Kabanata 10- Her
Isa, Dalawa, Tatlo, Susugal AkoIrene
You woke up with a heavy heart, bakit?
Naupo ka at sumandal sa headboard ng kama mo, kagigising mo lang pero pinikit mo ulit ang mga mata mo. Inaalala mo kung anong nagpapabigat sa dibdib mo.
Is it too much to ask na sundin niya 'yung mga gusto mo kahit wala namang 'kayo'? It wasn't that hard.... until she came into the picture.
Huminga ka ng malalim bago sinubukang iwaglit sa isip mo ang lahat. It's the d-day, kaya wala dapat puwang ang mag-isip ng kung anu-ano lalo na ang tungkol diyan. Mawawala ka lang sa focus.
Ilang minuto ka pang nanatili sa ganoong posisyon ng makarinig ka ng mahinang pagkatok sa pintuan mo.
"Ate? Hindi ka daw sumasagot sa mga tawag ni Mama?" Sinubukan niyang buksan 'yong pinto pero naka-locked 'yon. "Ate? Gising ka na ba?"
"I am." Walang ganang sagot mo.
"You'll cook breakfast or mag-order ako?" She asked.
"I'm not in the mood to cook, mag-order ka na lang." Nakarinig ka ng palayong mga yabag.
Tumayo ka at lumabas, kung kahapon ay excited ka. Ngayon parang gusto mo na lang na agad ng matapos ang araw. Hanggang sa pagligo ay bitbit mo ang mga iniisip mo kanina, kulang na nga lang ay i-untog mo sa pader 'yung ulo mo para lang matigil ka sa kaiisip.
Was it too hard for her to stay away from that girl because they are already friends or because she feels something else?
"Did she won already?" You asked yourself.
Dapat ay papatunayan mo sa kaniya ngayong araw na hindi siya mananalo laban sa'yo, lalo na kay Seulgi. Pero hindi pa nga nagsisimula, mukhang natalo ka na niya.
Lumabas ka sa balcony ng living room while wearing only your robe and undies underneath, bilang paghahanda sa pagdating mga mag-aayos sa'yo mamaya.
"Ate, si Mama." Iniabot niya sa'yo 'yung cellphone niya.
"Ma?"
[Why are you not answering your phone? Kanina pa kita tinatawagan. I already sent some men sa campus niyo, may nakapagsabi yata sa ilang mga media ng tungkol sa pageant.]
Great. Just great. You don't want the media to know na sumali ka, what if you lose? The results will be all over the news. At ayaw mo nun, ayaw mong malaman ng mga tao na may nakaangat sa isang Bae.
Pero, magpapatalo ka ba? Of course not.
But still, you don't want any media around. Whether you win or you lose. You joined not to please anyone but her.
[We can't watch, but your sister will keep me updated. You know what to do, Joohyun.] she paused. [Bring home the crown.]
"Yes, Ma." She ended the call.
"You don't look excited at all." Puna ni Yeri sa'yo. "Care to share?" Tinabihan ka niya.
"What would you do if you feel like you're already losing kahit hindi pa nagsisimula ang laban?" Will she understand your question tho.
"Sabi mo nga, hindi pa nagsisimula ang laban. So how did you know na talo ka na? Hindi ka mananalo kung hindi ka lalaban, Ate. Nagsisimula pa lang naman, do everything you can para manalo."
"Tingin mo ba kaya ko pa ring manalo?"
You wanted to win, but what's the use kung isang text o tawag lang nung kaibigan niyang 'yon e, pupuntahan agad niya?
"Ate, kailan ka ba natalo? Wala sa pamilya natin ang gustong maging talunan, kaya nga ginagawa natin ang lahat para makaangat sa lahat. I don't know if that's a good trait, that we always aim for the top. Lahat gagawin para umakyat at manatili sa itaas."
But it's different this time. Hindi lang siya kumpetisyon para sa korona, hindi lang 'yon para sa isang bagay. Para 'to sa isang tao.
"Is this still about the competition for the crown or for someone else?"
Fortunately, you are saved by the doorbell. Mukhang nakalimutan na rin niya 'yong tanong niya sa'yo ng magsimula na kayong kumain sa dining.
"Don't you wanna check your phone? Ate Joy kept bugging me about you, hindi ka daw nagrereply sa mga chats nila." Sabi niya habang nasa hapag kayo.
"I don't wanna use my phone as of the moment."
"Why?"
"Basta." Iritang sabi mo.
"At least tell them or something." Aniya saka iniabot 'yung cellphone niya sa'yo. Agad kang nagtungo sa messenger niya para magbasa.
Joy: Where's your Ate? She's not answering her phone. Tulog pa ba? Tell her to hmu when she wakes up.
Joy: Tulog pa rin ba? Maaga naman siyang natulog kagabi ah?
Yeri: She's up, I think?
Joy: What do you mean you think?
Yeri: Well, I'm outside her door. It's locked. But she answered that she's awake tho.
That was earlier, nung kinatok ka niya. It took Joy an hour to reply.
Joy: Weird. Bakit siya naglocked ng pinto. Anw, tell her to reply to my messages.
Yeri: Uh. She doesn't wanna use her phone daw as of the moment. I'll hand her my phone.
Wait.
Joy: Okay.
Agad kang nagtipa ng reply.
Yeri: What do you need?
Joy: Rene? Bakit hindi ka nagrereply? Nasa campus kami nag-iikot lang. Can we go there?
Yeri: No need.
I'll just see you guys later.
Joy: Oh, okay.
And Rene?
Yeri: What?
Nauubos na pasensiya mo, ayaw mo ng magreply kasi parang lalo lang nasisira 'yung mood mo.
Joy: Did Jennie tell you something? I mean medyo distant siya ngayon. Weird.
Yeri: What if she does told me something?
Joy: Rene, look. I'm sorry. Ayaw ko lang masira 'yung mood mo kapag nalaman mo 'yun. It's your day today, ayokong 'yun ang isipin mo buong araw.
Yeri: Well, news flash. It already did. It ruined my mood. Now I just want everything to end. Gusto ko na lang matapos na agad 'tong araw and pretend some things didn't happen.
Joy: Rene...
Yeri: Joy, look. Ayokong mabunton sa'yo kung ano mang bigat ang nasa loob ko ngayon. I'm trying not to think about that. So, please. I'll just see you guys later.
Ibinalik mo na kay Yeri 'yung cellphone niya.
Comments