CHANCES
CHANCES
"oh my god!!.... sandali lang....." natatarantang sigaw ni Maja habang kinukuha ang bag niya at kay Kim.
"wala bang clinic dito?" apuradong tanong ni Simon kay Maja, "meron!... pero ewan ko lang! sunday ngayon kaya.."
hindi na tinapos ni Simon ang eksplenasyon ni Maja at naglakad ulit at dinala na si Kim sa kotse nito,
"Maj! susunod nalang ako mamaya!" sigaw pa ni Gerald bago tuluyang makaalis sina Maja at Simon "sige sige"
nagmamadaling sagot ni Maja. Dinala nina Simon si Kim sa pinakamalapit na ospital at naghintay ng sandali
sa labas ng ER para sa anumang balita kay Kim. Makailang sandali pa ay lumabas na ang doktor "sino po ang
kamag-anak, kakila ng pasyente?" tanong ng doktor at agad namang naglapitan sina Maja at Simon "ako po.....
ako po...!" sabi pa ni Maja "how is she doc?" tanong agad ni Simon "ahmmmm... she's okay now..... nag over fatigue
ang pasyente, probably we just have to watch and stabelize her vital signs to be back on normal...... she really
needs a long relaxation" paliwanag ng doktor, "we already brought her to her room you could check her
already" dagdag pa nito, at sinabi ng doktor kung nasan si Kim at agad naman nilang pinuntahan ito. Dinatnan
nilang tulog si Kim kaya dahan dahan silang gumagalaw para hindi ito magising "ahmmm can you watch over her?
..........babalik lang muna ako sa ABS may kailangan pa kasi akong gawin?" nahihiyang tanong ni Maja kay
Simon na nakaupo sa isang couch sa tabi ni Kim "yeah sure!.... don't worry" mahinang sabi ni Simon "salamat ah"
ani ni Maja "no problem" sabi pa ni Simon. Tinapos ni Maja ang ASAP at niligpit na lahat ng gamit nito, tapos
nag shoot ng plug para sa susunod na linggo bago bumalik sa ospital. Makalipas ang ilang oras na tulog ni Kim
ay naalimpungatan ito at tuluyan nang gumising ng makita nito na hindi niya na alam kung nasaan siya at kung
ano ang nangyari, nagising siya ng walang kasama pero ilang sandali pa ay may nagbukas ng pinto at nakita
nitong si Simon ito, sobrang nagulat siya ng makitang si Simon ang pumapasok, pero hindi naman siya makapag-react.
Lumabas muna si Simon para bumili ng prutas at ilang groceries, "oh! kanina ka pa ba gising?" sobrang naiilang
si Simon sa mga panahong iyon, hindi niya kasi alam kung okay lang ba kay Kim na nandun siya pero gusto niya
talagang alagaan si Kim, "hindi....ngayon ngayon lang...." sagot ni Kim kay Simon habang tinitingnang pumapasok,
"how do you feel?..... are you okay now? or do you want something to eat?" natatarantang tanong ni Simon.
"No.... i'm great..." tanggi ni Kim "ano nga pala nangyari?" tanong pa ni Kim, at kinuwento naman agad lahat ni
Simon, nag mistulang breaker nadin ito ng mga ilangan factor sa pagitan ng dalawa at naging mas komportable
ang presensya at pag-uusap nila."Maj? pupunta ka na ba kay Kim?" tanong ni Gerald kay Maja "oo.." sagot agad
ni Maja "ah sige.... sabay nalang tayo" yaya ni Gerald, narinig naman ito ng iba pang kaibigan ni Kim, sina,
Enchong, Empress, Mellisa, Erich, at sinabihan narin nila sina Beauty at Kitkat na agad ring pumunta roon.
