Kabanata 4- Dangerous

Isa, Dalawa, Tatlo, Susugal Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Seulgi

 

 

Pare-pareho kayong hindi nakapasok ng first subject kinabukasan, wala kasing nagising kahit isa sa inyo. Hindi na kayo nakapag-agahan kakamadali, mabuti na lang at alas diez pa ang sumunod na subject niyo. Nakuha niyo pang pagtawanan 'yong pumutok na labi ni Byul.

 

Nasa cafeteria kayo at naghihintay kila Irene dahil tanghalian na. Nakayuko ka habang nakapatong sa magkabilang braso ang ulo mo sa lamesa. Iniinda ang sakit ng ulo mo.

 

"Ihanda niyo na mga sarili niyo. Nararamdaman ko na 'yong pag-usok ng ilong nga mga jowa niyo." Pang-aasar ni Jisoo kay Lisa at Byul.

 

"Hashtag safe, hashtag walang jowa." Natatawang sabi mo kahit nakatungo pa rin ang ulo mo.

 

Napa-angat ka ng tingin ng may maglapag ng kung ano sa gilid mo. 

 

"Hangover." Umalis din si Tzuyu pagkabigay niya ng bote ng tubig at gamot sa'yo, naupo siya sa mesa ng mga kaklase niyo.

 

"Sana all." Hindi ka na naman nakaligtas sa pambubuyo ni Byul. Parang gusto mo tuloy paputukin ulit 'yong labi niya gamit naman 'yong kamao mo.

 

"Ngayon ko lang nakita 'tong myday at ig story niya na naka-tag sa atin. Parang gusto ko tuloy kiligin sa inyo, kaya lang may manok ako." Si Lisa na nakatitig sa cellphone niya.

 

"Iyong short clip? Lintek! Parang kinakantahan niya mismo 'yong nagvi-video. Kaya naman pala grabe magbakod 'yong isa." Si Byul naman na nakitingin na doon sa tinitignan ni Lisa.

 

"Uh, hindi niyo papansinin 'yong selfie?" Si Jisoo naman.

 

Binalikan yata nila dahil napa-tap sa kaliwa 'yong daliri ni Lisa. Natigilan 'yong dalawa. 

 

"Lover girl, ano 'yon? Bakit may pagtitig?" Ayan na naman 'yong ngising aso ni Byul habang tinatanong ka. Bakit ba hindi na lang siya naging aso?

 

"Hindi ko siya tinititigan, napatingin lang tapos sakto pag-click niya." Paliwanag mo naman.

 

"Cute niyo." Kumento ni Lisa, "Kaso doon pa rin ako sa manok ko." 

 

Bumalik ka sa pwesto mo kaninang nakasubsob ang ulo mo at nakapatong ang noo sa braso mo. Naiinip ka na, gusto mo ng kumain para makainom na ng gamot at mawala na ang hangover mo. Kaya lang wala pa 'yong bestfriend mo.

 

"Nandiyan na sila, maghanda na kayong dalawa." Dinig mong abiso ni Jisoo doon sa dalawa. 

 

Kung sila kinakabahan, ikaw hindi. Nasabi mo naman lahat ng kailangan niyang malaman, wala kang nilihim o sinabing kasinungalingan. Kaya kung meron mang dapat kabahan sa inyo, hindi ikaw 'yon.

 

"May kumagat diyang babae o nakipag-away ka?" Dinig mong tanong ni Solar, nagpipigil ka ng tawa. Tinutukoy niya 'yong pumutok na labi ni Byul.

 

"None of the above po." Mahinang sagot ni Byul, lalo kang nagpigil ng tawa sa sagot niya. Kung ikaw nakapag-pigil, si Jisoo hindi.

 

Nahinto siya sa pagtawa, "Sorry, ako may gawa niyan." Pag-amin niya, "Napalakas tulak ko sa kaniya palabas ng taxi, sumubsob siya sa gutter." Muli siyang natawa.

 

"Baka pinagtatakpan niyo lang 'to."

 

"Hindi, kahit hanapin pa natin 'yong taxi driver na aligagang tumulong na itayo siya." Si Jisoo ulit.

