Ang Ihawan ni Mr. Kim

Barangay Pledis

Tatawagin sana ni Mingyu si Jeonghan para tanungin kung game ba sya sa basketball kalaban ang mga taga Brgy.Starship,nagyaya kasi si Kuya Shownu, kaso mukang busy si Jeonghan. Itetext niya na lang to mamaya.

“Mingyu pa take-out 5 barbeque,5 isaw. Mamaya na bayad.” Ang sabi ni Soonyoung ang resident  zumba dance instructor ng baranggay. Nakapang Zumba outfit na ito kahit mamaya pang 5pm ang session niya with the senior citizens.

“Kuya Soonyoung bawal muna utang!” Sabi ni Mingyu sabay paypay sa iniihaw.

“Kuya Mingyu ikaw pwede itake-out?” Tanong ng isang customer. Napangiti na lang si Mingyu. Sadyang crush siya ng baranggay.

“Sige na Mingyu,mamaya ko pa kasi makukuha yung bayad saken.” Nagmamakaawa si Soonyoung. Matambok ang pisngi nya at nawawala ang kaniyang mga mata. Cute. Hindi matiis ni Mingyu ang nakakatandang lalaki.

“Sige na nga! Pero magbabayad ka mamaya ha,kung hindi ipapabaranggay kita.” Ang pananakot ni Mingyu.

“Yehey! Thank you Mingyu. Lab you.” Masayang namili si Soonyoung ng ipapaihaw kay Mingyu.

“Sinong ipapabaranggay?” Sabi ng isang bagong dating. Si Jihoon ang pinakabatang Tanod sa baranggay. Lahat ay takot sa kaniya kahit mismong si Kapitan walang palag kay Jihoon.

“Ahhh. Wala kuya Jihoon, biruan lang yun” Hindi ipapahamak ni Mingyu si Soonyoung lalo na’t alam niyang medyo mainit ito kay Jihoon. Ang ingay kasi ng soundsystem at ng boses nya kapag nagpapaZumba.

“Hoy Soonyoung!” Sigaw ni Jihoon ng mapansin si Soonyoung.

“Ano! Nanahimik ako dito!” Sagot ni Soonyoung. Pinagpawisan sya ng malamig. Iniiwasan niya si Jihoon ilang araw na.

“Ayusin mo mamaya yung Zumba mo! Dalawang matanda yung nasugod sa hospital nung isang linggo dahil sumakit ang likod, Zumba to hindi break dance class!” Sumasakit ulo ni Jihoon dahil kay Soonyoung, masyado itong hyper kapag nagzuzumba na at hindi napapansin na hindi na hindi na pala senior appropriate ang mga routine niya.

Walang kasalanan si Soonyoung.  Pagtatanggol ng isang matanda habang nakastretcher. At ipinagtanggol pa siya.

“Sorry na Jihoon,inayos ko na na talaga routine ko. Wala na kong pabackflip at handstand ngayon.” Iniaalok ni Soonyoung ang hinliliit niya. Pinky Swear.

“Siguraduhin mo.” Ang sabi ni Jihoon sabay irap at talikod.

Pagkaalis nila ay nakahinga ng maluwag si Mingyu at Soonyoung.

“Haay cute niya” ang sabi ni Soonyoung habang pinapanuod ang likod ni Jihoon. Alam ng lahat na kahit lagi syang inaaway ni Jihoon ay malaki ang paghanga nito sa maliit na tanod.

“huy Kuya gising, hindi ka nya papatulan” ang paalala ni Mingyu. Paalalang kaibigan lang dahil ayaw nyang umasa saw ala si Soonyoung.

Nangati ang ilong ni Mingyu at bigla syang napabahing. Sa tapat ng iniihaw. Sa Barbeque ni Soonyoung.

“HOY KADIRI!” Napasigaw si Soonyoung. “Palitan mo!”

“Iniihaw pa naman eh! Mamatay din bacteria nyan!” Pinaypayan ni Mingyu para mas lumakas ang apoy.

“Sabagay.” Madaling nauto ni Mingyu si Soonyoung.

“alam niyo ang baboy niyo” komento ng isang dumadaan. Natigilan si Mingyu. Si Jeon Wonwoo ang nagsalita. Ang anak ng may-ari ng junkshop.

“Oi Wonwoo gusto mong barbeque,libre ko na?” Alok ni Soonyoung na hindi mo maintindihan kung nanggagago ba.

"Nawalan na ko ng gana" ang sabi ni wonwoo.

"Sige na kuya Wonwoo,libre ko na kahit eat all you can" Singit ni Mingyu.

"Uy Mingyu ang daya! May favoritism!" sigaw ni Soonyoung.

"Wag ka ngang imbento Soonyoung!" Medyo nagblush si Mingyu,mabubuking na may crush niya kay Wonwoo.

"Sige kung mapilit ka,dalawang bbq,walang bahing ha." Pumili din si wonwoo.

"Kuya wonwoo,baka may laro kami ng basketball,dadayo daw dito mga taga starship. Nuod ka ha?"

"Sige pag hindi ako busy,dami ko pa kasing pocketbook(precious hearts) na kailangang basahin." Pakipot si wonwoo.

"Sige kung busy ka kahit hindi na lang :(" medyo nalungkot si mingyu. Wala na syang inspirasyon.

"Sige Mingyu thank you sa barbeque ha" umuwi na si wonwoo,malapit lang naman bahay at junkshop nila sa katapat lang. Lumingon sya "Kelan pala yung game?"

Napangiti si Mingyu

"Sa Sabado! Pagcheer mo ko ha!" Kilig na kilig ang matangkad na laki. Ang laking tao pero kala mo ay isang elementary student na may crush kung umasta.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brgyate
Aaaah Isa po itong malaking Joke. Pero maappreciate ko kung magcocomment kayo!

Comments

You must be logged in to comment
T6814R #1
Chapter 6: update update!
Yves09
#2
Chapter 6: Omg please update paminsan lang talaga ako maka basa ng Tagalog na fic. At napaka realistic naman nito hahahaha
junaoi
#3
SA WAKAS!
Bubbaboo #4
Chapter 6: lol.oh okay... tbh, this is the first tagalog fic that i have read. (i cant really understand it well kaya ganun...) and i srsly enjoy reading this. thank you authornim! waiting for ur update!
Bubbaboo #5
Chapter 5: lol. hannie, wag mo nang awayin c cheolie~ kawawa na nga yan sakin eh xD
Bubbaboo #6
Chapter 4: lol. Yangyang? yung hot ba na chinese actor?
Bubbaboo #7
Chapter 3: ay ...bat ganun. parang bigla akong nasaktan
Bubbaboo #8
Chapter 2: lol. aww. cutie mani yo. meanie pa pati
Bubbaboo #9
Chapter 1: Ahahhahahahah! It's just the first chapter pero jusme! tawa ako ng tawa! This is fun!
SpillTheUnicornBlood
#10
Chapter 6: kaytagal kong hinintay ang update na to jusko <3