Ikatlo

My Bestfriend's Sister

Napalunok na lang kaming dalawa ni yeri dahil alam namin na gegerahin na naman ako nung ate niya. 
"o-oyy yeri p-pano na yan? Nandito na ate mo? Ano tatalon na ba ako sa bintana?" tarantang tanong ko kay bff sabay takbo papunta dun sa bintana. Agad naman akong hinila pabalik ni yeri.


"shunga ka ba bff? Sa tingin mo ba kayang mong talunin yan? Nasa 2nd floor kaya tayo tanga." sabi naman ni bff.


"maka tanga naman toh diba pwedeng natataranta lang?" sabi ko naman sa kanya. Sasagot na naman sana si bff yeri ng biglang may kumatok na naman sa pinto.


"akong bahala bff relax ka lang ok?, ididistract ko si ate tapos ikaw tumakbo ka na papuntang gate ok?" sabi ni yeri sa akin. 


"mag tago ka muna diyan baka makita ka pa ni ate." dugtong pa nito.


Tumango na lang ako. Nag lakad na papuntang pinto si yeri at ako naman ay nag tago ako dahil baka makita ako nung ate niya. Unti unting binuksan ni yeri yung pinto ng kwarto niya.


"ate ireneeeee" masiglang bati ni yeri sa ate niya sabay yakap dito.


"oh yeri bakit ang tagal bago mo buksan yung pinto?" tanong naman ni malditang ate irene.


"pasensya na ate nakatulog kasi ako e habang naglalaro." dahilan naman ni bff.


"ah ganun ba sorry yeri at mukhang naistorbo pa ata kita sa tulog mo." sabi ng ate niya sabay yakap kay yeri.


"ok lang yung ate ano ka ba, malakas ka sakin eh." pang uuto ni yeri sa ate irene niya.


"ate bakit pala ang aga mo? Diba 7 palang uwi mo? Edi dapat mamayang 7:30 ka pa uuwi?." tanong ni yeri sa ate niya.


"5:30 uwi ko ngayon dahil wala yung prof namin ng last sub. Dapat nga kanina pa ako dito kaso may dinaanan lang kami ng mga kaklase ko and naalala ko na wala ka palang kasama dito kaya umuwi na ako agad." sagot naman sa kanya ng ate niya.


"ayy oo nga pala ate may gusto sana akong sabihin sayo." sabi ni bff sa ate niya.


"at ano naman yun?" tanong ng ate niya.
"pwede sa kwarto mo na lang natin pag usapan ate para na rin makapag palit ka ng damit." sabi ni yeri.


"ok sige." sabi ng malditang ate ni bff. At nag simula na silang maglakad papunta sa kwarto ni malditang ate irene.


 Nang maramdaman kong wala na sila ay lumabas na ako sa pinag tataguan ko at dahan dahang lumakad papuntang pinto, sinilip ko muna ang magka bilang side baka kasi nandun pa sila, ng matiyak ko na wala na sila ay lumabas na ako ng kwarto at dahan dahan ako bumaba sa hagdan. Habang pababa ako ng hagda ay biglang tumunog ang cell phone ko at dali dali ko itong pinatay. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko at pinagpatuloy ang pagbaba sa hagdan. Nasa last step nako ng hagdan ng biglang may nag salita or should I say na sumigaw sa likod ko.


"KANG SEULGI!!!" sigaw sa akin ng nag iisang si malditang ate irene. Napalunok at tinawag ko muna lahat ng santong kilala ko, bago ako dahan dahang humarap sa kaniya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sopeng
PG 13 lang po tayo dito HAHAHAAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
miss kuna tuh :(
Moksy23
#2
Chapter 19: pa update po otornim
notjoohyunn
#3
Chapter 19: hi ang ganda po ng story
kang_ddeul
#4
Chapter 19: wahhh re-reading this! at nakakakilig pa rin 😭✊
baeddeulgi_
#5
Chapter 19: sana all hinihintay
baeddeulgi_
#6
Chapter 10: grabe speed lang talaga si madam irene, mukhang binabakuran na si seul ah laban sa mga balak ni tzuyu
seulrenewrld
11 streak #7
Chapter 3: Potek yan si Irene HAHAHAH
seulrenewrld
11 streak #8
Chapter 2: Parang elementary student sila pag dating Kay Irene (TT)
seulrenewrld
11 streak #9
Chapter 1: Simula pa lang muhkang matatawa na ko Kay Irene HAHAHAHA
Aesthrea_ssi #10
Chapter 19: Ay-- yung umasa ka na may ganap pero waley pala hahahashs