CHANCES

CHANCES

 

"san mo gusto pumunta.?" tanong ni Simon "wow... ngayon nagtanong kana talaga ah" tumatawang sabi ni Kim.
 
Ngumiti lang naman si Simon nang biglang may tumawag sa kanya "Bro!.... sapatos mo! naiwan mo dito sa Gym"
 
sabi ng kaibigan ni Simon sa kabilang linya "ah ganun ba!? o sige puntahan ko nalang jan..." sabi ni Simon
 
sa kaibigan nito, napalingon naman si Kim at binaba na ni Simon ang cell phone nito, "Princess.... 
 
may naiwan kasi ako sa gym kanina nung training namin..... daanan ko lang" paalam ni Simon kay Kim
 
"sige... okay lang.... para naman mapadpad din ako sa mundo mo" pagsang-ayon ni Kim, kaya dumiretso si
 
Simon sa gym kung saan sila nagti-training, nang dumating sila doon ay nakahanap ng malapit na parking space
 
si Simon "dito ka lang.? kukunin ko lang..." paalam ni Simon bago bumaba "eeh... sama ako..." sabi ni Kim
 
sabay bukas sa pintuan at hindi na nagpapigil pa, wala namang nagawa si Simon, natutuwa ito kay Kim at parang
 
bata ito at sobrang cute, sinuot nalang ni Kim ang isang vintage ray ban shades nito para mag cover up.
 
"ahm... baka kasi madaming tao sa loob, saglit lang talaga.... jan ka muna" sabi pa ni Simon "ang daya mo!"
 
tanging nasabi ni Kim habang nakatayo sa main entrance ng gym at si Simon ay tuluyan nang pumasok, habang 
 
papunta si Simon sa kaibigan nito ay sinilip ni Kim kung madami ba ang tao sa gym, at nakita nitong wala,
 
parang yung coach lang nina Simon, yung isang kaibigan ni Simon tsaka ilang taong naglilinis, kaya 
 
nagpasya na itong pumasok sa loob at sundan si Simon, nang makalapit na si Kim kay Simon ay unang nakita 
 
siya ng kaibigan ni Simon, nanlaki ang mata ni Edu nang makita nito na si Kim ang nakikita niyang papalapit
 
sa kanila, kaya sinundan ng tingin ni Simon kung sino ang tinitingnan ni Edu at nakita niya nga na si Kim
 
ito, ngumiti lang si Kim kay Simon ng napaka cute, nakita nito na parang sinasabi ni Simon sa mga 
 
tingin nito na bakit ka pumasok?, nag-iingat lang naman si Simon kaya naiintindihan niya ito, kaya agad
 
nagsalita si Kim nang makalapit na sa kanila "wala kasing tao eh... kaya pumasok na ko" pabulong na sabi
 
ni Kim kay Simon habang nakatingin sa kanya ng diretso ng parang bata, at ngumiti lang naman si Simon 
 
sa tuwa matapos makita si Kim. "Hi! ako nga pala si Edu.... kaibigan ni Simon... malapit na kaibigan"
 
sumingit si Edu sa pagitan nina Kim at nagpacute kay Kim, "hello.... Kim Chiu..." sabay kamay sa kaibigan
 
ni Simon "yeah I know! you're Kim Chiu" sabay tingin kay Simon, napapailing naman si Simon habang nangingiti,
 
sabay hinila niya si Edu malapit dun sa labasan "halika na!...." sabi ni Simon kay Edu "aray! 'to naman!"
 
sabi ni Edu. Binitawan ni Simon ang shoe bag na dala nito at nakipag-usap kay Edu, kinuha naman ni Kim ang
 
shoe bag at umupo sa mga upuan sa court side "woaah! Bro!... hindi mo sa amin sinabi yan ah!?" namamahanghang
 
sabi ni Edu "ganda niya pala, grabeh ang y..... haba ng legs" sabi ni Edu habang nakatingin kay Kim
 
