Ika-labing isa

My Bestfriend's Sister

Ito na ang araw na pinakahihintay (niyo), Ang araw ng sabado kung saan pupunta sina Irene at Yeri sa bahay. At dahil nga darating sila ay todo ayos sila dito sa bahay. Pagkababa ko pa nga lang ng hagdan ay kita ko na ang mga kasambahay namin na abala sa paglilinis at pag aayos. Pagkababa ko sa hagdan ay pumunta ako sa kusina para humanap ng makakain dahil kanina pa ako nagugutom. Teka anong oras na ba? Tinignan ko ang aking relo at nakalagay dito na 2 p.m na pala and guess what? Kakagising ko pa lang dahil may isang demoNYETANG hindi ako pinatulog at walang iba kundi ang anak ni satanas na si Yeri. Panay ang chat sa akin ng demoNYETA, hindi daw siya makapili ng susuotin niya para bukas, paano ba naman siya makakapili eh sampung damit ata yung binili niya kahapon sa mall. Ang sakit tuloy ng katawan ko dahil sa akin pinabibit lahat ng shopping bags niya nyeta lang.

 

Pagkapasok ko sa kusina ay nadatnan ko si mommy na abala din sa pagluluto. Napansin naman ako nito kahit busy siya.

"oh seul baby gising ka na pala, halika dito at paghahanda kita ng breakfast mo kung breakfast pa bang maituturing toh mukha kasing lunch mo na eh dahil 2 p.m ka ng gumising." sabi ni mommy

"okie po mommy." sabi ko sabay lakad palapit kay mommy.

"saan nga po pala si daddy?" tanong ko kay mom.

"nasa kwarto siguro tinatapos lang yung mga natirang files niya." sabi nito habang inilalapag ang isang plato ng pancakes sa harap ko. Nag lagay din ito ng egg and bacon sa lamesa at juice na din.

"thank you po mommy." sabi ko dito.

"welcome baby bear, kain kana." sabi naman nito.

Tumango na lang ako at nag simula ng kumain. At ng maubos ko na lahat ay tumayo na ako at nag paalam kay mommy na babalik ako sa kwarto ko. Nang makarating ako sa kwarto ay kinuha ko ang aking cellphone at tinignan kung may message ba ako at as expected ang anak ni satan ang pumuno sa inbox ko, hindi ko na muna ito binasa at binuksan ko ang twitter ko para icheck kung may comeback na ba ang Red Velvet babies ko. Pero na disappoint ako na wala pa rin, tae nasa matinding crisis kami ni Yeri dahil miss na miss na namin ang mga babies namin lalo na si Irene baby ko pero hindi si Irene na kapatid ni Yeri ah (Uyy defensive siya oh) Anyways wag niyo ng pansinin ang comment ni author nim. At dahil nga wala akong magawa ay nag twitter na lang ako para na rin mag palipas ng oras. Like ako ng like sa mga pics ng mga babies ko at syempre bilang isang luvies na marupok ay hindi ko mapigilan na mag tweet na miss ko na ang RV.


At dahil marami pang oras ay natulog na lang ulit ako dahil alam niyo naman matakaw ako sa tulog kahit kakagising ko lang. Pero bago ako matulog nag tweet muna ulit ako ng 'RV balik na kayo mga baby ko miss na miss ko na kayo lalo na ikaw Irene baby ko, maawa kayo sa amin jobless na jobless na kaming mga luvies at ikaw SM Ent. pota ka mag release ka ng dance practice video ng Red Velvet at ipromote niyo sila na maayos yung lang po byeeeee.' at ayun po mga kaibigan natulog na ako.


Nagising ako bigla ng mag ring ang cellphone ko at ng tignan ko ito ay tumatawag pala si Yeri, sinagot ko naman ito at tinignan ko din kung anong oras na 6 na pala putek ang tagal pala ng tulog ko. 

"oh? Ano na naman ang problema mo?" tanong ko dito.

"wow ha wala man lang hello? Ha BFF?" sagot naman nito.

"OK sige ulitin natin call ka ulit." sabi ko naman at pinatay na ang tawag. Kaagad naman itong nag ring ulit.

"hello sa anak ni satanas, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" bati ko dito.

"Ayan ok na yan BFF hahaha." tila tuwang tuwa pang sabi nito.

"eh ano bang kailangan mo BFF?" tanong ko dito.

"eh ano kasi BFF nasira yung kotse ni ate kaya mag papasundo sana kami sayo." sagot naman nito.

"okie sige sunduin ko kayo mamayang 7:30 maliligo lang ako." sabi ko naman dito.

"okeh thank you BFF!" sabi nito

"wel- hello? hello? Y-yeri?" aba naman ampota di man lang ako pinatapos at pinatay na ang tawag.

Tumayo na ako at pumunta sa banyo para maligo. Medyo nag tagal pa ako sa banyo dahil sumayaw sayaw at kumanta kanta pa ako ng RV songs dahil Red Velvet is lifest charot! Hahaha. Nang makalabas ako ng banyo ay 7 na kaya naman nag bihis na ako, simpleng champion hoodie na kulay green, ripped jeans na black at converse highcut na black lang ang sinuot ko at ng matapos akong magbihis ay kinuha ko na ang susi ng kotse ko ay oo nga pala di ko pa nasasabi sa inyo na naka kuha na akong ng drivers license pero syempre yung pang student lang kaya naman binili na ako ng kotse ni daddy kaso di ko masyadong ginagamit dahil nagtitipid ako ng gas mahal pa naman ang gas sa panahon ngayon. Pagkakuha ko sa susi ng kotse ko ay bumaba na ako, pagkababa ko ay pinuntahan ko si mommy para magpaaalam na susunduin ko sina Yeri at Irene.

