Ika-siyam

My Bestfriend's Sister

Seulgi POV


Friday na ngayon at hindi ko pa nasasabi kina Yeri at Irene na pinapa punta sila ni papa sa bahay. Kaya't naisipan ko na mamaya ko na sasabihin kay bff dahil baka malimutan ko pa at mayari pa ako kay father earth.


Naglalakad ako ngayon papunta sa school at dahil nga malapit na ang pasko ay malamig na ang simoy ng hangin. Kaya't nagsuot ako ng hoodie na jacket na hindi naman ganun kakapal dahil medyo keri ko pa naman ang lamig. Patuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may tumigil na sasakyan sa harapan ko. Napatigil ako sa paglalakad at tinignan kung sino ang laman ng sasakyan at dahil tinted ang salamin ng sasakyan ay hindi ko maaninag ang laman nito. Napakapit ako ng mahigpit sa strap ng aking bag at inihahanda ko na ang sarili ko para tumakbo baka kasi ito yung mga nangunguha ng bata, alam ko tong galawan na toh eh yung kikidnappin ka tapos ipagbili nila yung mga laman loob mo. Lord wala namang ganyanan, may pangarap pa po ako sa buhay. Taimtim na akong nananalangin para sa kinabukas ko. Medyo nagpapanic na ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas yung tao sa sasakyan ay inayos ko na ang sarili ko sa pagtakbo 1 2 3 takb-  Kakaripas na sana ako ng takbo ng bigla bumukas yung pinto nung sasakyan kaya napatigil ako.

 

Dahan dahan na lumabas yung taong yun at yun ay walang iba kundi ang nag iisang kontrabida ng buhay ko Irene Bae.

 

"I-irene?" medyo shock kong tanong, dahil ang ineexpect kong lalabas ay gurang na kidnapper pero isang maganda (pero masama yung ugali.) yung lumabas.

 

"Kang Seulgi." banggit nito sa pangalan ko.

 

"B-bakit p-po I-irene?" kabado kong tanong.

 

"Halika na sumakay ka na  sabay na tayong pumasok." sabi nito sa aking ng naka NGITI. Wow.

 

"H-ha? H-hindi na I-irene maglalakad na lang ako medyo malapit lang naman eh." saad ko dito.

 

"Tara na at baka malate ka pa 6:50 na oh." sabi nito sabay tingin sa relo niya. Ano!? 6:50 na!? 7 pasok ko huhuhu ayokong malate dahil yung teacher naming masungit yung first sub naming ngayon. Kaya't wala akong magawa kundi sumabay na sakanya.

 

Habang nasa loob kami ng sasakyan ay wala kang maririnig na ingay dahil kapwa kami walang imik. Naisip ko naman yung pinapa sabi ni papa, siguro ito na ang magandang pagkakataon para sabihin yun sakanya.

 

"U-uhm I-rene meron nga pala akong s-sasabihin." medyo may nerbyos kong sabi.

 

"Ano yun?" tanong naman nito.

 

"a-ah ano kasi pinapa punta kayo ni papa bukas ng gabi sa bahay kasama si Yeri dahil miss ka na daw niya." sabi ko kay Irene.

 

"Buti pa si ninong miss ako. Ikaw ba hindi mo ako namiss?." mahinang sabi ni Irene at dahil sa sobrang hina ay hindi ko marinig at maintindihan medyo may pagka bingi pa naman ako minsan.

 

"Huh? May sinasabi ka ba?" inosente kong tanong dito.

 

"Wala." sabi nito ng medyo naka simangot ang mukha. Luh? Problema nito?

 

"Anyways anong oras ba?" tanong ni Irene sa akin.

 

"Anong oras ba ang labas mo?" balik kong tanong dito.

 

"7 p.m." sagot nito. Napa tango naman ako.

