Ang Sherep ng Balot ni Seungcheol

Barangay Pledis

Nakaligo na si Jeonghan,nakapagbaby powder na din. Nagsuot ito ng mas maayos na damit,isang polo shirt at maong na shorts,suot na din nya ang sariling beach walk na tsinelas. Tumunog ang cellphone nya. Nagtext si Mingyu

Mingyu:Kuya Jeonghan,bball dis sat vs. starship. Game?

Napaisip siya,chance na nya para makapagpaimpress! Yayain nya si Seungkwang manuod,tapos yayain ni Seungkwan si Hansol,tapos isasama ni Hansol Joshua.

G. Sino-sino tayo? Reply ni Jeonghan

M: Ikaw at ako pa lang. Text ko junhui ikaw text cheol

Jeonghan:K. Kaso kulang pa din.

Mingyu:bahala na manghingit na lang tayo. Basta tuloy ha,manunod si Wonu

 

Jeonghan: ay gago ang landi mo. Sige ako na bahala.

Excited na si Jeonghan,nagimaginary  dribble sya sabay shoot. Haay dagdag pogi points for YJH. Sigurado mafafall sa kaniya si Joshua.

hapon na ng nagtext si Seungkwan.

Seungkwan: kuya jeonghan andito na si Joshua mo dali!

Napatayo si Jeonghan sa pagkakahiga,tumingin sa salamin,sinuklay ang buhok(katchupoy style). Saka lumabas ng bahay.

Malayo pa lang ay tanaw na nya si Joshua.Nagbihis na ito ng simpleng tshirt at jogging pants. Tumatawa ito sa sinasabi ni Seungkwan. Labas na labas naman ang gilagid ni Hansol.

"Uy anong pinagtatawanan niyo? Pwedeng makijoin?" Ang entrance ni Jeonghan.

"Wala naman kuya pinakita lang ni Seungkwan yung mga pictures nung Ginoong Miss brgy last fiesta."

The F---

"Hoy Seungkwan!" Nag mini panic attack si Jeonghan,isa yun sa mga memoryang gusto na nyang kalimutan.

"Ang ganda mo pala pag babae ka" ang sabi ni Joshua. Nawawala na mata nito kakatawa.

"Pinilit lang ako!" Pagtatanggol ni Jeonghan. Pero seryoso pinilit lang siya ni Jihoon dahil kulang pa daw ng isa ang participants.

"No that was a compliment,don't take offense"

Dahil cute ka papatawarin kita. I Isip ni Jeonghan

"Ay thank you. Kaso hindi ako nanalo,first runner up lang" pakamot pa ito kunwari sa ulo.

"Si Kuya Minki kasi pak na pak. Cinareer" sabi ni Seungkwan sabay browse sa picture ni Minki. Sobrang ganda talaga ng lalaki sa picture,hindi mo talaga mapapagkamalang lalaki ang nasa picture.

"Oh maganda sya ah" comment ni Joshua. Nagselos naman agad ang kuya Jeonghan mo.

 

"Si Mingyu lang kasi stylist at makeup artist ko,siya kumuha pa ng professional MUA.Tapos yung gown nya pinasadya,yung saken hiram ko lang sa ate ni kwannie" naging defensive si Jeonghan.

"You still look good though." Nagthumbs up si Joshua. Maiyak iyak na si Jeonghan sa kilig. Hinampas nya ang imaginary mini Jeonghan na nagcecelebrate sa balikat nya.

"Dabest yung talent ni Kuya Jeonghan though." Tawang tawa na si Seungkwan naalala pa lang niya.

"Seungkwan wag yun please" pagmamakaawa ni Jeonghan sabay agaw sa cellphone ni Seungkwan. Nagwrestling si Jeonghan at Seungkwan sa phone hindi nila alam ay pinapapanuod na ni Hansol kay Joshua ang video. May copy din siya.

Nagsayaw si Jeonghan noong talent portion nya.Jumbo hotdog. Naka y outfit siya na hiniram naman nya sa pinsan nyang si Nana. Backup dancer niya ang mga tropa niyang si Seungcheol,Junhui,at Seokmin,at Mingyu.Nakapantalon lang ang mga to,suspenders,at necktie. Si Soonyoung ang choreographer nila.

