Chapter 3.

katipan sa katipunan.
Please Subscribe to read the full chapter

JENNIE POV

 

"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo."

 

Hindi mawala sa isipan ko ang mga linyang 'yan mula sa kantang inawit ni Jisoo kanina. Mahigit trenta minutos na rin pala nang matapos ang set niya. Ako'y nakapangalumbaba sa table na ipina-reserve niya para sa'kin. Naputol ang aking pag-iisip nang umupo siya sa tabi ko.

 

"Ang lalim na naman ng iniisip mo." Sambit niya at isinandal ang gitara sa lamesa bago kunin ang kaliwang kamay ko para pag laruan ito.

 

"I was mesmerized by your voice lang." Puri ko. "Ang galing mo talaga." I said seriously and smiled at her.

 

"Ano? Nakuha na naman kita, ano?" Aniya at tumawa ng mahina. 

 

"What?"

 

"Crush mo na naman ako." Ngumisi na lang ako at pinagsalikop ang daliri namin. Hindi ko na ipagkakaila 'yon. It's true naman, e.

 

"Ang lalandi niyo!" Rinig kong sabi ni Krystal na katatapos lang uminom sa beer na hawak niya. Parehas kaming natawa ni Jisoo pero natigil ito nang maalala na hindi ko pa nga pala siya naipapakilala sa kaibigan ko.

 

"Uh, Krystal." Panimula ko, agad naman siyang tumingin sa'kin at kay Jisoo pero mukhang alam niya na ang sasabihin ko. "This is Jisoo by the way." Turo ko sa aking katabi na seryosong nakatingin sa kaibigan ko. Seryoso ding nakatingin si Krystal sa kanya at mukhang kinikilatis si Jisoo.

 

"Right! That's why she's familiar." She said. "Ikaw yung sa Pop Up, right?" Jisoo nodded. "Nice meeting you, Jisoo. Krystal nga pala." Pagpapakilala niya at inabot ang kamay sa katabi ko. "Jennie's main , Jennie's ride or die—."

 

"Shut up, Krystal!" I shushed her. Ang ingay na naman.

 

Naningkit ang mata ko nang tanggalin ni Jisoo ang pagkakahawak sa'kin at nakipagkamay roon. Tumango na lang ito sa mga narinig. Agad kong binawi ang kamay niya nang mapansin na ang tagal na nilang magkahawak.

 

Nag-eenjoy ba sila?

 

"Ay, babe? Hindi ko aagawin 'yan!" Sambit ni Krystal at uminom na lang ulit sa beer niya. Nakakarami na 'yan. "Right, brodie?” Itinaas ni Krystal ang kamay niya para umapir kay Jisoo.

 

“Right.” Jisoo snorted at umapir na lang din.

 

"Don't mind her. Ganyan lang talaga siya." I said.

 

"Brodie raw, e. Conyong conyo!" Jisoo whispered and placed her arms on my shoulder. Kumuha siya ng beer sa bucket at aktong bubuksan ang takip gamit ang ngipin niya pero pinigilan ko siya.

 

"Don't do that!" I said na ikinataka ng mukha niya.

 

"Huh?"

 

"Baka masira ang ngipin mo. There's a beer opener for a reason, Jisoo." Sambit ko at itinuro yung pang bukas ng beer na nasa loob ng bucket.

 

"Alright. Okay." Sagot niya at 'yon na nga ang ginamit niya na pang bukas ng beer.

 

Nag cheers kaming dalawa sa hawak naming beer dahilan para tumunog ang bote bago namin ito inumin. She her lower lip at ipinatong ang hawak niyang bote sa lamesa at ipinahinga ang kamay sa hita ko. May ibinulong siya na hindi ko maintindihan dahil maingay ang paligid. 

 

Hindi man kami nagkakarinigan pero parehas kaming humahagikgik kapag may nababanggit siyang nakakatawa, or hindi naman talaga 'yon nakakatawa at sadyang tumatawa lang ako sa lahat ng lumalabas galing sa bibig niya?

 

Ewan. She's funny kaya!

 

Minsan naman ay nilulunod niya 'ko ng halik sa pisngi pababa sa panga ko kapag sinasabayan niya ang pag kanta ng performer na nasa stage habang nakayakap sa bewang ko. Tumataas tuloy ang balahibo ko nang dahil doon sa ginagawa niya.