"sira! ano ka ba...! that's mine...." sabi ni Simon na parang inaagawan ng candy "ooowss!!.... lakas ng tama
 
ah!?..... di ko akalain na seryoso ka pala when you tweeted about her!"sabi pa ni Edu "seryoso ako pare...
 
ewan! ang lakas ng tama ko eh.... ilang beses palang kami nagkikita pero para na akong adik!".... 
 
nagulat si Edu sa sinabi ng kaibigan, kilala niya ito at sa dinami rami ng mga babaeng naging girlfriend 
 
niya ay ngayon lang niya nakita si Simon na napaka vulnerable ang approach sa isang babae, dati kasi 
 
pinagyayabang niya pa sa kahit na sinong makita na "uie! tingnan nyo... girlfriend ko oh!" pero kay Kim
 
ingat na ingat siya sa kanya. Nauna na si Edu sa dalawa kasabay ang coach nila "sige bro! alis na ako....
 
maiwan ko na kayo dyan ah!" sabay taas ng kilay nito na parang nang-aasar "gago! sige na alis na!" natatawang
 
sabi ni Simon "sige..... Kim! i'll go ahead! kaw na bahala sa kaibigan ko ah!" tumatawang pamamaalam ni 
 
Edu. Habang nag-uusap sina Edu at Simon ay kinuha ni Kim ang shoe bag ni Simon at binuksan niya ito,
 
habang nakaupo ay tiningnan ni Kim ang sapatos "ang laki naman ng paa niya! size ten pala" natutuwa si
 
Kim habang tinitingnan ang sapatos ni Simon, pero binuksan na niya ito inilabas ang dalawang sapatos
 
sabay yumuko at tinanggal ang mga sapatos niya at sinuot ang sapatos ni Simon, wiling wili si Kim sa
 
pagsuot nito humalakhak ito "ang cute pala ng paa ko..." sabi niya sa sarili habang nangingiti na parang 
 
baliw. Agad niyang kinuha ang cellphone nito at pinicturan ang mga paa ..... tumayo na ito at dinama ang
 
sapatos sa paa niya, nagtatalon ito at nagtatakbo, kaya nung umalis na si Edu ay bumalik na si Simon, ay
 
agad niya itong tinawag at ipinakita na sinuot nito ang sapatos niya "Cap!.... tingnan mo oh!" sabay
 
taas ng kaliwang paa at pinakita ang sapatos, napatigil si Simon habang nagja-jog papunta kay Kim
 
at nangiti sabay iling nang makita niya si Kim "ang kulit niya talaga!.... ang cute!" sabi ni Simon sa
 
sarili "cap!.... lika na! laro tayo... magaling ako magbasketball ano!?" pagyayabang pa ni Kim kaya
 
napatuloy na ito sa paglalakad papunta kay Kim. Kinuha ni Kim ang isang bola sa tabi at nagdi-dribble 
 
dribble habang tumatawa "oh ano huh!?" nakakatawang hamon ni Kim, kaya lumapit din si Simon at nakipaglaro
 
kay Kim, tawa lang ng tawa ang dalawa habang naglalaro,  si Kim naman tinatakbo ang bola at hindi na nagdi-dribble,
 
habang suot suot ang sapatos ni Simon at nang napagod na si Kim ay napahiga na ito sa sahig ng court
 
at malakas pading tumatawa  habang hinihingal "hoaaah! napagod ako!" sabi ni Simon habang umuopo sa tabi
 
 
ni Kim at nilagay ang kaliwang braso sa kaliwang tuhod at tinukod ang kanang kamay pansuporta sa buong 
 
katawan niya, at hinihingal rin ito. "ang galing mo pala eh... hindi kita maabutan." sabi ni Simon kay Kim,
 
alam naman ni Kim na binubola lang siya ni Simon syempre si Simon totoong basketball player pero hindi
 
niya mapigilang kiligin, nanatiiling ganun ang dalawa ng mga halos magta talumpong minuto, enough to catch
 
their breath. Matapos nun ay tumayo ang dalawa para bumalik sa kotse, nang dumating na sila sa kotse ay kinuha ni
 
