Kabanata 5- Can't You See?

Isa, Dalawa, Tatlo, Susugal Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Seulgi

 

Biyernes at hindi ka pumasok dahil sinabihan ka ni Taeyeon na pumunta sa condo unit niya. Nakagayak ka na kanina ng tawagan ka niya, kaya naman nagmadali ka pang nagbihis ulit. Lahat naman ng kailangang ipasa ngayong araw ay pinaabot mo na lang sa mga kaibigan mo.

 

Nasa iisang tower lang ang condo ng pinsan mo at ni Irene. Magkaibang floor nga lang. Babati ka pa lang ng pagbukas niya ng pinto ay agad ka na niyang hinila papasok. 

 

"Tulungan mo 'ko." Aniya saka ka hinila sa kusina.

 

Nagkalatag doon ang mga gagamitin sa pagluluto. Napakarami, napaisip ka tuloy kung may mga bisita ba siya kaya ganoon 'yon karami.

 

"Hindi mo 'ko pinapasok para lang tulungan kang magluto? Taeyeon naman, isusumbong kita kay Mama." Reklamo mo pero tumutulong ka na rin.

 

"Biglaan kasi 'to, kagabi lang. Malay ko bang seryoso pala silang pupunta sila dito." Tarantang sabi niya.

 

"Wala ka bang klase ngayon?"

 

"Wala, kaya nga nandito ako 'di ba?"

 

"Sino ba mga bisita mo?" Tanong mo habang naggagayat ka ng mga gulay.

 

"Sila Fany." 

 

"Hulaan ko, si 'te Fany lang inaya mo pero lahat sila nagsabi na pupunta ano? Uso kasi private message, huwag kayo lagi sa group chat mag-usap." Asar mo.

 

"Nahihiya kasi ako."

 

"May hiya ka pa pala? Akala ko walanghiya ka e." Nakatikim ka ng palo gamit ang sandok. "Sige paluin mo pa ako ulit, iiwan kita dito." 

 

Umamba siya pero agad na binawi, "Lagyan mo na nga lang ng yelo 'yung cooler na malaki para sa beer." Tinaboy ka na niya sa kusina.

 

Kinuha mo 'yung cooler at isa-isang binuksan 'yong ice bag na binili niya yata sa convenient store sa baba. Isa-isa mo na ring nilagay 'yong mga canned beers. Saka mo 'yon binuhat para ilagay sa gilid ng couch.

 

Balak mo pa namang kausapin si Irene ngayong araw, kaya lang dahil nandito ka at uuwi siya mamaya sa kanila ay mukhang next week na naman kayo makakapag-usap.

 

Pang-tanghalian lang 'yong niluluto ni Taeyeon na mga pagkain, pero 'yong hinanda niyang mga inumin ay mukhang pang buong araw o hanggang bukas pa sa dami.

 

"Pinabitbit ko si Stal kay Sica, para hindi ka ma-out of place dito mamaya." 

 

"Magkikita kami bukas sa studio, baka hindi makapagbukas 'yon kung pinabitbit mo rito."

 

"Ayaw mo 'yun?" Inirapan mo lang siya.

 

Nakatunganga kang pinapanood siya magluto habang naka-upo sa bar stool. Wala ka ng magawa kaya nilabas mo ang cellphone mo para malibang, tutal may wi-fi e manonood ka na lang siguro. Tinext mo na rin si Jisoo para itanong kung naipasa na nila 'yong mga binigay mo at sinabi naman nilang 'oo'.

 

Nanonood ka ng mga dance cover sa YouTube ng lumabas sa screen mo 'yong video call request ni Irene. Anak naman ng tinapa!

 

"'Te, pahiram ng earpods."

 

"Aanhin mo? Wala ako no'n, pero nandiyan sa may coffee table 'yong airpods ko. 'Yun na lang gamitin mo."

 

Nagmadali ka pang kunin 'yun bago ka pumasok sa guest bedroom niya. Sa pangalawang request mo na na-accept dahil kinailangan mo pang i-connect sa bluetooth. 

