Chapter 1.

katipan sa katipunan.
Please Subscribe to read the full chapter

JENNIE POV

 

Mag-isa akong umiinom ng paborito kong brewed coffee from Starbucks sa Fully Booked while reading one of my favorite books. Most importantly, I love the smell of books kaya minsan tumatambay ako rito. Well, until I heard someone speak.

 

"Hinding hindi ako magkakagusto sa Atenista, tol."

 

To think na she caught my attention? Well, congrats dahil hindi naman ganoon kabilis maagaw ang atensyon ko ng kahit sino lang.

 

I was caught off guard when an unfamiliar woman said that. I removed my airpods and raised a brow nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil siya'y nakatalikod sa'kin.

 

Humalukipkip ako at sinuri ang bmbunan niya hanggang talampakan. I smirked at the view. Her hairstyle is in a messy bun kaya kitang kita ko ang kinis ng kanyang leeg. I bit my lip and raised my brows. Ang dami niyang hikaw sa tenga.

 

She's wearing a black flannel na may black shirt sa loob and a black shorts na tama lang sa hita niya. It shows how much she loves color black, huh. I nodded my head when I saw a tattoo on her left leg. 

 

She has an ink. 

 

Ang kanyang suot na sneakers ay kulay puting Chuck Taylor na low cut at sa tingin ko ay luma na. Naningkit ang mata ko nang kunin niya ang tote bag sa ibabaw ng lamesa at may kinuhang salamin sa loob nito pero namilog ang mata ko nang mapansin ang nakasulat sa tote bag na hawak niya.

 

ISKA.

 

Ang dalawa niyang kasama ay nakaharap sa'kin. Isang singkit na babae na matamang nakikinig sa kanya habang may hawak na film camera, ang isa naman ay blonde na yakap ang duffel bag at kanina pa tumitingin sa aking direksyon dahilan para maagaw ng maingay nilang kasama ang atensyon ko.

 

"Alam niyo ba kung bakit?" The woman asked at tinanggal ang bun ng buhok niya bago isuot ang salamin sa mata. May napansin din akong gitara sa tabi niya. Are they in a band?

 

I wanna see her face so bad. Why am I so curious?

 

Tumaas ang kaliwang kilay ko nang mapansin ang ID Lace ng dalawang babaeng natatanaw ko na abalang makinig sa kasama nilang nagsasalita. They're Iska? I think so. Maybe.

 

"Okay. So, what do we have here?" The blonde asked at binitawan ang duffel bag. From the looks of it, hindi siya kasing hyper ng mga kasama niya. Parang malalim ang iniisip.

 

"Ang dami mo na naman pinaglalaban, tol. Yung totoo, iniwan o niloko ka ba ng isang Atenista, ha?" Tanong naman nung chinita at umismid sa kanya. "Kala mo talaga, e, 'no!"

 

"Hindi, tol!" Umiling siya. "Makinig kayo sa'kin."

 

Hindi ko alam kung bakit pati ako ay nakikinig din. I caressed my necklace and put my airpods on my back pack.

 

It's actually my favorite bag from Chanel that I ordered from the States last month.

 

"Dahil ang mga 'yan, mayayaman." What?

 

Ayaw niya sa Atenista dahil mayaman? She's weird.

 

"Biruin niyo, tol! Wala ako sa level nila!" Sambit niya at itinaas pa ang manggas ng suot niyang flannel na akala mo naman ay makikipag-away sa kausap niya. Parang siga ang kanyang dating ng dahil doon. 

 

What a woman. Warfreak.

 

"Masyado silang mataas at palaging namimintas."

 

Kinagat ko ang aking labi nang matawa dahil binigkas niya 'yon sa tono ng pamilyar na kanta pero agad din akong sumimangot nang mapagtantong nag sasalita siya ng hindi maganda tungkol sa isang katulad ko.

 

Galit na galit— kung hindi lang mahaba ang pasensya ko ay baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya. Gusto ko siyang sapakin pero kailangan kong kumalma.

