Liwanag

Jeepney Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

"Ligaya! Totoo nga ang balita, maganda nga 'yung baby ni Madam!"

 

 

 

"Weh?" Nakakunot ang noo ni Joy, 'di makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Jennie. "Akin na nga! Patingin ako at ako ang huhusga," sabay walang pakundangan na hablot sa cellphone ni Irene nang parang siya ang may-ari, ang tigas talaga ng mukha.

 

 

 

"Oh, ayan, oh. 'Di ba!? Ang pogi na ang ganda!" Laban na labang pagmamalaki ni Jennie. 

 

 

 

"Ay, ang cute niya naman dito..." Puri ni Joy habang malagkit na nakatitig picture sa cellphone ng madam.

 

 

 

Kumunot ang noo ni Irene. Big WOW lang, ha. Parang nung nakaraang araw lang, wagas 'tong dalawa niyang kaibigan maka-bash sa kanya, sa baby niya, at sa pagmamahalan nila tapos ngayon grabe sila kung makapuri. 

 

 

 

Masyado nang matagal pinagpipiyestahan ng dalawang impakta ang picture sa cellphone ni Irene at hindi niya na ito nagugustuhan kung kaya naman ay 'di na siya nag-atubiling bawiin ang kanya. 

 

 

 

Oo. 

 

 

 

K. A. N. Y. A.

 

 

 

"Tsk! Sabi ko naman sa inyo, eh. Ako nga, patingin! Pambihira, nauna pa talaga kayo sa'kin," panunumbat niya bago hablutin pabalik ang kawawang cellphone.

 

 

 

"Luh? Kahit ikaw talaga unang nagbigay sa'min ng phone mo para i-flex 'yang baby mo?" Depensa ni Joy na inirapan lang ni Irene dahil alam niyang tama ang sinabi nito. 'Di niya nga lang aaminin, syempre, dahil sigurado siyang mapupunta na naman ang usapan nila sa pang-aasar na kanya ng dalawa gamit ang "old jokes".

 

 

 

 

 

 

Example Scenario:

 

 

 

"Ay, pasensya na, ha. Nakalimutan ko kasi,"

 

 

 

"Nako, Rene, signs of aging na 'yan."

 

 

 

"Onga, 'La. Pa-check up ka na kaya? Don't worry, samahan ka pa namin ni Jen."

 

 

 

 

 

 

Pumalatak si Jennie, "Eh, bakit ba kasi pinakita-kita mo sa'min nang 'di mo pa pala nakikita sa sarili mo?" Usisa nito na sinang-ayunan din ni Joy.

 

 

 

Sa pag-apak kasi ni Irene sa kanilang room kanina, ang unang-una niyang ginawa ay taas-noong lumakad sa kinauupuan ng dalawang kaibigan, padabog na inilapag ang kanyang cellphone at mayabang na nagsabi ng "oh, ayan, picture."

 

 

 

Umungot si Irene, "Ihh, kase ngaaaa..." 

 

 

 

 

 

 

Lumipas ang ilang sandali na para bang naestatwa si Irene at ang dalagang nasa harap niya. Ganon na rin ang ibang pasaherong 'di naitago ang pagkabigla mula sa pagkislap ng maliwanag na ilaw na nanggaling walang iba kundi kay Irene. Salungat sa patuloy na pag-andar ng jeep ang lulan nitong mga pasahero na para bang tinigilan ng ikot ng mundo.

 

 

 

Binalot ng nakabibinging katahimikan ang buong paligid at tanging ang ugong lamang ng mga sasakyan galing sa labas ang maririnig.

 

 

 

Napakagat na lang ng labi si Irene dahil sa frustrashon. Punyemas, bakit ba ang bonak ko sa part na 'yon??

 

 

 

Sa sobrang pagka-excited ng ating minamahal na madam, 'di niya na nagawa pang i-check kung may flash ba ang camera niya. 'Yon pa naman ang isa sa mga pinakaimportanteng guidelines sa pagpi-picture ng pa-stolen para hindi maeluh. Bonus pa sa kamalasan niya na imbis naka-silent ang phone niya ay naka-full volume pa pala ang ringtone nito kaya naman napagkalakas ng shutter sound nung nag-capture siya.

