Kabanata 7- Neither

Isa, Dalawa, Tatlo, Susugal Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Seulgi

 

 

Lunes, at simula na nga ang madugong exams. Tamad na tamad ka pang bumangon, at sa guest bedroom ka ulit natulog. Kaya naman laging gulat mo ng makita sa tabi mo ang nakapikit na Irene. Nakasiksik pa siya sa'yo, habang nakadantay ang braso niya sa tiyan mo. 

 

Pinanood mo pa siyang matulog kagabi doon sa kuwarto niya kaya naman laking gulat mo ng katabi mo na siya.

 

"It really feels different waking up next to you." Nakapikit na sabi niya.

 

"Morning." Bati mo sa kaniya.

 

"Ayaw mong tumabi sa akin, kaya ako na ang nag-adjust." She slowly rubbed her eyes. "Good morning, Seulgi-ya." Dinampian niya ng halik 'yong pisngi mo kaya napaatras ka.

 

"Hyun naman," nanginginig pang sabi mo habang nakahawak ka sa pisngi mo.

 

"What?" Inosenteng tanong niya. "It's not like I'm not doing that ever since." 

 

"You what?" Gulantang na tanong mo.

 

"Oh, come on! It's not like I stole your first kiss on the lips, Seul." Inirapan ka niya saka bumangon at iniwan ka.

 

Nagbilang ka ng isang daan sa isip bago ka pumunta ng bathroom para magtoothbrush saka ka lumabas. Nakaupo na sa isang bar stool ang bagong ligo na si Yeri habang nakapikit at nakapatong ang baba sa magkabilang kamay niyang nakatungkod sa kitchen counter. Habang nagluluto naman si Irene.

 

"Good morning, Yerimie." Hindi mo na binati 'yong Ate niya dahil nabati mo na siya kanina. Naupo ka sa tabi niya.

 

"Good morning." Humihikab pang balik niya sa'yo.

 

Agad na nilapag ni Irene 'yong almusal niyo sa harap niyo bago siya tumabi sa'yo. Pagkatapos ay agad kang naligo sa guest bathroom, habang doon sa labas na bathroom naligo si Irene. Ngayon mo lang napagtantong, iyong pinagtutulugan mo ang master's bedroom dahil malaki 'yon at may sariling banyo.

 

Naghihintay kayo ng elevator, at nagulat ka ng pagbukas no'n ay nasa loob ang pinsan mong si Taeyeon.

 

"Oh? Hindi ko alam na dito ka na pala nakatira." Biro niya sa'yo pagkapasok niyo.

 

"Ya'll hearing something?" Sabi mo naman. Agad kang nagawaran ng batok. "Kapag 'yong mga binasa ko nawala sinasabi ko sa'yo Taeyeon. Isusumbong kita kay Mama." Sabi mo habang hinihimas 'yong batok mo.

 

"Good morning, Ms. Baes." Bati niya sa dalawang kasama mo na tinanguan lang ni Yeri.

 

"Morning prof." Si Irene.

 

Sa parking bumaba si Taeyeon pero naabutan niya pa rin kayo sa labas ng Condominium. 

 

"Maglalakad lang talaga kayo?" Aniya, nakahinto siya at nakababa ang salamin ng sasakyan niya.

 

"Ihahatid pa namin." Itinuro mo si Yeri.

 

"Hop in. Hindi kayo pwedeng ma-late." Sumunod naman kayo at pumasok sa sasakyan.

 

Ihinatid nga si Yeri sa gate ng school niya saka siya nag-drive papuntang university niyo. Bababa na sana si Irene ng bumaba ka sa tapat ng department niyo dahil doon ang room ng unang exam mo ng pigilan mo siya.

 

"Doon ka na bumaba, Hyun. Parehas naman kayo ng pupuntahan ni Taeyeon." Tumango lang siya at hindi na nagsalita pa.

