Ika-labing anim

My Bestfriend's Sister

 

             Patuloy lang tayo sa paghahalikan, palalim ng palalim, painit ng painit. Naglalakbay ang mga kamay mo sa aking likod tila ba kinakabisado mo ang bawat sulok nito. Hahawakan ko na sana ang hindi dapat hawakan ng may tumamang malabot na bagay sa aking mukha at dahil dito nagising ako at bumalik sa reyalidad.

 

“SEULGI!”

 

"SEULGI, ANO BA!" 

 

“Ha?”

 

“Hatdog.”

 

“Seulgi, ayos ka lang ba talaga? Ano bang nangyayari sayo? Pangalawang beses mo ng natutulala dyan, kung hindi pa kita binato ng unan hindi ka gagalaw sa kina tatayuan mo.” concern na tanong mo. 

 

“A-ay sorry.” Tugon ko.

 

Punyeta nakakahiya ka Kang Seulgi.

 

“Pwede mo na ba akong bihisan? Masyado ng matagal naka expose yung katawan ko pati nilalamig na din ako.”

 

               Huminga ako ng malalim at lumapit na sa iyo and this time totoo na hindi na day dream este night dream. Nabihisan naman kita ng matiwasay at Oo walang nangyaring kababalaghan gaya ng iniisip ko at malamang iniisip niyo rin hahaha.

 

               Pagkatapos kitang bihisan ay nilamon na naman tayo ng katakot takot na katahimikan. Kita ko naman na inaantok ka na ng bongga kaya naman tumikhim ako para makuha ko ang atensyon mo, tumingin ka naman sa akin ng may pagtataka sa mata.

 

“U-uhm H-Hyun dahil isa lang ang kama at bisita ka naman diyan ka na matulog matutulog na lang ako sa sofa.” Sabi ko.

 

Tinignan mo naman ang kama.

 

“Are you sure? I mean, I can sleep naman sa couch and nakakahiya kasi.”

 

“No. As I mention earlier bisita ka kaya dapat lang na sa kama ka na matulog para mas komportable ka.”

 

“But the couch is a little bit small for you to sleep in.”

 

Natahimik na naman tayo.

 

“How about this, tutal malaki naman itong bed tabi na lang tayo and hindi ka comfortable mag lagay tayo ng unan sa gitna.” Suggest mo.

 

Well kung hindi ako papayag siguradong aabot tayo ng mag damag kakakontra sa isa’t isa.

 

“Sige, ganun na lang.” pagpapayag ko. 

 

At gaya nga ng sinabi mo nag lagay tayo ng unan sa gitna.

 

                Malalim na ang gabi pero dilat na dilat pa rin ang aking mga mata. Nakatalikod ako sayo kaya hindi ko alam kung tulog ka na. Gusto kong humarap, gusto kong makita ang maganda mong mukha. Hindi nag tagal ay dahan dahan akong humarap sayo, hindi ko mapigilan. Nakapikit na ang mga mata mo, napaka ganda mo talaga, Hyun. Mahimbing kang natutulog, maaliwalas ang iyong mukha.

 

               Hindi ko alam kung anong klaseng espirito ang sumanib sa akin dahil dahan dahan akong lumapit sayo at hinalikan ko ang iyong noo.

 

Hanggang ngayon ikaw pa rin, Hyun, ikaw lang.

 

                Maingat kong hinaplos ang iyong mukha. Nakakamiss, nakakamiss ka. Mula sa iyong pisngi ay pinadaan ko ang aking mga daliri sa iyong matangos na ilong, pagkatapos ay iniligay ko ang aking daliri sa mapula at malambot mong labi. Hindi ko namalayan ay tumulo na pala ang luha ko, kaagad ko itong pinunasan. Ilang saglit ko pang pinagmasdan ang iyong magandang mukha.

 

Kung na aalala mo lang sana. Napatawa ako ng mapakla. Tangina. 

 

Tumalikod na ako at ipinikit ko na ang aking mga mata.

 

                  Naramdam kong may nakadagan na malambot na bagay sa likod ko at dahil inaantok pa ako ay hindi ko na idinilat pa ang aking mga mata, bagkus ay humarap ako dito at niyakap ito ng mahigpit at pinagpatuloy ang aking pag tulog.  

 


                Nagising ako sa mahinang katok na nag mumula sa pintuan ng aking kwarto, ngunit hindi ko ito pinansin at mas lalo kong lang isiniksik ang aking katawan sa unan na kayakap ko.