 

Keep calm and maintain that posture, Jennie.

 

"Yung mga 'yon, tol!" Panimula niya. "May auto na isang hingian lang sa businessman nilang magulang na maraming koneksyon sa gobyerno at linggo-linggong may business trip, yung iba may bodyguard at driver pa, tapos mga nakatira sa mansyon na centralized ang aircon kaya para kang nasa jollibee! Ang malupit pa doon, yung tuition nila ng isang sem, pwede na akong mabuhay ng isang taon doon!"

 

Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Bakit ba parang naging kasalanan ko pa na ganito ang buhay ko? Hindi ko naman ginustong maging mayaman, hindi ko rin ginustong magkaroon ng pribilehiyo. 

 

Masyadong mataas ang tingin niya sa mayaman at dahil doon ibinababa niya ang kanyang sarili. Aaminin ko na tinamaan ako sa mga pinagsasabi niya bilang Atenista pero the rest, hindi 'yon totoo.

 

Kilala niya ba lahat ng nag-aaral sa Ateneo? Kilala niya ba 'ko? Kung makapagsalita naman siya'y akala mo kung sino. Humawak ako sa aking kwintas at hinaplos ulit 'yon. Muli na naman siyang nag salita. Seriously? She's not yet done?

 

And i'm here, so done with her.

 

"Tapos, tol! Ang aarte pa— ang conyo nila, 'di ba?" Naningkit ang mata ko nang umayos siya ng upo. "Like, get ko lang yung car sa parking then i'll make sundo to you na." Umarte ang kanyang boses kaya tumawa ang isang kasama niya. Parang umakyat sa ulo ang aking mga dugo dahil sa kanya.

 

"Payag ka may jowa kang Atenista tapos sasabihin sa'yo in the middle of your date, "Babe, I want neon balls." She laughed out loud dahilan para tumaas ang balahibo ko.

 

That woman is so freaking annoying.

 

Ako'y humalukipkip at huminga ng malalim. "Neon balls!" Pag-ulit niya at tumawa na naman ng malakas bago siya umapir sa kasama niya na tumatawa rin. 

 

Then what should I call on that one? Egg waffles?

 

Ang supportive naman ng mga kasama niya to the point na hindi man lang kinontra ang Iskang 'yon. Actually, yung chinita lang but the blonde, she's just listening to her at panay lang ang iling sa dalawa. Mukha siyang dismayado.

 

"Sorry, tol! Kung natatamaan ka, ah? Umilag ka na lang pero alam ko namang magaling kang umilag, lalo na sa red flags." Sambit niya sa blonde kaya nakatanggap siya ng irap.

 

Bakit ba parang familiar ang isang 'yon? I shrugged it off. 

 

Umirap ako sa kawalan at isinuot na lang muli ang aking airpods. Ang problema kasi sa mga taong katulad niya, masyadong siyang mapanghusga. Ano bang karapatan niya para mag salita ng mga ganyan tungkol sa mga katulad kong Atenista?

 

Hindi naman lahat ng tao ay ganoon. I have no words. Can people stop those stereotypes? There's something wrong in that woman. Naturingan pa naman siyang Iska. Marami akong kilala sa UP pero hindi naman ganyan ang ugali.

 

Basura.

 

Nawala na ang focus ko sa pagbabasa at napag-pasyahan na lang umalis ng Fully Booked.

 

Until the very end ay wala akong narinig sa Iska kundi panghuhusga. 

 

Well, I can't please everybody.

 

Hindi ko na lang ito pinansin at umalis na. Ako'y naiirita sa kanya, pero bago pa man ako tuluyang makaalis ay narinig ko na naman siya.

 

"Hindi talaga ako magkakagusto sa Atenista."

 

E, 'di, kung ayaw mo, huwag mo.