 

Halos kasabay mo lang pumasok 'yong tatlong kaibigan mong nagmamadali pa sa pag-upo. Halatang nagmadali para hindi ma-late at maipwesto sa harapan. 

 

"Oh," iniabot sa'yo ni Lisa 'yong food container ni Tzuyu na pinadala mo.

 

"Nagreview ka, Seul?" Tanong ni Byul.

 

Umiling ka, "Nagbasa lang." 

 

"Hindi ba parehas lang 'yon?"

 

"Tange. Kapag nagreview ako, confident akong may maisasagot ako. Kapag nagbasa lang, alanganin kung may maisagot." 

 

Ginapangan ka na ng kaba ng pumasok 'yung unang proctor niyo. Nanahimik na ang lahat dahil nagbigay na siya ng mga test papers. Nakahawak ka pa sa sentido mo habang nagsasagot, animo'y hinahawakan 'yon para pilit na may maalala ka sa mga binasa mo.

 

Dalawang exams na pang-umaga ang nairaos niyo at halos hindi ka na makatayo dahil parang naubos ang lakas mo sa pag-alala ng mga binasa mo para maisagot.

 

Lunch break at kumpleto kayo. Pare-parehong hindi maipinta ang mga mukha niyo nina Lisa pagkatapos ng dalawang exam na 'yon. Si Byul ay tulala naman sa malayo.

 

"I told you to put your phone away para makapag-focus ka sa binabasa mo. But you chose to watch some random song covers on YouTube instead." Pangaral ni Irene sa'yo. So nakita niyang pinapanood mo si Tzuyu?

 

"Hay nako! Itong si Lisa puro laro lang yata inatupag, dalawa sila ni Jisoo. Ano ngayon ha?! May nasagot ba kayo?" Galit na sabi ni Jennie.

 

"Meron." Mahinang sagot ni Lisa. "Hindi ko lang sure kay Seulgi kung tama 'yon." 

 

"Bakit ako?" Gulat mong baling sa kaniya.

 

"Kinopya ko 'yung sagot mo e!" 

 

"Tanga ka! Kaya pala ang talim ng titig nung proctor sa 'kin kanina. Akala ko pa ako 'yong binato niya ng whiteboard marker at nagmintis lang. Ikaw palang hinayupak ka."

 

Nasa pangalawang exam na kayo kanina at napalitan 'yong proctor. Matalim ang tingin sa'yo, at nagulat ka ng bigla niyang binato 'yung pinaglalaruan niyang whiteboard marker na nagmintis sa'yo.

 

"Ang sakit mo sa ulo!" Nasapo ni Jennie 'yong noo niya dahil kay Lisa.

 

"Hoy!" Niyugyog ni Solar ang balikat ni Byul na kanina pa tulala.

 

"Sorry, Seulgi! Nadala lang ng pangangailangan. Patawad!" Bigla na lang sabi ni Byul ng mabalik siya sa ulirat niya.

 

"Huh?" Nagtaka ka sa inasal niya. "Pinagsasabi mo?"

 

"Ah.. eh.."

 

"I, o, u?" Tumatawang dugtong ni Jisoo.

 

"Moonbyul parang tanga!" Napipikong sabi ni Solar. "Ano ba 'yon?" Saka niya pinandilatan ng mata si Byul.

 

"Ano e, marami akong nasagot. Kaya lang ano e, ano. May hininging kapalit 'yung nagbigay." Kabadong sagot niya.

 

"Ano ngang kapalit?!"

 

"Si Seulgi nga e!" Napasigaw na siya sa sobrang pressure.

 

"Anong si Seulgi? Sinong may sabing pumayag ka do'n? Gusto mong ibalibag kita ngayon dito?" Mahinahong sabi ni Irene.

 

"Cellphone number niya hiningi! Damot neto! Jowa mo ba 'yan ha?! Jowa mo?!" Nagsisigaw na si Byul at pinagtitinginan na siya ng mga tao. Habang sila Lisa panay na ang hagikhik. 

