Sana ako ang Troy sa Gabriella mo

Barangay Pledis


"Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin
Hindi kita bibitawannnnn"

Dinig na dinig na nila ang malaanghel na boses ni Seokmin mula sa building ng joint venture ng pamilya ng magpinsang Lee Seokmin at Lee Chan. Ang "2Lee's Lutong bahay and Videoke for rent" . Isa itong karinderya kung saan pwedeng kumanta ang mga customer habang kumakain. Meron din silang 5 units ng Videoke na pinaparentahan. 

Nakita ni Seokmin ang favorite Kaduet na papalapit.

"OY Seungkwannie kanta tayo dali"

Agad agad kinuha ni Seungkwan ang Mike at nagduet ang dalawa,nagsasapawan. Nagcheer ang mga manunuod. May paadlib adlib pang nalalaman si Seungkwan. Humanga si Joshua sa ganda ng boses ng mga kumakanta pero mas napahanga sya ng mga y na babae na nakabikini na nasa screen ng videoke. Tiningnan ni Jeonghan si Joshua sabay bulong.

"Kumakanta ka ba?"
"Oo naman,pero wag dito please nakakahiya"
"Duet tayo ano?" Nagcross ng fingers si Jeonghan. May naiisip na syang kantahin kaduet si Joshua: Nahuhulog sayo by Gabbi Garcia.

"Sige basta ako pipili ng kanta"

Medyo nasad si Jeonghan kasi gusto niya talagang kantahin ang Nahuhulog sayo by Gabbi Garcia. 

Tila nahuhulog sayo
Bakit lumulukso ang puso ko 🎶

Maya maya pa ay tapos na ang duet ni Seungkwan at Seokmin. Nagstanding ovation ang mga kumakain sa karinderya. May mga maluha luha pa. Binigay na ng videoke ang score nila. 

100! You're an excellent singer.

"Good job Seungkwan!" Nagapir si Hansol.

"Shelemet." Halatang halata ang kilig ni Seungkwan. Namumula ang tenga nito

"Yieeh may kinikilig" ang biro ni Seokmin

"Enebe Seokmin wag ka nga" sabi ni Seungkwan sabay tulak dito. Muntik ng matumba si Seokmin.

"Isa pa ngang kanin!" Order ng isang pamilyar na boses. Nanlaki ang mata ni Jeonghan ng makita na naman si Seungcheol. Napatingin din si Joshua. 

"Chan kanin daw!" Sigaw ng may-ari ng karinderya na ngayon ay may inaasikasong customer

"Ano ba yan Mama kakarating ko lang utos agad" Sagot ng isang senior high school student na kararating lang.Dala pa nito ang bag at ang project na Mayon Volcano na gawa sa clay. Bitin ang itim nitong pantalon at nakalabas ang puting medyas. Idol nya kasi si Michael Jackson.

Ibinaba ni Chan ng padabog ang gamit sa isang lamesa saka ikinuha si Seungcheol ng kanin.

"Thanks Chan.Sarap kasi ng luto ng mama mo kaya naman napabulos ako." Ang sabi ni Seungcheol sabay kaway sa nanay ni Chan na natawa na lang

"Channie" Tawag ni Jeonghan sa paboritong bata.

"Kuya!" Masayang bati ni Chan.

"Kamusta school?" Tanong ni Jeonghan. Baby niya kasi si Chan.

"Okay lang kuya,pinasayaw ako kanina sa klase,bilib na bilib naman sila saken!" Pagbibida ni Chan sabay moonwalk at hip .

"Baby ko yan!" Puri ni Jeonghan

"Kuya Jeonghan hindi ako baby!" Pagmamaktol ni Chan.

NapAwww lahat sa kacutan ni Channie.

"Oi Chan meet meet Joshua. Pinsan ng pinsan ni Hansol galing siyang states" Pakilala ni Jeonghan.

"Hi Chan,pwede mo akong tawaging Kuya Joshua or kuya josh"

"Hi Kuya Joshua! My name is Lee Chan,I'm 19 years old. My birthday is February 11 1999. I like Dancing and my hobby is Michael Jackson.My favorite animal is a Dinosaur. Nice to meet you." Nirecite ni Chan ang madalas nyang sinasabi pag introduce yourself sa class. 

