Chapter 2.

katipan sa katipunan.
Please Subscribe to read the full chapter

JENNIE POV

 

“What's your plan after your graduation, Jennie?"

 

Here we go again with the never ending questions of my Mom, she got home last night from a business trip, we're having our breakfast on the veranda right now. She's a well known and influential person na marami din pinapatakbong negosyo dito sa syudad.

 

"Mom, i'm still figuring it out." Maingat kong sagot.

 

"Pick yourself up and get your life together. Gusto mo ba na ako pa ang pumili ng career mo, Jennie?"

 

Hindi ako sumagot at nawalan na ng gana kumain.

 

"Sayang naman ang pagpapa-aral ko sa'yo sa Ateneo kung hanggang ngayon ay hindi mo pa rin alam ang gusto mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mabibigyan ka ng oportuninad kaya mag sumikap ka."

 

Sanay na 'ko sa sermon na natatanggap ko galing sa kanya everytime na nasa hapag-kainan kami. Parang ngang manhid na 'ko sa mga salita niya, e. I was about to say something but her phone rang loudly.

 

"If you will excuse me." I nodded my head as a sign of respect before she leaves the dining. 

 

She's very strict when it comes to me but sometimes she's letting me to be an independent woman. Kumbaga, malaya akong nakakalipad pero hindi sa himpapawid kundi sa hawla na siya ang nagmamay-ari.

 

In my case, hinahanap ko pa ang sarili ko. Hindi ko pa rin alam kung anong gusto kong gawin sa buhay. 

 

Like what i’ve said, i’m still figuring out. Hindi ko alam kung ang tinatahak ko bang direksyon ay patungo pa rin sa mga pangarap ko. Hanggang ngayon, ako'y naliligaw pa rin at hinahanap ang liwanag sa dilim. 

 

I feel so lost and confused in this cruel world.

 

She's not that controlling. Hinahayaan niya 'kong gawin ang mga bagay na gusto ko and handle it on my own. Kaya nga sa mga pagkakamali ko, ako rin ang nagtatama. It's like she's giving me an option na kapag hindi niya nagustuhan ang desisyon ko sa buhay at siya'y nadismaya sa'kin ay doon lang siya mangingialam.

 

Kaya naiintindihan ko kung ba't ganoon na lang ang bungad niya sa'kin kanina. Wala naman akong choice kundi intindihin siya, e. And at the end of the day, the mother just wants the best for her daughter. 

 

She's my mother afterall. The pressure is real though, dahil habang lumilipas ang panahon ay lalong tumataas ang expectation niya sa akin bilang anak.

 

But knowing her, hindi ako pwedeng magka mali dahil 'yon ang pinaka-ayaw niya sa lahat. Kaya sumusunod ako palagi sa kanya at hindi sinusuway ang mga sinasabi niya para sa'kin dahil ako ang depinisyon ng perpekto sa mga mata niya. 

 

Sa ngayon ay gusto ko na lang munang makawala sa anino niya.

 

"Huwag mo nang masyadong isipin ang sinabi ng Mommy mo. Don't pressure yourself, okay? You have all the time in the world." I smiled at my dad.

 

I'm lucky I have a father who always assures me. If I were to compare the both of them, i'm close with him. He's like the best man i've ever met in my life.

 

"Thanks, Dad." He gave me a warm smile at inalok pa ako ng mga pagkain. It warms my heart to see us complete in the dining this morning, minsan lang kasi kami makumpleto, madalas hindi talaga. But that's okay. Until he has to leave na rin para umattend ng meetings.

 

He's into business. He's actually a CEO of his own company. Pinapatakbo niya 'yon along with my step brother, yung anak niya sa una niyang asawa. 

 

Having a step brother is not bad afterall, we're close pero minsan hindi talaga sila nagkakasundo ni Mom. Katulad na lang ng hindi nila pagkakasundo ni dad, but my parents still live together, maybe for the sake of this family. For the business, i don't really care, anyway. I tried to make things work but I failed.

