CHANCES
CHANCES
Gulat man si Simon ay hindi ito naniwala dahil ang alam niya ay nasa ibang bansa pa si Kim. "KIM CHIU!!!" sigaw
ng isang grupo ng mga teenagers sa di kalayuan na nagkumpirma sa tanong ni Simon, agad niyang nabitawan si Sam
para tingnan kung si Kim nga ito. "pasensya na po... kailangan na naming umalis" paumanhin nina Maja at Kim,
at umakyat nga sila papunta sa exit at nang mawala sila sa kumpol ng tao ay nakita na din ni Simon si Maja
at Kim na nakasuot na ng baseball cap, nakita niya ang baseball cap na binigay niya kay Kim kaya sigurado na
siya na si Kim nga ito. Habang papalabas ay lumingon ng huling beses si Kim sa kinaroroonan ni Simon at
nagtagpo ang kanilang mga paningin. Ngumiti si Kim nang makita niya si Simon na nakatingin samantalang hindi
na maipinta ang mukha ni Simon ng makita niya, nagulat siya na nakabalik na pala si Kim, at naalala niya
kung nakita ba niya silang dalawa ni Sam pero higit sa lahat ay tuwang tuwa siya at nakita niya ulit si Kim
dahil miss na miss niya na ito. Tuluyan nang lumabas sina Kim at Maja at agad na umalis, samantalang
si Simon naman ay agad na binalikan ang Gym bag nito at tumakbo papalabas "where are you going?" tanong ni Sam
kay Simon na hindi na siya narinig at kumaripas ng takbo papalabas, nang nasa labas na siya ay hinanap niya sa
paligid kung nandun paba sina Kim at Maja, nang hindi na niya mahanap ay pumunta siya sa kotse niya at umupo
sa driver's seat sabay kuha ng cell phone niya, tinawagan niya agad agad si Kim, pero out of coverage area daw
ito, nakapatay kasi ang cell phone ni Kim simula kanina nung pumasok sila ng araneta. Ilang beses niyang inulit
ang tawag pero wala talaga. Kinagabihan ay pinuntahan ni Simon si Kim sa bahay nito pero ang yaya lang nito
ang inabutan niya "anjan po ba si Kim?" tanong ni Simon "ai wala po siya Sir eh... nasa trabaho pa po" sagot ng
katulong, "ganun po ba? sige po maraming salamat" wala namang nagawa si Simon kung hindi ang umuwi, pagdating
niya sa bahay ay inusisa siya ng mommy nito kung saan siya galing at sinabi nga nito na kay Kim siya nagpunta
"oo nga pala anak!.. pumunta dito si Kim nung isang araw...... kakarating lang daw niya mula sa ibang bansa
tapos dumiretso siya dito.... tinatanong ka? pero sinabi ko nasa party ka?" sabi ng mommy nito "talaga po? bakit
hindi nyo sakin sinabi agad?" tanong ni Simon "i thought you met each other already there at the party i told
her the address and besides it wasn't far from here so i'm sure she will find you" paliwanag nito. Ganun nalang
ang pagkadismaya ni Simon ng marinig ang mommy nito, umakyat sya sa kwarto at humiga sa kama, nang maalala niya
ang ngiti ni Kim kanina ay napangiti rin siya at lumakas ang kabog ng dibdib niya, pero naisip niya kung bakit
hindi man lang sinabi ni Kim na dumating na siya at nandoon siya kanina para manood, naalala din nito ang
sinabi ng Mama niya tungkol sa party nung isang araw, "so Kim was there?" tanong ni Simon sa sarili "but i
didn't saw her?" dagdag pa nito at bigla niyang naalala yung isang babae na may nakabangga roon sa party na
agad ring umalis "that was her" pagpapalagay ni Simon. Kinabukasan ay magtatanghali nang nagising si Simon
nang tumingin siya sa oras ay nakita nitong mag-aalas dose na, kaya bumangon na siya, naligo, nagbihis at bumaba
na sa dining room, naabutan niya ang mommy nito roon na agad na naghahanda na ng pananghalian. "c'mon son... let's eat!.
