Ikalima

My Bestfriend's Sister

Nagising ako sa mahinang katok na nag mumula sa labas ng pinto. Bumangon ako sa kama at binukasan ang pinto. Pagka bukas ko ng pintuan sumalubong sa akin ang matamis na ngiti ng aking ina.

"Good morning po ma." bati ko sa nanay ko.

"Good morning din anak, tara bumaba na tayo para makapag breakfast ka na at baka malate ka pa sa school." sabi ni mama.

"Sige po baba na po ako mag hihilamos lang po ako saglit." saad ko. Tinanguan lang ako ni mama at umalis na. Pagka tapos kong mag hilamos ay bumaba na ako para mag almusal. Pag dating ko kusina ay nakit ko ang papa ko na nag babasa ng diyaryo.

"Good morning pa." bati ko sa kanya.

"Good morning din nak." bati naman niya sa akin.

"Umupo ka na para makapag almusal ka na." sabi sa akin ni papa. Tumango na lang ako at umupo.

"Oo nga pala seulgi kamusta na nga pala ang inaanak ko." tanong ni papa. Ang tinutukoy ni papa na 'inaanak' niya ay walang iba kundi ang kontrabida ng buhay ko at yun ay si Irene.

"hmmm ok lang naman po siya pa." sagot ko dito.

"mabuti naman, matagal ko na ding hindi nakikita ang inaanak ko." sabi papa sa akin.

"Gusto ko sanang makita ang inaanak ko. Papuntahin mo siya dito seulgi at isama mo na din yung bff mo." sabi nito sa akin ng naka ngiti. Tama ba yung narinig ko? Ako papupuntahin ko dito yung malditang yun?.

"S-seryoso po ba kayo pa?" tanong ko kay papa baka kasi nabingi lang ako or what.

"Yes. Bakit may problema ba Seulgi?" saad ni papa.

"W-wala po papa." sabi ko na lang.

"Kailan ko po pala sila papapuntahin?" tanong ko dito.

"Sa sabado ng gabi para dito na sila mag dinner, tutal ay day off ko naman sa araw na yun." sabi ni papa sa akin.

"Ok po sasabihin ko po kay Yeri para masabi niya sa ate niya." sabi ko kay papa. Nginitian at tumango na lang sa akin si papa.

 

 

 

Nandito na ako ngayon sa school at kasalukuyan akong nag lalakad papuntang class room ko. At habang nag lalakad ako ay may narinig akong boses na tumatawag sa pangalan ko.

"BFF KANG SEULGI!!!" tawag sa akin ng sino pa ba kung hindi ang bespren kong maingay na si yeri at hindi pala siya nag iisa kasama niya din pala ang mga kaibigan namin na sina joy at wendy. Huminto ako sa pag lalakad at hinintay silang makarating sa kinatatayuan ko.

"Oyy Kang Seulgi kamusta ka na? Namiss kita kaibigan." OA na sabi ni joy.

"Sira ka ba joy? Eh mag kasama pa lang kaya tayo kahapon." sabi ko kay joy at bigla naman itong tumawa ng malakas.

"Binibiro lang kita seul hahaha." sabi ni joy.

"He-" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng dumaan ang babaeng gustong gusto ko at yun ay walang iba kung hindi si Chou Tzuyu.

"Seulgi laway mo tumutulo." bulong sa akin ni wendy. Agad ko namang pinunasan ang bibig ko dahil baka makita pa ni Tzuyu noh mahirap na.

"Wala naman eh." sabi ko kay wendy sabay hampas sa kanya ng mahina. Natawa naman si wendy sa sinabi ko.

"Eh pano dumaan lang si Tzuyu natulala ka na kulang na lang mag laway ka eh." natatawang saad ni wendy. Natawa naman silang tatlo dahil nga sa sinabi ni wendy.

"Tara na nga baka malate pa tayo." sabi ko sabay hila ko sa kanilang tatlo. Nakarating na kami sa class room namin at pagka pasok namin ay nakita ko si Tzuyu na nakikipag kwentuhan sa iba pa naming kaklase. Oo nga pala kaklase din namin si Tzuyu my labs. Hayy ang ganda niya talaga.

"May part 2 na yung pagka tulala at pag lalaway mo Kang Seulgi?" tila natatawang saad ni Wendy.

"Chee bahala nga kayo diyan." sabi ko sa kanila at pumunta na sa upuan ko. Narinig ko pang tumatawa sina Yeri, Wendy at Joy. Dahil wala pa yung teacher at medyo maaga pa naman kinuha ko ang aking cellphone para mag laro ng games. Habang nag lalaro ako biglang may tumapik sa balikat ko. At pagka angat ko ng ulo ko sumalubong sa akin ang matamis na ngiti ng nag iisang Chou Tzuyu.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sopeng
PG 13 lang po tayo dito HAHAHAAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
miss kuna tuh :(
Moksy23
#2
Chapter 19: pa update po otornim
notjoohyunn
#3
Chapter 19: hi ang ganda po ng story
kang_ddeul
#4
Chapter 19: wahhh re-reading this! at nakakakilig pa rin 😭✊
baeddeulgi_
#5
Chapter 19: sana all hinihintay
baeddeulgi_
#6
Chapter 10: grabe speed lang talaga si madam irene, mukhang binabakuran na si seul ah laban sa mga balak ni tzuyu
seulrenewrld
11 streak #7
Chapter 3: Potek yan si Irene HAHAHAH
seulrenewrld
11 streak #8
Chapter 2: Parang elementary student sila pag dating Kay Irene (TT)
seulrenewrld
11 streak #9
Chapter 1: Simula pa lang muhkang matatawa na ko Kay Irene HAHAHAHA
Aesthrea_ssi #10
Chapter 19: Ay-- yung umasa ka na may ganap pero waley pala hahahashs