CHANCES

CHANCES

 

Naging mas malapit si Kim at si Simon, kung dati text text lang at sa twitter lang nasasabi ni Simon ang
 
gusto nitong sabihin, ngayon ay nag-iba na, parati na silang nagkikita pero kahit na anong tanong ng press
 
ay wala silang sinasagot, habang si Gerald naman ay patuloy padin sa panliligaw, ngunit tulad ng
 
nauna nang sinabi ni Kim hanggang magkaibigan nalang sila, pero pursigido parin ito at makikita mo ito
 
sa kung paano ang pakikitungo niya kay Kim, hangga't sa nagagalit na ang mga fans ni Gerald dahil daw
 
napakatigas naman daw ng puso ni Kim para hindi pakiramdaman si Gerald, at ginagawa naman daw lahat ni
 
Gerald pero bakit ayaw parin niyang sagutin ito. Nag-aaway away na ang fans ni Kim at Gerald 
 
sa internet. Nung birthday ni Gerald ay inimbitahan siyang mag-guest sa The Buzz.. "Gerald Anderson....
 
babasagin na kung ano ang totoong estado ng relasyon nila ni Kim ngayong kaarawan niya? napasagot niya na
 
kaya ang dalagang aktres!?" headline sa The Buzz, inabanagan ng lahat ang interview na 'to lalo na ng mga
 
fans ng dalawa. "Magandang hapon Gerald!" bati ni Tito Boy kay Gerald "good afternoon din ho! sa inyong lahat!
 
magandang hapon!" bati ni Gerald sa lahat ng manonood "happy birthday!...." bati pa ni Tito Boy "salamat po"
 
simpleng pasasalamat ni Gerald "so kumusta ang buhay?" tanong ni Tito Boy "eto.... nagpapasalamat at 
 
napakaraming blessings at umabot nanaman ako ng 22 years old.." sagot ni Gerald "kumusta ang buhay pag-ibig!?"
 
agad na dagdag ni Tito Boy "ayos lang.... I'm single... but my heart......." putol na sagot ni Gerald
 
na nagpahiyaw sa lahat ng manonood.... natawa rin naman si Tito Boy "maari bang malaman kung sino.?".....
 
"i guess you all know!" sagot ulit ni Gerald "siguro nga pero gusto naming malaman kung tama ang 
 
iniisip ko" pamimilit ni Tito Boy, ngunit tumahimik lang si Gerald "Gerald are you still pursuing on Kim Chiu.?"
 
tanong ni Tito Boy, at tumango lang si Gerald, kasabay ng katahimikan ni Gerald ay ang pagtahimik ng buong 
 
studio, "how was it.?" tanong ulit ni Tito Boy pero hindi malaman ni Gerald kung ano ang tamang sagot
 
"I mean you still communicate.? talk to each other? go on a date.?" ellaborate ni Tito Boy "oo.. we still 
 
communicate, we still talk to each other....." sagot ni Gerald "Gerald, simula nang maghiwalay kayo ni 
 
Kim ay dumagsa agad ang nagpapahiwatig ng paghanga kay Kim, how do you feel? nagseselos ka ba?" .......
 
 
"ahm syempre..... hindi na siguro maiiwasan yun.... Kim is still a very special girl to me after all."
 
tilian ulit ang mga nanonood. "so mahal po parin talaga siya" natahimik lang si Gerald at napangiti nalang
 
bilang pag-oo nito naintindihan na agad iyon ni Tito Boy "Gerald... sa mga ngiting yan.... posible ba 
 
na sinagot ka na niya.?" dagdag ni Tito Boy na nangingiti din "hindi pa po..... tsaka malabo na ata yun"
 
sobrang hina ng pagksabi ni Gerald sa mga huling salita niya pero narinig iyon ni Tito Boy. Dahil sa
 
interview na iyon ay parang nabalin ang simpatya ng lahat kay Gerald at parang lahat ng nakanood nun ay
 
parang nagalit kay Kim. Natapos na ang interview at tulad ng inaasahan buong buo na pinanood ni Kim ang 
 
interview na iyon ni gerald, masakit para kay Kim na nakikitang ganito si Gerald dahil napakalalim rin
 
ng pinagsamahan nila at hindi niya kagustuhan na sa kaligayahan niya ay ang pagkadurog ng damdamin ni 
 
Gerald. Lumabas na ang kung ano anong tabloid na laman si Kim, madami na ang naitawag sa kanya, kesyo
 
play girl ito, masamang babae, manggagamit at kung ano ano pa. Pinalampas lahat ng iyon ni Kim at hindi na 
 
niya pinansin. Samantala hindi na mapigilan ang paglalapit nina Kim at Simon naging mas visible ang dalawa
 
sa publiko, nakikita silang magkasama sa mall o di naman eh nakikita si Simon sa set ng taping ni Kim.
 