 

"Tanginang 'yan! Kung alam ko lang na magiging third wheel ako, hindi na sana ako sumama." Krystal said kaya natawa ako pero napairap nang mag labas siya ng stick ng sigarilyo mula sa kaha na nasa leather jacket niya.

 

"Smoke lang ako, Jennie!" Sambit niya. May binati siya sa kabilang table na mukhang kakilala niya naman. Until may babaeng pamilyar na lumapit sa'min.

 

"Tol! Kamusta? Start na set mo?" Ito yung chinita na kasama ni Jisoo nung nakaraan at may hawak na naman siyang film camera.

 

"Pucha ka talaga, Seulgi! Yung on the way mo, halos umabot na ng isang oras. Kanina pa tapos set ko."

 

"May dinaanan pa kasi ako, tol!" Sambit nito at tumawa. Nakita ko naman si Krystal na nakatingin doon at nakaawang ang bibig. Hinawakan ko ang baba niya at inangat 'yon.

 

"Baka mapasukan ng langaw, babe!" Nakatanggap ako ng irap mula sa kanya. "Akala ko ba mag smoke ka?"

 

"Gaga! That woman is smoking hot! Sino 'yan?”

 

"I don't know? Jisoo's friend, I guess?" I said.

 

"Sabihin mo nga, ipakilala ako!" Wow.

 

"Tumigil ka!" She's sitting on my right side, tinulak niya 'ko kay Jisoo na nasa kaliwa ko dahilan para maputol ang usapan nila ng kaibigan niya.

 

"What? Are you okay?" Jisoo asked pero napalingon ako kay Krystal dahil tinulak niya na naman ako.

 

"Babe! Photographer?” Krystal whispered at humawak pa sa braso ko. "At chinita? Tal's types, Jennie!"

 

"Lahat naman type mo, e!" I rolled my eyes at her.

 

"Oh, hello there!" Bati nung chinita sa amin at kumaway kaya narinig ko ang pigil na tawa ni Krystal. Agad kong tinakpan ang bibig niya. Ngumiti na lang ako doon sa chinita. "Atenista ba kayo? Ingat kayo dito sa kaibigan ko." Turo niya kay Jisoo. "Galit sa mga Ateni—." Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil sinapak ni Jisoo ang tiyan niya, at ang kaibigan ko naman ay parang bulate na ngayon.

 

"Chupol ka talaga!" Sambit ni Jisoo sa chinita. I let out a loud breathe dahil naintindihan ko ang sinabi nung chinita.

 

"Ano ka ba? Bulate ka ba? Doon ka na nga umupo sa kabila!" Sabi ko kay Krystal at kinurot ang tagiliran.

 

"Babe! You know me naman! Tumitibok ang puso ko kapag nakakakita ng singkit!" Aniya.

 

"Whatever!"

 

"Pero sige! For sure, doon 'yan uupo!" Sabi niya at agad na umalis sa tabi ko. "Hindi mo naman sinabi na may smoking hot pa lang tropa si Jisoo. Kumbaga sa inihaw, lechon siya, babe! Kain lahat pati ulo!" Muntik na 'kong maubo sa sinabi niya. Mabuti na lang ay hindi siya narinig nung dalawa dahil may pinag-uusapan sila na hindi ko marinig.

 

I looked at Jisoo's friend na kumaway ulit sa akin. At sa tabi na nga ni Krystal siya pumunta. Kinuhanan niya pa si Jisoo ng stolen shot bago tuluyang umupo. I guess, she's really a photographer, or a vlogger?

 

"Tol! Si Jennie nga pala." Pagpapakilala ni Jisoo sa'kin sa kaibigan niya kaya agad itong napatingin sa akin at ngumiti. Nawala tuloy ang mga mata niya.

 

She's cute.

 

"Pinagpalit mo na talaga 'ko, tol!" Huh? “Paano mo nagawa sa’kin ‘to?” Dagdag pa nito at humawak sa dibdib at aktong nasasaktan. Familiar. Magkaibigan nga sila ni Jisoo.

 

"Pucha ka! Shut up!" Jisoo said. Tinawanan lang siya ng kaibigan niya.

 

"Biro lang 'yon, Jennie! Daming kwento ni Jisoo tungkol—." Jisoo cutted her off kaya naningkit ang mga mata ko.

 

"Ano raw?" I asked and crossed my arms.

