Chapter 9

Love Me
Please Subscribe to read the full chapter

Seulgi POV
Paano ko ba ito sisimula?
Halos isang buwan na rin ang lumipas simula nang nagsimula ang buhay ko sa college. At sa loob ng isang buwan na iyon wala akong ibang naramdaman bukod sa kasiyahan. 
Bakit? Simple lang, dahil lang naman sa isang taong nakilala ko noong mga unang araw ko sa college. Yung taong lagi kong pinapahiram ng panyo ko. Tama, dahil kay Irene Bae.
Simula nang nagkatext kami naging close na kami. Sa tuwing nagkakasalubong kami sa school lagi niya akong binabati dahilan para mainggit yung iba kong kasama kasi raw binata ako ng DYOSA ng school. Araw-araw na rin kaming magkatet at minsan magkatawagan pa, nagkukumustahan sa mga nangyrai sa araw namin. Hindi na rin ako masyadong awkward sa kanya, minsan niloloko ko rin siya. At ang dami ko ring nalaman tungkol sa kanya, tulad ng solo lang siyang anak, may business ang pamilya nila, Social Studies major siya kasi sabi niya gusto nyang i-challenge ang sarili niya, hindi siya nakain ng chicken kasi nagkaka-indigestion siya, purple ang favorite niyang color, homebuddy at marami pang iba. Pakiramdam ko tuloy kilala ko na siya noon pa. 
Naikwento na rin niya sa akin yung about sa kanila nung ex-bf niyang si Bogum. At isa lang ang masasabi ko, ANG TANGA NI BOGUM PARA MAKIPAGHIWALAY KAY IRENE. Ginto na, iniwala pa. Pero may part sa akin na nauunawaan ko si Bogum. I mean hindi naman niya ginusto yun, hindi naman siya nambabae at nagtaksil sa likod ni Irene kusang nanlamig lang. Pero potato naman, kahit sino namang makakakita kay Irene mag-iinit, manhid na lang siguro at tanga kung hindi ka mag-iinit pag nakikita siya. 
Nung tinanong ko naman siya kung ok na siya ang sabi niya, medyo ok na raw siya at nakakarecover na sa hiwalayan nilang dalawa dahil daw sa isang tao. Tinanong ko siya kung sino yung ‘tao’ na iyon pero ayaw niyang sabihin next time na lang daw. Nung sinabi niya yun, parang may kung anong kirot yakong naramdaman sa aking puso pero kaonti lang naman kaya hindi ko pinansin. Basta ang mahalaga nakakausap ko siya at close na kami.

----------

Habang nagdidiscuss yung professor namin about sa buhay ni Rizal ( sa totoo lang para siyang si Lola Basyang habang nagdidiscuss) ay nakatanggap ako ng text galing kay Byulie

From: Byulie~
Yah!Rakrakan na mamaya, 8 pm sa dating lugar.


Tangina, dadali na naman itong mga ‘to. Naging tradisyon na naming magkakaibigan na mag-inuman isang beses sa isang buwan. Pero minsan hindi lang isa, depende kapag may nanlilibre o kapag may malaking problema ang isa. Alam naman ito nina Nanay at Tatay basta dapat before 11 nasa bahay na ako, itetext ko sila oras-oras minsan nanghihingi ng picture para kita nila, basta walang kasamang lalake at hindi sobrang lasing. Alam  Ok lang naman daw ang mag-inom kasi normal yan sa teenage life basta know your limits. Pero minsan napapasobra rin ang inom ko, tanda ko pa noon na halos isang buwan akong pinagbawalang gumagala nina Nanay dahil sobra akong nalasing kaya simula noon hindi na ako masyadong naglalasing. At saka kawawa naman yung mga ulol kong kaibigan walang maghahatid sa kanilang bahay kapag nalasing sila.
Ire-ready ko na ang sarili ko mamaya dahil alam kong magiging tagahatid na naman ako nang mga iyon.

 

To: Nanay and Tatay
Andito na po kami.

From: Nanay and Tatay
Ok, magpicture ka kasama nila pati na rin yung place.


Napabuntong hininga na lamang ako sa text nina nanay at tatay.

“Guys, picture nga tayo, pang-ebidensya lang kina nay at tay. Dali.” Sabi ko sa kanila na habang nagkakagulo sila sa kung ano ang iinumin at pulutan. Kulang na lang maghampasan ng menu ang mga ito. Umayos naman sila ng puwesto at kanya-kanyang pose ang mga gaga. Pagkasend ko ng picture kina nanay at tatay ay pinaalalahanan lang sa akin nina nanay at tatay yung rules namin.

Pagkatapos ng mala-world war II na pagtatalo sa iinumin ay nakaorder na naman kami at talagang sa first round pa lang hard na agad. Tatakaw sa alak. 


Habang naghihintay kami ng order namin ay nagkukwentuhan lang muna kami. At ang topic naming? Tungkol lang naman sa mga professor namin. Siguro kung nakain lang sila paniguradong nabilaukan na sila. Nang dumating na yung order namin ay dali-dali namang sinunggapan ng mga gaga yung alak. Kanya-kanyang lagay ng alak sa baso. Kaonti lang muna ang kinuha siyempre bawal malasing.
Sa kalaagitnaan ng inuman namin ay nakatanggap ako ng isang text.

From: Irene Bae
Hi Seulgi, anong ginagawa mo?

Pota, kinilig naman ako sa text niya.

To: Irene Bae
Hi Irene, kasama ko mga kaibigan ko ngayon, jamming lang. hehe

“Hi Irene, kasama ko mga kaibigan ko ngayon, jamming lang. hehe”


Anak ng tokwa! Kamuntikan ko nang mabitawan yung cellphone ko dahil biglang nagsalita si Somi na kasalukuyang binabasa yung convo namin ni Irene. Bigla namang tumigil sa tawanan at pag-inom yung mga gaga. Parang tumigil ang mundo nila at sabay-sabay na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 31: Seulrene pa rin mga fokfok, kwek kwek nation mag ingayyyyyyy
seulrenety
#2
Chapter 31: goodluck na lang kay seulgi 🤧
gomtokki_23
#3
Chapter 31: forgot the story already. reread ko muna mula umpisa hehe
vanillacookiescream
#4
bigla akong nahiya bat puro jisoo comment ko rito
PineappleSeulgi
#5
re-read?
JiHyun12 #6
Chapter 30: Updaaaaate please!!
seulrenety
#7
Chapter 30: wag kang ghoster author-nim HAHAHAHAH uso mag update 🤧
vanillacookiescream
#8
Chapter 30: GRABE JISEUL ENDGAME JISOO LANG char lupet naman ni ate Jisoo first love naman pala
vanillacookiescream
#9
Chapter 29: Jisoo napakalakas
vanillacookiescream
#10
Chapter 27: Jisoo lang malakas