Star Margarine punong puno ng Vitamins

Barangay Pledis

Sabado ng umaga,maagang nagising si Jeonghan at bumungad na naman ang nakakainis na GM ni Seungcheol

GM: Magandang umaga mga repa! Bili naman kayo ng taho ko ng maaga akong makaubos para makapagprepare na para sa bball. Excited na si ako.

Joshua: Hindi ka na nagreply kagabi,nakatulog ka ba?

Jeonghan: Uy pare,pahiram ako ng basketball shoes,kakacheck ko lang nung saken nasira :O

Wonwoo: Yung bakal bote hindi mo pa dinadaanan.

Soonyoung: Utang mo sa balot sisingilin ko na mamaya.

~$coups~

NAGKAKATEXT NA PALA SI JOSHUA AT SEUNGCHEOL . Sisising sisi si Jeonghan na hindi nya nagawang itext si Joshua kagabi, ilang beses nyang sinubukan kaso hindi nya alam kung pano magtetext dito na hindi sya nagmumukang desperado.

“Anak gising ka na ba? Si Seungcheol nasa labas hinahanap ka.” Tawag ng mama nya.

“Tulog pa ako ma,pakisabi ang panget nya!” sagot ni Jeonghan.

“Hoy bata ka ano bang sinasabi mo,tumayo ka dyan kausapin mo ng matino yung kaibigan mo. Sumadya pa dito nakakahiya ka.” Pinasok sya ng nanay nya sa kwarto nya at pinalo ng walis tambo.

“Aray,eto na eto na lalabas na.” Sabi ni Jeonghan habang hinihimas ang pwet nyang patag na lalo atang napatag dahil sa palo.

Lumabas si Jeonghan ng bahay at nakita si Seungcheol na nagbebenta ng taho kay Wonwoo.

“Uy good morning Jeonghan! Bili kang taho?” Tanong ni Seuncgheol.

“Hi Kuya.” Sabi ni Wonwoo. Nagtataka sya bakit sa harap pa ng bahay nila nagkabentahan ng taho.

“Aga mo Seungcheol.” Sabi ni Jeonghan ng halatang nagsusingit.

“Check ko sana kung kasya yung extra basketball shoes mo,para makahiram ako sa iba kung hindi.” Ngiti ni Seungcheol. “Nasira kasi yung saken,wala pa akong extra ipon para makabili ng bago.” Parang nahihiya bigla ito.

Naawa ng konti si Jeonghan. Napakasipag kasi ni Seungcheol, Nagbebenta ng taho sa umaga, pedicab driver sa tanghali, at tagabenta ng balot sa gabi,pero hindi pa din sya masyadong makaipon dahil sya ang breadwinner ng pamilya(at dahil mahilig itong manlibre)

“Oh sige wait lang ha.” Pumunta sya sa sapatusan at hinanap ang isa pang basketball shoes. Paglabas nya sa bahay ay nagulat sya sa nakita. Hindi lang si Wonwoo at Seungcheol ang nandoon,nandun na din si Junhui(na nakahubad at mukang galing sa pagjojogging),si Mingyu na humahalakhak sa sinasabi ni Wonwoo,at si Soonyoung na may pinapanuod na video kay Seokmin sa cellphone nya.

“Bakit andito kayo lahat!” gulat na sabi ni Jeonghan.

“ay sorry Jeonghan kakaGM ko lang na nandito kami,nagpaalam naman ako kay Tita” Sagot ni Seungcheol.

Chineck ni Jeonghan ang cellphone at ayun nga may text si Seungcheol.

GM: Guys nandito kami ni Wonwoo sa tapat ng bahay nila Jeonghan,usap tayo tungkol sa game.Dito na daw tayo magumagahan sabi ni tita.

Lumabas ng bahay ang nanay ni Jeonghan bitbit ang dalawang loaf ng tinapay at star margarine. Kasunod nito ang baby sister ni Jeonghan na may dalang thermos at 3 in 1 na kape.

"Kain na mga bata" anunsyo nito. "Oh Junhui magpunas ka muna ng pawis mo saka magsuot ka ng damit,nakakahiya sa biyaya."

"Pero tita ako at ang abs ko ang biyaya. Mas dapat atang mahiya yang tinapay at mantikilya saken..."

"Junhui gusto mo batukan kita" pananakot ni Jeonghan. Natahimik si Jun at agad agad nagbihis.

Maingay nilang sinimulan ang simpleng umagahan. Maya maya ay dumating ang ang mga englishero. Si Joshua,Si Hansol,at si Seungkwan.

