Kabanata 8- Be Mine

Isa, Dalawa, Tatlo, Susugal Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Seulgi

 

 

Huwebes ng umaga, nasa campus kayo para tignan 'yung magiging practice ng mga kasali sa cheer dance. Sa likod ng department niyo ang lugar ng pagpapractice-san. Walang kinuhang choreographer para magturo, 'yung isang galing lang sa fourth year ang magtuturo sa mga kasali.

 

Ikaw ang nag-check ng attendance, habang 'yung tatlo nandoon lang sa gazebo at nakatanaw lang sa ginagawa mo na para bang hindi sila kasama sa inaasahan ng prof niyo na magmo-monitor.

 

"Mag-monitor lang kayo?" Tanong nung fourth year na siyang magtuturo.

 

Tumango ka, "'Yun lang naman utos ni Ser. Buti nga hindi ako pinagturo e." 

 

"Sige. Tawagin kita kapag kailangan ko ng payo mo." Biro niya sabay tapik sa balikat mo.

 

Nagsimula ng magwarm-up 'yung mga kasali. Nasa gazebo ka na rin katabi nung tatlo.

 

"Kayo magturo doon kung manghingi ng tulong 'yon ha." Pagpapaalala mo sa kanila.

 

"Oo." Sagot nila ng nakatingin sa mga cellphone. 

 

Pati tuloy ikaw napatingin sa cellphone mong hindi mo namalayang may nagtext pala.

 

 

Hyun: 

Nasa gym ako. Meeting with the representatives. Your friend's here. 

 

 

Agad kang nagtipa ng reply.

 

 

Ako:

Are you nervous? Sinong friend?

 

 

Hyun:

I'm not. The one from the Art Studio.

 

 

Ako: 

Oh, Rosie? Try kong pumunta diyan mamaya bago umalis.

 

 

Hyun:

Why not now? Ano bang ginagawa mo? And where are you going? I'll be here until six.

 

 

Napakamot ka ng ulo, nagme-meeting sila pero text ng text sa'yo.

 

 

Ako:

Nasa meeting ka pero text ka ng text. I'm monitoring something. May practice kami mamaya nila Lisa. I'll come back before six. Don't reply and focus on the meeting, please.

 

 

Hyun: 

Okay.

 

 

Natawa ka, nagreply pa talaga siya.

 

Gaya ng sabi mo ay sila Lisa ang nagtuturo kung manghingi ng tulong 'yung fourth year. Kaya naman prente kang nakaupo lang sa gazebo habang pinapanood mo sila doon sa harap na nagtuturo ng kung ano.

 

Umaga lang ang practice ng Huwebes at Biyernes. Samantalang whole day naman ng Sabado hanggang Linggo at pahinga na nila ng Lunes dahil Martes ang cheer dancing competition.

 

Namigay kayo ng meryenda na sagot ng department pagka-break time ng mga sumasayaw. Napakabait nga naman ng deparment niyo at sagot pa ang meryenda. Nakalibre pa kayong apat.

 

Bago magtanghali ay na-dismissed na 'yung mga nagpapractice. Maayos naman ang naging practice nila dahil pare-parehong matinong kausap at walang magulo. Pinauna mo na 'yung tatlong umalis dahil dadalaw pa 'yung dalawa sa mga jowa nila at sinabihan mong sa studio ni Stal na kayo magkita.

 

Bumili ka ng pagkain sa caf pagkatapos mong kumain at dalawang litro ng tubig. Oo dalawang litro, hindi mo alam kung bakit binili mo 'yon. Saka ka mag-isang naglakad papuntang Gym ng madaan ka sa mga locker. Binuksan mo 'yon at tumambad sa'yo 'yung mabangong amoy ng pabango at tatlong piraso ng sunflower.

 

Talagang sinusunod ni Taeyeon 'yung request ni Mama ah? Sabi mo sa sarili mo. Kinuha mo 'yon at tinanggal 'yung puting laso at nilagay sa bulsa mo.

 

Nakapasok ka na ng gym, malayo pa ay na-spot-an mo na si Irene. Paanong hindi? Sa kanilang lahat ay siya ang pinakamaliit. Natawa ka tuloy, ang liit-liit pero ang laki ng bilib sa sarili. Nagpapractice silang maglakad sa stage ng makalapit ka.

 

"Oh?" Gulat ka ng nandoon pala si Taeyeon at nanonood.