tawag ng Mama niya sa kanya at tinawag rin nito ang buong mag-anak, matapos nilang kumain ay si Simon nalang
at ang mama nito ang naiwan roon "so have you spoken to her?" basag ng mama niya sa katahimikan nila, napatitig
naman si Simon sa Mama niya at batid nito si Kim ang tinutukoy niya "no...." mahinang sagot nito "she really
might so busy..... alam mo nung makita ko siya.... masigla nga pero halata naman sa mata niya ang kapaguran"
ani ng Mommy niya, biglang napatayo si Simon nang maalala nito na ASAP nga pala at nakabalik na si Kim,
"YES!!! magandang tanghali sa inyo lahat!!!" sigaw nina Kim, Maja, Jericho, at Nikki na nag-host para sa opening
ng ASAP "she is really professional..... tingnan mo.. alam mong pagod yan pero ang sigla siglang tingnan.....
ang sarap niyang panoorin" puri ng mommy ni Simon kay Kim, kinuha ni Simon ang cell phone nito at nagtext kay
Kim "welcome back!!... ang ganda mo daw sabi ni Mommy" hindi siguradong sabi ni Simon, matapos ng opening
ay bumalik na si Kim sa dressing room at nakitang may natanggap siyang text at ito nga ang text ni Simon,
"salamat" napakatipid na sagot ni Kim, hindi naman malaman ni Simon ang iri-reply nito "kain kana.... tsaka
inom ka ng mutivitamins para lumakas ka" text ni Simon, ngunit ng mabasa ito ni Kim ay pinatay niya ang
cell phone niya, nang mga sobra isang oras nang hindi nag-reply si Kim ay tinawagan na siya ni Simon pero
out of coverage nga dahil pinatay ito ni Kim. Hindi na ma-contact ni Simon si Kim at inantay niya nalang
ang paglabas niya sa Tv hanggang the buzz, i-iinterview ni Toni si Kim. Madami ang naitanong kay Kim
tungkol sa pagti-taping niya sa ibang bansa, tungkol sa bago niyang soap opera at ang kanyang love life.
"Kim kumusta kayo ni Gerald?" tanong ni tito Boy "okay lang....." sagot ni Kim "paanong okay? pwede bang
i-elaborate?"...... "ahhhmmm..... magkaibigan kami..... tsaka nag-uusap naman kami kung minsan".........
"Kim itatanong ko na ito... once and for all? nanliligaw parin ba si Gerald? kayo na ba ulit?" nakakagulat
na tanong ni Toni "huh?...... hindi... hindi kami nagbalikan o anuman.... tsaka nanliligaw?.... ewan
ko... parang kapal naman ng mukha ko kung sasabihin ko na nililigawan niya ako pero hindi ko pa sinasagot"
diretsong sagot ni Kim sabay tawa "pero.... kahit ano ang mangyari... mananatiling espesyal si Gerald.....
kung kailangan niya ako... anytime... andito lang ako.... friends forever" paglilinaw pa ni Kim "Kim totoo
bang hindi mo sinasagot si Gerald ay dahil may iba kang gusto ngayon? o may ibang nanliligaw?" tanong ni
Toni na nagpatigil kay Kim "... hindi po... wala po talaga?" iwas ni Kim "Kim.... kumusta na kayo ni Simon?"
natigilan si Kim, hindi niya alam ang isasagot rito "sinagot mo na ba siya?" pag i elaborate ni Toni sa tanong
"hindi" tipid na sagot ni Kim "nagkikita pa ba kayo recently?" patuloy ni Toni "ahhh... hindi rin"....
"communicate? text? call?"......... "wala ..... ahmmm matagal narin kaming hindi nagkakausap.....nagkita...
wala na" tapos ni Kim sa sagot nito. Nasaktan at naguluhan pa lalo si Simon sa sagot ni Kim, gusto niya itong
makausap ng masinsinan. Pero bigo si Simon na makausap si Kim, hindi niya parin macontact man lang si Kim,
minsan pinapatay na mismo ni Kim ang tawag niya, kaya nagsi-send nalang ito ng message sa pag-asang mababasa
niya rin ito. "Kim, can i talk to you?" paulit ulit nitong tanong sa kanya pero ni minsan ay hindi ito
nagreply sa kanya. Kinaumagahan ay maagang umalis si Kim ng bahay para mag taping pero out of town ito,
samantala gumising din si Simon ng maaga at agad na pumunta sa bahay ni Kim dahil umaasa itong madadatnan
niya ito pero bigo parin siya.
Comments