CHANCES
CHANCES
Nang matapos ang laban ay agad na lumapit si Simon kina Kim at Maja, "CONGRATS!!!!...... galing naman!"
sigaw na sabi ni Kim habang papalapit si Simon na parang lumilipad na sa tuwa, "salamat!..... 'lika!?"
alok ni Simon kina Kim at Maja para ipakilala sa mga kasamahan niya. Pero dahil malayo pa ang daan para
makapasok ng court ay tumawid nalang sila sa mga harang, una nitong inabot si Maja kasunod si Kim at agad na
pinuluputan sa tagiliran, at proud na proud na naglalakad. "San tayo pupunta.?!" tanong ni Kim habang
naglalakad "ipapakilala kita sa mga kasamahan ko"....... "huh!?..... nakakahiya!" sagot ni Kim "nakita kana
ng buong Pilipinas at ng mundo ngayon kapa mahihiya? dali na.... Maja?"..... tawag nito sa dalawa. "mga Pare!...."
bitaw ni Simon kay Kim at pinuntahan ang mga kasama niya para tawagin ang atensyon nang biglang may sumulpot
at hinalikan si Simon sa pisngi "CONGRATULATIONS!!.... you're awsome!!!" malakas na sigaw ni Sam habang nakayakap
na kay Simon, hindi naman malaman ni Kim ang gagawin nang makita niya ito, alam niya kasi na may namagitan
sa dalawa, napaatras si Kim at parang nagtago sa paningin nila "Ma Friend!... halika na!" tawag ni Kim kay
Maja para umalis, agad naman siyang sinundan ni Maja. "Sam!?.... salamat.... ahmmmm" halatang nataranta si
Simon "woaaaaah!!!!..... kaya pala ginalingan eh.... andito pala si SAM!!" malakas na kantyaw ng mga kasama
ni Simon, habang naglalakad na pabalik sina Kim at Maja sa upuan, hindi alam ni Kim kung ano ang nararamdaman
niya talaga, parang gusto niyang manliit, mag-evaporate at mawala nalang. "Kim!!...." malakas na sigaw ni
Simon sa pangalan nito kaya agad din itong napalingon at nakita si Simon na tumatakbo papunta sa kanya
"'lika!....." hinila ulit ni Simon si Kim at pinakilala sa buong tropa "mga Pare si Kim.... you know her right?"
pakilala ni Simon sa mga kaibigan nito "yeah!!! of course.. wow" at mabilis na nag-unahan ang mga kasama ni
Simon sa pagkamay kay Kim at Maja. "Hi!" masayang bati ni Sam kay Kim pero hindi maiwasang mailang ni Kim
rito "hello........ Kim" pakilala ni Kim sa sarili "yeah I know......".... "Sam diba?.... galing karin ng PBB."
pagkilala ni Kim kay Sam "yes... at ex ni Simon" buong pagmamalaking sabi ni Sam, natahimik naman si Kim,
"ahm.... Sai?....." tawag ni Kim kay Simon "alis na kami.?" sabi ni Kim na hindi na maisip kung ano ang
idadahilan kapag nagtanong ng rason si Simon, basta gusto lang nitong umalis. "huh!? hindi.... sabay na tayo...
i'll drive you home...." tumakbo si Simon sa mga upuan sa courtside at kinuha ang gym bag nito "Coach alis
na ako!......... ahm Sam maraming salamat" naiilang man ay nagpasalamat narin si Simon kay Sam, at humalik
ulit si Sam, "let's go?!" tanong ni Simon kay Kim at lumabas na nga sila ng coliseum "Ma Friend!........
mauna na ako ha?" paalam ni Maja dahil ayaw niyang makadisturbo sa dalawa "hindi kana sasabay?" tanong ni
Kim "hindi na.... dala ko yung kotse ko" tanggi ni Maja "sige bye!" at nagsimula nang maglakad si Maja
"mag-ingat ka!" sigaw pa ni Kim kay Maja. Habang pinapaandar ni Simon ang kotse ay nakatingin si Kim sa
kanya, basang basa ito ng pawis at sinuot lang ang jacket at hindi na nagpalit ng jersey, kaya kinuha ni
Kim ang gym bag ni Simon at binunot ang twalya sabay punas kay Simon "basang basa ka.... tanggalin mo yung
jacket" nagulat naman si Simon sa gesture na yun ni Kim "napakamaalaga niya talaga" sabi nito sa sarili.
