Ang Malandi at ang Gangster(aka ang mga Instik)

Barangay Pledis

Naglakad na ang grupo ni Jeonghan,Hansol,Joshua,at Seungkwan(dumating na ang nanay niya) papunta sa bilyaran. Malayo pa lang ay nakakapakinig na sila ng sigawan.May isang payat na lalaki na gigil na gigil sa mas matangkad na binata.

"Pera ba hanap mo,magbabayad ako kahit doble ng per oras niyo" sigaw ng payat na lalaki na nakasuot ng malaking tshirt at may bandana sa noo.

"Hindi pera usapan dito Minghao,ayaw nila ma-ma(chinese accent) at pa-pa(chinese accent ulet)  papuntahin dito yung gang mo. Nangugulo daw kasi kayo." Napakamot si Junhui ng ulo.

Magkababata si Minghao at Junhui pero simula ng napasama si Minghao sa $w4ggerDahb gang noong 4th years hs ay napalayo na ang loob nila sa isa't-isa.Natanaw ni Junhui ang mga papalapit na kaibigan.

"Uy Kuya Jeonghannie kamusta,may basketball game daw?" Bati ni Junhui na sinadyang tinalikuran si Minghao.

"Oo tuloy tayo,Uy haohao! Kamusta!" Bati ni Jeonghan. Kinatatakutan si Minghao at ang gang nya pero hindi natatakot si Jeonghan dito. Cute ang tingin niya dito kahit pa ang sama ng tingin sa kaniya ni Minghao.

"Pssshh Istorbo" ang sambit ni Minghao.

"Minghao!" Saway ni Junhui. 

"Ano! Totoo naman ah,isa ka pa bakit mo ko tinatalikuran eh naguusap tayo" hinigit ni Minghao ang tshirt ni Junhui para iharap ito sa kaniya. Kaso payat si Minghao at hindi niya kinaya si Junhui.

Natawa si Seungkwan. Napakinig ito ni Minghao kaya naman sa kaniya nabaling ang galit nito.

"Anong tinatawatawa mo Mama's boy!" 

"Hansol bitawan mo ko,bitawan mo ko Hansol" sabi ni Seungkwan habang nag-uurong sulong papunta kay Minghao.

"Ughhh hindi ako nakahawak sayo" Alam ni Hansol na duwag si Seungkwan. Magaling lang itong maghamon ng away pero wala namang natutuloy sa mga away nito.

Si Joshua ay pinapanuod ang nangayari na mukang naaaliw,natutuwa sya dahil kahit walang netflix sila Hansol ay madami palang aksyon sa Barangay. 

"Minghao kalma ka lang." Sabi ni Junhui sabay hawak sa braso ni Minghao,inilayo ito ng binata na medyo naging pink ang pisngi.

"KALMADO AKO WEN JUNHUI!" Sigaw ni Minghao. 

Tumahimik ang lahat dahil biglang nagring ang cellphone ni Minghao 

Kay sakit namang isipin na sa puso mo ako'y pangalawa sa tuwing makikita kitang kasama siya pinipikit ko ang aking mga mata...

"Yow wazzup. Bhoxz Xu talking" sagot ni Minghao sa phone.

"Sige sige papunta na ko diyan" ibinaba ni Minghao ang cellphone sabay sabi kay Junhui

"Hindi pa tayo tapos" nagdirty finger ito kay Junhui,sabay alis papunta sa hideout nila ng gang niya.

"That was weird" sambit ni Joshua pagkaalis ni Minghao. Nagulat si Jun ng biglang may nagenglish. 

"Uy ikaw siguro yung ibinibida saken ni kuya Jeonghan kanina sa text,yung cute daw na galing states?"

Gustong sakalin ni Jeonghan si Jun. Napangiti na lang si Joshua.

"Ikaw yung isa sa backup dancer nya" reply nito.

Sa halip na mahiya si Junhui at itinaas nito ang tshirt para ipakita ang kanto abs.

"Yummers ba?" Sabay kindat kay Joshua.