 

"Lakas umorder ng dalawang tower, pera ko naman pinambayad. Shenglot pa." Dinig mong bulong ni Lisa.

 

"You what?" Sigaw ni Jennie. "Ikaw nagbayad? Hindi kayo nagpatak-patak?"

 

"Si Byul kasi! Pabibo! Kung sino daw unang tatawagan, siya magbabayad. E tinawagan mo 'ko, e 'di ako nagbayad." Parang batang sumbong ni Lisa.

 

"Hindi 'to tinawagan? Seryoso?" Dinig mong tanong ni Joy, pero hindi mo alam kung sinong tinutukoy niya.

 

"Hindi yata, hindi nag-ring cellphone kahit isang beses. Todo na volume no'n ha, hindi naka-silent." Dinig mong sagot ni Byul.

 

Saka ka lang nag-angat ng tingin ng may kumalabit sa'yo at naupo sa tabi mo.

 

"Drink this." Aniya saka nilapag sa harap mo 'yong supot na galing pang pharmacy at isang bote ng mineral water.

 

"Amin na lang 'yan, meron na siya. Hinintay ka lang para kumain at makainom na." Kinuha ni Byul 'yong dala niya.

 

Tumango siya, "Good, at least you know how to take care of yourself."

 

"Ay! Mali ka! Binigay lang din sakan–" tinakpan na ni Lisa 'yong bibig ni Byul. Pinagtinginan tuloy siya nila Irene.

 

"Sinong nagbigay?" Tanong ni Irene, hindi siya sa'yo nakatingin kung hindi sa kaibigan mong walang filter ang bibig.

 

Tinikom ni Byul 'yong bibig niya. Parang bigla siyang natakot na magsalita. 

 

"You know the answer, Rene. Parang hindi mo na yata kailangang itanong pa 'yan." Ani Joy tapos may binalingan ng tingin na sinundan niyo.

 

Nag-iwas ng tingin si Tzuyu ng makitang nakatingin silang lahat sa kaniya.

 

"Stop looking at her. Tinatakot niyo e." Inis na sabi mo.

 

Joy shrugged tapos umalis na para pumuntang counter at mag-order na sinundan ng mga kaibigan niyo. Naiwan naman kayo, mukhang nagpabili na lang siya ng pagkain niyo.

 

"Seul, stay away from her." Hindi iyon basta sabi lang, utos 'yon.

 

"Why? Wala naman siyang ginagawang masama."

 

"Masamang impluwensiya siya sa'yo, sa inyo. I bet siya pa nag-aya na uminom kayo. So please, stay away from her."

 

"No, mali ka. Inaya niya kaming magdinner, kami ang nagdesisyong uminom." Pagtatama mo. "And no, I won't stay away from her. We're friends."

 

Napahilot siya sa sentido niya, "No! You can't be friends with her!" Iritang sabi niya.

 

"Why not?" Nakataas ang isang kilay na tanong mo, hinahamon siyang bigyan ka ng isang magandang rason para layuan 'yong pinag-aawayan niyo.

 

"Because she obviously likes you!" 

 

Parang naubos ang pasensiya niya sa tanong mo, kaya medyo lumakas 'yong boses niya ng sagutin 'yung tanong mo.

 

Napailing ka lang, "Hindi ako maniniwala hangga't hindi siya ang magsasabi."

 

Nanlaki ang mga mata n'ya sa sinabi mo, "So you think I'm lying now huh?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

 

"Aren't you?" Hamon mo.

 

"I don't know where this is going, Seul." She breathed. 

 

"Come on, tell me. Na saan ka noong Biyernes?"

 

"I went home."

 

"Really?" Try again, Bae.

 

She looked away.

 

Napailing ka, "Natuto ka ng maglihim, marunong ka na ring magsinungaling." 

 

Sakto namang dumating na 'yong mga kasama niyo dala 'yong pagkain niyo kaya hindi na kayo nag-usap ulit. Natahimik na siya, habang ikaw nakikipagdaldalan na. Hindi na kayo nag-usap ulit hanggang sa natapos ang lunch break.

 

Ganoon ulit ng mga sumunod na araw, sabay kayong kakain ng lunch pero halos hindi kayo nag-uusap. Busy rin kayo pareho sa paggawa ng mga pinapagawa sa inyo dahil hell week niyo na next week.