Iba iba rin ang tanggap ng publiko sa balitang iyon, ang iba sinabi na "Kim Chiu play girl nga talaga!:
 
pinagsasabay si Simon Atkins at Gerald Anderson" yung iba naman masaya na nagkikita si Simon at Kim.
 
Makalipas ang sobra isang buwan matapos ang birthday ni Gerald ay birthday naman ni Kim, napapaisip 
 
si Simon kung ano ang ibibigay niya kay Kim sa kaarawan nito "anong gusto mo sa birthday mo!?" tanong ni
 
Simon kay Kim nang isang beses silang magkasama "huh!.... hindi naman kailangan eh... kahit......
 
e greet mo lang ako sa araw na yun..." sabay ngiti kay Simon, ramdam na ramdam ni Simon na totoo ang
 
sinabi ni Kim pero syempre gusto niya parin itong regaluhan bilang pasasalamat sa lahat ng ginawa nito.
 
"yeay! 12:01 na!! birthday na ng Princess ko! hahaha.... HAPPY BIRTHDAY PRINCESS! I <3 U!.... gus2 q
 
aq ang maunang bumati sa kauna-unahang birthday mo na kasama ako" 12:03 na ng
 
matanggap ni Kim ang message na yun, hindi kasi madalas na sabihin ni Simon ang mga nahuling katagang iyon 
 
pero napangiti agad si Kim sa mga oras na iyon kahit na pagod na pagod at hindi pa umuuwi galing sa
 
taping "wow ano yun? nag count down? hehe.... maraming maraming salamat ahp... basta! :D <3" reply ni Kim.
 
"Happy birthday ma FRIEND!!!!" sigaw ni Maja nang makita si Kim Chiu sa studio ng ASAP. "Yes! ako ang
 
naunang bumati!! ahahaha... libre mo ako mamaya!" masayang salubong ni Maja "hindi kaya ikaw!?..."
 
sagot ni Kim habang naglalakad na papasok ng dressing room... "ano!? sino naman ang gumising ng ganun
 
kaaga para lang batiin ka!?" tanong ni Maja  pero nginitian lang siya ni Kim na parang kinikilig.
 
"Happy birthday Kim!..." bati ng lahat ng kaibigan ni Kim at ng lahat ng makakasalubong niya. 
 
"wala na! naunahan na tayo sa bati!" sabi ni Maja sa mga kaibigan nila nang pumasok sa dressing room
 
si Kim "pssst" tawag ni Kim kay Maja para tumahimik "maraming salamat!" ang tanging nasasabi ni Kim 
 
sa lahat ng tao na bumabati sa kanya. "HAPPY BIRTHDAY KIM CHIU!" bati ng lahat ng kasama ni Kim na nag-host
 
sa opening ng ASAP.... "nakuh po... abangan niyo si Kim dahil mamaya lilipad siya para lang sa birthday
 
niya!" exaggeration ni John Lloyd "yes naman! talaga? aabangan natin yan" dagdag pa ni Maja at nagsimula
 
na nga ang opening prod. "Happy birthday po ulit! sobrang ganda mo talaga!" text ni Simon kay Kim sa 
 
bakcstage "galing mo talagang mambola.... di bale salamat narin... nood ka ha? mamaya may prod ako
 
para sa birthday ko" nakangiting sabi ni Kim "nakuh! yan ba ang naunang mag-greet!" sabi ni Maja 
 
 
nilagay lang naman ni Kim ang hintuturo nito sa gitna ng labi niya na parang gustong sabihin na 
 
"oo.. wag kang maingay".... "aiii!... talaga naman!" sigaw ni Maja habang kinikilig, "oo naman..."
 
matapos nun ay naghanda na siya para sa prod niya, sasayaw at kakanta si Kim para sa prod ngayong taon,
 
magsusuot siya nung tights and leotards na embelished with stones  and crystals  tapos
 
ilalagay ang isang skirt na hanggang baba ng dibdib niya kaya para siyang naka gown, tapos ay kakantahan
 
siya ng lahat ng katrabaho niyang lalaki, at ang isang espesyal daw na lalaki sa buhay nito na ni minsan
 
daw ay hindi pa niya na kasama sa mga prod niya "hindi na pinag-isipan ni Kim dahil ang nasa isip nya
 
ay si Daddy William niya ito, matagal narin silang hindi nagkita. Nang susunod na ang prod ni Kim
 
ay nagtext siya kay Simon "ako na susunod".... pumasok naman si Gerald sa dressing room nila "happy birthday!...
 