 

Bumungad sa'yo si Irene na nakasuot ng specs at seryosong nagbabasa. Napatingin ka tuloy ulit para tignan kung sino 'yong nagrequest ng video call kasi mukhang iba ang may hawak ng cellphone niya.

 

She really looks good with specs. 

 

"Parang hindi naman 'yan room niyo. Pumasok ka ba? Nag-vc lang ako kasi kailangan yata ni Madam ng inspirasyon. Hindi yata makafocus, ilang araw ng wala sa hulog 'to e." Nakilala mo 'yong boses ni Joy.

 

"Wala ako sa campus, hindi ako pumasok." Sagot mo.

 

"Bakit hindi? Isusumbong kita. Teka may kama? Hindi naman 'yan mukhang dorm niyo ah?"

 

"Dami mo namang tanong," napakamot ka ng ulo.

 

"Aba!" Dinig mo ang paghampas niya sa lamesa kaya napahinto sa pagbabasa 'yong kanina mo pa pinapanood. 

 

Nag-angat ng tingin si Irene, nakakunot ang noong nakatingin sa camera ng cellphone niya. "Sinong kausap mo diyan?"

 

"Hulaan mo sinong hindi pumasok, Rene." Hindi siya pinansin ni Irene. "Ay! Magka-away ba kayo?" Tumatawang tanong ni Joy.

 

"Oh! Huwag mong ihaharap sa kaniya." Agap mo ng subukang iharap ni Joy 'yung cellphone kay Irene.

 

"Bakit?" 

 

"May sasabihin ka pa ba? May ginagawa kasi ako." Sabi mo, mukhang wala namang balak si Irene na kausapin ka kaya gusto mo ng i-end 'yong video call.

 

"Oh, may naistorbo ba ako? Anong ginagawa niyo sa kama? Sorry, hindi mo naman sinabi agad. Sige, enjoy kayo sa ginagawa niyo." Tunog nang-aasar si Joy, tagumpay naman siya kasi sinamaan ng tingin ni Irene 'yong may hawak ng cellphone niya.

 

"Gago ka," umiiling na sabi mo bago in-end ni Joy 'yong video call.

 

Lumabas ka na para tumulong ulit kay Taeyeon maghanda. Paglabas mo ay nadatnan mo ng naka-upo si Krystal sa couch at nanonood, habang si Jessica naman kasama na ni Taeyeon na nagluluto.

 

"Oh, wala kang pasok?" Tanong ni Krystal ng maupo ka sa tabi niya at binalik sa coffee table 'yong airpods ni Taeyeon.

 

"Hindi ako pinapasok niyan para tumulong dito, maaga naman pala kayong pupunta."

 

"Ayaw mo 'yun, makikita mo 'ko."

 

"Stal, parang baliw."

 

"Baliw sa'yo, Seul. Alam mo 'yan!" She laughed. Umiling ka lang. 

 

Bago magtanghali ay halos makumpleto na ang mga bisita ni Taeyeon. Si Ate Tiffany na lang ang kulang, tignan mo nga naman. Kung sino pa 'yung gusto niya talagang imbitahan ay siya pa ang pinakahuli.

 

Nagsimula na ring umingay sa buong unit. Nagvi-videoke na kasi sila sa tv na sinasabayan ng sayaw ni Hyo. Natatawa ka kasi hindi pa man sila nakainom e nagsisimula ng maging magulo.

 

Natahimik naman ang lahat ng may nagdoor bell. Mukhang alam nilang lahat kung sino 'yon. Nahinto sila sa pagkanta at si Hyo nahinto sa pagsayaw at nagmadaling umupo sa sahig na para bang hindi naglilikot kanina.

 

Si Taeyeon ang nagbukas ng pinto, nanginginig pa niyang hinawakan 'yong door handle. 

 

"Ang tanda mo na para kabahan!" Sigaw ni Hyo sa kaniya.

