Chapter 25

Love Me
Please Subscribe to read the full chapter

"Sigurado ka ba na ok ka lang mag-isa dito?" 

Hindi ko na mabilang kong ilang beses na ako nang narinig itong tanong na ito.

"Nay, Tay, ok lang po ako. Malaki na po ako, kaya ko na po sarili ko."

Nagtingin yung mag-asawa bago muling tumingin sa akin.

"Oh sige. Pero We will call pag breaktime namin kaya make sure na lagi mong dala cellphone mo." sabi ni tatay habang naglalakad kami papalabas ng bahay.

"Opo." sabi ko habang tinutulungan silang ipasok sa loob ng kotse ang mga dala nilang bag.

"Good, you can invite you're friends dito sa bahay para naman may kasama ka" dagdag pa ni nanay

"Sige po sasabihin ko po sila." 

"Oh hala sige, basta yung mga bilin namin huwag mong kakalimutan ok?" sabi ni tatay at niyakap niya ako ng sandali

"Oo naman tay, inilista ko kaya yan sa notebook ko." biro kong sabi sa kanya at ngumiti rin siya sa akin.

"Sige anak, ingat ka diyan huh. Tawag ka pag may emergency." sabi naman ni nanay at niyakap din ako.

"Opo, ingat din po kayo sa biyahe." 

Pumasok na sila sa kotse na nagsimula nang magdrive si tatay. Pinagmasdan ko ang kotse ni tatay hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

Ngayong sembreak, one week akong mag-isa sa bahay dahil may pupuntahang seminar sina nanay at tatay sa Baguio. Well, hindi na naman ito bago sa akin kasi bata pa lang ako eh lagi na silang umaattend ng seminar tuwing sembreak at summer vacation, minsan nga kahit kalagitnaan ng aschool year ay may pinupuntahan silang seminar, lalo na si tatay since principal siya. Kaya ang ginagawa nila pag wala sila sa bahay ay iniiwan nila ako kina lola at lolo pero nung 3rd year high school na ako e nagagawa na nila akong iwan na mag-isa sa bahay. 

 

Pumasok na ako sa bahay at humiga sa sofa habang nakatulala.

Dalawang linggo na akong ganito. Laging tulala at wala sa sarili, minsan napapansin na nina nanay pero buti naniniwala sila sa reason ko na pagod lang dahil sa school works.

Ilang minuto rin akong nakatulala nang marinig kong may nagtext sa akin.

Tiningnan ko kung sino ang nagtext

. Si Jisoo.

"Can we talk? Please."

Ah oo, siya ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon.

Two weeks na  ang nakalipas nang nagpunta ako sa bahay nila at simula noon ay iniwasan ko na siya. Although everyday kaming nagkikita dahil classmate kami pero sa tuwing lalapit siya sa akin ay iiwas o lalayo agad ako o hindi naman kaya ay magdadahilan ako na may gagawin o pupuntahan ako. 

Natatakot ako e. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung paano siya harapin after nang gabing iyo. Hindi ko alam. Basta ang alam ko ay kailangan ko muna siyang iwasan, layuan para makapag-isip-isip.

Ganun din kay Irene.

Yes, iniiwasan ko si Irene unnie, kasi hindi ko rin alam ang gagawin at sasabihin ko sa kanya. Alam kong naguguluhan din siya sa mga nangyayari. At marami rin siyang tanong na gustong itanong sakin. Pero kahit ako hindi ko alam ang isasagot sa mga possible questions na itatanong niya.

  Naguguluhan ako sa mga nangyayari sa akin ganun din sa nararamdaman ko.

Alam ko na sinabi ko sa kanya na gusto ko siya, pero after that night na nakausap ko si Jisoo, hindi ko na alam kung gusto ko pa ba talaga siya. 

Sa loob ng dalawang linggo, pilit kong inaayos ang utak ko kasi gulong-gulo na ito. Pero utak nga ba dapat ang ayusin ko o ang puso ko?

Hindi ko alam.

Sa buong buhay ko, hindi ko naimagine na mangyayari sa akin ito.