Nang matanggal na ni Simon ang jacket ay parang na process sa utak ni Kim kung ano ba ang ginagawa niya
"hala!... ano ba 'tong ginagawa ko?" sabi niya sa sarili, pero hindi nalang siya nagsalita, pinunasan ni
Kim si Simon ng pawis tapos binigay niya kay Simon ang twalya para makapag punas na ito ng maayos. Pero
tinanggal ni Simon ang jersey niya para magpalit ng damit, nailang naman ng todo si Kim na nakatingin
na ng diretso sa wind sheild at agad naman itong napansin ni Simon "sorry!.... lalabas nalang ako" paumanhin
ni Simon "no.... it's okay...." sabi ni Kim, kinuha nalang ni Kim ang twalya at pinunasan ng maayos ang likod
ni Simon na parang sinasabi kay Simon na "okay lang at hindi siya nagagalit, nababastos o anuman".
"'halika nga..... talikod" utos ni Kim kay Simon at agad naman siyang sinunod ni Simon "lagyan mo ng powder
ah?" pabirong sabi ni Simon habang tumatawa "sira!..... o ayan! magpalit ka na!" sabi ni Kim kay Simon sabay
abot sa gym bag nito. "kain muna tayo sa labas?" yaya ni Simon kay Kim habang nagda-drive "sige... tara....
gutom narin ako" sabi ni Kim "kailan ka pa dumating?" tanong ni Simon "kanina lang..... 3rd half na nga ako
dumating sa araneta eh" paliwanag ni Kim "talaga.... baka pagod kana? gusto mo iuwi nalang kita?" nag-aalalang
tanong ni Simon "ai!? binabawi!? " pabirong sabi ni Kim "hindi... ayos lang ako" agad na dagdag ni Kim habang
tumatawa silang dalawa. Nag-drive si Simon sa isang sosyal na restaurant, nang bumaba na si Simon ay
tinanggal nito ang sapatos niya at nagpalit ng tsinelas, nagulat naman si Kim dahil syempre sa sosyal na
restaurant sila kakain "sigurado ka? dito tayo kakain?" tanong ni Kim "oo... bakit?" halata naman ni Simon
kung ano ang iniisip ni Kim "wala..." pag-iwas ni Kim sa tanong ni Simon, tinanggal din ni Kim ang blazers
nito at pawang sila naka t-shirt nalang at pareho pang naka-green, ngumiti lang naman sila ng mapansin nila
iyon. Nang nasa loob na sila ay natatawa ang dalawa dahil nagtitinginan ang mga tao sa kanila kasi
naka t-shirt lang sila tapos shorts eh yung iba na dress at toxedo pa. "Maraming salamat ah?" sabi ni Kim
habang nakatayo sa gate ng bahay niya "wala yun..... Ako dapat magpasalamat sayo kasi pumunta ka" sabi ni
Simon na nasa labas din ng kotse katabi si Kim "okay lang yun...... ikaw kasi kung sinabi mo ng mas maaga
eh di mas inagahan ko din ang uwi ko" sabi ni Kim "eh kasi..... nahiya na ko.... ang busy mo kasi" paliwanag
ni Simon "ayan na naman po si hiya!...... hai nakuh...." sabay sunggab sa tagiliran ni Simon na parang
gustong sabihin na "dapat hindi ka na nahihiya sa akin ngayon"..... "thank you" pilit ni Simon sabay akap din
kay Kim ng mahigpit tumagal din iyon ng halos limang minuto "pasok ka na....... para makapagpahinga ka na"
sabi ni Simon kay Kim "sige ikaw din..... CONGRATZ!" sigaw ni Kim habang papasok ng gate. Habang papasok si
Kim sa pintuan ay nag ring ang cellphone ni Simon "hello?" bati ni Simon dahil hindi niya sigurado kung sino
ang tumatawag "Sai!.... halika punta ka rito!.... dali.... may party sa bahay ko" halos hindi na marinig
na sabi ni Sam dahil malakas ang tugtog sa kabilang linya "hey! bro! dali punta ka dito.... masaya 'to bilis"
inagaw ni Edu ang cell phone kaya bago pa ito makatanggi ay napa oo nalang siya.
Comments