 

At dahil si 'te Fany na lang ang hinihintay ay sa wakas nakakain na kayo. Para silang mga teenager na nag-aasaran at nagbabangayan sa hapag. Jusko! Pumuslit ka sandali para itext si Irene.

 

Ako: 

 

Happy Lunch! Huwag papagutom :)

 

Agad siyang nagreply.

 

 

Hyun:

 

Ok.

 

 

Grabe, ramdam mo 'yung lamig kahit sa text lang.

 

 

Nasa living room na kayong lahat, nakaupo ka sa sahig katabi si Stal. Nagpapasahan na ng beer na galing doon sa cooler na inayos mo kanina. May ilang bote na rin ng alak na nasa lamesa sa harap niyo. May mga shot glass na rin. At nagpatuloy na ulit sa videoke.

 

Mukhang mapapasabak na naman ang atay mo, dahil kakainom mo lang nung Linggo.

 

"Oh," abot niya ng beer sa'yo.

 

Binuksan mo agad 'yon at tinungga, na para bang ngayon ka lang ulit makakatikim ng alak.

 

"'Te Taeyeon." Tinawag ni Stal si Taeyeon. 

 

"Oh?" Sagot niya ng lumingon siya sa gawi niyo.

 

"Hindi pa rin ako makapaniwalang ni-reject ako nitong pinsan mo matapos niya akong baliin! Pakiramdam ko nainsulto ang buong pagkatao ko. Hello, ako 'to si Krystal!" Madramang sabi niya habang nakahawak sa dibdib niya na animo'y nasasaktan.

 

"May sinabi ako sa'yo ah!" Sabat ni Ate Sica.

 

"Ano? 'Yung 'Bend that '? Hindi nga kinaya ng alindog ko! Kung kinaya edi nabali ko na, sana naging kami! Nainsulto ang kagandahan ko! Bakit ba hindi ko nabali 'to?"

 

Natatawa ka lang habang pinapakinggan 'yung sinasabi niya.

 

"Chill ka lang sa buhay e, naku! Kapag nakita mo 'yung best friend niyan, masasagot tanong mo bakit hindi mo nabali 'yan." Sagot ni Taeyeon.

 

"Best friend? 'Di ba 'yung tatlo ang best friend niya? Sila Lisa, 'di ba? Nabali siya nung mga 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Stal habang nakatingin sa'yo.

 

"Hindi, may iba pa. Maganda, matalino, at higit sa lahat career driven." Binigyang diin niya 'yong dulo.

 

"Sino ba 'yan? Naiintriga tuloy ako, at bakit naman nasa category na naman ng basura mong ex? Seul naman. Wala kang panama sa career, kasi 'yun talaga ang uunahin nila at hindi ikaw." Nakangusong sabi ni Stal.

 

"Taeyeon imbento! Magkaibigan nga lang kami!" 

 

"Sige, sabihin mo ulit 'yan. Parang kinukumbinsi mo sarili mo hindi ako e." Tumatawang aniya bago tinungga 'yong sinalinang shot glass niya.

 

"Kapag tinanggap mo na sa sarili mo, tulungan kita kila Tita. For sure sasabihin nun na kadidikit mo sa 'kin kaya naging ganiyan ka." Tumawa si Taeyeon pagkatapos niyang sabihin 'yon.

 

"Hindi nga." Umiiling na sabi mo.

 

"Seul, ramdam kita. Pwede mo silang maloko, pero hindi ako."

 

"Teka nga muna! Sino ba 'yang best friend nito at baka pwede kong magawan ng paraan na paglayuin ha!" Biro ni Stal at inakbayan ka.

 

"Bigyan kitang clue. For sure kilala niyo 'to, nasa clothing at jewelry industry ito." Nagsalin muna si Taeyeon sa shot glass niya.

 

"Clothing industry? Baka kilala ko." Ani Ate Fany. 

