Chapter 1

Love Me
Please Subscribe to read the full chapter

Seulgi POV

 

 

"Got to believe in magic
Tell me how two people find each other
In the world that full of strangers."

Bukod sa ingay na nagmumula sa mga sasakyan, binalot ng kantang ito ang jeep na sinasakyan ko. Grabe lang sa volume si manong driver ah. Hindi na nga niya marinig na may pumapara eh patuloy lang siya. Kaya minsan sumisigaw na ako ng, "MANONG PARA DAW PO!!!" at sasabayan ng napakalakas na preno dahilan para magsiksikan kami. Kawawa naman yung nasa dulo laging ipit. 

"Ano ba naman yan manong dahan-dahan naman gusto ko pang mabuhay ng matagal." reklamo ng ibang pasahero. Humingi lang ng pasensya si Manong sa amin. Tsk. Tsk. Sarap upakan eh.

Actually, first time kong magbiyahe ng mag-isa. Normally lagi kong kasabay ang parents ko dahil teacher si nanay sa high school na pinag-aaralan samantalang principal naman si tatay. Pero ngayon solo na ako at naninibago pa ako kasi ang layo sa bahay namin ang college school na pinasuka ko. May malapit namang college school sa lugar namin pero ayaw ng parents ko roon dahil daw wala roon ang course na gusto nila para sa akin which is ang maging isang GURO na katulad nila. Oo, sila ang pumili ng karera na kailanga kong tahakin. Sila ang masusunod at magdedesisyon. Ok lang naman sa akin yun dahil alam kong iyon ang mas makakabuti sakin. Di nga ba parents know the best for you kaya ok lang sakin. At isa pa solong anak nila ako kaya ganun na lang ang pagtrato nila sa akin. Nakabuhos sa akin ang lahat ng kanilang atensyon. Binibigay sakin ang lahat ng hilingin ko pero siyempre limited lang din. 
And since na teacher and principal ang parents ko sobra-sobra ang disiplina nila sa akin. Oo, strikto sila pero hindi naman ganun kastrict. Nakakagala parin naman ako kasama ang mga kaibigan ko, nakakasama sa outing, sleepover pero siyempre kailangan updated sila. Tatawagan nila ako o itetext kung ok lang ako at mag-ingat ako. 
At dahil mataas ang tingin sa kanila ng mga tao, kailangan kong maging maingat sa lahat ng kilos o galaw ko. At dahil ayaw kong madissapppiont sina nanay at tatay kaya ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para maging laging top 1 sa klase.
Masaya ako sa buhay ko, kontento na ako dahil may mga magulang akong sobra akong mahal. 

Napansin ko na medyo malayo-layo pa ang school ko at patuloy parin ang pagpapatugtog ni Manong. At dahil wala akong magawa at naiinip na ako, pinagmasadan ko ang mga pasaherong kasabay ko. Mahilig kasi akong mantitig sa mga tao kaya akala ng iba type ko sila. Lol as if naman. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 31: Seulrene pa rin mga fokfok, kwek kwek nation mag ingayyyyyyy
seulrenety
#2
Chapter 31: goodluck na lang kay seulgi 🤧
gomtokki_23
#3
Chapter 31: forgot the story already. reread ko muna mula umpisa hehe
vanillacookiescream
#4
bigla akong nahiya bat puro jisoo comment ko rito
PineappleSeulgi
#5
re-read?
JiHyun12 #6
Chapter 30: Updaaaaate please!!
seulrenety
#7
Chapter 30: wag kang ghoster author-nim HAHAHAHAH uso mag update 🤧
vanillacookiescream
#8
Chapter 30: GRABE JISEUL ENDGAME JISOO LANG char lupet naman ni ate Jisoo first love naman pala
vanillacookiescream
#9
Chapter 29: Jisoo napakalakas
vanillacookiescream
#10
Chapter 27: Jisoo lang malakas