 

I parked my brand new red Corvette na regalo sa'kin ni Daddy nung birthday ko, and it's outside UP Town. Nag suot ako ng shades bago bumaba ng sasakyan. I was looking for a Macbook Pro dahil panay gasgas na ang ginagamit ko ngayon, hanggang sa may bumunggo sa aking siko dahilan para mahulog ang airpods at maapakan 'yon ng taong nasa harapan ko. Irita ko itong dinampot at inilagay sa bag ko.

 

"Hala, sorry. Hindi ko sinasadya."

 

Atleast, this person knows how to say sorry. Tumingin ako sa mukha ng nag salita. Pamilyar ito pero nag kibit balikat na lang nang hindi maalala 'yon. Napansin kong nanlaki ang mata niya at mabilis na itinikom ang kanyang bibig. "Wow."

 

"It's fine..." Saglit akong napatitig sa kanya at agad din nag-iwas ng tingin. Pamilyar ang boses niya.

 

"I'll just buy a new one." Sambit ko at umalis na sa harapan niya.

 

"Luh, Miss! Nakakahiya naman." Humarang siya sa dinadaanan ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

 

"Hindi na kailangan." I said seriously. Nakita kong nag kamot siya ng batok at humawak sa bewang.

 

"Magkano nga?" Tanong niya at may kinuha sa bulsa. Inilabas niya ang wallet at may kinuhang pera. I chuckled. I looked at her hand, may hawak siyang isang libo. Isang libo? What a joke.

 

"It costs sixteen thousand pesos. Sigurado ka bang babayaran mo?" Umawang ang kanyang bibig at tiningnan ang pera na hawak niya.

 

"Edi sixteen gives— kaso every week." Nahihiya niyang sambit. Humalukipkip ako. "Hindi ko naman alam na mahal pala 'yan. Sorry." I rolled my eyes at her.

 

"Don't pay for it na lang." Marami naman akong pang bili at baka kailangan niya pa yung pera. 

 

"Kunin mo na 'to. Nakakahiya, e." Sabi niya at inabot ang isang libo. "'Yan lang budget ko ngayon. Ubos na kasi allowance ko. Wala pang padala ermat ko tapos bihira pa gig ko." She said and scrunched her nose.

 

She's— well, damn those facial features is so good. She has a piercing on her right brows and lower lip that made her look so, ugh.

 

"Promise, sixteen gives."

 

"There's no need."

 

"Tanggapin mo na. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa tao— and, what's your digits ba? So, I can contact you next week, you know." This woman knows how to flirt. Duda ako na para lang 'yon sa pera na ibibigay niya. Umismid ako nang inabot niya sa'kin ang telepono na may basag ang screen.

 

I raised a brow and pursed my lips. Kanina ko pa siya tinatanggihan pero mapilit talaga siya kaya kinuha ko na ang isang libo pero tumanggi akong ibigay ang number ko dahil ko naman siya kilala.

 

Umatras siya para mag bigay daan. "Thanks."

 

Nag lakad na ako paalis but she said something pa.

 

"Hindi talaga ako magkakagusto sa Atenista."

 

That was her? Yung babae kanina sa Fully Booked? What the hell? Or baka ibang tao lang? I don't know. Tumalikod ako para tingnan siyang muli pero bigla na lang itong nawala.

 

Hindi niya siguro ako nakita kanina kaya ganoon na lang ang inakto niya ngayon— but wait, hindi niya naman alam na Atenista ako.

 

Gosh, siya pala 'yon. Scammer ba siya or what?!

 

Nang makabili ako ng bagong airpods at Macbook ay bumalik na 'ko ng parking. Syempre, nag paalam muna ako sa mga magulang ko na gagastos ako. Bago ko pa sila makumbinsi ay ilang pakiusap pa ang sinabi ko.

 

Palabas na 'ko ng mall nang makita yung babae kanina sa waiting shed, sa kanto, sa exit ng mall. Hawak niya sa kaliwang kamay ang tote bag at mukhang may hinihintay.

 

Oh, shoot. Siya nga 'yon, at sa kanya yung guitar. 

