Kabanata 3- Sober

Isa, Dalawa, Tatlo, Susugal Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Seulgi 

 

The weekend went as usual. Para hindi gaanong mag-isip ay inabala mo ang sarili. Noong Sabado ng umaga ay tinanghali ka ng gising, dahil na rin siguro sa puyat ka dahil kakaisip. Nagmamadali ka pang mag-ayos ng labahin dahil magpapa-laundry ka.

 

After lunch ng tumulak ka sa Dance Studio para sa lingguhang dance class. Member kayong apat doon, pero ikaw lang ang masipag na magpunta tuwing Sabado ng hapon, habang 'yong tatlo pumupunta lang kapag na-isipan.

 

Water break ng lapitan ka ng may-ari.

 

"You're alone, again." Aniya na para bang hindi pa rin siya nasasanay na ikaw lang ang masipag um-attend.

 

"Alam mo naman 'yong mga 'yon." 

 

"Right! Busy! Iyong dalawa sa mga jowa, 'yong isa sa laro. How 'bout you? Wala kang ibang pinagkakaabalahan?"

 

Umiling ka, "Ito lang." 

 

"Wala ka pa ring jowa?" Nang-aasar ang tono ng tanong niya. "Naka-isa ka pa lang, ang tagal na noon ah. Don't you want to explore sa other side?" 

 

"Other side? What do you mean?"

 

"You know, girls?" 

 

You shook your head, "I'm straight, Stal."

 

" you thought!" She snorted. "You know, Seul. We are all straight... not until you met someone with the same gender that makes your heart flutter, and makes you feel things more than the opposite gender does."

 

"Oh. Who's your someone then?" 

 

"Alam mo, tangina mo! Ikaw 'yon gago, kaya lang ni-reject mo 'ko. Kasi nga straight kang bwiset ka!" Gigil na sabi niya.

 

Natawa ka, "Bakit parang kasalanan ko?"

 

Inirapan ka niya, "Kasalanan mo naman talaga. Who wouldn't fall for someone like you? Ang wholesome mo kaya, you're like a friend and a lover in one. Kaya ang swerte ng magiging jowa mo."

 

"I'll take that as a compliment."

 

"But it will hurt big time kapag nawala ka."

 

"Why?"

 

"You are playing two huge roles in someone else's life. You're not just lovers, you became friends or you were friends to begin with. Imagine when you lose them both all at once, it's destructive."

 

"Kaya ba ekis din na jowain ang kaibigan?" You suddenly feel the need to ask.

 

"Exactly! Mabuti na rin pala at ni-reject mo ako." Natatawang aniya na para bang kanina noong unang beses niyang sinabi ay hindi siya nang-gigil sa sa'yo.

 

Ginabi ka ng uwi dahil nanlibre pa si Krystal ng hapunan, dinaanan mo na rin 'yong pina-laundry ko. Nadatnan mo naman 'yong tatlo na abala sa kung ano. Si Lisa at Jisoo magkatabing naka-upo sa upuan doon sa study table nila, seryosong naglalaro. Si Byul naman nandoon top bunkbed, ka-video call yata si Solar.

 

Inayos mo muna 'yong bagong laundry mong damit bago ka nagpasyang maligo. Ang sarap talaga sa pakiramdam ng pagligo lalo kapag pagod ka tapos gabi na. Nanunuot 'yong lamig. Nag-blow dry ka na rin ng buhok bago bumalik sa kwarto.

 

"May tumawag kanina, hindi namin sinagot." Bungad sa sa'yo ni Lisa ng hindi ako nililingon.

 

Nagmadali ka tuloy, hindi mo na naisampay 'yong tuwalya dahil agad kang nagtungo sa kama kung saan mo iniwan 'yong phone mo. Dalawang missed call at isang text 'yon galing kay Irene. Agad mong binuksan 'yong text niya.

 

 

Hyun: 

 

Why are you not answering? Dapat nasa dorm ka na ah? 

