Ika-labing apat

My Bestfriend's Sister

Short update for y’all marupokers!!! Enjoy!!!
Ps: and when I mean short eh super short talaga! Hahahahaha

 

 

 

 

 

 

Oh . Ang mga salitang ito ang unang pumasok sa utak ko. Wala nagsasalita sa aming dalawa kaya naman napaka awkward ng sitwasyon at lalong lalo na ang posisyon namin. Nakayap lang si Irene sa batok ko at naka subsob naman ang mukha ko sa leeg niya kaya naman amoy na amoy ko ang bango ng kanyang basang leeg at pati na din ang basa nitong buhok.


"u-uhm H-hyun?" pambabasag ko sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa.


 "hmm?" tila kinakabahang tanong nito.


 "h-hindi ako m-makagalaw sa higpit ng yakap mo" sagot ko dito. Tila mas lalo naman humigpit ang yakap nito. Aba teka, may balak ba siyang patayin ako? (patayin sa pagmamahal yieee) hindi na kasi ako makahinga ng maayos.


 "s-seul hindi kita pweding bitawan" ani ni Irene. 


"a-at bakit naman hindi Hyun?" tanong ko dito. 


"b-because I don’t want you to see me n-" tila nahihiya pang banggit nito. Bigla naman akong namula sa sinabi niya. Oo nga ano? Bakit nga ba hindi ko naisip yon?


“O-oh, oo ng pala” awkward kong sabi. 


Nabalot na naman kami ng katahimikan pero dahil na rin nangangalay na ako medyo at medyo hirap na akong huminga (hindi naman sa nag rereklamo ako ah) ay naka isip na ako ng paraan makaalis na kami sa ganitong posisyon.


"o-ok sige, ganito yumakap ka lang sa akin at wag kang bibitaw dahil baka mahulog ka pa pero kung sakali man na mahulog ka huwag kang mangamba dahil handa naman akong saluhin ka" (enebe seulge hehehe) sabi ko kay Irene. 


Tumango lamang ito at mas lalo pang hinigpitan ang kapit sa batok ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko itinukod ang mga kamay ko para makatayo, sa una ay tinantsa ko muna kung kaya kong tumayo and thankfully kaya naman, so ayun, ang siste ay parang batang nakalambitin sa akin si Hyun,nakapalupot din na parang ahas ang mga binti nito sa aking bewang, kinuha ko ang towel na nasa sahig para takpan ang hubad na likod ni Irene at ipinalupot ko ang dalawang braso ko sa bewang ni Hyun para suportahan ko ang bigat niya at syempre para hindi siya mahulog. Grabe sobrang puti at lambot ng balat ni Hyun parang balat ng baby (oo nga pala baby ka naman pala talaga, baby ko ehe) and gaya nga ng sabi ko kanina, super bango niya amoy lavander (lavander? Diba taga-laba yun? Lavander-a HAHAHAAHAHAHA) 


Pagkabalot ko sa likod niya ay nag simula na akong maglakad papunta sa kama, at ng marating na namin ito ay ipinikit ko ang aking mga mata at dahan-dahan kong inupo si Hyun sa kama. Kinapa ko kung nasaan yung kumot at ng makapa ko ito ay iniabot ko ito kay Irene at FYI lang naka pikit parin ang mga mata ko. 


"Hyun kaya mo bang mag bihis o tumayo man lang?" tanong ko dito. 


"I-I don't think I can, ang sakit ng balakang ko" sagot nito. Napatahimik ako dahil iniisip ko kung anong gagawin. 


"u-uhm seul pwedi bang ikaw na lang ang m-mag bihis sa akin?" tila nahihiyang tanong nito. Napalunok naman ako ng wala sa oras dahil sa sinabi nito. 


"h-ha?" parang tangang tanong ko. 


"hakdog" sagot naman nito. Aba naman talaga! nakuha pang mag biro sa ganitong sitwasyon.


 "Hyun naman eh!" sabi ko na parang batang nagtatampo. Tumawa lamang ito ng malakas.


“pero kidding aside, I ask if pweding ikaw na lang ang mag-bihis sa akin since hindi naman pwede na istorbohin pa natin ang tulog ni Yeri” ani nito.

Sabagay bukod sa mahimbing na ang tulog ni Yeri at parang tulog mantika ito mas mabuti pa nga siguro kung ako na lang ang mag bibihis kay Irene.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sopeng
PG 13 lang po tayo dito HAHAHAAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
miss kuna tuh :(
Moksy23
#2
Chapter 19: pa update po otornim
notjoohyunn
#3
Chapter 19: hi ang ganda po ng story
kang_ddeul
#4
Chapter 19: wahhh re-reading this! at nakakakilig pa rin 😭✊
baeddeulgi_
#5
Chapter 19: sana all hinihintay
baeddeulgi_
#6
Chapter 10: grabe speed lang talaga si madam irene, mukhang binabakuran na si seul ah laban sa mga balak ni tzuyu
seulrenewrld
11 streak #7
Chapter 3: Potek yan si Irene HAHAHAH
seulrenewrld
11 streak #8
Chapter 2: Parang elementary student sila pag dating Kay Irene (TT)
seulrenewrld
11 streak #9
Chapter 1: Simula pa lang muhkang matatawa na ko Kay Irene HAHAHAHA
Aesthrea_ssi #10
Chapter 19: Ay-- yung umasa ka na may ganap pero waley pala hahahashs