 

"Ba't nandito ka?" Tanong mo sa kaniya.

 

"Ikaw ang bakit nandito?" Tumatawang tanong niya. 

 

"Sumaglit lang ako, aalis din."

 

"Saan ka punta?"

 

"Practice. Pinagi-intermission kami ni Ser Guzman ng dalawang beses."

 

"Akala ko magcheer dance ka. Sayang naman." Hindi mo alam kung binibiro ka niya o ano e. "Teka, baka may kilala ka na pwede mag-judge sa pageant, kulang pa kaming isa."

 

Napaamang ka, "Bakit ako? Ikaw ah! Mamimili ka lang kila 'te Fany e. Ano? Nahihiya ka na naman? Aigoo! Taengoo, ang tanda mo na para mahiya!" Asar mo sa kaniya. "Sige, ako na kakausap kay 'te Yoona at 'te Fany. Paunahan na lang sila sumagot." Tumango lang siya.

 

"Akala ko sandali ka lang? Bakit nandito ka pa?" 

 

"Wala pa bang break? Iwan ko na lang pala sa'yo 'to, pabigay na lang." Sabi mo saka mo inabot 'yung paper bag na may pagkain na dala mo pero hindi niya tinanggap.

 

"Ah, teka!" Mukhang na-gets niya. Umalis siya sa tabi mo at lumapit doon sa isa pang prof na organizer na sinabihan 'yung mga representatives na maglunch break na. "Ayan, hintayin mo na lang. Kakain na rin ako." Sabi ni Taeyeon bago ka iniwan doon.

 

Magkasamang lumapit sa'yo si Irene at Rosie. Nagtatawanan pa sila at mukhang nage-enjoy sa isa't-isa.

 

"Dinaan ko lang, aalis na rin ako at baka mainip 'yung tatlo." Iniabot mo sa kaniya 'yung dala mo. "Hi, R

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Akiwrites
Pressure sa title defense lang pala kailangan ko para makapagsulat ulit :'>

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
#1
Chapter 17: Finished reading all the available chapters. 🥺 This one's a really great fic and I'm kind of sad na hindi ko inabutan 'to when it was first published. It would've been a really different feeling for me to anticipate sa next chapters. I really love the plotline of this one especially na dumating na sa parts na Seulgi's being frustrated na sa pag-iwas ni Joohyun considering all the other factors pa with her ex and such. I hope that we can all go back to this story soon po but for now, I'll just say that this has become one of my favorite Tagalog Seulrene fics already. Salamat sa pagsusulat, author! I'm not so sure if you still have access to this account but I want you to know that your writing already tugged on my heart. Ang galing niyo po. Will still wait for you po. Ingat kayo lagi. :)
xantheaverielle
#2
Chapter 3: Grabe. Ang tagal ko bago nakahanap ng Tagalog Seulrene story na ganito. Sobrang ganda talaga. Normal lang 'yung plotline pero 'yung uncertainty sa emosyon nina Irene at Seulgi 'yung mas nagpapalalim ng kwento. Nakakatuwa rin lahat ng characters. Itutuloy-tuloy kong basahin lahat ng available chapters nito. :)
xantheaverielle
#3
AAAA read the foreword pa lang pero sobrang gustong-gusto ko na. Ang ganda po, ang galing niyo magsulat. Hindi ko sigurado kung complete na 'to or if active pa rin po kayo dito but I'll still take the chance to read this story and comment on this. Salamat sa pagsusulat, author!
sophroditeee
#4
Chapter 17: minsan tlga di mo alam kung mawawalan ka ng pasensiya sa mga taong in denial o matuwa kasi ang sarap nilang inisin hahahahhha
Killshot05 #5
Chapter 17: Damn Seulgi! Make up your mind!
kang_ddeul
#6
Chapter 17: ay may pa-only mine din! huhu 😭✊
eunxiaoxlove #7
Chapter 17: Go seulll
jaangwaang
894 streak #8
Chapter 17: ayaaaann na. make ur movena seulbear bago ka pa maunahan ni ex
jaangwaang
894 streak #9
Chapter 7: nawa'y bigyang katahimikan ang puso ni seulbear hahahaha
dreamwityou #10
Chapter 17: namiss ko tong fic 🥺. i was waiting talaga for an update.
nakaramdam na si seulgi finally. tama si joohyun, it's time for seulgi to do her part naman. why do i feel like joohyun's ex also means the start of new issues. looking forward sa next chapters