 

Pati sila Hyo na nag-eenjoy na kanina ay nahinto para makinig sa animo'y chika ng taon na galing kay Taeyeon.

 

"Ang apelyido niya ay Bae." Pabitin na sabi ni Taeyeon.

 

"Bae? Kung si Suzy 'yan, paano? Sa ibang bansa nag-aaral 'yun 'di ba?" Si Ate Yuri.

 

"May kilala pa ba kayong ibang Bae? Wala pa silang pinapakilala na ibang Bae kung hindi si Suzy pa lang. Puro pictures 'yung iba, hindi naman pinapangalanan." Si Ate Sooyoung.

 

"Ang alam ko may dalawa silang hindi pa pinapakilala, mas matanda kay Suzy 'yung isa tapos 'yung isa yata high school pa lang." Si Ate Sunny.

 

"Hay naku! Hindi niyo pala kilala, ano pang silbi kung sasabihin ko." Tumatawang sabi ni Taeyeon.

 

"May silbi sa akin 'yan, siyempre paglalayuin ko sila e!" Sagot ni Stal, mukhang nandoon pa rin siya sa biro niya.

 

"Sabihin mo na lang kaya. Para malaman na rin namin." Inip na sabi ni Ate Seohyun. 

 

"Eto na," bitin niya. "Joohyun Bae, pero mas kilala siya sa Irene. Irene Bae." 

 

Kaniya-kaniyang search 'yun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Akiwrites
Pressure sa title defense lang pala kailangan ko para makapagsulat ulit :'>

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
#1
Chapter 17: Finished reading all the available chapters. 🥺 This one's a really great fic and I'm kind of sad na hindi ko inabutan 'to when it was first published. It would've been a really different feeling for me to anticipate sa next chapters. I really love the plotline of this one especially na dumating na sa parts na Seulgi's being frustrated na sa pag-iwas ni Joohyun considering all the other factors pa with her ex and such. I hope that we can all go back to this story soon po but for now, I'll just say that this has become one of my favorite Tagalog Seulrene fics already. Salamat sa pagsusulat, author! I'm not so sure if you still have access to this account but I want you to know that your writing already tugged on my heart. Ang galing niyo po. Will still wait for you po. Ingat kayo lagi. :)
xantheaverielle
#2
Chapter 3: Grabe. Ang tagal ko bago nakahanap ng Tagalog Seulrene story na ganito. Sobrang ganda talaga. Normal lang 'yung plotline pero 'yung uncertainty sa emosyon nina Irene at Seulgi 'yung mas nagpapalalim ng kwento. Nakakatuwa rin lahat ng characters. Itutuloy-tuloy kong basahin lahat ng available chapters nito. :)
xantheaverielle
#3
AAAA read the foreword pa lang pero sobrang gustong-gusto ko na. Ang ganda po, ang galing niyo magsulat. Hindi ko sigurado kung complete na 'to or if active pa rin po kayo dito but I'll still take the chance to read this story and comment on this. Salamat sa pagsusulat, author!
sophroditeee
#4
Chapter 17: minsan tlga di mo alam kung mawawalan ka ng pasensiya sa mga taong in denial o matuwa kasi ang sarap nilang inisin hahahahhha
Killshot05 #5
Chapter 17: Damn Seulgi! Make up your mind!
kang_ddeul
#6
Chapter 17: ay may pa-only mine din! huhu 😭✊
eunxiaoxlove #7
Chapter 17: Go seulll
jaangwaang
894 streak #8
Chapter 17: ayaaaann na. make ur movena seulbear bago ka pa maunahan ni ex
jaangwaang
894 streak #9
Chapter 7: nawa'y bigyang katahimikan ang puso ni seulbear hahahaha
dreamwityou #10
Chapter 17: namiss ko tong fic 🥺. i was waiting talaga for an update.
nakaramdam na si seulgi finally. tama si joohyun, it's time for seulgi to do her part naman. why do i feel like joohyun's ex also means the start of new issues. looking forward sa next chapters