Nanlaki ang mata ni Jeonghan ng napakinig ang boses mula sa speakers ng cellphone ni Hansol

"Ready na ba kayo everybody!"

Jumbo hotdog kaya mo ba to..

Kaya mo ba to hindi kami bato para magpatalo

Ang sayaw nila ay kunyari chicks si Jeonghan na pinagaagawan ng mga "Maskulados"

Natigilan sya kaya naagaw ulit ni Seungkwan ang cellphone. Wala na siyang nagawa. Ayaw naman niyang makita ni Joshua ang beast mode nya. Galit na galit at hiyang hiya sya kaya dinaan nya na lang sa biro.

"Grabe talaga yang apat na yan,sinapawan ako. Hehehe"

"Are they your friends?" Tanong ni Joshua na nanginginang ang mata.

"Ah oo mga tropa namin dito sa baranggay"

"Ano pangalan niya?" Tumuro si Joshua sa isang backup dancer na maputi,mahaba ang pilik mata,at siksik ang hita. Lalong nanginginang ang mata nito.

"Si Kuya Seungcheol yan." Sabi ni Hansol na may luha na sa mata sa pagtawa.

 

"Bigay na bigay siya ah,parang hindi nahihiya" sabi ni Joshua na mukang impressed. Kinabahan bigla si Jeonghan.

"Ah wala kasi talagang hiya yan." Sagot ni Jeonghan.

"Anong talent nung winner?" Tanong ni Joshua

"Eto may video ako! Pero bongga grabe" pinakita naman ni hansol ang talent portion ni reigning ginoong ms. Brgy Minki. Nagtrain ito professionally para makapagbalat ng buko gamit ang ngipin at makabuga ng apoy. Needless to say natalo na naman si Jeonghan.

"Tama na move on na tayo" sabi ni Jeonghan. Nabawasan pogi points nya kaya naman babawi siya.

Mga 5 minutes pa bago sila nakamove on.

“Uy Joshua gusto mo bang cobra? Libre kita?” Tanong ni Jeonghan habang kinocompute na sa utak ang magagastos.

“Thanks, kaso coke lang kasi iniinom ko.” Medyo maselan si Joshua kasi galing siyang states. Madami ding bilin ang mama niya. Wag siyang iinom ng tubig sa gripo, wilkins only. Bawal kumain ng street foods.

“Ah sige,coke na lang?”

“Kakacoke ko lang kasi sa bahay ni Hansol. Pero thank you talaga,wag ka ng mag-abala.”

First time mareject ang alok manlibre ni Jeonghan,first time din kasi siyang nagalok manlibre. Medyo nahurt siya pero hindi siya susuko.

“Uy may basketball game daw sa sabado,gusto niyong manuod?” pachange topic ni Jeongan.

“Sige G ako! Kuya pwede pa bang lumaro?” Tanong ni Seungkwan

“Oo Kwannie kulang pa kami actually.” Kunyaring nag-isip si Jeonghan. “Hansol, Joshua gusto niyo bang lumaro?”

“alam mo namang hindi ako lumalaro kuya diba.” Sabi ni Hansol.

“Same with me.” Sagot ni Joshua. “I enjoy watching it though.”

“Ayun good. Sama kayo samin sa sabado. Magiging masaya to. Kasama ang tropa.” Tinext na ni Jeonghan si Mingyu para iconfirm na lalaro si Seungkwan.

“Sino-sino ang tropa?” Tanong ni Joshua kay Jeonghan.

“Hhm,ako,si Seungkwan,si Hansol,Mingyu anak nung may ihawan,Won…”Iniisa-isa ni Jeonghan ang mga katropa nya ng biglang may sumisigaw.

“Balot!bili na kayo ng balot!” naglalakad papalapit si Seungcheol bitbit ang basket ng balot.

“Ayan si Kuya Seungcheol tropa yan.” Sabi ni Hansol.

“Ohhhh.” Sambit ni Joshua.

Natigilan si Jeonghan at napatinging kay Joshua. Natulala ito sa padating na si Seungcheol na naka muscle shirt lang. Kumikinang ang mga mata. HALA KA.