 

Dumistansiya din si Tzuyu sa inyo, siguro ay dahil natakot na naman siya doon sa pagtingin nila Irene sa kaniya noong Lunes. Na-guilty ka tuloy, wala naman siyang ginawang masama pero kailangan niya pang lumayo.

 

Ganoon na lang ang tuwa mo ng maging mag-partner na naman kayo sa random selection para sa isa na namang seat work. Napag-pasiyahan niyong sa library na lang gumawa.

 

Pinapanood mo lang siyang magsulat ng mga kailangan niyo, sa totoo lang wala ka namang ambag kapag gumagawa kayo ng seat work. Tatanungin ka lang niya ng kaunti tapos siya na ang gumagawa ng lahat.

 

"Hey," pagtawag mo ng pansin niya, pero hindi siya tumingin sa'yo. 

 

"Go on, talk." Aniya habang abala pa ring magsulat ng kung ano.

 

"Sila Irene." 

 

"What about them?" 

 

"Did they scared you? I mean they way they looked at you noong Lunes, natakot ka ba?" Nahihiyang tanong mo, wala ka kasing ibang ma-isip na dahilan kung bakit bigla siyang naging mailap samantalang ikaw 'yong dating ganoon.

 

"They're intimidating, of course I will be scared. Lalo na sa best friend mo. She looks like she wants to eat me alive, so I cannot be around you anymore." Diretsong sagot niya.

 

"She... she said you like me, is it true?" There. Natanong mo rin. 

 

Natigil siya sa pagsusulat niya, she looked at you. Str

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Akiwrites
Pressure sa title defense lang pala kailangan ko para makapagsulat ulit :'>

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
#1
Chapter 17: Finished reading all the available chapters. 🥺 This one's a really great fic and I'm kind of sad na hindi ko inabutan 'to when it was first published. It would've been a really different feeling for me to anticipate sa next chapters. I really love the plotline of this one especially na dumating na sa parts na Seulgi's being frustrated na sa pag-iwas ni Joohyun considering all the other factors pa with her ex and such. I hope that we can all go back to this story soon po but for now, I'll just say that this has become one of my favorite Tagalog Seulrene fics already. Salamat sa pagsusulat, author! I'm not so sure if you still have access to this account but I want you to know that your writing already tugged on my heart. Ang galing niyo po. Will still wait for you po. Ingat kayo lagi. :)
xantheaverielle
#2
Chapter 3: Grabe. Ang tagal ko bago nakahanap ng Tagalog Seulrene story na ganito. Sobrang ganda talaga. Normal lang 'yung plotline pero 'yung uncertainty sa emosyon nina Irene at Seulgi 'yung mas nagpapalalim ng kwento. Nakakatuwa rin lahat ng characters. Itutuloy-tuloy kong basahin lahat ng available chapters nito. :)
xantheaverielle
#3
AAAA read the foreword pa lang pero sobrang gustong-gusto ko na. Ang ganda po, ang galing niyo magsulat. Hindi ko sigurado kung complete na 'to or if active pa rin po kayo dito but I'll still take the chance to read this story and comment on this. Salamat sa pagsusulat, author!
sophroditeee
#4
Chapter 17: minsan tlga di mo alam kung mawawalan ka ng pasensiya sa mga taong in denial o matuwa kasi ang sarap nilang inisin hahahahhha
Killshot05 #5
Chapter 17: Damn Seulgi! Make up your mind!
kang_ddeul
#6
Chapter 17: ay may pa-only mine din! huhu 😭✊
eunxiaoxlove #7
Chapter 17: Go seulll
jaangwaang
894 streak #8
Chapter 17: ayaaaann na. make ur movena seulbear bago ka pa maunahan ni ex
jaangwaang
894 streak #9
Chapter 7: nawa'y bigyang katahimikan ang puso ni seulbear hahahaha
dreamwityou #10
Chapter 17: namiss ko tong fic 🥺. i was waiting talaga for an update.
nakaramdam na si seulgi finally. tama si joohyun, it's time for seulgi to do her part naman. why do i feel like joohyun's ex also means the start of new issues. looking forward sa next chapters