 

"Take care, Anak." Pagpapaalam niya. I nodded and kissed his cheeks. Pinanood ko siyang mag-ayos ng gamit. "You want to go with me tomorrow? I'll play golf with your Ninong." My brows furrowed. Golf?

 

"You know I don't play golf, Dad."

 

"How about I introduce you to his son? From what i've heard, he's taking up a pre-med in Ateneo."

 

"Maybe some other time." Pag tanggi ko.

 

"Ayaw lang kitang tumandang dalaga." Tumawa siya pagkasabi niya noon. He whispered something to his secretary bago sumakay sa itim na Mercedez Benz. 

 

Ganyan lang siya mag biro, but he's very protective of me, but one thing's for sure na kapag nasaktan ako, lahat ay kayang gawin ng magulang para sa anak. I've dated people before but it's nothing serious para ipakilala sa parents ko. I mean, hindi sila worth it.

 

Pinanood kong umalis ang sasakyan niya, pati na rin ang sasakyan ni Mommy na sinusundan ng itim na sasakyan ng mga bodyguard niya. I'm glad hindi nila ako pinapabantayan sa mga bodyguard. Malaki ang tiwala nila sa akin na hindi ako gagawa ng bagay na hindi nila magugustuhan.

 

I took a shower and get ready for my class. I wore a halter top and pair it with denim pants. Nag-isip pa 'ko if I should wear a flats or— I wore my white sneakers from Adidas na lang. I played with my pet umalis ng bahay. Siya lang din naman ang madalas kong kausap dito dahil nga palaging wala ang mga magulang ko.

 

It's sad.

 

"Kuma." I said and kisses the top of his head.

 

Napangiti ako nang dilaan niya ang mukha ko. I'm glad na hindi pa 'ko nakakapaglagay ng make-up. I took a pictures of him at pinakawalan na sa bisig ko.

 

Pagkatapos ng klase ay umattend ako sa meeting ng org ko. I feel old for this ORSEM. This orientation seminar in Ateneo is for incoming first year college at required silang umattend roon kaya puro freshie ang nakikita ko. I ditched the meeting at nag punta ng Regis dahil gusto raw akong kausapin ni Irene.

 

Manghihingi na naman siguro siya ng advice tapos hindi niya naman susundin. At kung makahingi siya ng advice ay akala mo namang nasa serious relationship siya where in fact, it's a relation.

 

People are greeting me along the way.

 

Ang hirap din talaga kapag maraming nakakakilala sa'yo, tapos hindi mo naman sila kilala. Hindi ko alam kung ngingiti ba 'ko or what kaya tumatango na lang ako sa mga bumabati sa'kin but when i'm not in the mood ay hindi talaga ako namamansin.

 

Nakita ko si Irene sa usual table namin. I frowned when I saw her face. Iba ang aura niya today. It's very unlikely of her. I wonder why. I ordered drinks for the two of us, bumeso ako at umupo sa tabi niya. I was about to drink nang bigla siyang mag salita. 

 

She look so irritated.

 

"Sis, sobrang labo niya!" Bungad niya sa'kin.

 

"What?" My brows furrowed. "Who's malabo?"

 

"I have kwento." Tipid niyang sabi.

 

"Uh, okay?" I waited for her to speak but she crossed her legs at uminom ng milktea na libre ko.

 

"What's your kwento ba?" I asked curiously.

 

"So, I met this girl in bumble kasi."

 

"Suki ka talaga ng dating app, 'no?"

 

"Look who's talking!" She rolled eyes at me.

 

I shushed her. "What happened ba?" Tanong ko.

 

"So, ayun nga! I met her three months ago. We're good naman, e. Like una pa lang nilinaw ko na sa kanya na i'm not into serious relationship pa."

 

Oh, I knew it. 

 

"Uhuh." Tugon ko. "And then what?"

