CHANCES
CHANCES
Pinuntahan nito si Kim na nasa isang private suite, dinatnan niya itong tulog, nilapitan niya ito at
pinagmasdan sabay lagay ng bag sa may side table. Napapangiti si Simon sa tanawing pinagmamasdan nito.
Umupo si simon sa tabi ni Kim at kinuha ang cellphone ni Kim sa bag nito, tiningnan ni Simon kung sino ang
huling tinawagan ni Kim, nakita nitong "ma friend" ang nakasulat kaya pinagpalagay niya na kaibigan ito
ni Kim. Tinawagan ito ni Simon, nagring ito ng paulit ulit, at sa huli "sorry the number your calling is
either unattended or out of coverage area", inulit niya ito ng apat na beses pero hindi parin sinasagot
kaya tinigilan nalang niya muna ito at sa halip ay nag send nalang ito ng message tungkol sa nangyari kay
Kim at kung nasaan siya. Inabot na sila ng gabi doon at nakatulog nadin si Simon dun sa
sofa sa kakaantay na magising si Kim, nine na ng gabi ng maalimpungatan at tuluyang gumising si Simon
kaya bumangon na ito at tiningnan ulit si Kim pero tulog padin ito, nilapitan niya ito at hinaplos ang
ulo para maayos ang buhok niya tsaka inayos ang kumot, nagugutom na si Simon lalo na't alas nwebe na nga
ng gabi kaya bumaba muna ito at bumili ng makakain, kumain na muna siya roon at nag take out para kay
Kim tsaka agad na bumalik sa taas at baka gising na si Kim. Pero nang pagpasok niya ay tulog parin ito,
nilapag niya ang pagkain sa side table at tsaka umupo ulit sa tabi ni Kim. Ilang sandali pa ay may kumatok
at pumasok sa pintuan, pumasok ang isang dalagang nurse na may dalang tray, natigilan ng ilang sandali
ang nurse ng makita nitong si Simon ang nakaupo at nakatingin sa kanya "Yes?" tanong ni Simon sa natulalang
nurse. "ahm.... yes.. Ms. Chiu?" tolerong sagot ng Nurse "oo..." sagot ni Simon "ahm.... sir bibigay ko
lang yung gamot...." nagugulat ang nurse sa nakikita nito, "Kim Chiu na ospital! tapos si Simon Atkins
ang kasama nito?" sabi sa sarili ng nurse "can we do that later? kasi.... tulog pa eh" mahinang sabi ni
Simon "opo sir... actually iiwan ko nalang po dito, gel lang po yan, ilalagay nyo lang po sa mga
pantal niya" paliwanag ng nurse "o sige..." sabi pa ni Simon "tawagin nyo nalang po ako kung may
kailangan kayo" paalam ng nurse habang hanggang tenga ang ngiti. Naghintay ng ilang minuto si Simon pero
hindi pa gising si Kim kaya umupo ito ng dahan dahan sa gilid at tumabi kay Kim at nilagyan niya nalang ng
gamot yung sa ilang pantal ni Kim, ilang sandali pa ay naalimpungatan na si Kim at nagising na ito "Sorry....
did i wake you up.?" paumanhin ni Simon "hindi.... ayos lang" agad na tugon ni Kim "anong ginagawa mo?"
tanong ni Kim "ahmm. kanina ka pa kasi tulog eh tapos sabi ng nurse lagyan ko daw yung mga pantal mo....
gusto ko sana pagising mo na pero hindi ka parin gising kaya nilagyan ko nalang." paliwanag ni Simon.
"ikaw nalang mag lagay sa iba kasi......(maselan na yung iba) " hindi matuloy na sabi ni Simon,
naintindihan naman ito ni Kim at nangiti lang ito sa nangyayari kay Simon "or tatawag nalang ako ng nurse?......
pero... kain ka muna... hindi ka pa kumakain eh" patuloy ni Simon "wow.... salamat.... anong oras na ba.?"
tanong ni Kim habang inaabot ni Simon ang pagkain. "quarter to 10 na" sagot ni Simon "gabing gabi na pala!?...
bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ni Kim "hinintay ko lang na magising ka..... ano ba kasi nangyari talaga
sayo.?" curious na tanong ni Simon "ewan.... ang naaalala ko lang uminit yung katawan ko kanina tapos
kumati...." paliwanag ni Kim "sabi ng doktor allergic reaction daw?" sabi ni Simon "oo nga... kasi pulang
pula ang katawan ko oh!.... siguro dun sa kinain ko kanina... hindi ko na kasi tinanong kung ano ang
sahog nung kinain ko.." paliwanag pa ni Kim "san ka bawal?" tukoy ni Simon sa allergy ni Kim "ahmm...
sea foods at chicken.... nasa dugo" dagdag pa nito "aaahhh" tanging nasabi ni Simon. Makalipas ang ilang sandali ay ginamot na ni Kim ang mga pantal
niya habang nanood si Simon ng TV, "ahmmm... Cap!" tawag ni Kim, agad na napatalikod si Simon ng marinig
si Kim, nagulat siya sa tawag ni Kim "o!?" tugon nito "patulong naman oh!" sabi pa nito "pwedeng lagyan
mo yung likod ko, dito lang" pagpapatuloy ni Kim habang tinuturo kay Simon ang lalagyan nito ng gamot,
at agad namang lumapit si Simon at tinulungang lagyan ng gamot ang likod ni Kim, habang nilalagyan ni
Simon ng gamot ang likod ni Kim ay hindi niya maiwasang mabighani sa nakikita nito, napakakinis, napakaputi,
at napakay kahit likod palang. "ma FRIEND!.... nakuh! nakuh nakuh!...." sumisigaw na binuksan ni Maja
ang pinto, ngunit nagulat ito sa nakita, dinatnan niya nga ang dalawa sa ganung kalagayan, tinitingnan
ni Maja kung sino ang nasa likod ni Kim at sobrang nagulat siya ng si Simon Atkins ito. "ma Friend?!"
