Ika-labing dalawa

My Bestfriend's Sister

"tinulugan mo nga ako eh." sabi ni Yeri.

 

"paanong hindi kita tutulugan eh paulit ulit lang yung tanong mo." sabi ko naman.

 

"eh paulit ulit lang din naman yung sagot mo e." balik naman na sagot ni BFF.

 

"aish, hayaan na nga natin baka mas lalo tayong malate kaka dada natin dito." Saad ko dito.

 

"okiee, teka kukunin ko lang yung mga damit na pinagpipipilian ko." paalam ni Yeri. Tumango na lang ako at nag simula ng maglakad si Yeri papunta sa walk-in-closet niya.

 

Bumalik si Yeri na may hawak na higit sa sampung damit at dahil dun na sabi ko na lang na...

 

"hay nako magiging mahaba habang pilian toh. "

 

Halos dalawa't kalahating oras kaming nagdedecide kung anong susuotin ni BFF at sawakas ay naka pili na siya, thank you Lord!. Akala ko di na kami matatapos, Ang napili ni Yeri or should I say namin ay isang floral dress na off- shoulder na bagay na bagay kay BFF. Saktong natapos mag bihis si BFF ay may kumatok sa pinto.

 

"BFF paki buksan na lang yung pinto susuot ko lang yung heels ko." utos naman ni Yeri.

 

Lumakad na ako papuntang pinto at binuksan ito at bumungand sa akin ang isang dyosa na nag ngangalang Bae Joohyun o mas kilala bilang Irene. Akala ko nasa langit na ako pero nasa kwarto pala ako ni Yeri. Nagising ako sa pagkatulala ko ng pumitik pitik sa harap ko si Irene.

 

"H-huh? Ano?" parang tangang tanong ko. 

 

"ang sabi ko ayos ka lang ba seul? Nakatulala ka kasi eh." sagot naman ni Irene na may pag aalala sa mukha. 

 

"a-ayos lang ako may naalala lang heheheh." sabi ko sabay kamot ng batok ko. Hindi ako maka tingin sa kanya dahil sobrang ganda niya para bang hindi ko deserve na tingnan siya charot hahaha. Bagay sa kanya ang suot niyang dress na kulay purple na off-shoulder din kagaya ng kay Yeri. Hindi na nag salita si Irene at tumingin na lang sa taong nasa likod na si Yeri. 

 

"Yerms you look beautiful bagay sayo yang dress mo." sabi ni Irene sabay ngiti sa kapatid. 

 

"Yerms? Parang tunog germs naman yan ate, ano ako bacteria ganon?" sabi naman ni Yeri

 

"edi ikaw ang pinaka magandang bacteria kung ganon." banat naman ng ate niya. 

 

"at least bacteria pa rin." bulong ko naman. 

 

"hoy gago ka Seulgi narinig ko yun." sabi naman ni BFF. 

 

"hehehe peace." sabi ko sabay 'peace sign' sa kanya. 

 

"Tara na nga ata baka lalo pa tayong malate." sabi ni Yeri at nag simula ng mag lakad, naiwan tuloy kami ni Irene. Muli kong pinagmasdan si Irene at masasabi kong kahit saang anggulo mo siya tignan ay napaka ganda niya pati likod niya maganda ang unfair. At dahil naka titig ako sa kanya hindi ko namalayan na naka tingin na pala siya sa akin. 

 

"You look gorgeous hyun." Bigla na lamang itong lumabas sa bibig ko kaya naman kaagad ko itong tinakpan. Nakita ko naman na namula si Irene sa sinabi ko. Cute

 

"Thank you Seul." sabi naman nito na may malaking ngiti sa labi. 

 

"You look good too." pahabol naman nito. 

 

"salamat hehehe, uhm halika na at baka kanina pa naghihintay si Yeri doon." sabi ko at nag simula ng mag lakad pero na pansin ko na naka takong pala si Irene at nasa taas kami so it means na baba kami sa hagdan at dahil alam kong mahihirapan siya ay inilahad ko ang braso ko bilang suporta sa kanya, Inilagay naman nito ang kanyang braso at kami ay nag simula ng maglakad. Dahan dahan kaming bumaba sa hagdan dahil baka mahulog pa kami ano. Pero kung kay Irene naman ako mahuhulog ok lang, teka ano ba tong iniisip ko nababaliw na ba ako?

 

 

Nakarating na kami sa harap ng kotse ko at nakita ko si Yeri na naka sakay na sa backseat so ang ibig sabihin sa harap ko papasakayin si hyun? At dahil gentle bear ako ay pinagbuksan ko ng pinto si hyun. Nginitian naman ako nito at pumasok na sa loob. Umikot na ako para makapasok na rin ako. 

 

"Wow ang ganda naman pala ng sasakyan mo Seul." sabi ni Irene pagkapasok sa kotse. 

 

"salamat Hyun." sabi ko naman sa kanya. Saglit pa kami nakipag titigan sa isa't isa at naputol lamang iyon ng tumikhim si Yeri. 

 

"Seul? Hyun? At kailan pa kayo nag karoon ng nickname sa isa't isa and most importantly kailan pa kayo naging close!?" Tila biglang biglang tanong ni Yeri. 