 

 

Agad kang nagtipa ng sagot.

 

 

Ako: 

 

Katatapos ko lang maligo. I left my phone.

 

 

Mukhang naka-abang siya sa text mo kaya agad siyang nag-reply.

 

 

Hyun: 

 

Bakit hindi mo dinadala sa cr phone mo? What if it's emergency? 

 

 

Ako:

 

Okay okay. Dadalhin ko na sa susunod.

 

 

Wala pang ilang minuto pagkasend mo ng tumawag na siya ulit.

 

"Hello?" Sagot mo agad pagka-accept ng tawag.

 

[Nagdinner ka na?] napatango ka sa tanong niya, saka mo lang naalalang magka-call nga pala kayo.

 

"Oo, kanina bago umuwi. Ikaw?" 

 

[Tapos na, bago kita tinawagan kanina. Saan ka kumain?]

 

"Malapit lang doon sa Studio." Hindi na siya nagsalita. Para bang nagdadalawang isip pa siya kung may sasabihin siya. "May sasabihin ka, Hyun?" 

 

You heard her sigh, [I miss you.]

 

"I miss you too." You breathed.

 

[Tatawag ako ulit bukas, make you sure you have your phone with you.] Na-imagine mo na tuloy na inirapan ka niya habang sinasabi niya 'yon.

 

"Yes, Maam." 

 

"Bye,"

 

"Bye."

 

You were eager to ask her kung saan siya nagpunta kahapon, kung may kasama ba siya, o kung anong ginawa nila. Pero noong kausap mo na siya, parang naduwag ka.

 

Hindi mo alam kung bakit.

 

You did some random sketches dahil hindi ka makatulog ng gabing 'yon. Tanda mo pang nag-aaway 'yong dalawang katabi mo sa nilalaro nila. 

 

Maaga kang gumising kinabukasan, medyo sumakit pa ulo mo, dahil siguro puyat tapos maaga gumising. Kaso kahit anong aga mo, kung makupad 'yong mga kasama mo, wala rin. Late pa rin kayo sa misa, paniguradong sa tabi ng pinto na naman ang pwesto niyo.

 

Agad kang naghanap ng masasandalan pagpasok sa simbahan, siyempre nakakangawit kayang tumayo buong oras ng misa, kaya kailangan may masasandalan kapag hindi na kaya. Nakatuon ang paningin mo sa altar, kahit hindi mo naman masyadong kita si Father na nasa harapan.

 

Abala kang makinig ng kalabitin ka ng nasa likod mo. Bakit ba may mga taong nagsisimba pero kung anu-ano ang ginagawa sa loob ng simbahan imbis na makinig, halatang mga kawal ng ibaba.

 

"Ano?" Inis na tanong mo, hindi mo nilingon kung sino at alam mo namang si Byul 'yon.

 

"Hulaan mo sinong nasa tabi ni Lisa." Dalawa sila ni Lisa sa likod niyo ni Jisoo, ayaw magtabi at baka magpompyangan ng ulo dahil nag-aaway sila kanina sa laro.

 

"Sino?"

 

"Hulaan mo nga."

 

"Para kang tanga, sino nga."

 

Ayaw ng nagdadaldal, pero nagdadaldal din. What do you expect kung may kaibigan kang diretso sa baba?

 

"Si Tzuyu, hinahanap ka. Isang lingon naman diyan, lover girl." 

 

"Ga-" hindi mo natuloy 'yong sinabi mo at naalala mong nasa loob ka nga pala ng simbahan. "Manahimik ka nga."

 

Si Byul 'yong perfect example ng taong gugustuhin mong kaladkarin palabas ng simbahan dahil parang demonyong bumubulong ng kung anu-ano habang nagmimisa. Kaya naman paglabas niyo ay saka mo lang siya napingot sa tenga.

 

"Aray masaket!" Angal niya ng nasa labas na.