mahina pero parang nanunukso ang tono ni Maja at napatingin din si Simon at nang makita niyang si Maja
Salvador ito ay agad siyang tumayo "ah... hi good evening" pasimpleng bati ni Simon kay Maja "hello din!"
tugon ni Maja "ahm sandali Kim tatawag lang ako ng nurse na makakatulong sayo" pag-iwas ni Simon para
makalabas at mabigyan ng lugar ang dalawa "huh! hindi ... ikaw na! kaya mo naman diba!?" pabirong sabi ni
Maja habang tinutukso ang dalawa sa nakita nito at parang nakangiting nanunukso ito sa dalawa pero
lumabas si Simon "sige labas muna ako" paumanhin ni Simon. "OMG! KIMBERLY!...!?..." sigaw ni Maja
pagkalabas ni Simon habang malakas na tumatawa "ano ka ba!? baka marinig ka?" nahihiyang sabi ni Kim
"siya nga pala pasenysa ka na... nung tumatawag ka nag su-shoot kami ng plug para next week......
tapos na dead bat ako nung tatawag na ako... kaya nung pagkadating ko sa bahay at na charge ko nabasa
ko yung text mo at nagtatakbo na ako papunta rito!" paliwanag ni Maja, hindi na nagtanong si Kim
kung sino ang nagtext dahil inisip na nito na si Simon ang nagtext o tumawag "tsaka! sandali!" sigaw ni
Maja habang natatawa si Kim sa reaksyon nito "o My God!... grabeh te! gwapo naman pala eh!.... tsaka...
gentleman ah!.... parang prince charming!" tumatawang sabi ni Maja, wala namang masabi si Kim lalo't tama
naman ang pinagsasabi ni Maja. "Siguro matagal na kayong nagkikita noh!!!? huh!? sabihin mo nga sakin babae!?...
ang close nyo na eh...?" walang prenong mga tanong ni Maja "hindi ah!... ngayon lang promise" agad
na salungat ni Kim sa sinabi ni Maja "tsee! echos pa 'to eh!.... nakuh... basta ahaha... gusto ko siya
para sayo Ma Friend!"..... "ano ka ba ma Friend!?....." natatawa narin si Kim na walang masabi dahil
kinikilig din ito... "o bakit!? huh? kinikilig ka rin eh!..." sabay malakas na tawa ni Maja, biglang
pumasok si Simon at isang nurse at agad na tumahimik ang dalawa pero nangingiti parin sila. Habang
ginagamot ng nurse ang mga pantal ni Kim ay pasulyap sulyap si Simon sa kanila habang nanood ng Tv nang
"Cap....?" tawag ni Kim kay Simon habang nanonood ito pero hindi niya narinig habang si Maja ay nagulat
sa tawag ni Kim kay Simon "Sai!?...." tawag ulit ni Kim at narinig ito ni Simon at nagulat ito "Princess...!?"
tanging nasabi ni Simon sa gulat, natawag niya ito sa pangalan kung paano niya tinatawag sa text.
Mas nawindang si Maja sa narinig nito "ai!?" hindi mapigilang reaksyon ni Maja. Nakaharap na si Simon
nang mga oras na yun "uwi kana!.... gabing gabi na... baka hinahanap kana sa inyo!" sabi ni Kim kay
Simon.... hindi naman maiwasan ni Maja na kiligin sa mga pangyayari sa paligid niya kaya nangingiti lang
siya ng palihim. "sigurado ka?... okay lang naman tatawag nalang ako sa bahay?" tugon ni Simon
"ah hindi na... okay lang naman ako dito.... andito naman si Maj eh" sabay tingin ni Kim kay Maja na
parang gustong sabihin na "sige na umuo ka nalang" na kinikilig din naman sa mga oras na iyon.. "huh!?
oo nga Simon... okay lang yan... dito lang ako promise... babantayan ko siya..." sabi ni Maja habang
ngumingiti."okay... i'll go then... balik nalang ako bukas" nahihiya pero natuwa si Simon sa nasabi nito.
Nanlaki naman ang mata ni Maja sa narinig niyang iyon, tapos tumango lang si Kim bilang pagsang-ayon
"sige... maraming salamat ah..." paalam ni Kim "eto nga pala yung cell phone mo..." inabot ni Simon ang
cell phone ni Kim tsaka nagpaalam na. Ilang sandali pa pagkatapos umalis ni Simon ay lumabas narin ang nurse, tapos agad na umupo sa tabi ni Kim si Maja. "O MY GOD
mah friend!!!... grabeh yun lang ang kaya kong
sabihin" excited na sabi ni Maja "labo nga eh.... ngayon lang kami nagkita tapos eto pa nangyari sakin."
complain ni Kim, "galing nga eh! instant closeness!......." tumatawang sabi ni Maja "pero Kim, baka
bukas laman kana ng lahat ng dyaryo ah" mabilis na paalala ni Maja "hindi naman siguro..... hindi pa
nga kami lumalabas ng sasakyan bago nya ako dalhin dito eh" napaisip si Kim pero agad niyang pagtanggi.
Comments