 

“Seul…”

 

Nanaginip ata ako dahil naririnig ko ang boses mo. Teka boses? Ikaw? J-joohyun?

 

         Kaagad kong iminulat ang mata ko at unang bumungad sa akin ay ang napakaganda mong mukha, pero bakit ang lapit mo naman ata?
Napatingin ako sa ating mga katawan at nanlaki ang mata ko ng makita kong nakayakap tayo sa isa’t isa. Napabalikwas ako, muntik na nga akong mahulog sa kama, buti na lang ay mabilis kong na itukod ang aking mga paa, tumalikod ako sayo dahil sa hiya. Nakita ko yung unan na iniligay natin sa gitna natin na ngayon ay nasa sahig na. 

 

“S-sorry…” sabi ko.

 

Natawa ka naman ng malakas.

 

“It’s ok Seul no big deal hahaha, in fact gusto ko pa ngang mag pasalamat sayo eh, because you keep me warm all night.” Tuloy tuloy mong sabi.

 

Namula at kinilig naman akong ng slight dun sa ‘you keep me warm all night.’ Enebe nemen eh.

 

“Uhm sige, ano, CR lang ako.” Tarantang sabi ko at dali dali pumasok sa banyo.

 


             Pagkasara ko sa pintuan ng CR ay kaagad akong dumaretso sa harap ng salamin at ng nakita ko ang repleksyon ko sa salamin ay mas lalo akong nahiya, magulong buhok at may morning glory pa pucha! Mabuti na lang at wala akong tuyong laway dahil talagang hindi ako lalabas dito. My ghad cassie nakakahiya ka ang dugyot mo! Nag hilamos ako at nag toothbrush ng mga tatlong beses pagkatapos ay nag mouthwash pa ako. Nang makita kong medyo disente na ang itsura ko ay lumabas na ako. 

 


              Nakita kitang naka upo sa dulo ng kama na para bang hinihintay mo ako. Nang makita mo ako ay kaagad kang tumayo.

 

“Seul, do you have spare toothbrush?” tanong mo, medyo namula ka pa nga eh. Ang cute mo talaga.

 

“Oo meron, naduon sa may cabinet sa likod ng salamin.” Sagot ko. 

 

“Thanks,” sabi mo at naglakad ka na patungong banyo, pero bago mo pa buksan ang pinto ay humarap kang muli sa akin.

 

“U-uhm pwede bang manghiram ulit ng damit, Seul?” 

 

Akala ko naman kung ano, medyo kinabahan ako ng kaunti dun. Ngumiti ako sayo.

 

“Sure, kuha ka na lang kung saan ka kumuha kagabi.” Sagot ko.

 

            Tumango ka at pumunta sa walk-in closet ko, pagkalabas mo ay may hawak ka ng over-size t-shirt na kulay puti at track pants na kulay purple.

 

“Seul, mauna ka na sa baba baka gutom ka na.” ani mo.

 

“Hindi pa ako gutom, hintayin na kita, Hyun.” Saad ko. 

 

“Are you sure? Ok lang naman kahit mauna ka na.” pilit mo sa akin. 

 

“Ayos lang, Hyun, basta ikaw.” Sabi sabay kindat, nakita ko ang pamumula ng iyong pisngi kaya napa ngiti ako ng malaki. 

 

Pagkasara mo ng pintuan ay nabura ang ngiti sa aking labi.

 

     Noon hanggang ngayon ay hinihintay pa rin kita at kahit kailan hinding hindi ako mag sasawang hintayin ka, Joohyun.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sopeng
PG 13 lang po tayo dito HAHAHAAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
miss kuna tuh :(
Moksy23
#2
Chapter 19: pa update po otornim
notjoohyunn
#3
Chapter 19: hi ang ganda po ng story
kang_ddeul
#4
Chapter 19: wahhh re-reading this! at nakakakilig pa rin 😭✊
baeddeulgi_
#5
Chapter 19: sana all hinihintay
baeddeulgi_
#6
Chapter 10: grabe speed lang talaga si madam irene, mukhang binabakuran na si seul ah laban sa mga balak ni tzuyu
seulrenewrld
11 streak #7
Chapter 3: Potek yan si Irene HAHAHAH
seulrenewrld
11 streak #8
Chapter 2: Parang elementary student sila pag dating Kay Irene (TT)
seulrenewrld
11 streak #9
Chapter 1: Simula pa lang muhkang matatawa na ko Kay Irene HAHAHAHA
Aesthrea_ssi #10
Chapter 19: Ay-- yung umasa ka na may ganap pero waley pala hahahashs