Nakita sila ni Seungcheol at lumaki ang ngiti nito at halos patakbo ng pumunta sa tindahan ni Aling Boo.

“Oy Jeonghan game ako sa sabado! Sorry hindi ako nakareply wala akong load eh.”

“Ah ganun ba.” Hindi niya alam kung bakit naiinis siya kay Seungcheol ngayon.

“Seungkwan,Hansol kasama kayo?” Tanong ni Seungcheol sa dalawang nakakabatang tropa. Hindi pa niya napapansin si Joshua na biglang natahimik.

“Oo naman,ano na lang gagawin niyo kung wala ang starplayer niyo.” Komento ni Seungkwan.

“Loko ka talaga.” Umapir si Seungcheol kay Seungkwan tapos bigla niyang napansin si Joshua.

“Hhm? Ngayon lang kita nakita dito ah. Bago ka?” Nginitian ni Seungcheol si Joshua,labas ang dimples.

“Ah,Oo. Kakarating ko lang kanina. Galing akong states,magbabakasyon ako saglit dito kila Hansol.” Sagot ni Joshua na mukang biglang nahihiya.

Oh hindi. Kung tama ang hinala ni Jeonghan ay mukang nagkacrush si Joshua kay Seungcheol. Gusto niyang tumakbo palayo,sumigaw sa kalangitan. Kumanta ng migraine sa karaokehan nila Seokmin. Oo nga pala hindi nga pala tayo. Hanggang dito lang ako nangangarap na mapa-sayo. Pero hindi siya sumusuko. Siya ata si Yoon Jeonghan. Nag-uumpisa pa lang ang laban kala mo Choi Seungcheol!

“Ah Welcome sa Brgy Pledis! Seungcheol nga pala.” Ibinaba niya ang basket sa lamesa sa tapat ng tindahan at kumuha ng isang balot. “Welcome gift ko sayo,tikman mo balot ko.” At inaabot ang balot.

Medyo nag-aalangang kuhanin ni Joshua ang balot. Hindi pa kasi siya nakakain noon,pero isa siya sa bucket list niya dito sa Pinas.

“Thank you. Uhm pano to kainin?” Tanong ni Joshua.

“Sige turuan naten siya,isipin mo welcome party mo to.” Kumuha si Seungcheol ng 4 pa na balot at inabutan si Seungkwan,Hansol,Jeonghan,ang isa ay para sa kaniya.

“Libre ko na to guys” Sabi si Seungcheol. Medyo nathreatened si Jeonghan dahil dagdag pogi points to kay Choi Seungcheol.

“Hindi na Cheol ako na magbayad lahat,malulugi ka sige.” Sabi ni Jeonghan. Nagulat si Seungcheol sa sinabi ni Jeonghan. Sobrang out of character.

“Sure ka?”

“Oo,minsan lang to pumayag ka na.” Pagpapaimpress ni Jeonghan.

“Tama si Jeonghan,baka malugi ka kapag ilibre mo to samin.” Sabi ni Joshua.

“Okay kayo bahala. Kainin na nga naten tong balot bago pa lumamig.”

“Ganito Kuya Joshua. Ipukpok mo tong balot sa pader o kahit saang matigas na bagay.” Pinukpok ni Seungkwan ang balot niya at sumunod si Joshua.

“Tapos higupin mo ang sabaw,yan ang best part ng balot” dagdag nito.

Sabay sabay nilang hinigop ang sabaw ng balot ni Cheol at napangiti si Joshua.

“Ang sarap naman nito!”

“Sabi ko sayo balot ko ang pinakamasarap eh.” Sagot ni Cheol.

Walang masabi si Jeonghan kasi totoo naman. Ang sarap nga ng balot ni Cheol.

“Balatan mo na kainin mo na yung kulay yellow.” Instruct ni Cheol. Medyo nahirapan si Joshua magbalat ng balot niya. Kinuha ito sa kaniya ni Seungcheol at ipinagbalat siya. Ang sama ng tingin ni Jeonghan.

“Oh ayan tikman mo to Joshua.” Sinubuan ni Seungcheol si Joshua. Natigilan si Joshua pero isinubo naman ang balot. Muntik ng mabilaukan si Jeonghan.

“Seungkwan coke bilis mamatay na ko” Sigaw ni Jeonghan.