i'm so sorry sa lahat ng dinulot ko sayo..... at salamat sa lahat ng memories.... i love you" tahimik
 
na sabi ni Gerald kay Kim, napangiti naman si Kim kay Gerald at niyakap niya itong mahigpit, habang
 
naluluha ang dalawa, nagtinginan naman lahat ng tao sa dressing room pati ang mga nasa labas ay 
 
napasilip sa pintuan, maluwag na maluwag ang dibdib ni Kim sa araw na iyon at syempre kinalimutan na 
 
lahat ni Kim ang kung anumang masamang nangyari sa kanila ni Kim kaya walang kahit na anumang galit 
 
ang nararamdaman nito sa kanya. "salamat!...." bulong ni Kim kay Gerald sabay halik sa pisngi nito.
 
Naghiyawan ang lahat ng tao roon sa nakita nila at lumabas na nga si Kim pero bago iyon ay tiningnan muna 
 
ni Kim kung nagreply ba si Simon, pero wala siyang natanggap na message. "sumakay na si Kim dun sa naka
 
harness na props na sasakyan niya, sasayaw muna si Kim kasama ang YM Gymnastics group ba yun.?....
 
kinabahan ng unti si Simon dahil medyo delikado ang mga stunt na gagawin ni Kim pero naitawid naman iyon 
 
ni Kim pagkatapos ay pumasok ang isang dancer at tinulungan isuot kay Kim ang isang skirt kaya nang maisuot
 
na ito ni Kim ay para itong nakagown at brown stones and crystals ang tube nito na nakadikit dun sa tights
 
ang leotards niya at sinuot ang isang color plats ng aldo tsaka umupo sa gitna ng stage, at nagsimula
 
nang tumugtog ang kanta, alam niya na kakantahan siya ng mga boys pero hindi niya alam kung ano ang kantang
 
kakantahin. "like only a woman can by: brian mcfadden" ang kinanta.
 
Isa isang nagsilabasan ang mga leading mens at naging leading mens niya.....
 
 
..."i wasn'tt pefect... i've done a lot of stupid things...
 
...i'm still no angel...
 
...i wasn't looking for forgiveness.......
 
 
sunod sunod na lumabas sina Sam, John LLoyd, Piolo,
 
 
...shocked by her attention..
 
...someone signed me up for love i didn'want it...
 
...but now i can't leave without it....
 
 
patuloy pa na kanta ng iba, sabay lumabas si Gerald at pinagpatuloy ang kanta. hangga't sa matapos ang
 
unang chorus!.... 
 
 
...she changed my life..
 
...she cleaned me up..
 
...she felt my heart...
 
...like only a woman can...
 
...she pulls me up when she knows i'm sad...
 
...she knows her meant... LIKE ONLY A WOMAN CAN!..
 
 
Nang lumabas na si Gerald ay napatayo si Kim at nakangiting sinalubong si Gerald, talagang nakikinig
 
si Kim sa lyrics, damang dama naman ni Gerald ang buong chorus at buong pusong kinanta iyon kay
 
Kim, naka lip sync ito pero damang dama iyon ni Gerald habang nirerecord iyon. Hindi maiwasan 
 
malungkot ni Kim sa mga pangyayari, masakit man ay hindi na kayang ibalik ni Kim sa dati ang lahat, 
 
hindi nito maiwasang malungkot at masaktan para kay Gerald, nilibot ng buong braso ni Gerald ang
 
tagiliran ni Kim habang kumakanta at pasulyap sulya itong tummitingin kay Kim at madalas ay nagkakatitigan
 
ang dalawa pero sa kalagitnaan ng kanta ay napaluha talaga si Kim dahil damang dama niya ang sakit
 
at damdamin sa boses ni Gerald pero buti nalang at napigilan niya ito bago lumala. Nang matapos ang 
 
first chorus ay natapos na din ang parte ni Gerald pero bago pa ito bumaba sa stage ay hinagkan siya muna
 
ni Kim "maraming salamat!... i love you.." bulong ulit ni Kim kay Gerald at naiintindihan ni Gerald
 
na pagmamahal ng kaibigan ang sinabi ni Kim. Pero ito na!, sino ba itong special guest na sinasabi nila?
 
pagkababa ni Gerald ay pumunta rin si Kim sa pinakaharap na stage at nagpatuloy ang kanta.....
 
 
...she's kinda perfect...
 
...she's kinda everything i'm not....
 