 

"Like sabi niya okay lang daw. Hindi naman siya looking for more. So, basically we're just friends. Nothing more, nothing less. We always hang out as a friend tapos ang gaga bigla na lang umamin sa akin, sis!"

 

"Umamin na what?”

 

"Na she likes me? Goodness gracious, Jennie!"

 

"What?!" Gulat kong tanong.

 

"I know, right?"

 

"Sis, malabo nga." Sagot ko at sinubukan uminom ng milktea pero nag salita na naman siya kaya hindi ko naituloy. I wiped my mouth na lang gamit ang tissue at nakinig sa rants niya.

 

"Okay na sana kami, e! I like her." Tingnan mo 'tong gagang 'to. Hindi mo rin maintindihan minsan, e.

 

"Oh, god. You like her tapos you're not into serious relationship? You're such a playgirl, sis! Gulo mo!"

 

"I mean, as a friend." Mabilis niyang sagot. "Alam mo 'yon? Parang we’re better off as friends naman talaga."

 

"Okay, so what was the reason this time? Why did you reject her?" I asked and crossed my arms.

 

"She's clingy. Like alam mong ayoko ng clingy! Ikaw lang ang clingy na kaya kong i-tolerate!" 

 

"Aba, dapat lang!" I giggled and hugged her arms. I leaned my head on her shoulder at nakinig na lang ulit sa kanya.

 

"And 'yun nga, hindi naman kami mag jowa pero like lagi niya 'kong ina-update sa mga bagay na ginagawa niya kahit hindi ko naman tinatanong. Like what should I do on those information? Tapos ang dami niya rin tanong palagi about my life. I just don't feel like it." I caressed her arms.

 

“Nakakasawa." She added.

 

Natawa ako sa sinabi niya at tinanggal ang yakap sa braso niya. Same cycle, but different fling. I wonder kung kailan siya makakahanap ng katapat niya para hindi na siya magkaganyan, 'diba? Pero iba 'to from before.

 

"Why don't you talk your concerns to that person?"

 

"I'm trying to talk to her but parang she's ignoring me kasi nga I rejected her nung umamin siya." She said. 

 

"You rejected her? Hindi mo man lang binigyan ng chance?" 

 

"My gosh, Jennie. Wala pa kaming three months nag-uusap tapos hulog na hulog na agad sa'kin. Ang bilis niyang ma-attach, baka mamaya bored lang pala siya." Maarteng niyang sambit at nag-ayos ng buhok.

 

"E, baka naman infatuated lang sa'yo?" I said.

 

"I don't know. Ganda ko kasi, e." Sagot niya.

 

"Malay mo naman tinamaan talaga?" I asked.

 

"What?! For godsake, we've known each other for like three months." Singhal niya at nag-iwas ng tingin.

 

"Bakit? Wala naman sa tagal 'yon, ah? Nasa feelings mo 'yon. Knowing you, baka hindi mo sinasadyang mag pakita ng motibo kasi gumusto ka rin naman kahit sinabi mo sa kanya na friends lang kayo kaya siya umasa. And wait, sure ka bang friends lang? Ngayon ko lang nakita na bothered ka sa friend slash fling mo, baka ikaw ang tinamaan at natatakot ka lang na umamin kasi nga takot ka sa commitment?"

 

Seryoso kong sambit kaya taka siyang tumingin sa'kin. Naningkit ang mata niya at humalukipkip pero humawak na lang siya sa kanyang sentido. Para bang I hit the right spot kaya siya tumahimik.

 

Sa dinami dami ng naging fling niya. Ngayon ko lang siya nakitang bothered. Usually naman, she doesn't care, e. Once na umamin sa kanya yung tao at ni-reject niya 'yon, that's it. Pero ngayon nag-aalburoto siya sa harapan ko. Well, we'll never know people.

 

"Sandali, sino ba 'yan?" I asked curiously.

 

"Yung Iska." Daretso niyang sagot. 

 

Iska?

 

"Who?" I looked at her at hinintay ang sagot niya.

