Chapter 6.

katipan sa katipunan.
Please Subscribe to read the full chapter

JENNIE POV

 

"Iska, tayo na."

 

"Okay." Walang gana siyang tumayo habang hawak pa rin ang asul na lobo at bulaklak na ibinigay ko kanina. She held my wrist at humawak sa bewang ko nang hindi tumitingin sa'kin. Irita ang kanyang mukha, malamang ay dahil talo ang UP sa game.

 

"Tayo na."

 

"Nakatayo na tayo, Jennie." She said plainly.

 

"Alam ko."

 

"Ano pa bang tayo ang gusto mo?" Pagsusungit niya.

 

"Where is your brain, Jisoo?" I asked and rolled my eyes. Her brows furrowed and her lower lip, she also bit her piercings there. Humalukipkip siya at huminga ng malalim. 

 

"Anong sinabi mo?" She asked curiously at ngumuso.

 

"Tayo na, Jisoo."

 

"What?"

 

"Ikaw at ako, tayo." I whispered and gave her a sweet smile before placing my hand on her shoulder. "Tayo na, Jisoo."

 

"Tayo? As in tayo? Mag jowa na tayo?" She raised a brow.

 

I tapped my forehead at napapikit na lang dahil hindi niya makuha ang gusto kong sabihin. She's slow at this, huh.

 

Ilang beses ko pa bang uulitin na, "Jisoo, tayo na."

 

"Hindi ka ba nagbibiro?" Aniya at mas lalong humaba ang nguso.

 

"Why would I joke on something like that?"

 

Nanlaki ang mata niya dahilan para matawa ako, wala siyang sinagot at niyakap ako ng mahigpit. Kumalas siya ng kaunti at ngumiti sa'kin bago humalik sa noo, hanggang sa tadtarin niya na 'ko ng halik sa pisngi pababa sa panga ko.

 

"Hindi nga?" Paninigurado niya pa.

 

I smirked and caressed her eyes, her nose, and her lips then I cupped her cheeks, I slowly kissed her lips until I felt her smile against our kiss. It felt so good, it feels like heaven.

 

"Akin ka na. Akin ka lang."

 

Inangat ko ang baba niya para itikom ang kanyang bibig na namilog dahil sa halik. Mukhang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko at umiling. "Girlfriend ko na nga yung Atenista?"

 

"Girlfriend mo na yung Atenista." She was about to cry pero alam ko namang arte niya lang 'yon kaya natawa ako. Muli niya 'kong niyakap at tumagal 'yon ng ilang minuto sa gitna ng napakaraming tao na ang nilalaman ay magkabilang panig, pero kung ang paiiralin mo'y pag-ibig, we'll make it as one.

 

"Iyo na 'ko." She giggled and burried her face on my neck.

 

"Yeah." I patted her back and played with her hair. I felt her tongue on my neck kaya napairap na lang ako. Disgusting.

 

"Kadiri ka talaga!" Tumawa lang siya at hinalikan ang pisngi ko.

 

"Mamaya kain tayo ng neon balls there sa Magin—." Pang-gagaya niya sa boses ko kaya kinurot ko siya.

 

"Masakit 'yon!" She laughs but I rolled my eyes.

 

"Lord, girlfriend ko na yung Atenista." She whispered and wrapped her arms around my waist, she crossed her fingers at pinipigilan ang pag tawa, narinig ko pa ang sigaw niya sa mga kaaway niya kanina sa itaas habang may game. Hindi pa rin siya tapos makipag-away doon. What a warfreak.

 

"Kahit inyo na yung championship basta akin 'to." Aniya at itinuro ako. Nag kibit balikat na lang ako sa sinabi niya at ngumisi. Kumalas siya sa yakap at ako naman ang hinalikan sa labi.

 

I was right, the first time I saw her, I was right. Her lips are soft and tastes like love. I've never been this happier in my life. I'm glad, this Iska did her tactics in a way I would fell inlove with her. Hindi pala magkakagusto sa Atenista, ah.

 

"Kaya pala may lobo at bulaklak, nang-asar ka pa talaga bago mo 'ko sagutin?" Natatawa niyang sambit. "You're so extra, irog."

 

"Mas extra ka."

 

"At bakit?" She asked and held my waist.

 

"Kasi sabi mo hindi ka magkakagusto sa Atenista." 