"Hoy gago ka talaga Junhui" saway ni Jeonghan. Karibal na si Seungcheol hindi na dapat pang madagdagan.Isa pa ayaw niyang magalit si Minghao kay Joshua pag nagkacrush ito kay Junhui o vice versa. Galit na nga sa kaniya ito dahil sa ginawa nila nung talent show at dahil halos gabi gabi na din silang magkasama ni Junhui kahit nagbibilliards lang naman sila. 

"Kuya Joshua Ingat ka diyan kay Kuya Junhui" Sabi ni Seungkwan ng pabiro.

"Good boy po ako 😇. Isa pa taken na ko" 

"Weh kelan pa? Saka sino?" Sagot ni Jeonghan. Kilalang malandi si Junhui sa baranggay pero hanggang landi lang ito.

"Yung kaaalis lang.Jowa niya ko pero di niya pa alam" seryosong seryoso ang muka nito. Gusto tuloy syang sapakin ni Jeonghan.

"Anyways malapit na pala birthday mo ah. Anong plano?" Tanong ni Junhui.

"Oh?kelan birthday mo?" Tanong ni Joshua.

Wen Junhui may ginawa ka ding tama! Isip ni Jeonghan.

"Sa October 04,turning 22" september 28 na noon. Ilang araw na lang ay birthday na nya. 

"Anong plano?" Mukang excited si Joshua first time nya kasing makakaattend ng birthday party sa Pilipinas.

"Simple lang,magluluto si Mama,tapos magrerenta ng videoke kila Seokmin,konting inuman. Punta ka ha?" Excited na din agad si Jeonghan.

"Ofcourse! Magdadala akong regalo."

"Wow iba ka Kuya Joshua,samantalang kami hindi pa iniimbitahan" reklamo ni Seungkwan.

"Ano ba matik na yun,kahit nga di kayo imbitahin pumupunta kayo diba. Naalala niyo ba yung birthday ng tita ko,hindi naman kayo kilala nun pero nagpunta kayong mga walang hiya kayo"

Naalala nila yun. Yung tita ni Jeonghan naisipang magbirthday sa kanila halos kinulang ang handa dahil akala nila ay family lang kaso dumating ang mga tropa ni Jeonghan. 

"Parang gusto ko tuloy biglang magvideoke" sabi ni Hansol.

"Tara kila Seokmin ano." Yaya ni Junhui.

"Pano yang bilyaran niyo?" Tanong ni Jeonghan.

"Uwi na din si Yangyang siya na bahala dito" sabi ni Jun. Tinutukoy nito ay ang batang kapatid na nasa elementary pa lamang.

"Anong si Yangyang na bahala!" Biglang lumabas ang nanay ni Jun,nakaduster at rollers pa ng buhok. Lumapit ito kay Junhui sabay pingot sa tenga.

"Hindi ka alis junhui. Ikaw bantay bilyaran" sabi ng nanay nito sa kaniya.

Habang pinapagalitan ni Mrs. Wen so Junhui ay dahan dahang tumakas sila Jeonghan palayo papunta sa videokehan nila Seokmin. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brgyate
Aaaah Isa po itong malaking Joke. Pero maappreciate ko kung magcocomment kayo!

Comments

You must be logged in to comment
T6814R #1
Chapter 6: update update!
Yves09
#2
Chapter 6: Omg please update paminsan lang talaga ako maka basa ng Tagalog na fic. At napaka realistic naman nito hahahaha
junaoi
#3
SA WAKAS!
Bubbaboo #4
Chapter 6: lol.oh okay... tbh, this is the first tagalog fic that i have read. (i cant really understand it well kaya ganun...) and i srsly enjoy reading this. thank you authornim! waiting for ur update!
Bubbaboo #5
Chapter 5: lol. hannie, wag mo nang awayin c cheolie~ kawawa na nga yan sakin eh xD
Bubbaboo #6
Chapter 4: lol. Yangyang? yung hot ba na chinese actor?
Bubbaboo #7
Chapter 3: ay ...bat ganun. parang bigla akong nasaktan
Bubbaboo #8
Chapter 2: lol. aww. cutie mani yo. meanie pa pati
Bubbaboo #9
Chapter 1: Ahahhahahahah! It's just the first chapter pero jusme! tawa ako ng tawa! This is fun!
SpillTheUnicornBlood
#10
Chapter 6: kaytagal kong hinintay ang update na to jusko <3