 

"Wala. Wala 'yon." Jisoo answered and caressed my arms. Nakita kong sumenyas si Krystal kung maayos na daw ba ang itsura niya, umirap na lang ako.

 

"Jennie, si Seulgi. Bestfriend ko." I nodded my head. Seulgi pala ang pangalan ng chinitang ito at bestfriend siya ni Jisoo. 

 

Iaabot ko na sana ang kamay ko sa kanya pero umiling siya.

 

""Baka masapak ako ni Jisoo kapag nag shake hands tayo!" Seulgi said at kumuha ng beer sa bucket. Naningkit ang mata ko kay Krystal na nag-aayos pa rin ng sarili. More like, nagpapaganda.

 

Jusko!

 

"At tol." Muling napatingin si Seulgi kay Jisoo. "Si Krystal pala." Nguso niya sa kaibigan ko. "Kaibigan ni Jennie." Pagpapakilala niya sa dalawa.

 

Kitang kita ko kung paano inabot ni Krystal ang kamay ni Seulgi at hinalikan 'yon. Jisoo laughs at the view pero napapairap na lang ako. Tuwang tuwa pa talaga siya doon sa dalawa habang pinaglalaruan niya ang kamay ko. Alam ko na ang ganyang galawan ni Krystal. Concern lang ako sa kanya, sa mga desisyon niya sa buhay kapag may nakikilala siya sa bar.

 

Nanlaki ang mata ni Seulgi pero ngumiti na lang ito kay Krystal. Inobserbahan kong mag bulungan ang dalawa, mukhang marami na silang napag-uusapan, hanggang sa kunin na ni Seulgi ang camera niya sa lamesa para kuhanan ng litrato si Krystal habang may hawak na bote ng beer.

 

Patay tayo d'yan. 

 

Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari dahil niyaya na 'ko ni Jisoo lumabas ng Route at iniwan yung dalawa sa loob. Nag book na naman ako ng grab for Krystal. Nag paalam na rin ako sa kanya dahil sa condo ko siya uuwi at ako naman ay sa mansyon. Madami rin pala kaming nainom pero hindi naman ako hilo.

 

"Jisoo."

 

"Yes, irog ko?" 

 

"Ilog? As in like a river?"

 

"No, Jennie."

 

"Oh, then what's that?" I asked curiously at sumandal sa hood ng Corvette. Isinandal niya rin ang gitara roon.

 

Tinanggal niya ang suot niyang flannel at isinabit 'yon sa balikat ko dahil crop top ang suot ko. Hindi ko pa nga pala naibabalik yung flannel na ipinasuot niya sa'kin nung nakaaraan.

 

"Irog." She whispered at my ear dahilan para tumaas ang balahibo ko. "Iniirog, ginigiliw, sinisinta, tinatangi. Ikaw lahat 'yon, Jennie." Hinawakan niya ang mga kamay ko at inilagay 'yon sa magkabila niyang pisngi bago tumingin sa mga mata ko.

 

"Irog." She softly said and gave me a warm smile.

 

"That word sound so beautiful, Jisoo." I softly said.

 

Her old soul is showing. "Like you, Jennie." Wow.

 

Sa palagay ko, hindi lang kalsada ng Katipunan ang makakasaksi ng kung anong namamagitan sa amin ni Jisoo kundi yung mga parking din ng bar na pinupuntahan namin tuwing madaling araw.

 

"Parang I want sabaw." Bulong ko. "Rice porridge with tofu and boiled egg!"

 

"Pwede mo naman akong higupin!" Aniya at ngumuso pa na parang may hinihigop. 

 

"Baliw ka!" Sambit ko at sinampal ng mahina ang mukha niya.

 

"If i'm not mistaken, that's lugaw na may tokwa't baboy."

 

"Yeah. Basta that's called rice porridge." I pulled her neck and hugged it tightly. I felt her hands on my waist at hinaplos 'yon dahilan para mapasinghap ako.

 

"I know a good place." She always know a good place.

 

"Let's go there then."

 

"Masarap din ang pares doon."

 

"Paris?" My brows furrowed. "Gusto mong kumain tayo sa Paris? Pwede naman, Jisoo. I'll book a flight." I said seriously and took my phone. “Uwi na lang tayo sa monday.”

 

"Jennie, no!" Sambit niya. “That's not how it works. We can eat naman somewhere nang hindi umaalis ng bansa." Sabi niya at nag kamot ng batok.

 

"But you said Paris."