 

Ngumuso siya at kinagat kagat ang labi dahilan para makagat ko rin ang aking labi. Napatingin ako sa langit, mukhang uulan ngayong araw.

 

"Hey."

 

Tumigil ako sa harapan niya at binuksan ang bintana ng shotgun seat. I feel so bad for her, kahit nakarinig ako ng insulto sa kanya kaninang umaga ay gusto ko siyang tulungan.

 

I think she has a reason kung ba't niya sinabi 'yon.

 

Gusto kong patunayan na may malalim siyang dahilan kung bakit niya sinabi 'yon. At gusto kong patunayan sa kanya na mali ang panghuhusga niya. From the looks of it, mukha naman siyang mabait, but if not, tuturuan ko na lang siya ng leksyon para matuto. 

 

Duh, that's so basic for me! But it doesn't change the fact na gusto ko pa rin siyang sapakin. Hindi man sa mukha kundi sa isip na lang.

 

"Get in." I said. Naningkit ang mga mata niya para kilalanin ako. Napayakap siya sa kanyang tote bag at umatras ng kaunti.

 

"Huh? Hindi— Walking distance lang naman."

 

I just want to help. Siya pa itong choosy, ah.

 

Unti-unti nang pumapatak ang ulan kaya agad nabasa ang sasakyan ko. Nakita kong binuksan niya ang tote bag at may hinanap roon. Umiling siya at sinaklob ang hoodie ng flannel sa ulo niya nang maisara ang bag. Ano ba ang hinahanap niya roon? Inuulan na siya ngayon dahil walang masisilungan sa pwesto niya.

 

"Sumakay ka na." Kinagat niya ang kanyang labi at tinanaw ang paparating na jeep. Pinatigil niya ito at inalagay ang tote bag sa ulo. Nabasa ko na naman ang nakasulat roon.

 

"Iska." I whispered to myself. She's loud and proud.

 

"Hindi na. Susunduin naman ako ng mga kaibigan ko." Nagpapalusot pa siya. Susunduin tapos sasakay ng jeep? At walking distance pero sasakay ng jeep? 

 

Magsisinungaling na nga lang, hindi pa totoo. Umismid ako nang hindi tumigil ang jeep at natalsikan siya ng tubig dahil baha ang kalsada.

 

"Ngayon pa talaga!" Bulong niya. "Kung kailan puti ang sapatos ko! Ngayon pa talaga." Dagdag niya. Tinanggal ko ang suot kong seatbelt at binuksan ang pinto ng shotgun seat.

 

"Get in."

 

Nag taka siya sa sinabi ko at nag dalawang isip pa pero sumakay din naman. Inilabas niya ang kanyang telepono pero wala itong baterya at mukhang matagal niya nang gamit dahil may inilabas siyang charger na puro tape ang nasa dulo nito. She pouted at tinanggal ang salamin sa mata dahil may moist 'yon. 

 

"Kakapalan ko na mukha ko." Saad niya. "Pwede bang maki-charge ng phone dito sa sasakyan mo?"

 

"Okay. Go on." Sabi ko at nag maneho na. Hinayaan ko siyang gawin 'yon pero nakatulala lang siya sa stereo.

 

"What?" I raised a brow.

 

"Ah, e, paano ba 'to? Masyado kasing high tech 'tong auto mo." Nagpakawala ako ng hangin at isinaksak ang phone niya sa saksakan. Nag pahid siya ng mukha gamit ang kanyang kamay kaya inabutan ko siya ng tissue.

 

"Sa—salamat, Miss." Yakap niya ang kanyang sarili kaya hininaan ko ang aircon dito para hindi siya lamigin.

 

"Seat belt." Saad ko kaya isinuot niya agad 'yon.

 

"Okay na." Binitawan niya ang tote bag at ngumiti.

 

"Where are you headed to?" I asked.

 

"Nako! 'Wag na. Ang mahal ng gas. Wala na akong pang bayad." Sagot niya at umiling.

 

"Hindi naman kita ihahatid. Nagtatanong lang ako."