Ng nakain na nila ang dilaw sa balot naiwan ang sisiw.

“Ano yan may buhok!” Nagulat si Joshua sa nakita. Natawa si Hansol. Lahat ata ay pinagtatawanan ng batang to.

“Sisiw yan kuya Josh. Pero yan pinakamasarap,pikit ka lang.” Isinubo ni Hansol ang sisiw ng balot niya. Masuka suka si Jeonghan. Hindi kasi siya kumakain ng sisiw sa balot.

“Eto try ko na ha.” Kinain na ni Joshua ang sisiw,medyo confused pa ito noong una pero nagthumbs up pagkalunok.

“Ang sarap!” Successful si Joshua sa pagkain ng sisiw. Pumalakpak si Cheol. Napalunok si Jeonghan. Hindi sure kung matuturn on ba lalo o matuturn off kay Joshua.

“Jeonghan akin na lang yang sisiw mo,hindi ka naman kumakain ng sisiw diba?” Tanong ni Cheol.

“Why? Masarap siya though.” Nagtatakang tanong ni Joshua kay Jeonghan.

Biglang nagkalakas ng loob si Jeonghan. Kung kaya ni Seungcheol kumain ng sisiw kaya niya din.

“Kumakain na ko ngayon!” Sabay subo sa sisiw,napapikit siya kasi nararamdaman niya sa bibig niya ang balahibo ng sisiw. Nilunok na nya sabay inom ng coke bago pa siya masuka.

“Woooh ang sarap.” Pilit na sabi ni Jeonghan. Nagthumbs up din siya.

“Punta kayo sa game sa sabado?” Tanong si Seungcheol kay Joshua.

“Oo,lalaro ka ba?” sagot ni Joshua.

“Oo,ayos team play naming ni Jeonghan,diba jeonghan?”

“Ah oo.” Maiksi ang sagot ni Jeonghan dahil maliban sa nahihinaan sya ng loob dahil halatang crush ni Joshua si Seungcheol ay hindi pa siya makagetover sa sisiw.

“Sige alis na muna ako ha,ubusin ko lang tong balot ko. See you.”

Pagkatapos mabayadan ang balot ni Seungcheol ay umalis na ito para maglako ulit.

“Okay ka lang ba Jeonghan?” Tanong ni Joshua na mukang nag-aalala.

Wag kang magpakita na nag-aalala ka sakin kung si Seungcheol naman ang gusto mo. Papapasahin mo lang ako. Pagdadrama ni Jeonghan sa isip.

“Oo okay lang ako,nabigla lang tyan ko. By the way gusto niyo bang sumama saken papunta kila Junhui?” Tanong ni Jeonghan.

“Junhui?”

“Tropa naming may bilyaran yun Kuya.” Inform ni Hansol.

“Sige. G lang ako.” Sagot ni Joshua at nagpunta na sila sa bilyaran ni Mr. Wen.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brgyate
Aaaah Isa po itong malaking Joke. Pero maappreciate ko kung magcocomment kayo!

Comments

You must be logged in to comment
T6814R #1
Chapter 6: update update!
Yves09
#2
Chapter 6: Omg please update paminsan lang talaga ako maka basa ng Tagalog na fic. At napaka realistic naman nito hahahaha
junaoi
#3
SA WAKAS!
Bubbaboo #4
Chapter 6: lol.oh okay... tbh, this is the first tagalog fic that i have read. (i cant really understand it well kaya ganun...) and i srsly enjoy reading this. thank you authornim! waiting for ur update!
Bubbaboo #5
Chapter 5: lol. hannie, wag mo nang awayin c cheolie~ kawawa na nga yan sakin eh xD
Bubbaboo #6
Chapter 4: lol. Yangyang? yung hot ba na chinese actor?
Bubbaboo #7
Chapter 3: ay ...bat ganun. parang bigla akong nasaktan
Bubbaboo #8
Chapter 2: lol. aww. cutie mani yo. meanie pa pati
Bubbaboo #9
Chapter 1: Ahahhahahahah! It's just the first chapter pero jusme! tawa ako ng tawa! This is fun!
SpillTheUnicornBlood
#10
Chapter 6: kaytagal kong hinintay ang update na to jusko <3