 

Parehas na lang kaming natawa sa sinabi ko at nag lakad na papaalis ng Arena, nauna na sila Krystal at Seulgi sa parking kanina pa, nang makarating kami sa kinaroroonan nila ay napansin kong hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin sila dahil sa game.

 

"Pigilan mo 'ko, tol! Sasapakin ko na 'to!" Reklamo ni Seulgi.

 

"Sabi sa'yo masakit umasa." Pang-aasar pa ni Krystal at ginawa munang pamaypay ang perang naipanalo niya sa pustahan bago 'yon itago sa bag. She's always like that kaya umiling na lang ako. Inabot niya sa'king yung hiniram niya but I refused dahil alam kong mas kailangan niya 'yon dahil kapag sinasabi niyang wala siyang cash on hand, wala rin sa card niya.

 

"Babawi 'yan! Pina-score lang talaga school niyo."

 

"Mag-aral ka na lang!" Krystal shouted. "Mag quiz bee ka!" Natawa ako sa narinig at agad na umiwas ng tingin dahil tinaasan ako ng kilay ni Jisoo. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Krystal.

 

"Tol, gago! Inaaway ako, o." Seulgi sighed and pointed her finger at my friend. Walang ekspresyon ang kanyang mukha at nang mapatingin sa'kin ay muli siyang ngumiti. "Teka nga! Bakit parang masaya ka pang talo UP?" Seulgi added.

 

"Panalo ako, tol." Jisoo confidently said at hinawakan ang kamay ko bago halikan 'yon. Yumakap ako sa kanya patagilid at itinuon ang baba sa balikat niya kaya biglang naningkit ang mata nila ni Krystal.

 

"Sandali, parang may mali." Sabay nilang sambit.

 

"Walang mali." Jisoo said then smiled at them.

 

Natanaw ko si Wendy sa likod nilang dalawa, tumaas ang kilay ko nang mapansin na kasabay niyang mag lakad si Irene na kumaway sa'kin pero hindi naman sila masyadong malapit sa isa't isa. I'm curious about these two. Parang mayroon silang tinatago. I shrugged it off at hindi na lang 'yon inisip.

 

"Kami na ni Jennie, tol."

 

"What?!" Gulat nilang tanong, pati na rin si Irene na nasa harapan na namin. Si Wendy naman ay nasa tabi lang ni Seulgi, parang may pinag-usapan sila saglit habang kinakalikot niya ang kanyang camera.

 

"Oo, kami na." Matapang kong sambit. Hindi na siguro ako magugulat sa reaction ng mga kaibigan ko but their eyes widened at sabay na humalukipkip.

 

"Bruha ka!" Irene said at pinanlakihan ako ng mata.

 

"Irene, you're overreacting." Krystal laughs.

 

"Gaga ka! Ang sabi ko lang, bruha siya." Maarteng sambit ni Irene at itinuro ako.

 

"Tangina, tol!" Singhal ni Seulgi nang matapos silang mag-usap ni Wendy. "Talagang pinagpalit mo na 'ko sa Atenistang hila—." Hindi na natapos ni Seulgi ang sasabihin niya dahil agad tinakpan ni Jisoo ang bibig nito.

 

"Anong sabi ng kaibigan mo, Jisoo?" Inis na tanong ni Irene at isinabit ang duffel bag sa balikat niya. Mukhang pagod siya mula sa pagchi-cheer ng game kanina.

 

"Yeah, what did that idiot say? Hindi ko narinig pero sure akong foul na 'yon." Tanong din ni Krystal at hinawi ang buhok bago humalukipkip. Para naman silang makikipag-away.

 

"Huh? Wala, ah." Bakas ang kaba sa tono ng boses ni Jisoo at tinapik ang likod ko.

 

"Atenistang—." Muling pinatahimik ni Jisoo ang kaibigan niya dahil inulit pa ang sinabi kanina.

 

"Shut up, Seulgi. Ateneans are just in front of us."

 

"What? Si Jennie lang naman at si Kry—." Seulgi covered when she saw Irene na hindi maganda ang tingin sa kanya. "Oh, my god. Mama Mary, sorry." Mahiya-hiya niyang sambit kay Irene. She gave her a peace sign, bigla kong naalala ang sinabi niya sa'kin. But again, I shrugged it off.

