Si Jeonghan at Ang Lalaki Mula States

Barangay Pledis

Tanghali na ng nagising si Jeonghan,mga 12 noon na. Walang bago. Kumain sya ng umagahan or tanghalian, brunch ba kung tawagin at agad na pumunta sa kaniyang tambayan, ang tindahan ni Aling Boo,kung saan ang anak niyang si Seungkwan ang nagbabantay. Paborito ni Jeonghan tumambay sa tapat ng tindahan ni Aling Boo dahil mura lang softdrinks at load dito. Malapit din ito sa iba pang establishments sa brgy gaya ng Isawan ni Mr. Kim at billiarian ng intsik na si Mr. Wen. Tropa nya din kasi ang mga anak ng mga may-ari.

“Uy kuya Jeonghan tinanghali ka ngayon ah.” Sabi ni seungkwan ng nakita ang gwapong suki ng tindahan. Isa si Kuya Jeonghan sa paborito nyang customer,kahit na mahilig itong tumambay wala naman itong utang sa tindahan at isa pa nadadagdagan ang bumibili sa kanila kapag nakatambay ito sa tapat nila.

“Inumaga na kasi ako kakabilliards kagabi,si Junhui kasi” Sagot ni jeonghan.

“Cobra ba ulit kuya?” memorized na si Seungkwan ang binibili ni Jeonghan. Isang cobra,isang piattos, at 10 piso na load pang facebook.

“saka Piattos at 10 na load. Memorized mo na number ko diba?” Kinindatan ni Jeonghan si Seungkwan pero inirapan lang sya nito.

“Kuya Jeonghan wag ako.” Ang sabi ni Seungkwan habang tinatype ang number ni Jeonghan sa pangload niyang cellphone.

“Okay na kwannie. Thanks.” Umupo na si Jeonghan para iregister pang facebook ang load nya. Maya maya pa’y para siyang tangang tumatawa habang nagiiscroll sa cellphone.

Nanlaki ang mata ni Seungkwan ng may nakitang papalapit. Ang kaibigang si Hansol, ito’y kumakaway na malayo pa lang. Kumaway din sya at lumabas ng tindahan.

“Uy kwannie kamusta?” Bati ni Hansol. Nagpabebe si Seungkwan.

“Eto medyo pagod,ako na naman kasi pinagbantay ni mama ng tindahan.”

“Masaya naman kapag ikaw ang tao dito!” Inakbayan ni Hansol si Seungkwan. Muntik ng himatayin si Seungkwan. Crush nya kasi si Hansol.

“Uy Hansol aga mo atang naligo ngayon ah? Saka bakit bihis,may lakad?” Pansin ni Jeonghan. Medyo nainis si Seungkwan kasi sinira ni Jeonghan moment nila.

“Kasi kuya may pinsan ng pinsan ko from America uuwi dito samin muna makikitira,susunduin ko” Sagot ni Hansol.

“Pupunta ka pang airport?” Tanong ni Seungkwan.

“Hindi,susunduin ko lang dito sa tapat ng tindahan niyo nagtaxi na daw siya eh. Malapit na daw siya” Biglang nagring ang cellphone ni Hansol.

“Ssshh wag kayong maingay,sagutin ko lang to si kuya na ata to” Niloudspeaker ni Hansol ang phone dahil alam niyang chismoso si Seungkwan at Jeonghan.

“Hey Vernon, it’s me Joshua. I think I’m near. Brgy Pledis right? Landmark: Tindahan ni aling Boo?” englishero ang nasa kabilang line. Mahinahon ang boses.

“Yes, oh I think I can see you now. Look to your right and direct your taxi here. I’m raising my hand” Nakita na ni Hansol ang taxi at siyay kumaway kaway para malaman ng pinsan ng pinsan nya kung saan baba. Dumiretso na ang taxi at tumigil sa tapat ng tindahan.

“Guys behave kayo ha, baka kasi maculture shock siya.” Warn ni hansol sa mga kaibigan. Tumango si Seungkwan at Jeonghan pero para silang sira dahil abang na abang sila sa lalabas ng taxi.

Bumukas ang pinto ng taxi at lumabas ang isang lalaking nakashades. Tinanggal nito ang shades na para bang nasa isang palabas sa tv. In slow mo. Nahulog ni Jeonghan ang hawak na bote ng cobra. Napa na lang siya.

“Ay hala .” Napatingin silang lahat sa basag na cobra sa sahig.

“Kuya Jeonghan! Babayadan mo yang bote! Lagot ako kay Mama” Sigaw ni Seungkwan sabay kuha ng walis tingting at dustpan para walisin ang basag na bote.

Hindi alam ni Jeonghan ang gagawin, nagpanic siya bigla niyang pinagdadampot ang basag na bote.

“Ay hala Kwannie Sorry,babayadan ko na lang. Aray!” Nabubog siya,dumugo ang kanyang daliri. Takot si Jeonghan sa dugo,namutla siya at napaupo.