Nagkita kita na sila doon sa main entrance ng ospital, "sino ang nagbabantay ngayon doon kay Kim?" tanong ni
Mellisa, "si......." tulirong sabi ni Maja "si Simon" bunyag niya "what?... diba wa(la)....." hindi na
tinuloy na sabi ni Empress, hindi naman maiwasang mailang ni Gerald. "ahmmmm... alam mo nahihiya nga ako sayo
eh...." patuloy na kwentuhan nina Kim at Simon habang papaakyat palang sina Maja "bakit naman?" nagtatakang
tanong ni Simon "kasi..... pangalawang beses natong naospital ako tapos..... ikaw na naman" nakangiting sabi ni
Kim habang umiiwas ng tingin kay Simon "oo nga no? i guess i shuold be thankful nalang kasi at least ako
ang nandun kapag ganitong emergency.... eh paano kung walang 'me alam or nakakita?" nakangiti pero seryosong
sabi ni Simon "thank you.... thank you very much" pasasalamat ni Kim kay Simon, halatang na miss ng dalawa ang
isa't isa "gusto mo ng apple?" tanong ni Simon pero hindi na niya hinintay ang sagot ni Kim kung kaya't hindi
narin nakatanggi si Kim, kumuha si Simon ng apple sa mga pinamili niya kanina sa ref at kumuha ng kutsilyo
sabay upo sa tabi ni Kim sa kama, hiniwa niya ito ng maliit na piraso para hindi mahirapang kumain si Kim sabay
abot nito sa apple, "matamis?" tanong ni Simon nang biglang Pumasok si Maja sa pintuan "Ma Friend!" sigaw nito
ng makita nitong gising na si Kim, at nakita rin nito ang ginagawang ka sweetan ng dalawa at hindi narin niya
napigilan ang sariling kiligin "hi" bati ni Simon habang naghihiwa ulit sa hawak niyang apple, at sunod sunod
nang nagsipasukan sina, Gerald, Empress at ang iba pa at tulad ng nasaksihan ni Maja ay inabutan nilang nasa
ganoong posisyon sina Kim at Simon, "oh my god!" kinikilig na bulong ni Mellisa at Empress sa sarili pero naiba
naman ang ihip ng hangin kay Gerald. Agad naman napatayo si Simon ng makita nito na marami pala ang bisita ni
Kim at nakita pa niya si Gerald "ahmm magandang hapon" nahihiyang bati ni Simon sa lahat "pare" bati ni Simon
kay Gerald sabay abot sa kanang kamay para makipag hand shake at inabot rin naman ni Gerald ang kaliwang kamay,
"ahhmm.... sige labas muna ako...." paumanhin ni Simon sa lahat "Kim?" lingon pa nito kay Kim bago lumabas.
"Kim!!! My god!!" kinikilig na sigaw ni Mellisa at Empress habang niyayakap si Kim, halata naman kung bakit
pero hindi na rin nila sinabi ang dahilan, "mabuti naman at okay ka na!?" sabi ni Gerald "oo nga eh....."
hindi malamang isasagot ni Kim "eh kasi naman..... sobrang makatrabaho naman nitong friend natin.....
magpahinga ka naman dai!" sabi pa ni Erich, ilang sandali pa eh nakaramdam ng gutom si Enchong kaya
naghanap ito ng makakain, binuksan nito ang ref at nakita ang mga pagkaing pinamili ni Simon "oi! astig ah....
ano to may laman na ang ref?... buti nalang.... gutom na 'ko eh..." sabi ni Enchong "ah? pinamili ni Sai"
katwiran ni Kim, napangiti naman lahat ng girls kay Kim at tiningnan siya na parang nanunukso. "ano daw ba ang
nangyari sayo?" lihis ni Gerald sa topic "ganito kasi yun" pinaliwanag ni Maja ang mga sinabi ng doktor kanina
"kailangan lang naman daw niyang mag rest" tapos nito sa paliwanag niya, "eto nga pala yung bag mo...." abot
ni Maja sa bag ni Kim sa kanya, nang dumilim na ay nagdesisyon na silang magsiuwian "sige Kim mauna na kami....
pagaling ka" paalam nina Enchong, Empress, Erich, Beauty, Kitkat, at Melissa "oh sige maraming salamat" sabi
naman ni Kim. Nang makita ni Simon na umuwi na sila ay nagdesisyon narin itong pumasok, pero nakita nitong
nasa loob pa si Gerald kaya ganun nalang ang pagdadalawang isip niyang pumasok pero nakatingin sa kanya si
Kim at parang sininyasan na "ok lang.... pasok ka" at this time hindi na maiwasang mailang ng lahat, parang
masyadong awkward, hindi lang kay Simon at Gerald pero pati na rin si Maja at Kim ay nararamdaman ito
"i shall go narin" sabi ni Gerald "just call me when you need help or anything" paalam nito "ahmmm sige...
maraming salamat...." sabi ni Kim "Bro!" bati pa ni Gerald kay Simon "sige bro!" ani ni Simon "balik nalang ako
bukas" sabi ni Gerald bago tuluyang lumabas ng pintuan. "ahmmm? gutom na ko eh.... kayo anong gusto niyo?"
basag ni Simon sa panandaliang katahimikan sa loob ng kwarto "ako din..... ikaw Kimmy?" tanong ni Maja
"oo... gabi narin" sabi ni Kim "what do you want?" tanong ni Simon "ako nang bibili?" dagdag pa nito
"sakin kahit ano.... ikaw Kim?" tanong ni Maja kay Kim "kahit ano nalang din" di malamang isasagot ni Kim.
