Kabanata 6- Skylines

Isa, Dalawa, Tatlo, Susugal Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Seulgi

 

Buong weekend kang nasa condo ni Irene. Umuwi ka lang ng dorm para kunin 'yung mga pointers at reviewers mo at doon na mag-aral para sa exams at ilang damit pati uniporme.

 

"Okay na kayo?" Tanong ni Lisa sa'yo.

 

"Chikadora ka talaga ng taon! Bagay talaga kayo ng jowa mo."

 

"Ilang araw daw na wala sa hulog 'yon e, pansin ko din na hindi kayo masyadong nag-uusap." 

 

"Oo, okay na."

 

"E kayo ni Tzuyu?" Si Byul naman ang sumunod na nagtanong sa'yo.

 

"Okay naman kaming magkaibigan."

 

"Ayt! Di mo sure!" 

 

"Parang tanga, Byul."

 

"Ah!" Napatingin kayo kay Jisoo. "Naalala ko hinahanap ka ni Ser Guzman kahapon."

 

Bakit ka naman hahanapin ng prof niyo sa major e tapos na performance niyo?

 

"Bakit daw?"

 

"Baka kunin kang department representative para sa school festival next next week!" Tumatawang sabi niya.

 

"Panget mo magbiro, Chu." 

 

"Baka lang naman! Malay mo gusto niyang ilaban 'yong two in one na. Gwapong maganda!" Hindi pa rin siya natigil sa katatawa.

 

Buong Sabado kayong nagkulong sa unit ni Irene at pagrereview lang ang ginagawa. Hindi mo mapigilang panoorin siya habang seryoso siyang nagbabasa suot 'yung specs niya. Naka-upo siya sa sahig, kaharap mo. Habang nakalatag ng maayos ang mga papel sa ibabaw ng glass table niya.

 

Ikaw naman ay nalilingat at napapahawak sa cellphone dahil nababagot ka sa sobrang pagbabasa. Palihim kang kumuha ng litrato niya. 

 

"Put your phone away." Saway niya ng hindi inaalis ang paningin sa papel na binabasa niya.

 

"I'm done reading. I'm bored." Madrama kang sumandal sa backrest ng couch.

 

"Then read them again."

 

"Ugh." Ungot mo, tumayo ka na lang para hindi mo siya ma-distract sa pagbabasa niya at tumambay sa kitchen.

 

Kumuha ka ng chips sa cupboard at canned softdrinks saka ginawang kumportable ang sarili sa pag-upo sa bar stool. Kumuha ka pa ng basong pagsasandalan ng cellphone mo, saka mo hinugot mula sa bulsa 'yong earpods mo.

 

Nags-scroll ka ng mapapanood sa YouTube ng mahinto ka sa isang video. 

 

May YouTube channel si Tzuyu? Tanong mo sa sarili mo.

 

Naaliw ka sa intro kaya naman napa-like at subscribed ka, na-click mo rin 'yung notification bell icon.

 

It was the video you took last Sunday night, sa Tagpuan. She was soulfully feeling herself while singing. The way she's slowly closing her eyes, and then slowly opening them again just to look at the camera.

 

Nag-scroll ka sa comment section para purihin siya, pero imbis na mag-comment e nagbasa ka.

 

'Omg Pagtingin by Ben&Ben! For whom?'

 

'Who's behind the camera?'

 

'The way she looks at the camera every time after closing her eyes makes me wonder who's behind the cam?'

 

'Omg her voice <3'

 

Napatipa ka ng comment.

 

ksg: Pa-autograph naman! Ang galing mo!

 

Pinanood mo pa 'yung tatlong latest na song covers niya bago ka lumipat sa ibang YouTube channel. Dance covers naman ang pinapanood mo ng may nag-notif sa'yo.

 

T-covers replied to your comment!

 

T-covers: Thank you <3 hahaha. I'll give you one on Monday. Thanks for taking the video!

 

Magrereply ka pa sana ulit ng makarinig ka ng buntong hininga sa likod mo. Dahan-dahan ka pang lumingon na akala mo'y nahuli na may ginagawang masama, nakatayo si Irene habang magkakrus ang dalawang braso sa dibdib at diretso ang tingin sa sa'yo.

 

"Umalis ako doon para hindi kita maistorbo." Sabi mo saka binalik ang tingin sa cellphone. Naglakad siya papasok ng kitchen. "You done?" 

 

Tumango siya, "I'll cook dinner. What do you want?" Tinalikuran ka niya saka lumapit sa fridge para tignan ang laman nun.

 

"Uh," nag-isip ka muna. "Bistek?"

 

"Fine." Aniya saka isa isang nilabas 'yong mga ingredients.

 

Nakakuha ka na naman ng pagkakataon para palihim siyang kuhanan na naman ng litrato.

 

She really looks good at everything she does.

 

"Huwag mo nga akong titigan ng ganiyan."

 

"Anong ganiyan?" Tanong mo.

 

"Na para bang may gusto ka sa akin, kahit wala naman." Napa-inom ka ng softdrinks ng 'di oras sa sinabi niya.

 

Pinagpatuloy niya ang pagluluto ng request mo, hindi niyo na ulit napag-usapan 'yung mga sinabi niya kagabi. Siguro nga nahiya siya sa pag-amin niya habang nakainom ka kaya hindi niya na binuksan 'yung usaping 'yon.

 

Kumain kayo agad pagkatapos niyang magluto, ikaw na ang nagprisintang magligpit ng mga hugasin para makabalik siya sa pagrereview niya. Hanggang sa kama ay hindi niya tinantanan 'yung mga binabasa niya. Nakatulog pa siyang nakasandal sa headboard ng kama, habang nakasuot ng specs at hawak sa kamay ang papel niya. 

