanggang tatlo tao lang ang kasya at pag pasok mo roon ay may hagdan para makarating ng main door. 

 

Maraming halaman ang paligid ng bahay at kung hindi ako nagkakamali, bulaklak 'yon ng santan. Pinagmasdan ko ang paligid, maraming bata ang naglalaro sa kalsada at ang iba pa'y walang suot na tsinelas. Panandalian silang tumitigil kapag may dumadaan na tricycle at motorsiklo. May mga aso rin na pagala-gala, at mga namimisikleta sa daan.

 

Ganito pala ang probinsya, napagtanto ko lang na kahit hanggang dito ay hindi nawawala ang mga tsismosa. Napansin ko ang mga matang kanina pa nakatingin sa amin ni Jisoo, some of them are old habang may hawak na abaniko at ang suot ay daster. Grupo sila ng matatanda na nasa harap ng tindahan habang nagbubulungan. Mabuti na lang ay may suot akong salamin kaya hindi nila kita ang pag-irap ng aking mata.

 

"Irog, ipinapaalala ko lang sa'yo na sa Laguna ka nag punta at hindi sa kabilang dimensyon ng mundo."

 

"Oh, sorry." Ibinaling ko ang aking tingin kay Jisoo at hindi na lang pinansin ang paligid.

 

"Is this your first time?"

 

"Yeah, actually."

 

"But i guess, hindi ito ang unang beses na ipinakilala ka sa pamilya, 'no? Typical rich kid things."

 

"No, Jisoo. Nangyayari lang na may nakikilala akong pamilya when my parents invited me over a dinner. It's their business partner together with their child." 

 

"Ah, fixed marriage?" She chuckles.

 

"No, that's so absurd. Para naman nila akong binenta kung gano'n. At hindi naman sila papayag sa relasyon natin kung ipapakasal lang nila ako sa iba."

 

"You have a point. Anyway, let's go?"

 

"I am nervous." I let out a loud breath.

 

"Ako ang bahala. Mabait ang Lolo, hindi siya nangangagat." Sambit niya at umakbay sa'kin.

 

"Pero ikaw, oo?" I asked sarcastically.

 

"Kung gusto mo ba, e." 

 

"Whatever, Jisoo."

 

"Tara na." She kissed my jaw and bit her lower lip.

 

"Dito ka lumaki?" I asked.

 

"Oo, irog. Dito rin ako unang nadapa." Inginuso niya ang tapat ng gate, natatawa siya ngayon kaya umirap na lang ako.

 

"Do you still remember that?"

 

"Syempre, hindi! Joke lang 'yon, irog." She laughs.

 

Hindi ako sumagot at tinulungan siyang ibaba ang mga gamit niya, pati na rin ang binili namin kanina. She slowly opened the gate at sumilip muna sa loob. Ang alam ko ay hindi alam ng Lolo niya na uuwi siya ngayon. She wants to surprise him. Tahimik ang bahay, i wonder kung may tao ba sa loob nito.

 

"Jisoo, ikaw na ba 'yan?"

 

Nang umakyat kami papasok sa loob ay sumalubong sa amin ang matandang lalaki, ito na siguro ang Lolo niya, puting puti ang buhok at may suot na salamin sa mata. He's sitting on a rocking chair habang hawak ang baston gamit ang kanang kamay. Malayo ang tingin nito mula sa bintana ng bahay. Palagi siguro siya nitong hinihintay umuwi dahil pag bukas pa lang ng pinto ay pangalan agad ni Jisoo ang binanggit.

 

"Lo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Chands26 #1
Chapter 13: authorrr baka naman update po
markaxel
#2
Chapter 13: Hay mga irog namiss ko kayo 🥹
bbnifubuki
#3
Author, asan na yung kahulugan
Hunny_funny8888 #4
Chapter 11: Author...beke Nemen, update na author 🙃
Chichu07 #5
Chapter 11: 2020 na wala paring update
rosesarerozay #6
Chapter 11: i really wanna know the story behind jisoo's hatred (?) sa mga kabandmates niya especially to jinyoung and SOOJOO if ever man na yan yung right term sa nararamdaman niya kay soojoo in the present. jisoo mentioned kasi na soojoo ruined her daw sa chapter na 'to but still has a soft spot sa kanya however. plus isnt jisoo the one who left and the reason why the band separated, kasi nga umalis lang siya after niya maging madesisyon sa lahat-lahat lmao. we dont know why jisoo and jinyoung hate each other too but i think dati pa ata yan nung hindi pa umalis si jisoo. but who knows actually? maybe because jisoo is selfish and perfectionist and jinyoung doesnt like her attitude? we really dont have any idea. but if ever na that's the case, then jisoo is a one ed up judgemental hopeless romantic, selfish and perfectionist, iskolar ng bayan 💀
rosesarerozay #7
Chapter 10: i dont like jisoo here kita mo talaga yung pagiging mapride at perfectionist niya sa chapter na 'to. nabwisit ako sa part na nagpapractice silang magbabanda tas agagalit agad like wow kapal naman ng mukha mo magdemand ng gusto mo after ng ginawa mo dati 💀 tas etong si jennie rin jowa mo lang biased ka na agad anong pinagsasabi mong parehas silang mali eh si jisoo lang naman talaga ang problema 💀 parang kanina lang sinabi mo pang mukhang pagod na silang lahat tas ngayon so bakit tinotolerate mo pagiging selfish at perfectionist ni jisoo my god. pero ano pa bang magagawa natin eh jensoo au to. i just hope na may character development siya throughout the upcoming chapters. labyu author
Reallisooo
#8
Chapter 11: Namiss ko ang mag irog na 'to. Namiss rin kita otor <3 hahaha salamat sa pag update!
bbnifubuki
#9
Chapter 10: Be my counselor otornim
dolcerina
#10
Chapter 11: Gandaaaa. Omg. Thank god nahanap ko to.