Ikaapat

My Bestfriend's Sister

Dahan dahan akong humarap sa malditang ate ni bff Yeri.

"H-hello ate maldita este Irene hehehe" sabi ko sabay kamot sa batok.

"Anong sabi mo!? Ako maldita? Tama ba yung narinig ko!?" pasigaw na tanong sakin ni malditang ate Irene.

"H-hindi s-sabi ko m-maganda oo tama maganda ang sabi ko." pautal utal na sagot ko. 

Nakita ko naman na medyo namula si ate Irene, dahil ba yun sa sinabi kong maganda siya o namumula siya sa galit? Hay nako ewan. Inaamin ko maganda naman talaga siya as in sobrang ganda niya pero pag dating sa ugali hayy nako no comment ako.

"W-wag mo nga akong ma uto uto ha Seulgi." sabi ni malditang ate Irene.

"Teka nga, ano nga pala ang ginagawa mo dito aber?" masungit na tanong ni malditang ate Irene.

"Wala kang pake. Sarap mong pektusan." pabulong kong sabi. Syempre noh sobrang hina lang ng pagkaka sabi ko baka kapag narinig niya eh hindi na ako maka labas ng buhay dito.

"May sinasabi ka ba Kang Seulgi!?" pabalang na tanong nito. 'so kailangan talaga full name? Ano toh attendance!?' bulong ng isip ko.

"W-wala po ate hehehe." patay malisya kong sagot.

"Hindi mo pa nasasagot yung tanong ko Kang Seulgi." tanong nito with matching killer eyes literal na killer eyes dahil kung naka mamatay lang yung titig niya eh kanina pa ako pinaglalamayan at malamang last day ko na at ililibing na ako kinabukasan.

"N-nag pasama lang po si Yeri ate Irene kasi po wala daw po siyang kasama." sagot ko sa kanya.

"Ah ok. makakaalis ka na dahil meron ng kasama si Yeri."masungit na sabi ni ate Irene sakin.

"Opo ate Irene ngayon din." sabi ko at dali dali ng lumakad papuntang pinto. Pero bago ko pa mapihit yung door knob may sinabi pa sa akin si malditang ate Irene.

"At pwede ba Seulgi wag mo nga akong ma ate ate hindi tayo mag kapatid at isa pa two years lang naman ang pagitan natin." masungit na pahabol nito sa akin. 

"O-opo ate este I-irene." utal utal na saad ko at tuluyan ng pinihit ang door knob at nag simula ng mag lakad papuntang gate ng bahay nina yeri. Bago pa ako makalabas ng gate ay hinabol ako ni Yeri.

"uyy bff sorry ah hindi ko naman alam na maaga palang uuwi si ate." sabi ni bff sa akin.

"Ok lang yun Yeri, hindi naman natin alam pareho na maaga palang uuwi yang ate mong pinag lihi sa sama ng loob eh, pero lilibre mo ako bukas ah muntik na akong hindi makalabas ng buhay sa bahay niyo eh" sabi ko naman kay bff. At natawa naman ito sa sinabi ko.

"Oo sige ba, pasensya na ulit bff." sabi ni Yeri sa akin.

"Ok nga lang diba, osya gogora na ako baka maabutan pa ako ulit nung ate mong mainit ang dugo sa akin." saad ko dito.

"Sige bff kita kits sa school. Ingat ka pauwi." sabi nito sabay wave ng kamay. Ngumiti at kumaway na lang ako kay bff at nag simula na akong mag lakad. Medyo malapit lang kasi ang bahay namin kina Yeri kaya nilakad ko na lang pauwi. Habang nag lalakad ako hindi ko maiwasang isipin kung ano ba ang nagawa ko kay malditang ate Irene or should I say malditang Irene, sa pagkaka tanda ko ok naman kami nung mga bata kami eh pero isang araw paggising ko ayun inis na inis na siya sa akin ayy mali mali hindi pala siya inis sa akin kung hindi GALIT NA GALIT sa akin, ultimong pag hinga, pag bahing at pati na ata pag utot ko kinagagalit niya. Well understandable naman yung magalit siya dahil umutot ako pero still tao lang din ako sumasakit din ang tiyan ko, tinatawag din ako ng kalikasan, pati din naman siya ah umuutot at tinatawag din naman siya ng kalikasan eh. akala mo naman kung sinong maganda. 'maganda naman talaga si ateng mong irene eh.' bulong ng isip ko. Heh tumahimik ka nga maganda nga siya sa panlabas eh sa panloob naman gurang siya.

 Nagising lang ako sa aking munting pag mumuni-muni ng mauntog ako sa gate ng bahay namin. Patay malisya kong binuksan ang gate at pumasok na sa loob ng bahay habang hinihimas ang bukol ko sa ulo, kasalanan mo to eh Irene.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sopeng
PG 13 lang po tayo dito HAHAHAAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
miss kuna tuh :(
Moksy23
#2
Chapter 19: pa update po otornim
notjoohyunn
#3
Chapter 19: hi ang ganda po ng story
kang_ddeul
#4
Chapter 19: wahhh re-reading this! at nakakakilig pa rin 😭✊
baeddeulgi_
#5
Chapter 19: sana all hinihintay
baeddeulgi_
#6
Chapter 10: grabe speed lang talaga si madam irene, mukhang binabakuran na si seul ah laban sa mga balak ni tzuyu
seulrenewrld
11 streak #7
Chapter 3: Potek yan si Irene HAHAHAH
seulrenewrld
11 streak #8
Chapter 2: Parang elementary student sila pag dating Kay Irene (TT)
seulrenewrld
11 streak #9
Chapter 1: Simula pa lang muhkang matatawa na ko Kay Irene HAHAHAHA
Aesthrea_ssi #10
Chapter 19: Ay-- yung umasa ka na may ganap pero waley pala hahahashs