Kabanata 2- Pwede ba?

Isa, Dalawa, Tatlo, Susugal Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Seulgi

 

Nasa loob ka ng klase, pero wala ang atensiyon mo sa propesor na nasa harapan. Ang mga mata mo'y nakatuon lamang sa orasan. 

 

Biyernes ngayon, atat kang mananghalian dahil tatlumpung minuto lang ang break time nila Irene. 

 

Kaya naman ng magdismiss na ang propesor ay agad kang nag-ayos ng mga gamit mo. Palabas ka na ng pintuan ng may tumawag sa'yo.

 

"Seulgi!" Si Tzuyu pala. Hinihingal pa siyang lumapit sa'yo.

 

"Bakit?" Kasuwal na tanong mo.

 

Nagbubulungan na naman ang mga kaibigan mong nasa likod mo.

 

"Pinapatawag ka ni Mr. Tan, sa faculty." 

 

Biglaan kang nakaramdam ng inis, dahil mukhang hindi mo makakasamang mananghalian ngayon si Irene. Wala ka pa namang vacant ngayong araw, habang siya'y mayroon. Baka rin hindi na kayo magkita ng uwian dahil baka maaga siyang umuwi sa bahay nila ngayon dahil weekend kinabukasan.

 

Tinapik ka ni Jisoo sa balikat kaya ka napalingon, "Sasabihin na lang naming susunod ka, basta bilisan mo lang."

 

Tumango ka. 

 

Sabay-sabay kayong lumabas pero magkaiba ang landas, sila sa kanan papuntang cafeteria, habang kayo sa kaliwa papuntang faculty.

 

Hindi mo siya kinakausap, ganoon din naman siya sa'yo. Mabuti na lang, wala rin naman kayong mapag-usapan. Hindi ka na rin mahihirapan kung sakaling may makasalubong kayong kakilala ni Irene.

 

Pagpasok sa faculty ay wala sa opisina niya si Mr. Tan na department chair niyo. Kaya naman naupo muna kayo sa couch na nasa loob ng opisina niya.

 

Napaisip ka tuloy, baka pinagloloko ka lang ni Tzuyu.

 

"Sorry, may pupuntahan ka pa bang iba? Sabi kasi ni Mr. Tan kanina papuntahin daw kita, wala naman siyang sinabing aalis pala siya." Nahihiyang sabi ni Tzuyu sa'yo.

 

Sasabihin mo bang pupuntahan mo dapat ang bestfriend mo para sabay kayong magtanghalian? At naiinis ka dahil mukhang hindi mo siya makikita ngayong araw tapos hindi pa kayo sabay na kakain.

 

Umiling ka na lang, "Kakain lang sa caf." 

 

"Baka may naghihintay sa'yo, sige na. Ako na lang siguro, baka may iuutos lang 'yon." Sabi niya sa'yo.

 

May iu-utos? Kung iiwan mo siya ngayon, kawawa naman. Hindi na nga siya makakakain ng lunch, mag-isa pa siya na gagawa nung utos. Iiwan mo ba? Huwag na, samahan mo na lang. Maiintindihan naman siguro ni Irene kapag nagpaliwanag ka ng maayos sa kaniya.

 

"Hindi na. Kung may iu-utos, dalawa na tayo."

 

"Hindi ba magagalit girlfriend mo?" Napatingin ka sa kaniya dahil sa tanong niya.

 

"Wala akong girlfriend."

 

"Akala ko girlfriend mo si Irene. Palagi kasi kayong magkasama." 

 

Natawa ka, lahat na lang ba sila ganiyan ang tingin? Na magjowa kayo kasi lagi kayong magkasama? 

 

"Hindi. Bestfriend ko 'yon."

 

"Pero nagkagusto ka na sa babae?" Kuryosong tanong niya.

 

"Hmm... Hindi." Parang nagulat pa siya sa sagot mo. 

 

Napasandal ka sa backrest ng couch, anong mayroon sa mga tao ngayon at pangalawa na siyang nagtanong kung may girlfriend ka ba? 

 

"Boyfriend? Nagkaroon ka na ba ng boyfriend?" 

 

"Oo."