Mukang proud na proud si Jeonghan,mas mukang proud pa kesa sa totoong magulang nito. Makatapos makapagpakilala ni Chan ay kinuha na ni Jeonghan ang song list para naman makakanta na sila.

"Madaming kanta dito Joshua pili ka lang,may tagalog,may english,may kpop."

Namimili si Joshua ng kanta ng lumapit ang tapos ng kumain na si Seungcheol.

"Uy kanta ko na na ba next?" Tanong ni Seungcheol kay Seokmin.

"Oh ikaw na kuya." Binigay ni Seokmin and mic kay Cheol ng magumpisa ang intro ng kantang Magbalik by Callalily

"Wala nang dating pagtingin
Sawa na ba saking lambing
Wala ka namang dahilan
Bakit bigla na lang nang iwan?"

Ang pagkanta ni Seungcheol ay punong puno ng emosyon. Naheartbroken ang mga nanunuod dahil alam nilang may pinaghuhugutan si Seungcheol. Maliit ang baranggay kaya naman halos alam nila ang mga chismis. Iniwanan ito ng boyfriend nyang si Doyoon dahil daw walang "future" kay Seungcheol at sa Baranggay Pledis.Umalis ito para mag-artista. 

Tulad ng mundong hindi
Tumitigil sa pag-ikot
Pag ibig di mapapagod

Tulad ng ilog na hindi
Tumitigil sa pag agos
Pag ibig di matatapos

Nakisabay ang mga tao sa karinderya sa Chorus.Si Joshua na hindi alam ang kanta ay nadadama din ang emosyon ni Seungcheol.

"Okay lang yan Seungcheol,makakamove on ka din!" Sigaw ng isa. Napangiti si cheol. Natapos na ang kanta. Kahit nathreaten si Jeonghan kasi ang pogi ni Seungcheol habang kumakanta ay umapir ito dito pagkatapos. Magkaibigan pa din naman sila kahit ngayon ay karibal na ang tingin ni Jeonghan dito.Isa pa ay alam nya ang sakit na pinagdaanan ni Seungcheol ng iwanan ng Jowa.

"Nice one Cheol"
"Salamat! Oh ano ba yan,pwede bang ako lang ang kakanta."

"Joshua nakapili ka na ba?" Tanong ni Jeonghan na sumilip sa songbook. 

"Ito pang duet talaga,alam mo ba to?" Tinuro ni Joshua ang kantang Start of Something New from High School Musical at kinilig si Jeonghan.

"Shet oo favorite namin yang High School Musical dati. Ako na lang si Troy" reading ready na si Jeonghan.

"Okay sige,uhm song 1004 please"

Pinindot na ni Seokmin ang karaoke at nagumpisa na ang kanta.

[Jeonghan] Livin' in my own world
Didn't understand
That anything can happen
When you take a chance

Tiningnan nya si Joshua at ang makinang na mata nito. Hindi sya sigurado kung imahinasyon nya lang pero nagblush si Joshua.

[Joshua] I never believed in
What I couldn't see
I never opened my heart
[Jeonghan] Ohhhhh
[Joshua] Too all the possibilities, Ohh

Napatitig din si Joshua kay Jeonghan at naramdaman nyang namula ang muka nya. Ngayon nya lang kasi napansin na gwapo pala ang lalaki. Ang firs impression nya kasi dito kanina ay "ang baduy nya".

[Parehas] I know...
[Joshua] That something has changed
[Parehas] Never felt this way
[Joshua] And right here tonight
[Parehas] this could be the...

[Parehas] Start of somethin' new
[Joshua] It feels so right
[Parehas] To be here with you, ooh
And now lookin' in your eyes
[Joshua] I feel in my heart
[Jeonghan] Feel in my heart
[Parehas] The start of somethin' new
[Jeonghan] Ohhhh, yeahh

Nageenjoy masyado ang dalawa sa duet.Nagsisigawan na ang mga tao sa pagcheecheer.

"Jeonghan ginalingan!"
"Bagay kayo mga gago!"
"Iuwi nyo na ko mga kuya!"