“Are you okay?” Lumapit ang balikbayan kay Jeonghan,mukang nag-aalala. Lalong nahilo si Jeonghan. Imported kasi ang pabango ng bagong dating medyo masakit sa ilong, at isa pa ang lapit ng muka niya. Walang type si Jeonghan ,pero ngayon mukang meron na. Gentle ang muka nito,at ang mga mata nya kumikinang. Shet ito ba ang love at first sight.

“Kuya Jeonghan uy okay ka lang ba? Huy” Inalog alog ni Hansol ang kaibigan dahil mukang hihimatayin na ito.

Kumuha si Joshua ng alcohol at panyo sa bag at agad na nilagyan ang sugat ni Jeonghan. Nawala ang hilo nito dahil sa hapdi ng alcohol.

“Ouch,mahapdi” Napapout ito. Nagpapacute ang gago.

“Do you have any band-aid or anything?” Tanong ni Joshua kay Seungkwan.

“2 pesos isa” Sagot ni Seungkwan at kinuha sa loob ang band-aid. Walang libre sa mundo.

“Ako na magbabayad.” Sabi ni Jeonghan kay Seungkwan sabay tingin kay Joshua. Kailangan mag-paimpress. Capable ata ang kuya niyo.

“Wala akong balak bayadan.” Biglang nagtagalog si Joshua. Nagulat si Jeonghan at parang nabunutan ng tinik akala nya kailangan niya pang irefresh ang English skills nya. Napatulala na lang sya habang binabalot ni Joshua ng band-aid ang daliri nya.

“Uhm Thanks ha. Jeonghan nga pala.” Iniooffer ni Jeonghan ang kamay. Kinamayan naman to ni Joshua sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Nahiya bigla si Jeonghan kasi hindi siya nakasuot ng maayos. Suot niya ang tshirt na kulay orange na may muka ni jejomar binay,natanggap nya nung huling election, jersey shorts. At ang tsinelas ng nanay niya.  

“No problem. By the way I am from LA. My name’s Joshua Hong” Bigla siyang nagdrop sa sahig sabay tayo ng paikot. Naculture shock si Jeonghan.

“Wow. Amazing” Yun na lang nasabi ni Jeonghan

“Thank you. By the way Hansol pwede na ba tayong pumunta sa inyo? Mom wants to have a video call with Tita kasi”

“Tara sure. Kuya Jeonghan, Kwannie. Kitakits na lang!”

“Bye Joshua!” Sabi ni Jeonghan. Napangiti dito ang balikbayan. “See you later” reply ni Joshua.

Umuwi na si Joshua at Hansol. Naiwanan si Jeonghan at Seungkwan. Yung tingin ni Seungkwan kay Jeonghan sobrang nangjujudge.

“Yung bayad sa bote saka sa band-aid” sabay abot ng kamay. Napailing si Jeonghan sabay bunot ng wallet.

“Parang namang hindi ako magbabayad” sabi ni Jeonghan.

“Kuya crush mo no?” nagwiwiggle si Seungkwan ng kilay. Halatang halata naman kay Jeonghan.

“SEUNGKWAN MAHAL KO NA SIYA” Kunwaring pinangpahid ni jeonghan ang jejomar tshirt nya ng pekeng luha.

“Agad agad kuya!” Tawang tawa si Seungkwan. Ngayon nya lang nakitang ganito si Jeonghan muka ngang nafall na agad sa balikbayan.

“Liligo muna ako,text mo ko kapag napadaan sila dito!” dali daling umalis si Jeonghan para naman makaligo sya at makapagpapogi. Masyado syang focused na hindi niya napansin ang tawag ni Mingyu. Ang anak ng may isawan sa tapat ng tindahan ni Aling Boo.

“Kuya Jeonghan,uy Kuya Jeonghan”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brgyate
Aaaah Isa po itong malaking Joke. Pero maappreciate ko kung magcocomment kayo!

Comments

You must be logged in to comment
T6814R #1
Chapter 6: update update!
Yves09
#2
Chapter 6: Omg please update paminsan lang talaga ako maka basa ng Tagalog na fic. At napaka realistic naman nito hahahaha
junaoi
#3
SA WAKAS!
Bubbaboo #4
Chapter 6: lol.oh okay... tbh, this is the first tagalog fic that i have read. (i cant really understand it well kaya ganun...) and i srsly enjoy reading this. thank you authornim! waiting for ur update!
Bubbaboo #5
Chapter 5: lol. hannie, wag mo nang awayin c cheolie~ kawawa na nga yan sakin eh xD
Bubbaboo #6
Chapter 4: lol. Yangyang? yung hot ba na chinese actor?
Bubbaboo #7
Chapter 3: ay ...bat ganun. parang bigla akong nasaktan
Bubbaboo #8
Chapter 2: lol. aww. cutie mani yo. meanie pa pati
Bubbaboo #9
Chapter 1: Ahahhahahahah! It's just the first chapter pero jusme! tawa ako ng tawa! This is fun!
SpillTheUnicornBlood
#10
Chapter 6: kaytagal kong hinintay ang update na to jusko <3