 

"Siguro kahit mga 8:00 ay pwede na kayong pumunta para na din makapag bihis kayo dahil baka matuyuan pa kayo ng pawis ubuhin at sipunin pa kayo." mahabang lintaya ko. Wow I'm so proud of mah self dahil hindi ako na utal. Nakita ko naman na medyo napangiti si Irene.

 

"Wow Seul advance ka palang mag isip." at bigla na lang itong napatawa kaya't medyo namula at nahiya ako (wow may hiya ka pala seulgi hahahaha char lang) Ang sarap pakinggan ng tawa niya at lalo siyang gumaganda kapag tumatawa siya. P-pero teka tinawag niya ba akong Seul? At hindi Kang Seulgi?. at dahil sa pagiisip ko dun sa tinawag niya sa akin ay bigla ko na lang nasabi na.....

 

"S-seul? Tinawag mo ba akong S-seul at hindi Kang Seulgi?" tanong ko dito. Bigla naman itong napatingin sa akin at ngumiti.

 

"Yes. Seul ang tinawag ko sayo. Ayaw mo ba?" tanong nito.

 

"H-hindi naman. Hindi lang siguro ako s-sanay." sagot ko dito.

 

"Well from now on masanay ka na na Seul ang tawag ko sayo." sabi naman nito sa akin.

 

"O-ok." sabi ko na lang, as if naman may choice pa ako diba?

 

Nakarating na din kami sa school sa wakas. Alam mo yung feeling na ang lapit lang ng school namin pero parang ang tagal ng binyahe namin. Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan ni Irene at lalabas na sana ako pero tumigil ako dahil naalala ko hindi pa pala ako nagpasalamat  sa kanya kaya naman sinara ko ulit yung pinto, tila nagtaka naman si Irene sa inasal ko.

 

"S-salamat nga pala Irene." sabi ko dito at nginitian ito. Nakita ko naman na medyo namula si Irene kaya't mas lalo akong napangiti.

 

"You're always welcome Seul." sabi naman nito sa akin at nginitian din ako ng matamis. At dahil wala ng nag sasalita sa akin ay gumalaw na ako para bukas ang pinto at lumabas na pero bago pa man ako makalabas ay biglang hinawakan ni Irene ang braso ko kaya't napatigil ako at lumingon sa kanya, pagkalingon ko ay lumapit si Irene sa akin at dahan dahang hinalikan ang aking pisngi pagkatapos niya akong halikan sa PISNGI ay lumayo na ito sa akin nakita ko na namula ulit ito.

 

"Ingat ka Seul." sabi nito. Wala akong masabi kaya lumabas na lang ako sa sasakyan at baka dun pa ako mag sisisgaw. Pangalawang beses na akong hinalikan ni Irene sa PISNGI. Parang may nararamdaman akong paro paro sa akin tiyan ganito din yung naramdaman ko ng unang beses niya akong halikan, hindi ko alam pero bigla na lang akong napahawak sa pisngi ko kung saan niya ako hinalikan at napangiti. 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sopeng
PG 13 lang po tayo dito HAHAHAAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
miss kuna tuh :(
Moksy23
#2
Chapter 19: pa update po otornim
notjoohyunn
#3
Chapter 19: hi ang ganda po ng story
kang_ddeul
#4
Chapter 19: wahhh re-reading this! at nakakakilig pa rin 😭✊
baeddeulgi_
#5
Chapter 19: sana all hinihintay
baeddeulgi_
#6
Chapter 10: grabe speed lang talaga si madam irene, mukhang binabakuran na si seul ah laban sa mga balak ni tzuyu
seulrenewrld
11 streak #7
Chapter 3: Potek yan si Irene HAHAHAH
seulrenewrld
11 streak #8
Chapter 2: Parang elementary student sila pag dating Kay Irene (TT)
seulrenewrld
11 streak #9
Chapter 1: Simula pa lang muhkang matatawa na ko Kay Irene HAHAHAHA
Aesthrea_ssi #10
Chapter 19: Ay-- yung umasa ka na may ganap pero waley pala hahahashs