Walang pakialam si Jeonghan sa sigawan ng mga tao dahil sa oras na iyon ay nakaramdam talaga sya ng something new. Bigla syang nagkalakas ng loob at bumulong kay Joshua.

"Hingin ko number mo okay lang?" 
"Sure,bigay ko sayo mamaya" mukang nahihiya si Joshua sa sagot niya. Pero naisip nya na wala namang maling magbigay ng number sa isang bagong kaibigan.

Natapos na ang karaoke session nila. Nakatambay na lang sila sa isang lamesa sa carinderia.Tapos na din kasi ang rush hour kaya wala ng masyadong customer.

"Kuya Jeonghan may game pala kayo sama ako." Sabi ni Chan na ngayon ay tinutulungan nilang gumawa ng assignment.

"Sige kailangan namin ng waterboy" sagot ni Jeonghan.

"Yay gagalingan kong maging waterboy" ang sabi ng cute na cute na si Chan.

Kinuha ni Jeonghan ang cellphone at inabot kay Joshua. 
Sinigurado nyang nakikita ni Seungcheol ito. 

"Lagay mo na lang number mo. 😊" sabi ni Jeonghan.

Kinuha ni Joshua ang cellphone at itinype ang number.

"Thanks,text kita mamaya." Sabi ni Jeonghan.

Natatawa ang ibang member ng tropa sa ninja moves ni Jeonghan. Ginagalingan talaga masyado. 

"Pwede bang si Jeonghan lang,Joshua kunin ko din number mo okay lang?" Biglang sabi ni Seungcheol. 

Nagblush si Joshua,hindi nya kasi ineexpect yun. Sumama ang tingin ni Jeonghan kay Seungcheol. Walang ideya si Seungcheol sa nangyayari. Gusto niya lang namang kunin ang number ng bagong kaibigan para masendan nya ito ng GM. Ibinigay din ni Joshua ang number nya kay Seungcheol.Naramdaman ni Seokmin na parang nabad mood si Jeonghan.

"Uy guys uwi na muna ako ha? Tinext na ko ng Mama ko,hinahanap ako." Umalis na lang bigla si Jeongnan. Badtrip kasi siya talaga. Akala niya may something din na naramdaman si Joshua nung nagduet sila.Siya lang pala nakaramdam nun.Si Seungcheol pa din ang crush ng balikbayan.

Humiga si Jeonghan at handa ng matulog ulit ng nakatanggap sya ng text.


GM: Good Evening guys.Excited na ako sa game sa saturday! Galingan naten!

Joshua:Welcome to Brgy Pledis! Sana nagustuhan mo balot ko 😊
Wonwoo:Uy may bakal bote kami dito sa bahay,pakidaanan na lang
Junhui:Pass muna ako sa billiards ngayon.

~$coups~
 
Lalong nabadtrip si Jeonghan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brgyate
Aaaah Isa po itong malaking Joke. Pero maappreciate ko kung magcocomment kayo!

Comments

You must be logged in to comment
T6814R #1
Chapter 6: update update!
Yves09
#2
Chapter 6: Omg please update paminsan lang talaga ako maka basa ng Tagalog na fic. At napaka realistic naman nito hahahaha
junaoi
#3
SA WAKAS!
Bubbaboo #4
Chapter 6: lol.oh okay... tbh, this is the first tagalog fic that i have read. (i cant really understand it well kaya ganun...) and i srsly enjoy reading this. thank you authornim! waiting for ur update!
Bubbaboo #5
Chapter 5: lol. hannie, wag mo nang awayin c cheolie~ kawawa na nga yan sakin eh xD
Bubbaboo #6
Chapter 4: lol. Yangyang? yung hot ba na chinese actor?
Bubbaboo #7
Chapter 3: ay ...bat ganun. parang bigla akong nasaktan
Bubbaboo #8
Chapter 2: lol. aww. cutie mani yo. meanie pa pati
Bubbaboo #9
Chapter 1: Ahahhahahahah! It's just the first chapter pero jusme! tawa ako ng tawa! This is fun!
SpillTheUnicornBlood
#10
Chapter 6: kaytagal kong hinintay ang update na to jusko <3