 

"Nasa loob ng simbahan para kang demonyong bulong nang bulong. Hindi mo na lang ipagpasa-dorm na lang kung ano mang sinasabi mo."

 

"Baket ako lang? Si Lisa din naman ah? Si Tzuyu din, siya pagalitan mo! Chinichika niya kami kaya hindi kami makapag-concentrate." Aniya habang hinahaplos 'yong tenga niyang piningot mo.

 

"Nadamay ako? Mahina lang bulong ko hoy!" Si Lisa na parang batang hindi matanggap 'yong pagdamay sa kaniya.

 

"Makahanap na nga lang ng pagkakain-" hindi natuloy ni Byul 'yong sasabihin niya, bigla ka na lang niyang hinigit sa kung saan.

 

Huminto siya sa tapat ng lugaw republic.

 

"Oh, pasok, pasok! Libre ko dali, bago pa magbago ang isip ko." Aniya saka kayo hinila sa loob at pinaupo. 

 

Ampucha himala! Manlilibre na lang, sa lugawan pa. 'Di bale, pwede na. Minsan lang manlibre 'yong pesteng 'yon.

 

Maya-maya ay bumalik siya dala 'yong lugaw na libre niya. 

 

"Si Tzuyu, nakasabay kong um-order. Inaya ko na rin dito sa table natin. Nakakaawa naman kung hahayaan ko lang kumain siya mag-isa." Sumiksik si Byul doon sa harap mo, katabi si Jisoo at Lisa. "Upo ka na, Tzuyu." Nakasinging sabi niya.

 

Sinasabi mo na nga ba!

 

"Hi! Blessed Sunday!" Bati niya ng ma-upo siya.

 

"Sa St. Vincent ka pala nagsisimba?" Tanong ni Lisa sa kaniya.

 

"Oo, 'yon lang 'yung simbahan na malapit sa condo e."

 

"Oh, naka-condo ka? Saan?" Usisa ni Byul.

 

"Around CBS lang." 

 

Ang dami pa nilang tinanong kay Tzuyu, habang abala ka lang sa pagkain ng lugaw. Wala ka rin namang itatanong sa kaniya. Wala kang balak mang-usisa tungkol doon sa nakita niya nung Biyernes.

 

"Sabi mo kanina around CBS 'yong condo mo. E 'di alam mo 'yung tagpuan?" Muntik ka pang mabulunan sa kinakain mo. Pesteng Byul 'to!

 

"Oo naman, Regular ako doon. Tambay, wala naman akong kasama at hindi madalas gumala kaya lagi ako doon. Do you guys have free time later? Maybe Dinner? My live band doon tuwing Saturday and Sunday evening."

 

"Uy sakto! Gustong pumunta doon ni Seulgi e, inaaya niya kami nung Biyernes. 'Di ba Seul?" Napabaling sa'yo si Tzuyu dahil sa sinabi ni Byul.

 

Halos mapaatras ka ng nilapit ni Tzuyu ang mukha niya sa'yo, "They don't know?" bulong niya sa tenga mo. Tinutukoy niya siguro 'yong kay Irene na sinabi niya. Kaya umiling ka.

 

"Hoy ano 'yan? Ha? Ano 'yan?! Nako Seulgi sinasabi ko sa'yo, hindi mo pa inaaming bakla ka rin kaya wala munang ganiyanan!" Parang batang sigaw ni Byul. Pinagtitinginan tuloy kayo.

 

"Wala. Kumain ka na lang diyan." 

 

Kung anu-ano pa ang pinag-usapan nila no'n, lalo na si Byul na hindi yata nauubusan ng tanong kay Tzuyu. Daming gustong malaman.

 

"Mamaya ha? Before seven siguro, mabilis kasing mapuno sa taas kaya agahan niyo." Paalala ni Tzuyu bago kayo nagkaniya-kaniya.

 

"Oo, agahan namin." Ganadong sagot ni Byul. Taena niyo. Kung walang jowa 'yan, iisipin mong type niya si Tzuyu.