 

Inalis mo ang specs niya at kinuha ang papel bago mo siya dahan-dahang pinahiga sa kama at binalutan ng comforter niya. Kagabi ay hinintay mo lang siyang makatulog bago ka lumipat doon sa guest room na katabi ng kuwarto ni Yeri.

 

Maaga kang nagising kinabukasan, mas maaga sa kaniya kaya naman kinailangan mong magluto ng sariling agahan kasi ginutom ka. Dalawa pa lang 'yong nailagay mo sa plato, paano ba naman kasi kada may malulutong pancake e kinakain mo agad.

 

"Dapat ginising mo ako," pumasok si Irene sa kusina at naupo sa bar stool, nakapag toothbrush na rin siya at nakatingin sa ginagawa mo.

 

"Ang sarap kasi ng tulog mo, nahiya akong istorbohin."

 

"Hindi ko naramdamang bumangon ka."

 

"Siyempre, nagdahan-dahan ako." You lied.

 

"Hmm..."

 

"Hindi ka rin natulog sa tabi ko nung isang gabi. Did my confession made you uncomfortable sleeping with me, Seul?" 

 

Mabilis kang umiling, "Hindi naman sa gano– oh !" Napaso ka sa pan.

 

"Turn it off. Halika rito." Aniya. 

 

Pinatay mo 'yong kalan at gas, saka parang batang sumunod sa utos niyang lumapit ka sa kaniya. Kinuha niya 'yong kamay mong napaso at tinignan 'yon.

 

"Did it hurt?"

 

Umiling ka, "Hindi naman, nabigla lang."

 

Napatingin siya sa niluto mo, "Dalawa lang? Kakasimula mo lang magluto?"

 

"Uh no, kanina pa. It smells good kaya nakain ko 'yung iba kahit kaluluto pa lang."

 

She laughed. "You really shouldn't think about my confession too much, Seul." 

 

"I am not thinking about that." Napaiwas ka ng tingin.

 

"I shouldn't have confessed."

 

"Hyun, naman."

 

"I knew you'll be distant, kaya nga hindi ko sinabi agad e. Kasi kung lalayo ka, anong kaibahan ko sa mga babaeng umamin sa'yo?" 

 

"Of course you'll be different. I can't stay away from you, we're best friends."

 

"Best friends" Pag-ulit niya. "Should I be thankful na ganiyan tayo? Kasi kung hindi, you wouldn't be here. You'll be running hills just to stay away from me after I confessed."

 

She left the kitchen pagkatapos niyang sabihin 'yun. Ikaw naman ay itinabi mo 'yong natirang pancakes at saka ka nagpunta sa bathroom ng guest bedroom para maligo dahil nga magsisimba ka.

 

Paglabas mo ay nadatnan mo siyang nakaupo sa couch, nakaligo at nakabihis na. Mukhang ikaw na lang ang hini

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Akiwrites
Pressure sa title defense lang pala kailangan ko para makapagsulat ulit :'>

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
#1
Chapter 17: Finished reading all the available chapters. 🥺 This one's a really great fic and I'm kind of sad na hindi ko inabutan 'to when it was first published. It would've been a really different feeling for me to anticipate sa next chapters. I really love the plotline of this one especially na dumating na sa parts na Seulgi's being frustrated na sa pag-iwas ni Joohyun considering all the other factors pa with her ex and such. I hope that we can all go back to this story soon po but for now, I'll just say that this has become one of my favorite Tagalog Seulrene fics already. Salamat sa pagsusulat, author! I'm not so sure if you still have access to this account but I want you to know that your writing already tugged on my heart. Ang galing niyo po. Will still wait for you po. Ingat kayo lagi. :)
xantheaverielle
#2
Chapter 3: Grabe. Ang tagal ko bago nakahanap ng Tagalog Seulrene story na ganito. Sobrang ganda talaga. Normal lang 'yung plotline pero 'yung uncertainty sa emosyon nina Irene at Seulgi 'yung mas nagpapalalim ng kwento. Nakakatuwa rin lahat ng characters. Itutuloy-tuloy kong basahin lahat ng available chapters nito. :)
xantheaverielle
#3
AAAA read the foreword pa lang pero sobrang gustong-gusto ko na. Ang ganda po, ang galing niyo magsulat. Hindi ko sigurado kung complete na 'to or if active pa rin po kayo dito but I'll still take the chance to read this story and comment on this. Salamat sa pagsusulat, author!
sophroditeee
#4
Chapter 17: minsan tlga di mo alam kung mawawalan ka ng pasensiya sa mga taong in denial o matuwa kasi ang sarap nilang inisin hahahahhha
Killshot05 #5
Chapter 17: Damn Seulgi! Make up your mind!
kang_ddeul
#6
Chapter 17: ay may pa-only mine din! huhu 😭✊
eunxiaoxlove #7
Chapter 17: Go seulll
jaangwaang
894 streak #8
Chapter 17: ayaaaann na. make ur movena seulbear bago ka pa maunahan ni ex
jaangwaang
894 streak #9
Chapter 7: nawa'y bigyang katahimikan ang puso ni seulbear hahahaha
dreamwityou #10
Chapter 17: namiss ko tong fic 🥺. i was waiting talaga for an update.
nakaramdam na si seulgi finally. tama si joohyun, it's time for seulgi to do her part naman. why do i feel like joohyun's ex also means the start of new issues. looking forward sa next chapters