Ika-sampu

My Bestfriend's Sister

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa room ay sumalubong sa akin ang isang malutong na batok.

"aray!" medyo pa drama kong sigaw at dahil dun naka tanggap na naman ako ng isa.

"aray naman yeri!"

"anong aray-aray ka dyan! Bakit mag kasama kayo ng ate ko ha? At wag mong masubuksubukan na itanggi dahil nakita kita na bumaba sa kotse ng ate ko! Nag hihimala na ba ang langit  Kang Seulgi!?" MEDYO OA na sabi ni Yeri.

"Ang OA mo naman Yeri, nakita niya kasi akong naglalakad at dahil malelate na ako sinabay na niya ako." paliwanag ko naman kay bff.

"Anong malelate ang pinagsasasabi mo dyan!? Eh  6:30 pa lang eh" tanong ulit ni Yeri.

"huh? 6:30 pa lang? Eh ang sabi ng ate mo nung nakita niya ako 6:50 na daw eh." nagtatakang sagot ko naman.

"Nagoyo ka na naman ni ate." sabi ni Yeri sabay bulanghit ng tawa.

"shhh, oo na nagoyo na naman ako ng ate mo, anyways wag na muna nating pag usapan yan, pinapasabi ni papa na punta daw kayo ng bahay bukas nasabi ko na din sa ate mong magaling mang goyo." mahabang sabi ko.

"osya." sabi lang nito at umupo na sa upuan niya, syempre alangan namang umupo siya sa lamesa o kaya sa kisame diba!?

Paupo pa lang ako ng may tumawag sa pangalan ko. 

"Seulgi!" tawag sa akin ni Tzuyu my labs hehehe. 

"Oh, Tzuyu bakit?" tanong ko dito. 

" uhm wala naman, gusto lang sana kitang iinform ka na naipasa ko na kay ma'am yung project natin." sagot naman nito. 

" Talaga? Anong sabi ni ma'am sungit?" tanong ko ulit. Tumawa naman si Tzuyu sa tinawag ko kay ma'am, eh paano ba kasi sobrang sungit ng prof na yun, yung tipong akala mo lagi siyang may period. Naalala ko noon nung first day namin sa kanya. 

*Flashback*

Late akong pumasok noong first day ng klase at pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang maasim na mukha ng Prof namin. Patay.

​​"anong pangalan mo!? At bakit ngayon ka lang!?" tila paggalit na tanong ng Prof namin. Lumunok muna ako bago sumagot. 

​​​​​​" K-kang Seulgi po, t-trafic po kasi." maikli at kabadong sagot ko. 

​​​"Wala ka na bang mas bagong dahilan? Gasgas na yang palusot mo na yan." 

"Pumasok ka na nga, Ang aga aga pinapainit mo ulo ko."  pagkapasok ko nakita ko agad si Yeri na nagpipigil ng tawa gayun din sina Joy at Wendy. Pagkaupo ko sa upuan ko ay tinawag ako agad ng Prof namin. 

​​​"Kang Seulgi stand up!" sabi nito sa ay hampas sa lamesa kaya kaagad akong napatayo. 

"Y-yes ma'am?" kabado kong tanong. 

​​​" What is love?" tanong ni ma'am. Ha? Ano daw? 

​​​​​​"P-po?" tanong ko sa kanya. 

​​"Wrong! What is love lang di mo masagot, tapos may gana ka pang magpalate sa unang araw ng klase." masungit na sabi nito. Kaya umupo na lang ako. 

​​​​​" At sinong may sabi sayo na umupo ka!?" sabi nito kaya mabilis ako tumayo ulit. 

​​​​​"OK that would be all, take your seat." aba naman talaga! Pinatayo pa ako ulit tapos papaupuin din naman pala ako. At hindi na tumigil sa kakadada si ma'am hanggang sa matapos ang klase. 

End of flashback. 

" So far daw  yun yung pinaka maganda sa lahat ng nasabmit na project." tila proud na sabi ni Tzuyu. Naputol ang aming usapan ng dumating na ang teacher namin at umupo na kami sa aming mga upuan. 

 

 


Nang mag ring na ang pinaka hihintay naming bell ay tumayo na kami at nag alsa balutan na ng gamit. Nang matapos ako sa pag aayos ng gamit ay inaya ko na sina Yeri, Joy at Wendy na lumabas na. 

"Uyy bff samahan mo ko sa SM bibili akong damit para bukas." sabi ni Yeri sa akin sabay kapit sa braso ko. 

" Tinatamad ako eh atsaka marami ka pa namang damit na pwedi mo namang masuot bukas eh." 

" Ehhh sige na Seul, yung kasing mga damit na hindi ko naman na isusuot at susuotin ay idodonate ko dun sa charity malapit sa Atin para sa mga bata." pagrarason naman ni Yeri, hindi pa ako nakapagsalita ng binanggit ni bff ang " magic word". 

" Kung ayaw mo akong samahan ay oks lang, sayang LIBRE pa naman sana kita. Joy, Wendy kayo na lang ililibri ko" sabi nito sabay lakad nila palayo sa akin. tila nag echo ang salitang LIBRE sa tenga ko. 

"YAH KIM YERIM SINO NAGSABI SAYO NA HINDI KITA SASAMAHAN!?" sigaw ko kay Yeri sabay takbo. Pagkalapit ko dito saka ko siya inakbayan. 

"Oh?? Akala ko ba ayaw mo?" tanong ni bff. 

"Oyy wala akong sinasabi ah. Halika na nga para marami tayong oras para makapili ng damit mo." sabi ko.

"Basta talaga libre nawawala yang katamaran mo Kang Seulgi." sabi ni Joy na sinundan naman ni Wendy ng.... 

"We all have that friend na sasamahan ka kahit saan basta ililibre mo siya." 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sawakas! After 52468932552472 years nakapag update din! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sopeng
PG 13 lang po tayo dito HAHAHAAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
miss kuna tuh :(
Moksy23
#2
Chapter 19: pa update po otornim
notjoohyunn
#3
Chapter 19: hi ang ganda po ng story
kang_ddeul
#4
Chapter 19: wahhh re-reading this! at nakakakilig pa rin 😭✊
baeddeulgi_
#5
Chapter 19: sana all hinihintay
baeddeulgi_
#6
Chapter 10: grabe speed lang talaga si madam irene, mukhang binabakuran na si seul ah laban sa mga balak ni tzuyu
seulrenewrld
11 streak #7
Chapter 3: Potek yan si Irene HAHAHAH
seulrenewrld
11 streak #8
Chapter 2: Parang elementary student sila pag dating Kay Irene (TT)
seulrenewrld
11 streak #9
Chapter 1: Simula pa lang muhkang matatawa na ko Kay Irene HAHAHAHA
Aesthrea_ssi #10
Chapter 19: Ay-- yung umasa ka na may ganap pero waley pala hahahashs