 

"Ah, okay." Tipid niyang sagot.

 

Nanatili kaming tahimik sa loob ng sasakyan. Ihinatid ko siya sa Vinzon's. A terminal near UP Diliman. Tumango na lang ako nang makababa siya ng sasakyan.

 

"Next week, ah."

 

"Next week?"

 

"Pangalawang bigay." She winked at me.

 

Oh, woman.

 

"Right." But I didn't give her my number.

 

"Salamat." Tumango na lang ako at bago ko pa maisara ang bintana ay narinig ko na naman siyang mag salita.

 

"Hindi talaga ako magkakagusto sa Atenista."

 

Naalala ko ang sinabi ng kaibigan niya kanina. Niloko or iniwan ba siya ng Atenista? Bakit niya naman nilalahat ang panghuhusga? Baka naman kasi sa maling Atenista siya napunta? 

 

God, I don't know why I am thinking about it. And I realized na I still don't know her name. Jesu? Jaesu? Joosi? Jis— 

 

Anyway. Kung ayaw, huwag pilitin.

 

Bago ko paandarin ang Corvette ay tumunog ang phone ko. Ang daming missed call at text from my friends. 

 

Today is Friday.

 

"Irene." I greeted her. "What's up?"

 

"Oh, you finally know me na, 'no? Huwag mo 'kong ma what's up, what's up! We're here na sa Pop Up!"

 

Right! Pop up. We always spend our friday night there, minsan sa ibang bar or club. Na kahit hindi kami nagkikita ng weekdays because of our busy schedules, atleast, we have the fridays to catch up on things, pero kapag sobrang busy talaga, hindi muna kami lumalabas. Parehas naman kaming mga Atenista but we do have a different priorities now.

 

It's my last year in Ateneo, finally.

 

"Where are you na? You're so bagal kumilos!"

 

"Hello is not uso talaga sa'yo, 'no?" I answered.

 

"I've been waiting for you for almost an hour na! Where the hell are you?!"

 

"I'm coming!" Hindi ko na hinintay ang sagot niya at ibinaba na ang tawag.

 

Dumaan muna ako ng mansyon para mag bihis ng casual wear. A light blue baggy jeans, and a Calvin Klein bralette. I also wear my ankle boots. Of course, I have my black knitted cardigan from Chanel with me para kapag nilamig ako mamaya ay may maisusuot ako.

 

I looked at myself in the vanity mirror at ngumisi nang matapos na ang paglalagay ng kolorete sa mukha. I like it when my make-up is dark. The red lipstick is giving my face a fierce hot look.

 

Perfect. 

 

Now, i'm driving my Corvette on the way to Pop Up.

 

Knowing Irene, mabilis siyang mairita sa mabagal kumilos. Palibhasa, isa siyang early bird. Perks of being the captain of cheerleading squad. Oo. Ateneo Blue Babble Battalion.

 

Kung mayroon sa barkadahan na gumagawa ng plano at promotor ng gimik, sa amin, si Irene 'yon. Just like what i've said, game siya sa lahat ng bagay kahit ano pa 'yan. Siya yung maarte na hindi maarte. 

 

Ayaw niya lang na may kasamang lalaki, kasi kapag may kasamang lalaki, automatic na wala siya sa gimik, or depende kung sobrang close niya ba talaga yung guy.

 

That's proven and tested because she's allergic to men. Hindi naman sa wala siyang kaibigang lalaki but naniniwala kasi siya na hindi mo naman kailangan ng lalaki para maging masaya sa buhay. 

 

Well, Irene has a point.

 

Sinalubong niya ako pag dating ng Pop Up. I smiled at them. Kasama niya si Krystal, ang isa pa naming kaibigan, na kanina pa binabati ng mga taong dumadaan sa harap namin. She's a part time model kaya maraming nakakakilala sa kanya. Bumeso ako sa kanilang dalawa at umupo na.