 

"Mama Mary?" Irene rolled her eyes. Alam kong nag kita na sila isang beses sa gig ni Jisoo but I think Irene forgot about her dahil marami siyang iniisip lately, kaya na rin siguro hindi maka-keep up sa ganyang biro ni Seulgi. 

 

I'm okay with it. I heard it from Jisoo a thousand times pero palagi niyang sinasabi na exception naman ako roon, sa mga Atenistang hilaw na kinaiinisan niya palagi, pero nung isang beses na napikon ako ay hindi niya na ulit binanggit 'yon.

 

"Tol, pag tanggol mo 'ko, tol." Siniko ni Seulgi si Jisoo pero tinawanan niya lang ang kaibigan niya. Napailing lang si Wendy at si Krystal naman ay tinaasan siya ng kilay.

 

"Hindi porket talo ka sa pustahan ay mang-iinsulto ka na ng Atenista." Seryosong sambit ni Krystal at sumakay na sa sasakyan niya, sumakay na rin doon si Irene at hindi na nakapag-paalam sa'kin. Nag paalam na din sa'min ang mga kaibigan ni Jisoo kaya kami na lang at naiwan sa parking. 

 

Naiintindihan ko naman kung bakit gano'n ang reaction ng mga kaibigan ko, the first time i've heard Jisoo say those words before, pinatulan ko din naman. At dahil mapagpatol ako, girlfriend ko na siya ngayon.

 

But i wonder why is everyone in a bad mood today? Kami lang ata ni Jisoo ang hindi. I was leaning on my Corvette, my arms were crossed, hinihintay ko siyang matapos na makipag-usap sa telepono, it's Yeri. Tumawa ako ng mahina dahil inabot niya sa'kin ang lobo at bulaklak. I took it at agad na inilagay sa backseat. When I closed the door of my car, sinalubong niya 'ko ng yakap.

 

"Kain tayo."

 

Of course. My day would not be complete kung hindi kami kakain ni Jisoo sa labas, ang pinagkaiba lang ngayon ay kami na, kaya gusto kong maging special ang pag-kain namin ngayong araw. "Rodics, irog?"

 

"Gusto mo bang pumunta ng Tagaytay?"

 

"Don't tell me you're craving for sabaw?"

 

"No, i mean, can we go to our rest house?"

 

"Oh, yung tinulugan natin before?"

 

"Yeah, if it's okay with you."

 

"Sure but can we like make daan muna sa apartment, i'll take my guitar with us."

 

"So conyo naman this Iska." I said sarcastically.

 

Umirap siya at pinasakay na lang ako ng sasakyan, agad na rin naman siyang sumakay ng shotgun seat at nag suot ng seatbelt. Nakatitig lang ako sa kanya at nang mapatingin siya sa'kin ay hinawakan niya ang kamay ko.

 

"Are you okay, Jennie? What's wrong?"

 

"I'm— okay. Masaya lang ako."

 

"Dahil?" Tanong niya na para bang hindi alam kung ano ang isasagot ko. Kinagat niya ang kanyang labi para pigilan ang pag ngiti, she played with my fingers habang inaabangan ang isasagot ko.

 

"Dahil girlfriend ko na yung Iska." Para siyang bulate na inasinan dahil sa sinabi ko, tumawa ako at nag maneho na.

 

Nang makarating kami ng apartment niya ay hindi niya na 'ko isinama. Ibababa niya lang yung mga gamit niya at kukunin yung gitara. Napatingin ako sa tatlong stem ng bulaklak na binigay niya sa'kin mula sa ibinigay ko. Palagay ko ay mapupuno na ng ganito ang mga librong binabasa ko.

 

Mabilis siyang bumalik ng sasakyan, iba na ang suot niya pero gano'n pa rin ang style. She gave me a soft kiss on my cheek, hindi niya na nakakalimutan 'yon every time na may pagkakataon siyang gawin ang pag halik.

 

I grinned when I saw her plaid, she look so good in it. Kahit 'yun na siguro ang suotin niya habang buhay ay ayos na sa'kin, it's her personality. It's not Jisoo if she's not wearing a plaid shirt, naka-taas ito hanggang braso kaya nakita ko na naman ang tinta roon. 

 

"Tara na, irog ko. 'Wag mo na 'kong pagnasaan."

 

"Kapal mo." I rolled my eyes then started driving.

