Chapter 8
Love MeSeulgi POV
Ang sabi niya tawagn ko siya pagkarating ko sa bahay, ginawa ko naman pero bakit…bakit hindi siya sumagot? I mean, di ba pag sinabi ng isang tao na tawagan siya dapat sagutin ng taong yun ang tawag niya? Pero bakit siya…bakit di niya sinagot? Teka, bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang big deal ang hindi niya pagsagot sa tawag ko? Bakit nakakaramdam ako ng pagkadismaya, lungkot at sakit. Hindi ko naman nararamdaman to sa mga kaibigan ko everytime na hindi nila sinasagot or kina-cancel yung tawag ko. Pero bakit kay Irene... ganun ang nararamdaman ko? Parang gusto kong umiyak. Dalawang beses ko pa lang siyang nakakausap at ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya pero bakit ang daming emosyon na agad ang naramdaman ko dahil sa kanya.
Irene POV
Hindi na nawala ang ngiti sa aking labi simula nang dumating ako sa school galing sa parke kasama si Seulgi. Hindi ko naman ikakaila na si Seulgi ang dahilan sa mga ngiting ito. Sobrang cute niya kasi. Sa tuwing naaalala ko yung itsura niya na namumula at nahihiya lalong lumalaki ang ngiti ko. My God, mapupunit na ata ang labi ko sa kakangiti. At least kahit papano ay nabawasan yung sakit na nararamdaman ko. Sa tingin ko nga nawala yung sakit e.
Ah! Kang Seulgi, why so cute eh?
-------------------
Tinapos ko lang yung mga gawain sa SC at umuwi na ako, pasadong 6 pm na rin.
Pagdating ko sa bahay as usual katahimikan ang sumalubong sa akin. Lagi kasing nasa business trip sina Mommy at Daddy kaya lagi akong naiiwang solo sa bahay kasama si Yaya. Laking yaya ako, sa totoo lang mas close ako kay yaya kaysa sa magulang ko. Mula nung natuto akong maglakad hanggang ngayon si yaya na yung kasama ko. Kaya sa tuwing may problema ako kay yaya ako lumalapit. Itinuring na rin ang tunay na anak ni yaya dahil wala siyang asawa at anak. Sabi niya hindi na raw niya kailangan pa ng pamilya dahil kasama niya ako. Itinuring ko na rin siyang nanay ko kaya nangako ako sa kanyan na pag tumanda na siya ako naman ang mag-aalaga sa kanya gaya ng pag-aalagang ginawa niya sa akin.
Pagdating naman kina Mommy at Daddy, sabihin na lang natin na hindi sila ganun kastrikto sa akin. Sinusuportahan nila ako sa lahat ng desisyon na gagawin ko at malaya akong gawin ang lahat ng gusto ko kasi sabi nila “We trust you Irene.” Pero kahit na malaya ako siyempre di ko naman sinasamantala yung kalayaan na ibinigay sa akin nina Mommy at Daddy.
At kahit na ibinibigay nila lahat ng gusto ko ay hindi ko parin maiwasang magtampo sa kanila. Lagi kasi silang wala sa mahahalagang okasayon. Siyempre bilang isang solong anak na
Comments