 

Nag takip ako ng ilong nang maamoy ang usok ng sigarilyo na hawak ni Krystal. She gave me an apologetic smile at pinatay na 'yon sa ash tray. She knows how much I hate the smell of it. I always remind her na masama 'yon sa kalusugan but it's up to her na kung hindi talaga siya titigil.

 

"What took you so long, Jen?" Irene asked. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang nangyari kanina but I decided not to.

 

"Traffic."

 

"I know, right? The traffic is gonna kill me earlier. I felt bad for my photographer because she waited for an hour. And uh, she's from La Salle, and she's a cutie." Krystal said kaya nag hugis puso ang mata ni Irene.

 

Nah, they're always like that when it comes to cute girls.

 

I rolled my eyes because I think, they're up to something na naman. They always set me up because I literally don't have a lovelife. Hindi ko naman ikamamatay mawalan ng lovelife, hindi katulad nila na hindi nawawalan ng fling simula nang makilala ko sila way back first year college.

 

Circa 2016

 

"Jen, pakilala ko sa'yo yung photographer?"

 

"No, thanks." I heard them groaned.

 

"Kung 'di ko lang siya naka-trabaho, e, pinatulan ko na 'yon. Sayang! Mukhang masarap." Krystal giggled at umiling. Nag kibit balikat na lang kami ni Irene. 

 

She doesn't hangout or date with her photograher or co-model. That's that line she doesn't want to cross. That's very unprofessional of her. Well, that's what she said.

 

We were just chilling and drinking our liquor while listening to the gig, we're talking about our life nang biglang umalingawngaw ang tawa ng dalawa.

 

"You wouldn't believe what I encountered last week."

 

"Come on,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Chands26 #1
Chapter 13: authorrr baka naman update po
markaxel
#2
Chapter 13: Hay mga irog namiss ko kayo 🥹
bbnifubuki
#3
Author, asan na yung kahulugan
Hunny_funny8888 #4
Chapter 11: Author...beke Nemen, update na author 🙃
Chichu07 #5
Chapter 11: 2020 na wala paring update
rosesarerozay #6
Chapter 11: i really wanna know the story behind jisoo's hatred (?) sa mga kabandmates niya especially to jinyoung and SOOJOO if ever man na yan yung right term sa nararamdaman niya kay soojoo in the present. jisoo mentioned kasi na soojoo ruined her daw sa chapter na 'to but still has a soft spot sa kanya however. plus isnt jisoo the one who left and the reason why the band separated, kasi nga umalis lang siya after niya maging madesisyon sa lahat-lahat lmao. we dont know why jisoo and jinyoung hate each other too but i think dati pa ata yan nung hindi pa umalis si jisoo. but who knows actually? maybe because jisoo is selfish and perfectionist and jinyoung doesnt like her attitude? we really dont have any idea. but if ever na that's the case, then jisoo is a one ed up judgemental hopeless romantic, selfish and perfectionist, iskolar ng bayan 💀
rosesarerozay #7
Chapter 10: i dont like jisoo here kita mo talaga yung pagiging mapride at perfectionist niya sa chapter na 'to. nabwisit ako sa part na nagpapractice silang magbabanda tas agagalit agad like wow kapal naman ng mukha mo magdemand ng gusto mo after ng ginawa mo dati 💀 tas etong si jennie rin jowa mo lang biased ka na agad anong pinagsasabi mong parehas silang mali eh si jisoo lang naman talaga ang problema 💀 parang kanina lang sinabi mo pang mukhang pagod na silang lahat tas ngayon so bakit tinotolerate mo pagiging selfish at perfectionist ni jisoo my god. pero ano pa bang magagawa natin eh jensoo au to. i just hope na may character development siya throughout the upcoming chapters. labyu author
Reallisooo
#8
Chapter 11: Namiss ko ang mag irog na 'to. Namiss rin kita otor <3 hahaha salamat sa pag update!
bbnifubuki
#9
Chapter 10: Be my counselor otornim
dolcerina
#10
Chapter 11: Gandaaaa. Omg. Thank god nahanap ko to.