 

"Pares, irog." I'm starting to like this irog thingy.

 

Kinikilig ako kapag sinasabi niya 'yon.

 

So, it's not Paris. "Wait, a pair?" I asked curiously.

 

"Bulalo na nga lang!" Irita niyang sambit. 

 

"Bulalo?" I asked. "Masarap ang bulalo sa Tagaytay, Jisoo."

 

"Huh? No! Ang layo ng Tagaytay, Jennie."

 

"Wala naman akong sinabi na pupunta tayo roon. Ang sabi ko lang, masarap ang bulalo sa Tagaytay."

 

"Pero gusto mo ng sabaw."

 

"Akala ko ba you know a good place?" I asked.

 

She removed her specs and massaged the bridge of her nose.

 

"Wait. The place is not 24 hours." Hmm.

 

"Oh? Gusto mo bilhin ko na lang yung place then mag implement ako ng rules na 24/7 siyang bukas para anytime na gusto nating kumain—."

 

"Hindi! Hindi ganoon, Jennie! Ganyan ba manligaw ang mayayaman?” Tanong niya at nag kusot ng mata.

 

“Huh?” E, I don’t know how to make ligaw nga.

 

“Okay na ‘ko sa mga simpleng kainan lang. Yung tipong pagkaluto, sawsaw tas kain agad."

 

“Oh, you want samgyup?” Seryoso kong tanong.

 

“Pwede rin pero ang tinutukoy ko kasi ay yung mga street foods!” Napasapo siya sa noo. “Pero basta! Hanap na lang tayo ng ibang kakainan." Sambit niya.

 

"I think the universe is hinting us to go in Tagaytay."

 

"Oh, no. You didn't."

 

But yes, we did. We're in Tagaytay right now.

 

"Grabe cravings mo, e, 'no? Talagang dadayo ka pa sa ibang lugar para lang makakain." Sambit ni Jisoo at pinunasan ng tissue ang kanyang bibig pagkatapos namin kumain.

 

Ngumiti na lang ako at nagkibit balikat. I took my phone para kuhanan siya ng litrato. Naka-ismid siya roon at pine-flex ang tattoo niya sa braso habang nakanguso sa bulalo. Nakuhaan ko na siya kanina pero syempre gusto ko before and after. Nag labas ako ng pera para bayaran na ang bill pero umiling siya. Magtatalo na naman kami siguro nito.

 

"Ako na 'to, Jennie."

 

"Ako na. Don't make angal na lang. Ako ang nag dala sa'yo rito kaya hayaan mo na 'kong mag bayad."

 

“Hindi na. Ako na.”

 

“Sabing ako na nga, e!”

 

“O, sige! Ikaw na lahat! Ikaw na magaling, ikaw na ang perpekto, at ikaw na ang paborito ni mama!”

 

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. “What?”

 

“Hindi mo alam ‘yon? Saulo ko nga lines doon, e!”

 

“Ah, basta! Ako ang magbabayad, Jisoo.”

 

“Oo na! Sige na! Tae! Tae lang naman ako sa’yo, Jennie!” Her voice is filled with humor. Niyakap niya ang kanyang tote bag at pinaningkitan ako ng mata.

 

“Hindi mo rin alam kung saan galing ‘yon?!”

 

“Shut up!” I rolled my eyes at her. “Alam ko ‘yon!”

 

"Kanina ka pa sa tapsihan, ah!"

 

"Just let me pay for it, okay?" I said.

 

"Ano pa nga ba? Hindi naman ako mananalo sa'yo, e." Sagot niya at tumango na lang. "Thanks."

 

I called the waitress to pay the bill. Naningkit ang mata ko nang makitang titig na titig siya kay Jisoo. Seriously? Anong mayroon sa mga waitress na 'yan at palaging ang lagkit ng tingin nila sa kanya.

 

Hindi naman siya kakanin.

 

"Uwi na tayo. Alas kwatro na ng madaling araw, oh. Hindi ka ba hinahanap ng parents mo?" My brows furrowed at what she asked.

 

"Uh, no. I'm sure they won't mind naman."

 

"They're not looking for you?" She asked.

 

"Kapag kailangan lang." Mahinahon kong sagot at ngumiti sa kanya. She her lower lip at hindi na nag-abalang mag tanong pa tungkol sa magulang ko.

 

"Kaya mo pa bang mag drive?" She asked.