 

"Talaga?" Tinignan mo siya, parang mas nagulat siya na nagkaboyfriend ka kaysa noong nalaman niyang hindi ka pa nagkakagusto sa babae.

 

Tumango ka, "Nagtagal kayo?" Tanong niya ulit. Interesado yata talaga siya sa buhay mo.

 

"A couple of months."

 

"Bakit months lang?"

 

"It wasn't love. Infatuated lang."

 

Tumango siya, natahimik kayong pareho. Na saan na ba kasi ang department chair niyo? As if on cue, biglaang bumukas ang pintuan. Iniluwa no'n ang kanina niyo pa hinihintay. Napaayos kayo ng upo.

 

"Naghintay yata kayo nang matagal. Kanina pa ba kayo? Pasensiya, may inayos lang saglit." Tanong niya tapos ay dumiretso sa mesa niya, may hinahanap na kung ano.

 

"Hindi naman po," sagot mo.

 

Sumenyas siyang lumapit kayo, kaya naman agad kayong tumayo.

 

"May urgent meeting kasi ang buong department, may ipapaabot sana ako sa St. Vincent. Kailangan na kasi. Pwede bang kayong dalawa na lang ang mag-abot doon? Sa junior high school faculty lang naman, sabihin niyo lang kay Mrs. Solares." Iniabot niya ang makapal na brown envelopes kay Tzuyu, agad mo namang kinuha ang iba dahil baka mabigatan siya.

 

Agad kayong pumunta sa eskwelahan na sinasabi niya. Saka mo lang naalalang eskwelahan pala 'to ng kapatid ni Irene. Agad kang yumuko para kung magkasalubong man kayo ay hindi ka niya makilala. Pero huli na, nasa hallway kayo papuntang faculty ng nasalubong niyo siya.

 

"Ate Seul?" Hawak ang kanang strap ng backpack niya ay nakatingin siya sa'yo. 

 

"Yerimie," dahan-dahan kang nag-angat ng tingin at ngumiti sa kaniya.

 

"Saan ka Ate?" Tanong niya sa'yo na para bang hindi niya nakikita ang kasama mo.

 

"Sa faculty niyo, may iaabot lang."

 

"Ah.." saka lang niya tinignan ang kasama mo. "Samahan ko na kayo, doon din punta ko." 

 

Duda ka man sa sinabi niyang doon din ang punta niya ay pumayag ka na lang. Siya naman nag-offer na samahan kayo, bakit mo pa tatanggihan?

 

Tumalikod siya at naunang naglakad, saka mo sinulyapan si Tzuyu na para bang sinasabi mong susundan niyo siya. Naunang pumasok si Yeri sa faculty, pinagbuksan mo naman ng pinto si Tzuyu. 

 

Pagpasok ay naupo lang si Yeri sa couch sa gilid ng pinto ng faculty, naka krus ang mga braso at matalim ang titig. Akala mo ikaw ang tinitignan niya, pero 'yong kasama mo pala. Si Tzuyu ang lumapit para makipag-usap at kinuha na niya ang hawak mo. Pagbalik niya ay sinabing bumili lang ng pagkain saglit. 

 

Saka ka lang napalingon sa orasan, nanlaki ang mga mata mo ng makitang kuwarenta minutos na pala ang lumipas. Paniguradong tapos na ang lunch break nila Irene. Nagmadali kang kinapa ang mga bulsa mo pati na rin sa bag mo para hanapin ang cellphone mo para sana itext siya.

 

"Tangina." Mahinang bulong mo ng hindi mo makapa ang cellphone mo. 

 

Doon mo lang naalala na nilapag mo ang cellphone mo sa loob ng locker habang inaayos ang mga gamit mo doon. Hindi mo yata nadampot ulit. Naihilamos mo ang mga palad mo sa mukha, malilintikan ka na naman.

 

Mabuti naman at dumating agad ang hinihintay niyo, hinatid ulit kayo ni Yeri hanggang sa gate. Hindi pa rin niya inalis ang matalim na titig niya sa kasama mo, napa-isip ka tuloy kung magkakilala ba sila kaya ganoon siya.