 

Tahimik lang ang byahe namin, minsan ay sumasabay siya sa kanta, minsan 'pag may nakikita siya sa daan sinasabi niya sa'kin para may pag kwentuhan kami sa byahe o sadyang hindi lang talaga siya nauubusan ng topic para may mapag-usapan, at hindi ako antukin sa byahe.

 

"Idlip lang ako saglit, irog."

 

"Okay," Pero wala pang isang minuto ay muli siyang nag salita dahil sa kantang tumunog sa radyo.

 

"The Beatles."

 

"Huh?"

 

"The Beatles kako yung banda."

 

"Yeah, of course. I know them."

 

"Do you know the Abbey Road, Jennie?" She asked, hindi na siya makakatulog niyan. Sabi niya kanina, iidlip daw siya.

 

"Not really. I just know the band."

 

"Oh, it's one of their studio album." Aniya. "And it's a place in London. 'Pag nakita mo yung album na 'yon, you'll see the four of them in a pedestrian lane. 'Yun yung Abbey Road."

 

"Yeah, i'm familiar with that one. Parang I saw that poster on your room nung pumuta ko roon."

 

"That's one of the iconic place for me actually. Sana balang araw makapagpa-picture ako doon. Sobrang hanga ako sa lugar na 'yon, e." Bulong niya at ngumuso.

 

"I'll take you there, Jisoo."

 

"No, Jennie. Someday, i'll take you there."

 

"Hmmm, okay." 

 

"Ikaw ba? Wala ka bang lugar na gustong puntahan balang araw? Do you have a favorite place, irog?"

 

"I don't have a favorite place, Jisoo. I have my favorite person and that is you. And whenever i'm with you, it becomes my favorite place."

 

"Talaga naman, o! Ang irog ko— bumabanat!"

 

"E, kung ikaw ang banatan ko?"

 

"Ng pagmamahal?"

 

"Pwe!" She reacted at itinuro na lang ang daan.

 

Umismid ako at nag patuloy na sa pagmamaneho, pag dating namin ng Taga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Chands26 #1
Chapter 13: authorrr baka naman update po
markaxel
#2
Chapter 13: Hay mga irog namiss ko kayo 🥹
bbnifubuki
#3
Author, asan na yung kahulugan
Hunny_funny8888 #4
Chapter 11: Author...beke Nemen, update na author 🙃
Chichu07 #5
Chapter 11: 2020 na wala paring update
rosesarerozay #6
Chapter 11: i really wanna know the story behind jisoo's hatred (?) sa mga kabandmates niya especially to jinyoung and SOOJOO if ever man na yan yung right term sa nararamdaman niya kay soojoo in the present. jisoo mentioned kasi na soojoo ruined her daw sa chapter na 'to but still has a soft spot sa kanya however. plus isnt jisoo the one who left and the reason why the band separated, kasi nga umalis lang siya after niya maging madesisyon sa lahat-lahat lmao. we dont know why jisoo and jinyoung hate each other too but i think dati pa ata yan nung hindi pa umalis si jisoo. but who knows actually? maybe because jisoo is selfish and perfectionist and jinyoung doesnt like her attitude? we really dont have any idea. but if ever na that's the case, then jisoo is a one ed up judgemental hopeless romantic, selfish and perfectionist, iskolar ng bayan 💀
rosesarerozay #7
Chapter 10: i dont like jisoo here kita mo talaga yung pagiging mapride at perfectionist niya sa chapter na 'to. nabwisit ako sa part na nagpapractice silang magbabanda tas agagalit agad like wow kapal naman ng mukha mo magdemand ng gusto mo after ng ginawa mo dati 💀 tas etong si jennie rin jowa mo lang biased ka na agad anong pinagsasabi mong parehas silang mali eh si jisoo lang naman talaga ang problema 💀 parang kanina lang sinabi mo pang mukhang pagod na silang lahat tas ngayon so bakit tinotolerate mo pagiging selfish at perfectionist ni jisoo my god. pero ano pa bang magagawa natin eh jensoo au to. i just hope na may character development siya throughout the upcoming chapters. labyu author
Reallisooo
#8
Chapter 11: Namiss ko ang mag irog na 'to. Namiss rin kita otor <3 hahaha salamat sa pag update!
bbnifubuki
#9
Chapter 10: Be my counselor otornim
dolcerina
#10
Chapter 11: Gandaaaa. Omg. Thank god nahanap ko to.