 

"Yung setter ng women's volleyball. Hindi mo ba kilala 'yon?" Sabi niya at tinitigan ang phone niya.

 

"I'm sorry, but wala ka naman binabanggit?" I said.

 

"Right! Wala ka nga pala nung pinakilala ko siya kay Krystal last week. Paano, nakikipaglandian ka kasi nung mga panahon na 'yon sa parking ng Pop Up, e."

 

"Gaga!" Sabi ko at sinabunutan ang buhok niya.

 

"Aray ko naman! Nawawala ang poise ko. Umayos ka nga!" She rolled her eyes at nag-ayos na lang ng sarili pero agad niyang binalik ang tingin sa'kin.

 

"What?"

 

"What should I do?" She's serious, huh.

 

"Hindi mo kasalanan kung hindi mo kayang magustuhan pabalik ang tao, okay? Just talk to her kung guilty ka, at kung guilty ka, mag-isip isip ka na!"

 

"Ano?!"

 

"Kung gamitin mo kaya 'yang pagka-flexible ng katawan mo sa desisyon mo sa buhay ng matauhan ka? You push people away because nagsasawa ka, then what? Kapag ilang araw hindi nagparamdam, mamimiss mo? Palagi ka na lang ganyan, e. Paano mo mahahanap yung taong para sa'yo kung una pa lang naman sinasarado mo na agad ang puso mo?"

 

"Jennie."

 

"Ang sabihin mo, takot ka lang sa commitment!"

 

"Hindi, 'no! Ghost ko na lang siguro 'to." She said.

 

"Ang sama talaga ng ugali mo." I chuckled. Hindi naman ako masyadong nangingialam sa buhay niya kasi may buhay rin naman ako but at the end of the day, yung gusto niya pa rin talaga ang masusunod.

 

Irene decided to go home after the talk. Kinausap ko rin muna yung groupmates ko sa thesis regarding our research. Hindi pa rin pumapasok sa utak ko na ito na ang huling taon ko sa Ateneo.

 

I stopped by at Fully Booked para maningin ng books for my subjects. I realized something right now kaya napatigil ako sa harap ng shelves. I shrugged it off and closed my eyes.

 

It's too early to overthink.

 

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo?"

 

I opened my eyes when I heard a familiar voice. Nang suminghot ako ay naamoy ko siya. Hindi ko maipaliwanag, basta mabango at parang gugustuhin ko na lang na maamoy iyon palagi.

 

"Bakit? Malalim ka ba?"

 

"Ganyan ba bumanat mga Atenista?" I rolled my eyes pero pinisil niya lang ang pisngi ko. "Corny mo, tol!”

 

"Jisoo."

 

"Alright! I'm sorry." She laughs at kinuha ang mga librong hawak ko. Tiningnan niya 'yon isa-isa at tumango. Dala niya na naman ang kanyang mahiwagang tote bag at basket.

 

"Law." She whispered and looked at the other one. "Medicine." She her lower lip. "Business, huh.” She pouted at inilagay na ang mga libro sa basket.

 

I bit my lip at pinanood siyang basahin 'yon. She's wearing a maroon shirt and it says, "Unibersidad ng Pilipinas." Of course, her flannel at specs! And ripped jeans sa ibaba at ang sapatos niyang chucks. She's also wearing a beanie. Hindi ko maiwasang mapatingin sa hikaw niya sa labi habang kinakagat niya 'yon.

 

“What’s your course again, Jennie?”

 

“Management.” She nodded her head.

 

Ever since that night she texted me, madalas na kaming nagpapalitan ng mensahe. It's been a week na rin pala, we decided to meet here at Fully Booked. 

 

May binili daw kasi siyang casette along the way. Ang iniisip ko na lang ay kung paano ko kaya siya makukumbinsi na huwag niya nang bayaran yung naapakan niyang airpods. Hindi na kailangan.

 

"Kain tayo, tol." Sambit niya nang mabayaran ko na ang mga librong kailangan ko. "I mean, Jennie." She laughs and covered . Annoying talaga.