"ingat baby bear!" sigaw ni mommy.

Dumaretso na ako sa garahe namin at binuksan ko na ang pinto ng aking Ford mustang gt convertible 2018 at sumakay na dito nilagay ko na ang susi at inistart ko na ito bago ko ito ilabas sa garahe ay tinext ko muna si Yeri na papunta na ako at pinalakad ko na ang kotse palabas ng garahe. Syempre habang nag mamaneho ako ay pinlay ko sa streo ng kotse ko ang perfect 10 by Red Velvet.

Light camera action, uh 
Everything is perfect, a huh 
(모든 게 다 완벽해, a huh) 
Hit the button and push record, woo

I do not choose a day night 
(Day night 가리지 않아 난) 

As the five senses lead 
(오감이 이끄는 그대로 찾아가) 

Feels real Feel along 
(Feels real 느낌을 따라가) 

The scent resembles you.
(널 닮은 향기가 넘쳐나) 
Your heart is a transparent square small frame 
(네 맘은 투명한 사각의 작은 프레임) 

I want to include it in 
(그 안에 담고 싶은) 

Only one subject. 
(오직 단 하나의 피사체야 난) 

I'm using the sweet light to illuminate 
(달콤한 저 빛을 조명 삼아서 난) 

I'm waiting for you yeah
(너를 기다리고 있어 yeah) 
Black my eyes close up (oh my) 
(까만 내 눈동자를 close up (oh my)) 

I close everything 
(내 모든 걸 다 close up) 

Honest my heart a little closer yeah (oh my) 
(솔직한 내 맘을 조금 더 가까이 yeah (oh my)) 

As close as you can get
(닿을 듯 가까이) 
I'll be your perfect ten, ten, ten 

Be your perfect ten, ten, ten 

All cuts are ten, ten, ten 
(모든 Cut이 ten, ten, ten) 

At dahil malapit lang naman ang kina Yeri ay mabilis din akong nakarating sa bahay nila. Pinark ko sa harap ng bahay nina Yeri ang kotse ko at bumaba na. Nang makababa na ako ay pinindot ko ang doorbell, wala pang sampung sigundo ay may nagbukas na ng gate. 

"ma'am seulgi kayo po pala, pasok po kayo." sabi ng kasambahay nina Yeri na si nana Melda. 

"sige po, salamat po nana Melda." sabi ko dito at pumasok na sa bahay. 

Pagkapasok ko ay nakasalubong ko ang isa pang kasambahay nina Yeri na si Alice na anak ni nana Melda at ka edad lang namin ni Yeri. 

"ma'am S-seulgi hinihintay na po kayo ni ma'am yeri sa kwarto niya p-puntahan mo na lang daw po siya doon." sabi nito ne medyo namumula. 

"ayos ka lang ba Alice? Namumula ka eh." sabi ko sabay lagay ng kamay ko sa noo niya na mas lalo naman niyang ikinapula. 

"o-ok lang po ako, m-medyo mainit lang po." sagot naman nito. 

"huh? Naka aircon naman dito diba? Eh bakit ako naka hoodie na Di naman ako na iinitan?" takang tanong ko dito. 

" ah eh ano po kulang lang po siguro ako ng t-tubig." palusot naman nito. 

"siguro nga, sige na uminom ka muna ng tubig Alice at pupunta na ako sa kwarto ni Yeri." sabi ko dito sabay pat sa ulo niya at nginitian ito at kapansin pansin na mas namula pa ito, ipinag walang bahala  ko na lang ito at dumaretso na sa kwarto ni Yeri. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni BFF ay kumatok na ako na aragan namang binuksan ni Yeri. 

"buti naman at dumating kana BFF, kanina pa kita hinihintay sa dulo ng ating walang hanggan
hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman." Saad ni Yeri. 

"Ulul mu Yeri eh hindi ka pa nga nakabihis eh." sabi ko dito. 

"kaya nga kita hinihintay BFF dahil magpapatulong ako sayo, hindi pa rin kasi ako nakakapili ng damit hanggang ngayon." sabi naman ni Yeri. 

"ano!? Hindi ka pa rin nakakapili eh alas dos na ng madaling araw na akong nakatulog dahil sayo eh." Saad ko naman. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Itutuloy ko po mamaya hahahaahaha. 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sopeng
PG 13 lang po tayo dito HAHAHAAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
miss kuna tuh :(
Moksy23
#2
Chapter 19: pa update po otornim
notjoohyunn
#3
Chapter 19: hi ang ganda po ng story
kang_ddeul
#4
Chapter 19: wahhh re-reading this! at nakakakilig pa rin 😭✊
baeddeulgi_
#5
Chapter 19: sana all hinihintay
baeddeulgi_
#6
Chapter 10: grabe speed lang talaga si madam irene, mukhang binabakuran na si seul ah laban sa mga balak ni tzuyu
seulrenewrld
11 streak #7
Chapter 3: Potek yan si Irene HAHAHAH
seulrenewrld
11 streak #8
Chapter 2: Parang elementary student sila pag dating Kay Irene (TT)
seulrenewrld
11 streak #9
Chapter 1: Simula pa lang muhkang matatawa na ko Kay Irene HAHAHAHA
Aesthrea_ssi #10
Chapter 19: Ay-- yung umasa ka na may ganap pero waley pala hahahashs