 

"Patahimikin mo 'yang jowa mo, Solar. Ibabalibag ko talaga 'yan dito kapag hindi 'yan nanahimik." Mahinahon pa ring sabi ni Irene kay Solar. Halatang nagtitimpi kaya naman sinaway na ni Solar si Byul.

 

"Ang sarap ng walang jowang iniitindi, 'di ba Jisoo?" Baling ni Joy kay Jisoo.

 

"Wala din naman akong jowa. Akala niyo kayo lang?" Mahinang sabi mo.

 

"Wala ngang jowa, may best friend naman na umiintindi." Makahulugang sabi ni Joy.

 

"Wala lang umiintindi sa'yo e. Palibhasa walang may gusto sa'yo." Sabat ni Irene.

 

"Palibhasa sa'yo, marami." Nakangising sabi ni Joy bago tumingin sa sa'yo. "Aray! Ba't ka naninipa e totoo naman!" She whined.

 

"Ay, sinabi mo pa girl! Ayaw niya sa mga 'yon kaya ikaw na ang sumalo, mamili ka na lang kung sino." Tumatawang dagdag ni Jennie. 

 

"Ah, madami." Mahinang bulong mo pero narinig ni Irene kaya napalingon siya sa'yo.

 

"Still you, Seulgi-ya. Only you." Bulong niya sa tenga mo na nagpatindig ng bala

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Akiwrites
Pressure sa title defense lang pala kailangan ko para makapagsulat ulit :'>

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
#1
Chapter 17: Finished reading all the available chapters. 🥺 This one's a really great fic and I'm kind of sad na hindi ko inabutan 'to when it was first published. It would've been a really different feeling for me to anticipate sa next chapters. I really love the plotline of this one especially na dumating na sa parts na Seulgi's being frustrated na sa pag-iwas ni Joohyun considering all the other factors pa with her ex and such. I hope that we can all go back to this story soon po but for now, I'll just say that this has become one of my favorite Tagalog Seulrene fics already. Salamat sa pagsusulat, author! I'm not so sure if you still have access to this account but I want you to know that your writing already tugged on my heart. Ang galing niyo po. Will still wait for you po. Ingat kayo lagi. :)
xantheaverielle
#2
Chapter 3: Grabe. Ang tagal ko bago nakahanap ng Tagalog Seulrene story na ganito. Sobrang ganda talaga. Normal lang 'yung plotline pero 'yung uncertainty sa emosyon nina Irene at Seulgi 'yung mas nagpapalalim ng kwento. Nakakatuwa rin lahat ng characters. Itutuloy-tuloy kong basahin lahat ng available chapters nito. :)
xantheaverielle
#3
AAAA read the foreword pa lang pero sobrang gustong-gusto ko na. Ang ganda po, ang galing niyo magsulat. Hindi ko sigurado kung complete na 'to or if active pa rin po kayo dito but I'll still take the chance to read this story and comment on this. Salamat sa pagsusulat, author!
sophroditeee
#4
Chapter 17: minsan tlga di mo alam kung mawawalan ka ng pasensiya sa mga taong in denial o matuwa kasi ang sarap nilang inisin hahahahhha
Killshot05 #5
Chapter 17: Damn Seulgi! Make up your mind!
kang_ddeul
#6
Chapter 17: ay may pa-only mine din! huhu 😭✊
eunxiaoxlove #7
Chapter 17: Go seulll
jaangwaang
894 streak #8
Chapter 17: ayaaaann na. make ur movena seulbear bago ka pa maunahan ni ex
jaangwaang
894 streak #9
Chapter 7: nawa'y bigyang katahimikan ang puso ni seulbear hahahaha
dreamwityou #10
Chapter 17: namiss ko tong fic 🥺. i was waiting talaga for an update.
nakaramdam na si seulgi finally. tama si joohyun, it's time for seulgi to do her part naman. why do i feel like joohyun's ex also means the start of new issues. looking forward sa next chapters