Kabanata 1- Si Manhid at Si Tanga

Isa, Dalawa, Tatlo, Susugal Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Irene

 

Maaga kang nagising kinabukasan, pero hindi ka muna bumangon. Nanatili kang nakahiga, dinadama ang mainit na yakap mula sa katabi mo. Mukhang tulog na tulog pa dahil dinig mo pa ang paghilik niya.

 

Bumalik sa'yo ang pinag-usapan niyo kagabi, muntik ka nang matulog ng mabigat ang loob mo. Bakit nga ba ganoon na lang ang galit mo sa tuwing napag-uusapan niyo ang tungkol sa pagkakaroon niya ng kasintahan?

 

May kung anong tumutusok sa dibdib mo, parang bumibigat ang sikmura mo sa tuwing maiisip mong mayroon siyang kasintahan.

 

Naiinis ka kasi ang rupok mo, konting lambing lang, okay na. Yakapin ka lang niya, napawi na. 

 

Humarap ka sa kaniya, bumungad sa iyo ang paborito mong pagmasdan sa kahit anong oras ng araw, lalo na sa umaga. Maaga pa pero mukhang buo na ang araw mo. 

 

Habang tumatagal mo siyang pinagmamasdan, mas lalong tumatatak sa isip mo na walang ibang bagay sa kaniya, ikaw lang. Tunog makasarili? Madamot na kung madamot, pero gusto mo sa'yo lang siya.

 

Napabaling ka sa orasan sa ibabaw ng pintuan mo, ayaw mo ma'ng kumalas sa yakap niya ay kailangan mo nang bumangon at magluto ng almusal niyo. Dahan-dahan mong kinalas ang mga kamay niyang nakapulupot sa'yo.

 

Tumayo ka, sumulyap ka ulit sa kaniya. Bago ka lumabas ay dinampian mo ng halik ang pisngi niyang mamula-mula.

 

Bumungad sa'yo ang kapatid mong mukhang kanina pa gising, nakaupo na siya sa couch at nakatutok ang mga mata sa tv niyo.

 

"Ate," pagtawag niya sa'yo. "Tumawag si Mama kanina, nagtatanong siya kung bakit kasama mo na naman daw si Ate Seul. May nakakita yata sa inyo na kakilala niya sa baba."

 

Napabuntong hininga ka. Isa sa mga pumipigil sa'yo na tanggapin at sabihin ang sagot sa mga kinikilos mo, alam mong hindi iyon matatanggap ng pamilya mo. 

 

Sumunod siya sa'yo hanggang kusina, naupo sa isa sa mga bar stool habang pinapanood kang maghanda ng almusal.

 

Nagsimula ka'ng magluto, "Anong sagot mo?" 

 

Nakapangalumbaba siyang nakatingin sa'yo, "Sabi ko nagpadrawing ako. Nagpasend pa sa akin ng picture ng assignment ko."

 

Hindi mo alam kung may ideya ba ang kapatid mo, o kung wala lang ba sa kaniya 'yon. At least hindi lang ikaw ang marunong magrason, mabuti na lang.

 

"Ano ba kayo 'te?" 

 

Iyan, isa 'yan sa mga tanong na kinatatakutan mo. Sa tuwing tinatanong ka nila sobra-sobra ang kaba mo, para bang hinahabol ng kabayo sa sobrang bilis ng tibok ng puso mo. 

 

Gusto mong sabihin kung ano ang alam mong totoo, pero maiintindihan kaya niya? 

 

"Magkaibigan, bestfriends."

 

"Bakit parang hindi lang magkaibigan?" Nagtatakang tanong niya.

 

Napatigil ka, nagtagpo ang mga mata niyo. Mukhang may alam ang kapatid mo, at mukhang naiintindihan niya ang nararamdaman mo.

 

Binalot kayo ng katahimikan, nagpatuloy ka sa pagluluto pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa'yo. Hinihintay niyang sabihin mo, nagdadalawang isip ka pa rin kahit na mukhang naiintindihan naman niya.

 

"Ate," pagtawag niya ulit sa'yo, ngayon may kakaiba doon. Mukhang nag-aalala siya sa'yo.

 

"Alam ko, kaya nga pinipigilan ko."

 

"Pero Ate, sabi kapag pinipigilan, mas lalo mo lang ginugusto." 

 

Napatingin ka sa kaniya, totoo. Totoo ang sinabi ng kapatid mo, sinubukan mong pigilan noong una. Pero hindi pa rin pala mapipigilan ang puso, kapag pinipilit, mas lalong hindi sumusunod sa iyo.

 

Napakunoot ang noo mo, nagtataka kung saan niya nakuha ang sinabi niyang iyon.