 
Nagulat siya ng marinig kung kanino ang boses na yun, kilala niya ito, pero hindi pa siya sigurado kaya
 
agad siyang lumingon sa likod at nakita si......... Simon na naglalakad sa stage at papunta sa kanya.... 
 
Natakpan nito ang bibig sa pagtawa habang nakatingin kay Simon at nginitian lang rin siya ni Simon sabay
 
turo sa tenga na sinasabing "pakinggan mo.... ang lyrics" kaya agad na tumigil at kumalma si Kim. 
 
Samantala karamihan rin sa mga nanood ay nagtilian dahil kilala rin naman nila si Simon Atkins, lalo 
 
 
na sina Maja, Empress, Melissa, Kitkat , Erich at Beauty na nakakabingi kung tumili.. "Kimmmy!!! aaaaaaahhh!"
 
paulit ulit nilang sigaw!! "o my god!.... ang gwapo pala 'te sabi ni Maja sa ibang kaibigan ni Kim...
 
tawa naman sila ng tawa "oo nga! dyos ko!" sabi ni Kitkat, tapos tili nanaman ulit...
 
 
"...she's an angel..." Malapit na si Simon sa kinaruruunan ni Kim at palingon lingon rin si Kim sa kanya...
 
"...it's amazing how she's patient..."
 
...even many times i'm not...
 
...she's my conscience....
 
 
at nagkasama na nga ang dalawa sa kinaruruunan ni Kim humalik si Simon kay Kim at inakbayan sa tagiliran
 
 
 
"...who decided i'd be hers?!..." tiningnan ni Simon si Kim at ini-exagerate at expression ayun sa lyrics
 
natatawa naman si Kim
 
"...i wanna hate them!..."
 
"...coz now i can't leave without her!...." pero sa part nato ay damang dama ni Simon ang pagkakasabi
 
habang nakaharap kay Kim, inakap din siya ni Kim sa part na'to... 
 
 
...she changed my life..
 
...she cleaned me up..
 
...she felt my heart...
 
...like only a woman can...
 
...she pulls me up when she knows i'm sad...
 
...she knows her meant... LIKE ONLY A WOMAN CAN!..
 
 
Buong pusong inawit ni Simon ang kanta kay Kim dahil una sa lahat parang siya talaga ang nagsasalita 
 
sa mga lyrics  ng kanta, naka relate ito rito, dahil simula pa nung unang beses na mag tweet ni Simon 
 
ay madami na ang nagbigay ng masamang malisya rito, na ginagamit niya lang ito for publicity or
 
hindi ito sincere sa nararamdaman kay Kim, at higit sa lahat ay nung lumutang ang picture ng ex-girlfriend
 
niya na naghahalikan silang dalawa na talaga namang pinagpyestahan ng lahat, pero matapos ang lahat
 
ay si Simon padin ang una at huli nitong pinakinggan at ang tanging sinabi ni Kim nung tinanong siya 
 
about sa picture na yun ay "opo alam ko naman yun.... alam ko na ex nya yun, tsaka ano naman ang masama
 
dun kung sila pa naman nun ng mga panahon na yun diba.?", kaya hindi na kataka taka kung ganun 
 
 
nalang ka importante si Kim kay Simon.
 
Pinutol nila ang kanta hanggang sa second chorus lang dahil masyado nang mahaba at nang matapos nga ay
 
niyakap ni Simon si Kim at binulungan "I love you........ you know that" kaya niyakap narin siya ni Kim, mas
 
lalong lumakas ang tili ng mga tao "my GOd! bagay sila!..." sigaw ni Mellisa sa mga kaibigan nito. 
 
Umakyat na nga sa stage si Nikki Gil at Anne Curtis "hi Simon!...." masayang bati ng dalawa habang 
 
umaakyat sa stage, sabay halik sa dalawa, nahihiya si Simon, hindi sa pagkanta kundi sa mga taong kakilala
 
ni Kim, kaya agad na gumilid si Simon "o san ka pupunta... dito ka tabi kayo ni Kim!" sigaw ni Nikki.
 
Kaya tumabi na si Simon kay Kim na nangingiti sa mga nangyayari. "hala! anong nangyayri sayo Kim kanina
 
kapa nakangiti" sabi naman ni Anne... "eeeehhh..." panunukso ni Anne kay Kim at nangiti lang naman si Simon
 
"Kim may gusto kang pasalamatan!... na talaga naman sobrang ikli.." sabi ni Nikki kay Kim "ai oo nga...
 
maraming maraming salamat po unang una kay LORD, sa lahat ng blessings, sa bench, faces and curves etc."
 