 

"Please, don't ever call me that." I rolled my eyes but parang namula ang mukha ko dahil bigla siyang umakbay sa'kin. 

 

Sobrang importante sa'kin ng personal space pero bakit hinahayaan ko lang siya? Ni hindi man lang ako nailang sa ginawa niya at talagang hinawakan ko pa ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko.

 

Hay, Jennie.

 

"Tol! Tol! Tol!" Ulit niya at tumawa ng malakas.

 

Ugh, Jisoo.

 

"Tara, Maginhawa. I know a good place." She said. 

 

I don't usually go there kaya bago sa'kin ang pakiramdam nang yayain niya 'ko roon. Hindi ko tuloy alam kung anong isasagot ko sa kanya at humawak na lang sa bewang niya.

 

"Don't tell me hindi ka pa nakakapunta roon?"

 

"The last time I was there, naligaw ako." I said.

 

"Uh, bakit?" Her brows furrowed.

 

"I'm not good with directions, Jisoo. And hindi talaga ako pumupunta roon because it's too crowded, right? And I hate the usok so much."

 

She nodded her head and smirked. Damn.

 

"Don't worry, Jennie. As long as you're with me, you're safe." She tapped my shoulder and smiled.

 

"Uhm." Nag-aalinlangan kong sagot at humawak pa ng mas mahigpit sa bewang niya.

 

"But if you really don't want to go there, okay lang naman." Sabi niya at ngumuso. How can i resist?

 

"No, no. It's fine." This is the first time na niyaya niya 'kong kumain. Sino ba naman ako para mag inarte pa? In the first place, I texted her first para magkita kami ngayong araw. I wanna see her face.

 

So bad.

 

"Sure? Baka masama loob mo, ah?" She bit her lip at mukhang nagpipigil ng ngiti.

 

"Gusto mo bang sumama pa loob ko?" I asked.

 

"Of course not! Halika na." Tumawa siya at hinigit ang palapulsuhan ko paalis ng Fully Booked. Dala niya ang mga pinamili kong libro. Kumunot ang noo ko dahil hindi sa parking ang direksyon na nilalakad naming dalawa.

 

"Wait! Where are we going? I parked my car on the other side of the building." Sambit ko sa kanya.

 

"Mag lakad na lang tayo. Walking distance lang naman. Para hindi na rin sayang gas mo." What?

 

"Walking distance?" Nanlaki ang mata ko. I'm gonna walk on the streets of Katipunan? At this hour? Oh, my god. Tanghaling tapat at sobrang init ngayon.

 

"Malapit lang! Akin na bag mo." She softly said.

 

"Huh? Why?" Kumunot ang noo ko.

 

Nag labas siya ng payong mula sa mahiwagang tote bag niya at binuksan 'yon para hindi kami mainitan. Nag labas din siya ng face mask at isinuot sa mukha ko para daw hindi ako makasinghot ng usok. I wore my shades kaya hindi niya kita na tinititigan ko siya.

 

She look so beautiful.

 

"I'll carry it for you." Aniya na ikinagulat ko.

 

"What? No! Kaya ko naman."

 

"Jennie, I insist."

 

She's really mapilit kaya wala akong nagawa at ibinigay na ang bag ko sa kanya. Nakasabit 'yon sa kaliwang balikat niya, ang tote bag niya naman ay sa kanan. She placed her right arm on my shoulder para umakbay habang hawak ang payong sa kabila. Nakita kong nahihirapan siyang buhatin ang mga libro dahil gamit niya din 'yon sa pag hawak ng payong.

 

"Let me carry that." Tukoy ko sa books na nasa paper bag.

 

"Hay, salamat at naisip mo 'yon!” Sabi niya at nag make face dahil nabigatan ata siya sa mga libro ko. Nag kibit balikat na lang ako at humawak sa bewang niya habang nakaakbay naman siya sa akin.