 

"Nabasa ko lang," aniya na para bang nababasa niya ang tanong na nasa isip mo.

 

"Pero Ate, sa akin okay lang. Gusto ko si Ate Seul para sa'yo." Nakangiting sabi ng kapatid mo.

 

Napangiti ka, at least may isang tayo sa pamilya mo na tanggap ka pa rin ano man ang sekswalidad mo. Sana lahat, sana lahat ng tao.

 

"Gusto ka rin ba niya, Ate?" 

 

Doon ka tuluyang natigilan, hindi mo alam ang isasagot mo. Kasi kahit pinaparamdam mo, kahit pinapakita mo ay alam mong wala lang 'yon lahat pagdating sa kaniya. Kasi nga bestfriend lang ang turing niya sa'yo. Hindi kagaya mo, mukhang straight pa rin talaga ang kaibigan mo.

 

Iyong pagseselos mo na iniisip nilang wala namang dahilan, na hindi naman daw dapat ay hindi lang kababawan. Nagpapakatotoo ka lang sa nararamdaman mo, hindi mo kasi kayang pigilan na huwag ipakita, hindi gaya ng pagpipigil mong huwag sabihin ang nararamdaman mo.

 

Bumalik tuloy sa isip mo iyong mga bulaklak na natanggap niya kahapon, paano mo ngayon hahanapin 'yong taong 'yon kung walang sinabing pangalan? 

 

Wala siyang ideya, maging ang mga kaibigan niya, na ikaw ang dahilan kung bakit biglaang tumitigil ang mga lalaking sumusubok sa kaniya bukod sa siya mismo ang lumalayo sa mga babaeng nagtatapat sa kaniya ay ginagawan mo rin ng paraan para hindi na sila lumapit pa. Wala kang pakealam kung babae o lalaki, basta mapatigil mo sila. 

 

Hindi nila pwedeng makuha ang sa'yo, kahit pa hindi naman talaga siya sa'yo.

 

Pinilit mong ngumiti at umiling sa tanong niya, nawala ang mga ngiti sa labi niya. Bumukas ang pintuan ng kwarto mo, iniluwa no'n ang mukhang osong palihim na tinatangi mo.

 

"Good morning, Hyunnie, Yerimie." nakangiti niyang bati sa inyo.

 

"Good morning," sabay na bati niyo ng kapatid mo.

 

Tahimik kayong kumakain sa dining, pero pansin mo ang minsang sulyap sa'yo ng kapatid mo.

 

"Ate Seul, may boyfriend ka ba?" Tanong ng kapatid mo, gusto mo siyang hawakan sa batok at i-subsob ang mukha niya sa pinagkakainan niya kaso hindi pwede.

 

Uminom ka na lang muna ng tubig para kumalma bago pa sinagot ni Seulgi ang tanong ng kapatid mo.

 

"Wala akong boyfriend."

 

"Wala? Girlfriend? Baka 'yon meron?"

 

Halos maibuga mo ang iniinom mong tubig sa follow-up question ng walanghiya mong kapatid.

 

Tumawa ang bestfriend mo saka umiling, "Straight ako, kaya wala sa isip ko ang mag-girlfriend."

 

"Walang exception?"

 

"Uh-huh.."

 

"Kahit si Ate Joohyun? Hindi exception?"

 

Napatingin tuloy sa'yo si Seulgi.

 

"Straight 'tong Ate mo, bakit mo ba tinatanong?" 

 

Sandaling sumulyap sa'yo ang kapatid mo, pero mabils din niyang binawi ang tingin niya dahil baka mahuli kayo ng bestfriend mo.

 

"Wala kang boyfriend e, kaya naisip ko baka may girlfriend ka. Paano kung may umamin sa'yo na maganda? I-eentertain mo?"

 

"Hmm.... Gaano ba kaganda 'yan? Mabait ba? Kung magugustuhan ko, bakit hindi?"

 

Nagpantig ang mga tenga mo sa narinig mo, iniisip mo na kung totoo ba 'yong sinasabi niya o sinasakyan lang n'ya ang kapatid mo. Napahigpit ang hawak mo sa baso, na para bang anytime na may marinig ka ulit na hindi mo gusto ay mababasag mo ito.

 

"Maganda naman si Ate, kung sasabihin ba niyang gusto ka niya, anong mararamdaman mo?"

 

Sandaling nag-isip ang bestfriend mo, "Matutuwa siyempre, Ate mo 'yan e. Swerte ng magugustuhan niyan, kaya sisiguraduhin kong tama 'yong mapipili niya."

 

"Ang swerte mo pala, Ate Seul."

 

"Oo, grabe na effort niya sa akin na bestfriend lang niya. Ano pa kaya sa magiging boyfriend niya."