Tatawagin sana si Gerald pero wala na ito at pumasok sa back stage "yes! Simon? any message for Kim?"
 
sabi ni Anne kay Simon "eeeeeeeeeeehhhhh... haba ng hair! sumasayad na!" tawa ni Nikki "ahmmm... yun!
 
maraming salamat.. ahmm... i wish you more blessings, more happinness in life, a very good health and 
 
stay the same always.... i love you" mouthing words na sabi ni Simon pero gets yun nina Anne at Nikki kaya
 
agad silang nag apir! "o my god!" sigaw ng dalawa at tawang tawa lang naman sina Kim at Simon. Simula
 
nang araw na yun ay mas naging confident at mas naging komportable kay Simon na sabihin ang nararamdaman 
 
para kay Kim. Inalalayan ni Simon si Kim na bumalik sa dressing room, at nakasunod lang sa kanila ang
 
mga kaibigan ni Kim at bago pumasok sa dressing room ay nakita ni Kim si Gerald na nakatingin sa kanila
 
kaya nginitian siya ni Kim at nag mouthing words na "salamat ulit" sabi ni Kim. Bumalik na sa dressing
 
room si Kim at nagpalit ng kulay beige na plad tops at shorts at yun parin ang suot niyang sapatos. 
 
"Kim... mauna na ako.?" paalam ni Simon kay Kim "ah sige..... mamaya ah. punta ka sa bahay may kunting
 
kainan... mga 7" sabi ni Kim Bago umalis si Simon "ok po..." paalam ni Simon "aasahan kita ah.. pahabol
 
ni Kim, gusto sanang sumabay ni Kim kaso may interview pa siya sa The Buzz mamaya.
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
adul21 #1
hello po sa inyo...... eto na naman po ako.... pasensya na po pero hindi ko talaga matapos yung isang fanfic...... mahirap po kasi talaga..... binaha po kami dito sa city namin..... opo taga ILIGAN CITY po ako..... so medyo tumengga ang utak ko sa mga nangyayari samin dito..... please tulungan nyo po kaming magdasal...... sana po talaga maintindihan nyo..... pero eto na po nagsusulat na ako ulit para umusad naman ako.....
adul21 #2
HELLO PO!..... alam ko po masyado nang overdue yung hinihingi ko na extension..... pasensya na po talaga hehe kasi po nag shift ako ng course this sem. and it was a culture shock for me.... and it was exam week for me before the break, but I PROMISE.... I will post the new FANFIC BEFORE christmas... pamasko ko narin po sa inyo...... nasa CHAPTER 15 na ako dun hangga't sa matengga na nga... hehe... sana po abangan nyo parin....
adul21 #3
pasensya na po to keep you waiting.......... malayo-layo narin po ako dun sa isa..... but I just can't post it now..... kasi masyadong madami akong gustong ilagay..... it's giving me hard time para palusot lusutin ang sitwasyon sa istorya...... gusto ko tapos na siya bago ko i post para if ever na may maisip ako mas maganda masingit ko nalang..... thank you po ulit......
cflores28 #4
that's really a great news! i hope you can start posting now. :)
adul21 #5
slowly completing the draft of the next story.... abangan hehe....
cflores28 #6
I hope you can make more stories. It love reading it!
adul21 #7
maraming salamat po.. for being good to me on my first try..... had thought of another plot but it won't be this light.... pinag-iisipan ko pa kung itutuloy ko... hehehe anyways maraming salamat ulit
143kimon
#8
@Adul21 Oh, thanks naman kung ganun!!... hahahha... I love it talaga.. Ang sarap mag-asssume dba?!? lalo na kung iniisip mo na totoo iyong mga nasusulat mo.... Sarap lang sa feeling na nasi-share natin ung,, mga nai-imagine natin, sa ibang kimon.....
adul21 #9
@143kimon maraming salamat po!!! since napaka private kasi ng dalawa eh kung ano ano na tuloy iniisip ko... ahahaha kung minsan nagiging over assuming na ako sa mga tweets ni Simon dati.... ahaha kabaliwan ko lang, and yung sa star magic ball, sinulat ko yun nung mga ilang araw nalang bago ung totoong star magic ball hoping na sila ang magkasama ahahaha kabaliwan ulit... pero salamat po sa pagbabasa, sana din maka update kana, i'm reading yours too :D
143kimon
#10
Oh my god adul21!!!!..... Ang ganda.... Parehas talaga tau ng mga nasa isip,,, yung ibang ideas at scenes na nakasulat,,naisip ko na rin,,,.. Sarap lang sa feeling na hindi lang pla ako ang nakakaiisip ng mga scences na ganun...... Wahhhhhaaaaaaa!!!..... i love it...... <br />