 

 

 

Tengene. Kaya naman gano'n na lamang ang kanyang kagustuhang maging isang ganap na "jumbo hotdog, kaya mo ba 'to!" sa pagkakataong 'yon. 

 

 

 

At tandaan niyo, ayaw ni Irene sa hotdog.

 

 

 

Malala na nga e2... 

 

 

 

Pero hindi rin naman magpapatalo si Irene, ano. Isusulong niya 'tong kaharutan niya. 'Di naman pwede na halos tuwing nagkakasabay na lang sila ng baby niya ay napapahiya siya, 'di ba?

 

 

 

Buti na lang talaga at multi-talented siya. 

 

 

 

Ipinikit ni Irene ang kanyang mga mata at humingang malalim, china-channel ang kanyang Actress Mode. Ngayon ay masisilayan na natin ang kanyang vest hacting iskillz.

 

 

 

In 3...

 

 

 

2...

 

 

 

1...

 

 

 

ACTION!

 

 

 

"HAHAHAHA! Ay, shet! Na-open ACCIDENTALLY 'yung flashLIGHT ko?? Hang weird... 'Di ko naman SINASADYA pero biglang bumukas. Zo weird... Haha..." Pagmo-monologue niya. Talagang nilakasan ni Irene ang kanyang boses para malinaw itong maulinigan ng mga pasahero mula sa harap hanggang sa dulo. Mahirap na't baka mahusgahan siya ng 'di makarinig ng eksplanashon niya.

 

 

 

Kunyari na lang may naniwala sa baluktot niyang palusot. 

 

 

 

Nakahinga nang maluwag si Irene nang nagkibit-balikat na lamang ang dalaga sa kanyang harap at bumalik ito sa dating pwesto. 

 

 

 

'Yun lang naman ang mahalaga. Wala na siyang pake sa ibang mga usisero't usiserang tingin sa dahilan niya'y fake news. Ang importante, nabawasan ng slight ang pagkapahiya niya at naniwala sa kanya si baby.

 

 

 

Naniwala nga ba talaga?

 

 

 

 

 

 

"Ayon, sa sobrang hiya ko, simula nung tinago ko sa bag 'yung phone ko 'di ko na ulit siya hinawakan." Pagtapos niyang paliwanag kay Jennie at Joy.

 

 

 

Kanina pa pulang-pula ang mga mukha ng mga bruha dahil sa pagpipigil ng tawa. Ngayong tapos na sa pagkukwento si Irene, walang pakundangang nagsitawa ang J&J sa kinahinatnan ng madam.

 

 

 

"Ambonak,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
happy christmas, ebribadi !!!

Comments

You must be logged in to comment
taintedcolor #1
Chapter 15: buti nalang at nagkita din sila like naipush na ang modern jeepney, nagtaasan na ang pasahe at gas 🥹 slow burn ngang tunay lol
paradoxicalninja
#2
Chapter 15: HAPPY NEW YEAR TO ME AND MARENG IRENE 😭 FINALLY NAGKITA NA RIN SILA 😭
Miron-3 #3
Chapter 15: congrats madam!!! kakaloka totoo yung nakita na niya future niya with her sa unang kita pa lang HAHAHAHHA
mklarisse_ #4
Chapter 15: OHMYGOD AHSHSJDJ FINALLY!!!! Congrats madam 😭😭😭 sobrang funny ng na envision niya yung future nila ANXNSNX I LOVE IT
Wanni_2921
#5
Chapter 15: Finally nagkita na ang mga bakla
baejoonism #6
Chapter 15: Finallyy!!!! Merry na merry ang Christmas hehe thanks otornim!!
Manseng97 #7
Chapter 15: tenkyuu otot #NoToJeepneyPhaseout
wishwishwish #8
Chapter 15: merry christmas author! finallyyyy
Manseng97 #9
Chapter 14: par magjejeepney phaseout na wala pa ring usad ang labstory chariz
EzraSeige
#10
Chapter 15: Thanks sa update otornim and Merry Christmas 😍🎄🎂🎆💙❄