 

 

Flashback

Bakit  ba ako pumayag na dito sa bahay ni Jisoo kami manggagawa ng report namin eh alam na alam ko namang dito rin nakatira si Irene.

Well, maybe because gusto ko ulit makita si Irene unnie.

Pero lang talaga dahil wrong decision ang pagpayag ko dahil may family dinner pala sila. Nihindi nga ako part ng family nila unless kung papakasalan ko si Irene unnie. Hehehe.

But mali parin kasi bukod sa napaka-awkward ng paligid eh ramdam na ramdam ko rin ang matinding pagtitig sa akin ni Irene unnie simula nang dumating ako. Siguro kung nakakamatay lang ang titig niya kanina baka pinaglalamayan na ako kanina pa. Pero Hindi ko naman siya masisisi kasi dumating ako sa bahay niila unannounced at kasama ang kapatid niya.

Sa totoo lang gustong-gusto ko nang umalis pero nahihiya ako at saka hindi pa namin nagagawa yung report.

Mababait naman ang parents nila at they are good looking. No wonder kung bakit ang ganda nina Irene at Jisoo, pero wait, anak nga pala sa ibang babae si Jisoo so ibig sabihin maganda rin talaga ang biological mother niya. Pero hindi mo maiisip na anak sa ibang babae ni tito Hyunbin si Jisoo kasi at some angel eh nakakamukha ni Jisoo si tita Yejin. 

Hay. Hindi ata uso sa pamilya nila ang salitang “pangit” 

Tahimik lang si Irene pero alam ramdam ko ang pagtingin-tingin niya sa akin. Minsan nakikijoin din siya sa usapan.

Si Jisoo naman walang kaimik-imik at kain lang ng kain. Ni hindi nga ako tinatanong kung ok lang ako. Letche di man lang marunong mag-entertain ng bisita.

Sina Tita at Tito ang nag-iinitiate ng usapan. Tinatanong nila ako about sakin, kina nanay at tatay and other stuff. Para tuloy akong jowa o manliligaw ng anak nila na kinikilala nila ng mabuti. Masyado naman silang advance di pa kami official ng panganak nyo. hehe

Maya-maya ay bigla nang tumayo si Jisoo at inakit na ako papuntang kuwarto niya. 

napatingin ako kay Irene na nakatingin sa magkahawak naming kamay ni Jisoo-----ah hindi sa kamay ni Jisoo na nakahawak sa kamay ko. Ilang segund siyang nakatingin doon bago siya tumingin sa akin. 

I'm not dumb para hindi malaman ang meaning ng tingin niyang iyon. Alam ko na naiinis siya at nagseselos sa nangyayari pero wala akong ibang nagawa kundi ang humingin ng sorry sa kanya.

Nagpaalam lang ako at hinila na ako ni Jisoo papunta sa kuwarto niya.

 

Pagpasok namin sa kuwarto ay kinuha niya agad ang bag ko at inilagay ito sa maliit na sofa katabi ng study table niya.

"Upo ka muna dyan. Do whatever you want muna, liligo lang ako." sabi niya habang kumukuha ng damit sa drawer niya.

"Ah sige, take your time. Magbabasa-basa na lang muna ako." 

Hindi na siya umimik

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 31: Seulrene pa rin mga fokfok, kwek kwek nation mag ingayyyyyyy
seulrenety
#2
Chapter 31: goodluck na lang kay seulgi 🤧
gomtokki_23
#3
Chapter 31: forgot the story already. reread ko muna mula umpisa hehe
vanillacookiescream
#4
bigla akong nahiya bat puro jisoo comment ko rito
PineappleSeulgi
#5
re-read?
JiHyun12 #6
Chapter 30: Updaaaaate please!!
seulrenety
#7
Chapter 30: wag kang ghoster author-nim HAHAHAHAH uso mag update 🤧
vanillacookiescream
#8
Chapter 30: GRABE JISEUL ENDGAME JISOO LANG char lupet naman ni ate Jisoo first love naman pala
vanillacookiescream
#9
Chapter 29: Jisoo napakalakas
vanillacookiescream
#10
Chapter 27: Jisoo lang malakas