 

Pagkatapos niyo doon ay dumiretso kayo sa mall para mag-arcade. Sobrang energetic ng mga kasama mo, lahat yata ng laro doon sinubukan. Habang ikaw nasa claw machine lang, nagfo-focus na makuha 'yong bunny na stuffed toy. Medyo mas sumakit rin kasi ulo mo kaya hindi ka masyadong naglalaro.

 

Naiinis ka sa nag-aaksaya ng oras at panahon sa claw machine, pero eto ka. Nakailang swipe na ng card mo para lang sa lintek na bunny na ayaw magpakuha! Kung hindi lang niya kamukha si Irene, hindi mo naman siya kukunin!

 

Nag-aya na kang kumain ng sa wakas ay makuha mo 'yong isang bunny, gusto mo ng umalis doon. Dahil baka kapag nagtagal pa kayo ay mas malaki pa ang maubos mo sa pesteng claw machine na 'yon.

 

Ikaw na rin ang nag-aya na maagang umuwi pagkatapos naming kumain dahil sumasakit na ang ulo mo, kailangan mo na yatang matulog muna para makabawi.

 

"Hoy," nagising ka dahil sa tampal sa pisngi mo, si Byul pala.

 

"Ikaw na lang hinihintay namin." Dagdag pa ni Lisa.

 

Saka ka na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Akiwrites
Pressure sa title defense lang pala kailangan ko para makapagsulat ulit :'>

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
#1
Chapter 17: Finished reading all the available chapters. 🥺 This one's a really great fic and I'm kind of sad na hindi ko inabutan 'to when it was first published. It would've been a really different feeling for me to anticipate sa next chapters. I really love the plotline of this one especially na dumating na sa parts na Seulgi's being frustrated na sa pag-iwas ni Joohyun considering all the other factors pa with her ex and such. I hope that we can all go back to this story soon po but for now, I'll just say that this has become one of my favorite Tagalog Seulrene fics already. Salamat sa pagsusulat, author! I'm not so sure if you still have access to this account but I want you to know that your writing already tugged on my heart. Ang galing niyo po. Will still wait for you po. Ingat kayo lagi. :)
xantheaverielle
#2
Chapter 3: Grabe. Ang tagal ko bago nakahanap ng Tagalog Seulrene story na ganito. Sobrang ganda talaga. Normal lang 'yung plotline pero 'yung uncertainty sa emosyon nina Irene at Seulgi 'yung mas nagpapalalim ng kwento. Nakakatuwa rin lahat ng characters. Itutuloy-tuloy kong basahin lahat ng available chapters nito. :)
xantheaverielle
#3
AAAA read the foreword pa lang pero sobrang gustong-gusto ko na. Ang ganda po, ang galing niyo magsulat. Hindi ko sigurado kung complete na 'to or if active pa rin po kayo dito but I'll still take the chance to read this story and comment on this. Salamat sa pagsusulat, author!
sophroditeee
#4
Chapter 17: minsan tlga di mo alam kung mawawalan ka ng pasensiya sa mga taong in denial o matuwa kasi ang sarap nilang inisin hahahahhha
Killshot05 #5
Chapter 17: Damn Seulgi! Make up your mind!
kang_ddeul
#6
Chapter 17: ay may pa-only mine din! huhu 😭✊
eunxiaoxlove #7
Chapter 17: Go seulll
jaangwaang
894 streak #8
Chapter 17: ayaaaann na. make ur movena seulbear bago ka pa maunahan ni ex
jaangwaang
894 streak #9
Chapter 7: nawa'y bigyang katahimikan ang puso ni seulbear hahahaha
dreamwityou #10
Chapter 17: namiss ko tong fic 🥺. i was waiting talaga for an update.
nakaramdam na si seulgi finally. tama si joohyun, it's time for seulgi to do her part naman. why do i feel like joohyun's ex also means the start of new issues. looking forward sa next chapters