At lumabas na si Simon para bumili ng makakain, "wow!?..... ma friend!? ang hirap ng sitwasyon mo? gentleman
talaga eh...." bulalas ni Maja kay Kim, hindi naman alam ni Kim kung ano ang sasabihin kaya nakatingin nalang
ito sa kanya. "so? okay na kayo?" tanong pa ni Maja "....ahmmmm.... tulad nga ng sabi ko okay lang naman
ang lahat.... maayos ko naman siyang kinausap dati and wala akong galit sa kanya" ani ni Kim "eh....?
pano na ngayon yan?" naguguluhang tanong ni Maja "ewan...... siguro........... dapat ko rin siyang bigyan
ng chance para ma explain ang lahat....... kasi hindi ko rin naman nabigay sa kanya yun dati" mahinang
sagot ni Kim "wow!? so happpy for you ma friend!..... alam mo... I shoudl say.... mabait talaga eh" compliment
ni Maja kay Simon. Ilang sandali pa ay bumalik na si Simon at may dala dalang pagkain, bumili siya
ng chicken para sa kanilang dalawa ni Maja at syempre beef para kay Kim, napangiti naman si Kim at naalala
parin iyon ni Simon. Nanag matapos silang kumain ay dumating ang doktor "hi Doc!" bati ni Maja, una nitong
ini-check ang mga vital signs ni Kim "you're doing good!.... just continue with it..." sabi ng doktor
"pwede na po ba akong lumabas bukas?".. tanong agad ni Kim "ahmmmm... i suggest you would stay here for
a day or two, you have to take a long rest para naman makahabol ang katawan mo sa schedule mo".... explain
ng doktor "oo nga dok!" pag-sang-ayon ni Maja. "take some complete sleeps and some vitamins and you're
good to go.... promise we won't hold you for a long time" pagsisiguro ng doktor "oo nga naman Kim makinig
ka sa Doktor.... diba Dok?" kwelang sakay ni Maja sa sabi ng doktor "okay..... hindi ako dito makakatakas
eh" natatawang sabi ni Kim at agad naring umalis ang doktor "oh ayan ah!? magpahinga ka daw kasi.........
tsaka alis narin ako huh? daan nalang ako bukas" paalam ni Maja. Naiwan ang dalawa sa kwarto pinaandar ni
Simon ang Tv sa may sofa at nanood nalang ito, "Sai!?.... ikaw? hindi ka pa ba uuwi? malalim narin ang gabi?"
tanong ni Kim mula sa kama nito "ahmmm... no it's okay....dito nalang ako... besides wala kang kasama rito
and nakatawag narin ako sa bahay" buong loob na pagtanggi ni Simon, ilang sandali ulit natahimik ang
dalawa "Sai?..................... can i?" agad na napalingon si Simon "..talk to you?" sabi ni Kim,
batid ni Simon ang seryosong tono ni Kim kaya lumapit ito sa kanya "ahmmmm..... magpapasalamat lang sana ako..."
tulirong sabi ni Kim "yeah its really fine with me" nagkatitigan ang dalawa at halata sa mga mata nila na
pawang may gustong sabihin ang dalawa sa isa't isa pero hindi sila makapagsalita, tumalikod na sana
si Simon para bumalik sa upuan nito pero nilakasan nalang niya ang loob niya at nagsalita "Kim?........
i'm sorry" unang sabi ni Simon, "i've seen the picture..... yung kumalat sa internet..... and yes that
happened.. but it was nothing... really.... it's because we're having fun and then Sam was drunk already
then.... that happened........ but believe me, i did not want anything of that" seryosong paliwanag ni Simon
"Sai?... diba sabi ko noon pa na it's really okay... but maybe after hearing you now.... that's really
nothing already...... i believe you.. okay? kalimutan natin yun." naluluhang sabi ni Kim "and I'm so sorry.....
OA masyado siguro yung interpretation ko.... and i know i should have given you chance to explain......
but i did not" sabi ni Kim sabay abot sa kamay nito kay Simon. Agad namang lumapit si Simon at niyakap si
Kim "i miss you..... very much" sabi ni Simon kay Kim habang magkayakap "ako din....". And the day has been
saved and ended very nice for everyone.
Comments