Ika-anim

My Bestfriend's Sister

"Hi Seulgi." bati sa akin ni Tzuyu my labs.

"H-hello Tzuyu, M-may kailangan ka ba?" medyo utal utal na sabi ko.

"Diba tayo yung partner sa project na pinapagawa ni ma'am?" tanong sa akin ni Tzuyu. Tumango ako sa kanya bilang sagot.

"Pwede ka ba mamaya? Para magawa na natin yung project kasi sa wednesday na ipapass yun." tanong sa akin ni Tzuyu.

"Sure wala din naman akong lakad mamaya." sagot ko sa kanya.

"Sige kita na lang tayo sa may gate." sabi naman sa akin ni Tzuyu. Ngumiti at tumango na lang ako sa kanya. Pagkatapos naming mag usap ay bumalik na si Tzuyu sa pwesto niya dahil na rin dumating na yung prof. namin.

"Oyy Kang Seulgi ano yun ah?" nang aasar na tanong ni bff sa akin.

"Sin-" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil bigla akong tinignan ng masama ng prof ko.

"Mind to share kung ano ang pinag uusap niyo Kang Seulgi and Kim Yerim?" masungit na sabi nung prof namin na matandang dalaga.

"Wala po prof sorry po." sagot namin ni bff. Pinabayaan na lang kami ni prof kaya umupo na lang kami at nakinig sa kanya. Nang matapos ang klase namin agad akong hinila ni bff yeri palapit sa kanyan.

"Oyy Kang Seulgi may utang ka pa sa akin." sabi sa akin ni bff.

"Ano naman yun? Wala naman akong natatandaan na nang hiram ako ng pera sayo ah." sabi ko sa kanya.

"Hindi yun, ang ibig kong sabihin may utang ka sakin yung tinatanong ko kanina hindi mo pa sinasagot." sabi sa akin ni Yeri.

"Ah yun lang pala akala ko talaga may utang na ako sayong pera eh." sabi ko kay bff.

"Dali na bff mag kwento ka na." excited na sabi ni Yeri.

"Diba partner kami ni Tzuyu sa project natin? At ipapasa na yun sa wednesday so two days from now yun. And tinanong niya ako kung pwede daw ba ako mamaya para magawa na namin yung project." kwento ko kay Yeri.

"Ah yun lang pala akala ko naman eh mag tatapat na siya sayo." sabi ni bff sa akin. Bigla naman akong nag taka.

"Ha? Anong ipagtatapat niya sa akin?" tanong ko kay bff. Parang bigla naman nanigas si yeri sa upuan niya.

"W-wala wala yun bff." parang ninenerbyos na sabi ni Yeri.

"Sure ka ba? Bakit parang hindi ka mapakali diyan?" tanong ko kay Yeri.

"O-oo naman bff, natatae lang ako kaya ganun." sabi sa akin ni bff. Tumango na lang ako sa kanya at bumalik na sa upuan ko. Ilang minuto lang ay dumating na yung prof.namin at nag simula ng mag discuss.

 


Natapos na ang klase namin kaya't tumayo na ako para ayusin ang gamit ko. Pagkatapos kong mag ayos ng gamit ay linapitan ko si Tzuyu na kasalukuyang inaayos din ang gamit.

"Tzuyu ok lang ba kung sasabay  tayo kina Yeri palabas ng gate?" tanong ko kay Tzuyu.

"Sure tapusin ko lang yung pag aayos sa gamit ko." naka ngiting sabi ni Tzuyu sa akin. Nang matapos sa pag aayos ng gamit si Tzuyu ay lumapit na kami kina Joy, Wendy at Yeri na hinihintay kami sa labas ng class room. Nag simula na kaming lima na mag lakad patungo sa gate at ng makarating kami doon ay nakita ang malditang si irene na nag hihintay sa labas ng gate. 

"Ateeeee" naka ngiting sabi ni Yeri sa ate niya with matching kaway kaway. Lumakad naman palapit sa amin ang kontrabida ng buhay ko. At ng makalapit na siya ay ngumiti siya at binati sina Joy, Wendy at Tzuyu. At oo tama kayo, ako lang ang hindi niya binati ng naka ngiti pagtama ng mata niya sa akin ay biglang nawala ang matamis niyang ngiti.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sopeng
PG 13 lang po tayo dito HAHAHAAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
miss kuna tuh :(
Moksy23
#2
Chapter 19: pa update po otornim
notjoohyunn
#3
Chapter 19: hi ang ganda po ng story
kang_ddeul
#4
Chapter 19: wahhh re-reading this! at nakakakilig pa rin 😭✊
baeddeulgi_
#5
Chapter 19: sana all hinihintay
baeddeulgi_
#6
Chapter 10: grabe speed lang talaga si madam irene, mukhang binabakuran na si seul ah laban sa mga balak ni tzuyu
seulrenewrld
11 streak #7
Chapter 3: Potek yan si Irene HAHAHAH
seulrenewrld
11 streak #8
Chapter 2: Parang elementary student sila pag dating Kay Irene (TT)
seulrenewrld
11 streak #9
Chapter 1: Simula pa lang muhkang matatawa na ko Kay Irene HAHAHAHA
Aesthrea_ssi #10
Chapter 19: Ay-- yung umasa ka na may ganap pero waley pala hahahashs