 

"Hindi naman talaga kami close and yung nickname it just comes automatic (charot hahahaha)" sagot ko naman. Nagkibit balikat na lang si Yeri pero nanatili itong nagmamasid sa amin ni Irene. 

 

Pinaandar ko na ang kotse ko at dahil malapit lang naman halos 15 mins. Lang ang byahe namin. Nauna na akong bumaba para pag buksan ng pinto si Irene. 

 

"hoy Kang Seulgi! Di mo man lang ba ako pagbubuksan!?" pasigaw na tanong ni BFF. 

 

"matanda kana kaya mo ng buksan yan." sagot ko naman. 

 

"mas matanda naman siguro si ate noh." sabi naman nito. 

 

"Yah! Kim Yerim!" bulyaw naman ng ate niya, kaagad naman itong nag peace sign kay Irene at para tumigil na si Yeri pinag buksan ko na ito ng pinto. 

 

"O ayan pinag buksan na kita happy na? Happy na??" Saad ko dito. 

 

"hehehe ayos na bff hehehe." sabi naman nito

 

Pumasok na kami sa loob ng bahay at sumalubong sa amin ang mga kasambahay namin na sina aling marta at nana bebeng. 

 

"O andyan na pala kayo, pumunta na kayo sa dining table at naka handa na doon ang mga niluto ng mommy mo." sabi sa akin ni aling marta. 

 

"sige ho salamat po along marta." sabi ko naman at inaya ko na ang dalawa papuntang dining table. Pagka dating namin doon ay naabutan ko si mommy na nag lalagay ng mga niluto niya sa lamesa. 

 

"O baby bear andyan na pala kayo, upo kayo at tatawagin ko lang ang papa mo para makakain na tayo." sabi ni mama. Lumapit ang dalawa at nakipag beso kay mommy. 

 

"okie po mom." sabi ko at naupo na, umupo na din sina Yeri at Irene. Ilang sandali lang ay dumating na si mommy kasama si daddy. Tumayo naman ang dalawa para makipag beso din kay daddy. 

 

"aba ito na ba ang inaanak ko? Napakalaki mo na at napaka ganda ganun din sayo Yeri." sabi naman ni daddy kay Irene at Yeri. 

 

"salamat po ninong." sabi ni Irene. 

 

"maupo tayo para makakain na tayo." sabi daddy. Nag simula na kaming kumain at habang kumakain ay nag kwekwetuhan kaming lahat, natigil lang ako sa tanong ni daddy. 

 

"Irene may boyfriend kana ba?" 

 

"Wala po ninong." sagot naman ni Irene. 

 

"sa ganda mong iyan siguradong marami kang manliligaw." sabi naman ni dad na totoo naman talaga. 

 

"meron po kaso hindi ko naman po sila gusto." sagot naman ni Irene. 

 

"Seulgi anak may pag asa ka pa." sabi ni dad at dahil dito ay muntik pa ako mabilaukan, mabilis naman akong napa inom ng tubig. 

 

"dad!" bulyaw ko kay daddy, tinawanan lang ako nito. 

 

"O, bakit anak? hindi ba pinangako mo noong mga bata pa kayo ay papakasalam mo si Irene? At ganun din si Irene sayo. Gusto niyo pa nga ay kaagad kayong tumanda para makasal na kayo e." Saad naman ni daddy na ikanapula ko at ni Irene. 

 

"Dad noon po iyon." sagot ko dito. 

 

"bakit ayaw mo na bang pakasalan si Irene? Lahat ng mga kamag anak natin at kamag anak nina Irene ay alam na alam na gustong gusto mo si Irene." resbak ni daddy. Matagal bago ako makasagot dahil nahuli ako ni dad doon sa tanong niya kung hanggang ngayon 

 

"g-gusto ko po kaso iba na po ngayon dad." sabi ko dito. 

 

"paanong iba Seulgi?" tanong ni dad. 

 

"may kanya kanya na po kaming buhay dad at isa pa hindi na kami mga bata, kahit sa ayaw at gusto namin may mga bagay talaga na magbabago."

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sopeng
PG 13 lang po tayo dito HAHAHAAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
miss kuna tuh :(
Moksy23
#2
Chapter 19: pa update po otornim
notjoohyunn
#3
Chapter 19: hi ang ganda po ng story
kang_ddeul
#4
Chapter 19: wahhh re-reading this! at nakakakilig pa rin 😭✊
baeddeulgi_
#5
Chapter 19: sana all hinihintay
baeddeulgi_
#6
Chapter 10: grabe speed lang talaga si madam irene, mukhang binabakuran na si seul ah laban sa mga balak ni tzuyu
seulrenewrld
11 streak #7
Chapter 3: Potek yan si Irene HAHAHAH
seulrenewrld
11 streak #8
Chapter 2: Parang elementary student sila pag dating Kay Irene (TT)
seulrenewrld
11 streak #9
Chapter 1: Simula pa lang muhkang matatawa na ko Kay Irene HAHAHAHA
Aesthrea_ssi #10
Chapter 19: Ay-- yung umasa ka na may ganap pero waley pala hahahashs