 

"I'm pagod, but you know what? Let's sleep na lang sa rest house namin then let's uwi na lang tomorrow." I said and wiped my mouth using tissue. "Is that okay with you?"

 

"May rest house kayo rito?" Gulat niyang tanong. "Teka, magugulat pa ba 'ko? E, anak mayaman ka nga pala!" I rolled my eyes at her.

 

"Yeah. Actually, it's my Dad's. Luckily, binigyan niya 'ko ng susi for that." Ipinakita ko sa kanya ang susi galing sa bag ko at iwinagayway pa 'yon.

 

"Wala akong dalang damit, e."

 

"I have extra clothes in my car, Jisoo. Use it."

 

"Sandali! Pinaghandaan mo ba 'to?" Tanong niya.

 

Actually, no. But, "Kinda." I winked at her.

 

Napaatras siya sa sinabi ko at siningkitan ako ng mata.

 

"Wala akong gagawing masama sa'yo, 'no!"

 

She shrugged it off at niyaya na 'kong lumabas ng restaurant. Naka-akbay ako sa kanya papalabas hanggang marating namin ang parking. Binuksan ko ang Corvette at pinasakay na siya sa shotgun seat. 

 

Pasakay na rin sana ako nang maalala ko si Krystal. Tumawag ako sa kanya pero hindi siya sumasagot but I received a text from her. Nakauwi na raw siya.

 

Mabuti.

 

Pag sakay ko ng sasakyan ay inayos ko sa backseat yung paper bag na may lamang mga damit. Kinuha ko yung hoodie na katabi ng gitara niya at inabot 'yon sa kanya.

 

"Wear it. Malamig." Sabi ko.

 

"Salamat." Sambit niya. "Para naman tayong naglolokohan dito, e. Suot mo flannel ko, tapos suot ko naman hoodie mo." Aniya at tumawa.

 

"It's fine. Pag tagal ng panahon, who knows, baka isang closet na lang ang gamit natin for clothes."

 

"Huh?" Taka niyang tugon at isinuot ang seatbelt.

 

"I mean—."

 

"Halaman!" She's so annoying.

 

Nung napansin niyang naiirita ako ay nag finger heart pa siya at ngumuso sa isang side. Expert talagang mang-inis ‘to, e.

 

Hindi na lang ako sumagot at nag simula nang mag maneho. Mabilis din naman kaming nakarating ng Tagaytay Highlands kung saan naroon ang rest house. May dalawang palapag ito at gawa sa kahoy.

 

Kasya ang tatlong sasakyan sa open space na garahe sa labas. Sa kabilang dako naman ay garden at hindi kalakihang hall o veranda ng first floor. Nasa gitnang bahagi ang pinto papunta sa loob ng bahay kung saan pag pasok ay kita na agad ang sala at kusina.

 

Pag dumaretso pa ay papunta na sa labas o terrace kung saan matatanaw ang kabundukan ng Tagaytay, pero mas tanaw ito sa pangalawang palapag kung saan naroon naman ang mga kwarto ng rest house.

 

"Pinagbebenta niyo ba 'to?" Jisoo asked.

 

"Hindi, e. Bakit? Bibilhin mo?"

 

"Pwede naman pag marami na 'kong pera." She laughs.

 

Pwede ko naman siyang i-bahay dito, 'no?

 

"Mukhang matagal nang walang pumupunta." Sabi niya at inikot ang paningin sa paligid namin.

 

"Nung nag simulang hindi maging okay ang parents ko, hindi na kami nakabalik ng kumpleto dito. We have so many memories here. Mostly, my childhood." I can't believe I said that. I guess, it's easy to open up in people kapag magaan na ang loob mo sa kanila.

 

"Oh." Aniya. "They aren't together anymore? You don't have to answer it if you feel uncomfortable."

 

"It's fine. Uh, they're still living together sa mansyon but you know." I said. "Hindi na sila katulad ng dati." Sabi ko at hinigit na siya papunta sa itaas.

 

I opened my room at inilapag ang mga gamit ko. Dala niya pala yung gitara niya dito sa loob. Ba't ngayon ko lang napansin na maraming sticker na nakadikit doon? Sa sobrang focus ko siguro sa kanya every damn time na may gig siya ay hindi ko na napansin.

 

"Sa isang kwarto ba tayo matutulog?" She asked.

 

"Ayaw mo ba?" Tanong ko at ngumisi.

