Chapter 12

Love Me
Please Subscribe to read the full chapter

Seulgi POV

Dali-dali kong iniabot kay manong yung bayad ko at tumakbo papunta sa kinaroroonan niya. 
Wala na akong pake kung 50 pesos ang binayad ko sa tricyle driver. Kung nakapambahay lang ako at nakatsinelas. At kung hindi ako nakapagpaalam kina nanay at tatay. Ang mahalaga mapuntahan ko siya at makita. 


Tumawag kasi siya kanina na kahit hindi ko siya nakikita, bakas naman sa kanyang boses na umiiyak siya. Tinanong ko siya kung nasaan siya at nung sinabi niya yung lugar na kanyang kinaroroonan ay agad akong tumakbo sa papalabas at sumakay sa tricycle na dumaan. At buti na lang din may pera ako sa bulsa.


Sabado ngayon kaya maraming tao especially mga bata ang nandito sa parke. Tumakbo ako doon sa lugar kung saan kami umupo nung hinila niya ako papunta dito. At sa di kalayuan, natanaw ko na siya. Tumigil ako sa pagtakbo at tiningnan muna siya. Nakayuko ang ulo niya at natatakpan ng buhok niya ang kanyang mukha. 


Naglakad ako papalapit at tumigil nung nasa tapat na niya ako. Naririnig ko ang mahinang pag-iyak niya. At mukang di pa niya napapansin ang pagdating ko.

“I-Irene.” Pagtawag ko sa kanya. Medyo umangat ng kaonti ang ulo niya.


“Irene.” Muli kong pagtawag sa kanya.

At tuluyan na niyang iniangat ang ulo niya at ttumingin sa akin.
Puno na naman ng luha ang kanyang mga mata at pisngi katulad nung nakita ko siya sa SC noo.

Muli kong naramdaman ang kirot sa aking puso. 
Pero walang ano-ano ay bigla siyang tumayo at niyakap ako.


Mahigpit yung pagkakayap niya sa akin, kulang na lang mabali yung mga buto ko. Umiiyak siya habang nakayap. Samantalang akong parang estatwa na nakatayo lang. Hindi ko alam ang gagawin. Yung mga kamay ko, hindi ko alam kung saan ilalagay. 


Dapat ko rin ba siyang yakapin?


Paano kung ayaw niya?


Pero, una naman siyang yumakap sakin at mukang kailangan niya ng yakap.


Ah, bahala na. 


Unti-unti kong ginalaw ang braso ko para yakapin din siya. At nung nakayakap na ako sa kanya, lalo niyang hinigpitan ang pagkakayap sa akin. Hindi ako makahinga bes. Patuloy parin siya sa pag-iyak at naramdaman kong basa na rin yung damit ko. Awkward man sa akin pero tinapik-tapik ko na lang ang likod nya, parang way ng pagsasabing ‘ok lang yan.


Ilang minuto rin kaming nakatayo habang magkayap at sigurado akong pinagtitinginan na kami ng iba. Pero wala akong pake, kailangan ni Irene ng yakap, yun ang mas mahalaga. At saka di naman nila kami kilala kaya ok lang.


Maya-maya ay tumigil na siya sa pag-iyak at kumawalas sa pagkakayakap sa akin. Para akong nadisappoint na ewan nung lumayo siya at umupo na ulit. Bigla kong namiss yung yakap nya.


Umupo ako sa tabi niya.Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Sinusulyapan ko siya pero nakatingin lang siya sa unahan niya. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.

“Seulgi.” Kahit mahina yung pagtawag niya sa boses ko ay narinig ko parin. Tumingin ako sa kanya.


“Yeah?”


“Anong mararamdaman o gagawin mo kapag nalaman mong ang taong pinakamamahal at pinagkakatiwalaan mo buong buhay ay nagsinungaling sayo?”


Napaatras naman ako sa tanong niya. Kahit hindi niya sabihin, alam kong ang tanong na yun ay para sa kanya. Kita naman sa mukha niya. Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa mga ganitong tanong. Mas mahirap pa ito sa pag-eexplain ng iba’t ibang educational philosophy e. Hindi ba pwedeng tanungin na lang niya ako tungkol sa theory ni John Dewey na Learning by Doing?


Pero mukang kailangan niya ng sagot. Bahala na kung anong lumabas sa bunganga ko.

“Err, siyempre sa una masasaktan at magagalit kasi nagsinungaling siya. Normal lang naman yun.” Tumingin ulit ako sa kanya at ipinagpatuloy ang sasabihin ko.


”Pero…” mahina kung sabi at tumingin ka na rin sa akin.


“hindi ko kayang magalit sa mga taong mahal ko. Oo sinaktan nila ako pero hindi ibig sabihin nun hindi ko na sila patatawarin. Walang taong perpekto, lahat nagkakamali and everyone deserves another change. At kung nagsinungaling man siya, siguro para rin sa iyo yun, para hindi ka masaktan o masira ang buhay mo. Minsan kasi kaya nagsisinungaling ang tao ay dahil gusto lang nilang protektahan ang taong mahal nila. Mabuti nang magkasala sila dahil sa pagsisinungaling basta wag ka lang masaktan.” 


(Naks! Buti na lang active ako sa mga class recitation, kahit papano ay nasasanay ako sa pagsagot. Lol.)


Nakatingin parin siya sa akin kahit tapos na akong magsalita. Para bang pilit niyang inuunawa yung mga sinabi ko. Hanggang sa napangiti na lang siya. Nagtaka naman ako. May nakakatawa ba sa sinabi ko?


“Alam mo, tama lang na ikaw ang tinawa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 31: Seulrene pa rin mga fokfok, kwek kwek nation mag ingayyyyyyy
seulrenety
#2
Chapter 31: goodluck na lang kay seulgi 🤧
gomtokki_23
#3
Chapter 31: forgot the story already. reread ko muna mula umpisa hehe
vanillacookiescream
#4
bigla akong nahiya bat puro jisoo comment ko rito
PineappleSeulgi
#5
re-read?
JiHyun12 #6
Chapter 30: Updaaaaate please!!
seulrenety
#7
Chapter 30: wag kang ghoster author-nim HAHAHAHAH uso mag update 🤧
vanillacookiescream
#8
Chapter 30: GRABE JISEUL ENDGAME JISOO LANG char lupet naman ni ate Jisoo first love naman pala
vanillacookiescream
#9
Chapter 29: Jisoo napakalakas
vanillacookiescream
#10
Chapter 27: Jisoo lang malakas