"Good morning eberybody. What is you eating for breakfast?" Bibong bibong bungad ni Seungkwan.

"Oh good morning to you to. I ate. I eat. eating...bread with star margarine." Sagot ni Mingyu.

"Uy anong yang dala niyo?" Singit ni soonyoung ng makita ang bitbit nila na mga tray na may takip pa(yung parang sa hotel)

"Nagluto ako ng bacon at pancakes." Sagot ni Joshua ng may ngiti sabay bukas ng tray. Perfectly stacked ang pancake ni Josh at may maple syrup pa. Perperkto din ang pagkakaluto ng  bacon. Mukang malutong. 

Gusto na namang mamatay ni Jeonghan.Ikinahihiya nya ang tinapay at star margarine na handa nila,maliban pa dun ay butas ang pangtulog nyang damit. 

"Wow tinapay saka margarine! This reminds me of childhood! My mom used to make one for me, may asukal tapos iooven!" Masayang sabi ni Joshua.
"Hoy kunin mo yung oven toaster sa loob bilis!" utos ni Jeonghan sa kapatid.

"Kuya walang saksakan dito sa labas..."

"Uso extension cord" 

"Nako Jeonghan no need nakapagbreakfast na kami..." mukang nahihiyang sagot ni Joshua

"Nako iho okay lang yan,dito sa pilipinas uso ang dalawang umagahan." Sabat ni Mama Yoon. Sabay abot ng kape sa mga bagong dating.

Dumating ang oven toaster at extension cord at dali daling ipinaghanda ni Jeonghan si Joshua ng toasted bread na may star margarine at asukal. Ang iba naman nilang kaibigan ay biglang dinedma ang tinapay para pag-agawan ang bacon at pancake. Di kasi sila madalas makatikim ng ganun. 

"Ito Joshua tinapay na may star margarine para sa isang bituwin na katulad mo" sabi ni Jeonghan sabay abot nito. 3 points na naman para kay Yoon Jeonghan!

"Joshua try mo kasama taho,dinamihan ko syrup saka sago para sayo." Biglang singit ni Seungcheol.

"Uh-uh thank you sa inyo" Hindi alam ni Joshua kung alin ang unang tatanggapin. Kahapon nya pang napapansin na super bait sa kanya ni Jeonghan at Seungcheol ayaw naman nyang maging assumero pero baka crush sya ng dalawa? baka lang,ayaw nya talagang mag-assume mahirap na. Gwapo sila pareho, parehas ding type ni Joshua. Si Jeonghan isang magandang lalaki na may nakakasilaw na ngiti, si Seungcheol naman maskulado at nakakatunaw ang titig. Ayaw niyang matawag na hoe kasi wala pa syang 1 day sa Brgy Pledis pero dala-dalawa na sya agad.Pero sabi nga ng mama ni Jeonghan uso daw dito ang dalawang umagahan so why not naman diba?

Kinuha nya ang tinapay na may margarine at taho sa dalawa at siniguradong medyo nagtouch ang kanilang mga kamay. Muntik ng mamatay si Yoon Jeonghan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brgyate
Aaaah Isa po itong malaking Joke. Pero maappreciate ko kung magcocomment kayo!

Comments

You must be logged in to comment
T6814R #1
Chapter 6: update update!
Yves09
#2
Chapter 6: Omg please update paminsan lang talaga ako maka basa ng Tagalog na fic. At napaka realistic naman nito hahahaha
junaoi
#3
SA WAKAS!
Bubbaboo #4
Chapter 6: lol.oh okay... tbh, this is the first tagalog fic that i have read. (i cant really understand it well kaya ganun...) and i srsly enjoy reading this. thank you authornim! waiting for ur update!
Bubbaboo #5
Chapter 5: lol. hannie, wag mo nang awayin c cheolie~ kawawa na nga yan sakin eh xD
Bubbaboo #6
Chapter 4: lol. Yangyang? yung hot ba na chinese actor?
Bubbaboo #7
Chapter 3: ay ...bat ganun. parang bigla akong nasaktan
Bubbaboo #8
Chapter 2: lol. aww. cutie mani yo. meanie pa pati
Bubbaboo #9
Chapter 1: Ahahhahahahah! It's just the first chapter pero jusme! tawa ako ng tawa! This is fun!
SpillTheUnicornBlood
#10
Chapter 6: kaytagal kong hinintay ang update na to jusko <3