Ikapito

My Bestfriend's Sister

"Hi ate Irene." naka ngiting bati nina Joy at Wendy.

"Hi din sa inyo Joyie at Wanda." masayang bati ni Irene sa kanila. Napa dako naman ang mata ni Irene sa katabi ko at biglang nag dilim ang mukha niya ng makita niya ito.

"Hello Irene." naka ngising sabi ni Tzuyu sabay kapit sa braso ko. Teka magka kilala sila? Paano? Eh hindi naman close si Tzuyu at Yeri ah?.

"Hi Tzuyu." bati ni Irene at tinignan ng matalim si Tzuyu. Nag titigan silang dalawa at parang may nabubuo ng kuryete sa mga mata nila. Bago pa magkaroon ng World War 3 eh binati ko na si Irene.

"H-hello a-ate I-irene e-ste I-irene pala hehehe." nerbyos kong bati sa kanya. Nabaling ang matalim na tingin ni Irene sa akin. Pero bago pa niya ako batiin ay ngumiti muna siya sa akin ng sobrang tamis na nakapag patigil sa mundo ko.

Ang sumunod na ginawa niya ang nagpabilis sa tibok ng puso ko at nagparamdam sa akin ng libu-libong paro-paro. 

"Hi Seulgi." matamis na bati niya sa akin sabay HALIK sa pisngi ko. Tila na estatwa ako sa ginawa niya. Nakita ko naman na pati sina Joy, Wendy, Yeri at pati na din si Tzuyu ay sobrang nagulat din sa ginawa ni Irene. Ginagawa mue Irene?


"Seulgiiiii." sigaw sa akin nina Joy At Wendy sabay alog sa akin. Dahil doon ay nagising ako sa katotohanan.

"Naka alis na sina Yeri, kanina ka pa nakatulala diyan." sabi sa akin ni Wendy ng may mapang-asar na ngiti. Teka ilang oras na ba akong nakatulala?

"G-ganun ba? Hehehehe" sabi ko sabay kamot sa batok ko. 

"T-teka asan si Tzuyu?" tanong ko sa kanila.

"Nag cr lang sandali ang tagal mo kasing nakatulala eh kaya nag cr muna siya." sabi ni Joy sa akin. Namula naman ako dahil doon. Nyeta di pa rin ako maka move on sa nangyari, ano ba kasing sumapi sa babaeng yun at ginawa niya yun sa akin. Na engkato ba siya? O talagang may sapak lang talaga siya sa ulo. Maya-maya lamang ay dumating na si Tzuyu.

"Tzuyu pasensya ka na ah" nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Ayos lang Seulgi. Tara na para magawa na natin yung project natin." sabi sa akin ni Tzuyu. Tumango na lang ako sa kanya. Bago kami umalis ni Tzuyu ay nagpa alam muna ako kin Joy at Wendy. Nang nakapagpa alam na kami sa kanila ay nag simula na kaming lumakad ni Tzuyu.

"Oo nga pala Tzuyu saan pala natin gagawin yung project natin?" tanong ko sa kanya.

"Ok lang ba kung sa amin na lang?" pabalik na tanong sa akin ni Tzuyu.

"Oo, ok lang Tzuyu." sagot ko naman sa kanya. Walking distance lang naman yung bahay nina Tzuyu dahil malapit lang ito sa school. Habang nag lalakad kami hindi ko maiwasang isipin yung nangyari kanina. May sira na talaga siguro ang malditang yun dahil nung isang araw kung makapag sungit siya akala mo may ginawa akong kasalanan sa kanya tapos naman kanina ang sweet sweet niya na may kasama pang kiss sa pisngi. Namula naman ulit ako dahil naalala ko yung kiss na yun.

"Ayos ka lang ba Seulgi?" nag aalalang tanong sa akin ni Tzuyu.

"H-ha? Oo naman bakit mo naman natanong yan?" tanong ko sa kanya.

"Eh namumula ka kasi eh" sagot naman nito sa akin.

"Ah wala toh hehehe." sabi ko naman dito.

"Oo nga pala Tzuyu magka kilala ba kayo ni Irene?" pag iiba ko ng usapan.

"Well sabihin na nating magka kilala kami pero hindi kami close." sagot sa akin ni Tzuyu. Halata naman talaga na hindi sila close dahil kanina nga kulang na lang mag patayan sila sa titig nila sa isa't isa.

"Paano mo nga pala siya nakilala eh hindi naman kayo masyadong close ni Yeri?" tanong ko ulit sa kanya.

"Hindi mo ba alam Seulgi? Sikat na sikat si Irene dahil sa kagandahan at katalinuhan niya. And isa pa ay siya ang ace player ng Red Velvet Archery Team sa school. Pati nga sa ibang school sikat siya, dumadayo pa nga yung iba para lang makita siya" mahabang paliwanag sa akin ni Tzuyu. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na sikat si Irene sa school pero di ko ini expect na ganun siya kasikat at ano yung sinabi ni Tzuyu? Dumadayo pa yung taga ibang school para lang makita yung kontrabida ng buhay ko?

"Bakit nga pala Irene lang ang tawag mo sa kanya? Samantalang sina Joy at Wendy ay ate Irene ang tawag sa kanya eh magka edad lang naman kayo nina Wendy ah." tanong ni Tzuyu.

"Sabi niya kasi wag ko daw siyang tawaging ate dahil hindi naman kami mag kapatid at isa pa daw ay 2 years lang naman daw ang namin." sagot ko kay Tzuyu.

"Grabe, hindi pa rin talaga siya nag babago." bulong ni Tzuyu kaya hindi ko masyadong narinig.

"Ha? Paki ulit nga yung sinabi mo Tzuyu hindi ko kasi narinig eh." sabi ko kay Tzuyu.

"Ah wala yun hehehe." sabi ni Tzuyu sa akin. Dahil nag kukwentuhan kami ni Tzuyu hindi namin namalayan na nandito na pala kami sa harap ng bahay nila.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sopeng
PG 13 lang po tayo dito HAHAHAAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
miss kuna tuh :(
Moksy23
#2
Chapter 19: pa update po otornim
notjoohyunn
#3
Chapter 19: hi ang ganda po ng story
kang_ddeul
#4
Chapter 19: wahhh re-reading this! at nakakakilig pa rin 😭✊
baeddeulgi_
#5
Chapter 19: sana all hinihintay
baeddeulgi_
#6
Chapter 10: grabe speed lang talaga si madam irene, mukhang binabakuran na si seul ah laban sa mga balak ni tzuyu
seulrenewrld
11 streak #7
Chapter 3: Potek yan si Irene HAHAHAH
seulrenewrld
11 streak #8
Chapter 2: Parang elementary student sila pag dating Kay Irene (TT)
seulrenewrld
11 streak #9
Chapter 1: Simula pa lang muhkang matatawa na ko Kay Irene HAHAHAHA
Aesthrea_ssi #10
Chapter 19: Ay-- yung umasa ka na may ganap pero waley pala hahahashs