 

"Kapatid mo?" Tanong ni Tzuyu habang naglalakad kayo.

 

Umiling ka, "Kapatid ni Irene."  

 

"Close kayo?"

 

Tumango ka, "Oo."

 

Hindi na siya ulit nagtanong hanggang sa makabalik kayo sa university, napadaan kayo sa locker kaya nakuha mo ang cellphone mo. Sakto namang late ang prof niyo pagdating niyo sa room niyo.

 

Hindi ka pa nakaka-upo ay pinaulanan ka na ng mga tanong ng mga kaibigan mo.

 

"Bakit ngayon ka lang?"

 

"Saan kayo galing?"

 

"Naglunch ka ba?" 

 

Hindi mo sila sinagot, nagbato ka rin ng tanong. 

 

"Naglunch break ba sila Irene?"

 

Hindi sila agad sumagot, nag-isip pa muna. 

 

"Hindi. Nag-extend 'yong last subject nila." Magdududa ka sana kaya lang nakumbinsi ka ng seryosong mukha ni Moonbyul, kaya hindi ka na nagtanong pa.

 

"Bakit pala hindi ka nagtext?" Tanong ni Lisa sa'yo.

 

"Naiwan ko phone ko sa locker, kakakuha ko lang kaninang pagbalik." Sabay-sabay silang tumango.

 

Naisipan mong i-text si Irene. 

 

Ako:

 

Hindi raw kayo nag lunch break? Hindi rin ako nakapaglunch. Nag-extend ba? Dalhan na lang kita saglit?

 

 

Lumilipad na naman ang isip mo kahit na oras ng kla

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Akiwrites
Pressure sa title defense lang pala kailangan ko para makapagsulat ulit :'>

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
#1
Chapter 17: Finished reading all the available chapters. 🥺 This one's a really great fic and I'm kind of sad na hindi ko inabutan 'to when it was first published. It would've been a really different feeling for me to anticipate sa next chapters. I really love the plotline of this one especially na dumating na sa parts na Seulgi's being frustrated na sa pag-iwas ni Joohyun considering all the other factors pa with her ex and such. I hope that we can all go back to this story soon po but for now, I'll just say that this has become one of my favorite Tagalog Seulrene fics already. Salamat sa pagsusulat, author! I'm not so sure if you still have access to this account but I want you to know that your writing already tugged on my heart. Ang galing niyo po. Will still wait for you po. Ingat kayo lagi. :)
xantheaverielle
#2
Chapter 3: Grabe. Ang tagal ko bago nakahanap ng Tagalog Seulrene story na ganito. Sobrang ganda talaga. Normal lang 'yung plotline pero 'yung uncertainty sa emosyon nina Irene at Seulgi 'yung mas nagpapalalim ng kwento. Nakakatuwa rin lahat ng characters. Itutuloy-tuloy kong basahin lahat ng available chapters nito. :)
xantheaverielle
#3
AAAA read the foreword pa lang pero sobrang gustong-gusto ko na. Ang ganda po, ang galing niyo magsulat. Hindi ko sigurado kung complete na 'to or if active pa rin po kayo dito but I'll still take the chance to read this story and comment on this. Salamat sa pagsusulat, author!
sophroditeee
#4
Chapter 17: minsan tlga di mo alam kung mawawalan ka ng pasensiya sa mga taong in denial o matuwa kasi ang sarap nilang inisin hahahahhha
Killshot05 #5
Chapter 17: Damn Seulgi! Make up your mind!
kang_ddeul
#6
Chapter 17: ay may pa-only mine din! huhu 😭✊
eunxiaoxlove #7
Chapter 17: Go seulll
jaangwaang
894 streak #8
Chapter 17: ayaaaann na. make ur movena seulbear bago ka pa maunahan ni ex
jaangwaang
894 streak #9
Chapter 7: nawa'y bigyang katahimikan ang puso ni seulbear hahahaha
dreamwityou #10
Chapter 17: namiss ko tong fic 🥺. i was waiting talaga for an update.
nakaramdam na si seulgi finally. tama si joohyun, it's time for seulgi to do her part naman. why do i feel like joohyun's ex also means the start of new issues. looking forward sa next chapters