 

Para tuloy kaming mag jowa na naglalakad sa kalsada ng Katipunan. 

 

Oh, my gosh! Mag jowa?!

 

Naramdaman ko ang pag tulo ng pawis ko mula sa noo kaya napahawak ako roon but Jisoo stopped walking kaya tumigil din ako. May kinuha siyang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang noo ko na puro pawis. I don't know what to feel right now. Mabuti na lang ay nag salita siya para mawala ang pagiging awkward. Or ako lang 'yon?

 

"Pawisin ang ilong. Selosa." My brows furrowed.

 

"What do you mean?" Tanong ko. Patuloy lang siya sa pag punas ng pawis. Mukhang natutuwa siya sa ginagawa niya dahil kanina pa siya ngumingiti, at pinisil niya na naman ang pisngi ko. Nakakainis.

 

"Nevermind. Tara na." Tipid niyang sagot.

 

Muli siyang umakbay sa'kin at nakipagpalit ng pwesto para siya ang nasa side ng kalsada at hindi ako. Habang papalayo ang nilalakad namin ay mas humigpit ang hawak ko sa bewang niya, hindi ko maiwasang kabahan dahil nga first time ko ‘tong gawin, kapag nalaman siguro ‘to ni Irene at Krystal ay pagtatawanan nila ako dahil alam nila kung gaano ko kaayaw mag lakad sa initan, lalo na’t kalsada.

 

Ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa rin kami sa lugar na sinasabi niya, sa Maginhawa. Scammer talaga ang isang 'to. Never in my life kong naisip na mangyayari sa'kin 'to. Gosh, but I like

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Chands26 #1
Chapter 13: authorrr baka naman update po
markaxel
#2
Chapter 13: Hay mga irog namiss ko kayo 🥹
bbnifubuki
#3
Author, asan na yung kahulugan
Hunny_funny8888 #4
Chapter 11: Author...beke Nemen, update na author 🙃
Chichu07 #5
Chapter 11: 2020 na wala paring update
rosesarerozay #6
Chapter 11: i really wanna know the story behind jisoo's hatred (?) sa mga kabandmates niya especially to jinyoung and SOOJOO if ever man na yan yung right term sa nararamdaman niya kay soojoo in the present. jisoo mentioned kasi na soojoo ruined her daw sa chapter na 'to but still has a soft spot sa kanya however. plus isnt jisoo the one who left and the reason why the band separated, kasi nga umalis lang siya after niya maging madesisyon sa lahat-lahat lmao. we dont know why jisoo and jinyoung hate each other too but i think dati pa ata yan nung hindi pa umalis si jisoo. but who knows actually? maybe because jisoo is selfish and perfectionist and jinyoung doesnt like her attitude? we really dont have any idea. but if ever na that's the case, then jisoo is a one ed up judgemental hopeless romantic, selfish and perfectionist, iskolar ng bayan 💀
rosesarerozay #7
Chapter 10: i dont like jisoo here kita mo talaga yung pagiging mapride at perfectionist niya sa chapter na 'to. nabwisit ako sa part na nagpapractice silang magbabanda tas agagalit agad like wow kapal naman ng mukha mo magdemand ng gusto mo after ng ginawa mo dati 💀 tas etong si jennie rin jowa mo lang biased ka na agad anong pinagsasabi mong parehas silang mali eh si jisoo lang naman talaga ang problema 💀 parang kanina lang sinabi mo pang mukhang pagod na silang lahat tas ngayon so bakit tinotolerate mo pagiging selfish at perfectionist ni jisoo my god. pero ano pa bang magagawa natin eh jensoo au to. i just hope na may character development siya throughout the upcoming chapters. labyu author
Reallisooo
#8
Chapter 11: Namiss ko ang mag irog na 'to. Namiss rin kita otor <3 hahaha salamat sa pag update!
bbnifubuki
#9
Chapter 10: Be my counselor otornim
dolcerina
#10
Chapter 11: Gandaaaa. Omg. Thank god nahanap ko to.