 

Manhid ka Seulgi, tapos tanga ako. Tangina. Paano tayo nito? Sabi mo sa isip mo.

 

"Kumain na nga kayo, baka ma-late tayo." Sinaway mo na silang dalawa.

 

Sabay-sabay kayong umalis, naihatid niyo pa ang kapatid mo dahil mauunang madaanan ang eskwelahan niya kaysa sa inyo. Ngayon dalawa na lang kayo, bakit parang biglang nagkaroon ng mataas na pader sa pagitan niyo?

 

"Hyun, 'yong mga tanong ni Yeri.." kinabahan ka. Hindi ka pa rin talaga handang na sabihin sa kaniya.

 

"Huwag mo ng isipin 'yon, ang sabi niya may binabasa siya. Baka kaya nagtatanong, curious lang 'yon."

 

"Ah.. Ano kayang binabasa no'n at ganoon ang mga tanong niya?"

 

"Love story nating dalawa, si Manhid at si Tanga." Bulong mo.

 

"May sinasabi ka, Hyun?" Lakas naman ng pandinig nito.

 

"Sabi ko bilisan mo na maglakad at baka ma-late ka."

 

"Ihahatid muna kita, dadaan akong locker para iwan 'tong mga pamalit ko."

 

"Sabihin mo sa akin,"

 

"Ang alin?"

 

"Kapag may nag-iwan ulit ng bulaklak sa'yo."

 

"Okay.." pagsang-ayon niya sa gusto mo.

 

Naihatid ka na niya sa room mo, hindi ka nakaligtas sa mapanuksong tingin ng mga kaibigan mo. Lalo na sa tingin ni Joy na may kasama pang malaking ngisi.

 

"Okay na kayo niyan?"

 

"Hindi ka na naman galit sa kaniya?"

 

"Baka may pagselosan ka na naman?"

 

"Kelan mo ba sasabihin sa kaniya?"

 

Sunod-sunod na tanong nila sa'yo. Hindi mo sila sinagot, pero kinuwento mo ang nangyari kanina habang nag-aalmusal kayo.

 

"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Akiwrites
Pressure sa title defense lang pala kailangan ko para makapagsulat ulit :'>

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
#1
Chapter 17: Finished reading all the available chapters. 🥺 This one's a really great fic and I'm kind of sad na hindi ko inabutan 'to when it was first published. It would've been a really different feeling for me to anticipate sa next chapters. I really love the plotline of this one especially na dumating na sa parts na Seulgi's being frustrated na sa pag-iwas ni Joohyun considering all the other factors pa with her ex and such. I hope that we can all go back to this story soon po but for now, I'll just say that this has become one of my favorite Tagalog Seulrene fics already. Salamat sa pagsusulat, author! I'm not so sure if you still have access to this account but I want you to know that your writing already tugged on my heart. Ang galing niyo po. Will still wait for you po. Ingat kayo lagi. :)
xantheaverielle
#2
Chapter 3: Grabe. Ang tagal ko bago nakahanap ng Tagalog Seulrene story na ganito. Sobrang ganda talaga. Normal lang 'yung plotline pero 'yung uncertainty sa emosyon nina Irene at Seulgi 'yung mas nagpapalalim ng kwento. Nakakatuwa rin lahat ng characters. Itutuloy-tuloy kong basahin lahat ng available chapters nito. :)
xantheaverielle
#3
AAAA read the foreword pa lang pero sobrang gustong-gusto ko na. Ang ganda po, ang galing niyo magsulat. Hindi ko sigurado kung complete na 'to or if active pa rin po kayo dito but I'll still take the chance to read this story and comment on this. Salamat sa pagsusulat, author!
sophroditeee
#4
Chapter 17: minsan tlga di mo alam kung mawawalan ka ng pasensiya sa mga taong in denial o matuwa kasi ang sarap nilang inisin hahahahhha
Killshot05 #5
Chapter 17: Damn Seulgi! Make up your mind!
kang_ddeul
#6
Chapter 17: ay may pa-only mine din! huhu 😭✊
eunxiaoxlove #7
Chapter 17: Go seulll
jaangwaang
894 streak #8
Chapter 17: ayaaaann na. make ur movena seulbear bago ka pa maunahan ni ex
jaangwaang
894 streak #9
Chapter 7: nawa'y bigyang katahimikan ang puso ni seulbear hahahaha
dreamwityou #10
Chapter 17: namiss ko tong fic 🥺. i was waiting talaga for an update.
nakaramdam na si seulgi finally. tama si joohyun, it's time for seulgi to do her part naman. why do i feel like joohyun's ex also means the start of new issues. looking forward sa next chapters