 

"Malikot ako matulog, e." Tumingin siya sa kama pero tumango na lang dahil malaki naman ito at sobra pa sa dalawang tao ang kasya.

 

The thing I like about this dating stuff ay hindi ako naiilang. Or should I say, the thing I like about Jisoo? Anyway. 'Pag siguro totoo ang tao sa'yo, kusa na lang din lalabas ang pagiging tapat mo.

 

I don't want to compare but she's really different.

 

"Okay lang. Kung hindi ka sanay nang may katabi, sa kabila na lang ako matutulog." I plainly said. I'm glad na hindi maalikabok dahil every week naman itong pinapalinis ni Dad sa caretaker ng rest house.

 

"Sige. Doon na lang din ako para tabi tayo."

 

"Nagpapalusot ka pa, ah!" Sambit ko at tumawa ng mahina pero nag kibit balikat lang siya.

 

"Take a bath pero 'wag mong basain ang buhok mo." Sambit niya at hinubad ang suot niyang hoodie at specs. "Baka mapasma ka." She added. 

 

I know that already but if someone truly cares for me like that, feeling ko ang haba ng buhok ko. Mukhang namula tuloy ang mukha ko.

 

"Sumabay ka na sa'kin." I said seriously.

 

Naningkit ang mata niya at humalukipkip.

 

"Para tipid sa tubig." Dagdag ko at itinuro ang bath room. Natawa na lang ako nang sumenyas siyang pumasok na 'ko sa loob. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. 

 

What a beauty.

 

Unti-unti akong nag hubad ng kasuotan, napangiti ako nang maamoy ang flannel niya. I was wearing a bath robe nang biglang may kumatok sa pinto ng bathroom. Jisoo knocked at the door.

 

“Can I come in?" She asked.

 

"Yeah, sure." Nang magkatinginan kami pag pasok niya ay para siyang nakakita ng multo at umiwas ng tingin.

 

"Uh." Tumingin siya sa bath tub na may bath bomb.

 

"Don’t judge it! That’s malinis.”

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Chands26 #1
Chapter 13: authorrr baka naman update po
markaxel
#2
Chapter 13: Hay mga irog namiss ko kayo 🥹
bbnifubuki
#3
Author, asan na yung kahulugan
Hunny_funny8888 #4
Chapter 11: Author...beke Nemen, update na author 🙃
Chichu07 #5
Chapter 11: 2020 na wala paring update
rosesarerozay #6
Chapter 11: i really wanna know the story behind jisoo's hatred (?) sa mga kabandmates niya especially to jinyoung and SOOJOO if ever man na yan yung right term sa nararamdaman niya kay soojoo in the present. jisoo mentioned kasi na soojoo ruined her daw sa chapter na 'to but still has a soft spot sa kanya however. plus isnt jisoo the one who left and the reason why the band separated, kasi nga umalis lang siya after niya maging madesisyon sa lahat-lahat lmao. we dont know why jisoo and jinyoung hate each other too but i think dati pa ata yan nung hindi pa umalis si jisoo. but who knows actually? maybe because jisoo is selfish and perfectionist and jinyoung doesnt like her attitude? we really dont have any idea. but if ever na that's the case, then jisoo is a one ed up judgemental hopeless romantic, selfish and perfectionist, iskolar ng bayan 💀
rosesarerozay #7
Chapter 10: i dont like jisoo here kita mo talaga yung pagiging mapride at perfectionist niya sa chapter na 'to. nabwisit ako sa part na nagpapractice silang magbabanda tas agagalit agad like wow kapal naman ng mukha mo magdemand ng gusto mo after ng ginawa mo dati 💀 tas etong si jennie rin jowa mo lang biased ka na agad anong pinagsasabi mong parehas silang mali eh si jisoo lang naman talaga ang problema 💀 parang kanina lang sinabi mo pang mukhang pagod na silang lahat tas ngayon so bakit tinotolerate mo pagiging selfish at perfectionist ni jisoo my god. pero ano pa bang magagawa natin eh jensoo au to. i just hope na may character development siya throughout the upcoming chapters. labyu author
Reallisooo
#8
Chapter 11: Namiss ko ang mag irog na 'to. Namiss rin kita otor <3 hahaha salamat sa pag update!
bbnifubuki
#9
Chapter 10: Be my counselor otornim
dolcerina
#10
Chapter 11: Gandaaaa. Omg. Thank god nahanap ko to.