Simon ang gym bag nito sa passenger set sa likod at nilabas ang isang twalya at inabot kay Kim "medyo napawisan yan kanina pero 
 
hindi ko naman masyadong diniin ang pahid" nahihiyang paliwanag ni Simon habang inaabot ang isang twalya,
 
"ok lang yun noh..." walang karte-arteng tinanggap ni Kim ang twalya at pinahiran ang pawis nito "akala ko
 
ba ginamit niya na'to!?... pero bakit ang bango parin?" sabi ni Kim sa sarili habang nangingiting pinapahid
 
ang pawis "salamat ah!" ibinalik ni Kim ang twalya, pero nakita ni Simon na basang basa ang padin ang damit
 
ni Kim "ahm...... eto oh!... may extra t-shirt ako dito, hindi ko pa yan nagagamit... magpalit ka nalang....
 
basang basa ang damit mo eh" nag-aalalang alok ni Simon kay Kim "wag na... nakakahiya naman" totoong
 
nahiya si Kim at hindi lang pagpapakipot kay Simon "I insist.... sige na baka matuyuan ka ng pawis"
 
pamimilit ni Simon kaya tinanggap na nga lang ito ni Kim "sa loob ka nalang ng kotse magpalit" sabi ni
 
Simon "don't worry higly tinted yan hindi kita masisilipan" natawa naman si Kim "alam ko... and i trust you"
 
sabay ngiti ni Kim, tuwang tuwa naman si Simon nang marinig ang sinabing iyon ni Kim, tinanggal
 
nito ang plad tops niya at sinuot ang green t-shirt ni Simon, tapos lumabas ito at tumayo at nilapag 
 
muna ang plad tops nito habang si Simon ay nakatingin lang sa kabilang side ng kotse, tinupi nito ng 
 
dalawang beses ang manggas ng damit at tinali ang dulo ng damit nito sa kanang side para medyo
 
hindi naman nakapaluwag tingnan at magmukha siyang manang "you really know how to wear things" sabi ni
 
si Simon "ah..? yun ba? salamat" ngumiti naman si Kim, naalala ni Kim na suot padin pala nito ang sapatos
 
ni Simon "ai! yung sapatos mo pala.... ang sarap kasi sa paa..." tapos hinubad na ni Kim ang sapatos at 
 
walang kaarte-arteng tumapak sa lupa, kaya agad na nilabas ni Simon ang wedges ni Kim na nasa loob
 
ng shoe bag na kinalalagyan kanina ng sapatos niya, inabot ni Simon ang wedges nito "ah salamat!" 
 
sabi ni Kim, lalong humanga si Simon dahil ilang beses na niyang napatunayan na artista man si Kim ay hindi
 
ito tulad ng iba na maarte, at binalik din ni Kim ang sapatos ni Simon. Umikot ang mata ni Kim sa
 
paligid ng gym at may nakita siyang nagbebenta ng banana cue, turon at buko juice, agad siyang tumakbo 
 
papunta roon, napatingin lang naman si Simon kung saan pupunta si Kim, bumili si Kim ng turon para sa
 
kanila at sinamahan narin ng buko juice. Tsaka bumalik sa kinaruruonan ni Simon "gusto mo!?" sigaw ni 
 
Kim habang naglalakad papunta kay Simon, napangiti lang naman si Simon at sinalubong si Kim "salamat!...
 
alam mo mahilig ako sa turon... i love sweets...." bunyag ni Simon "buti naman... masarap yung gawa nila 
 
jan oh, madaming langka" sabi ni Kim, kinain ng dalawa ang turon at ang buko juice "ang tagal ko nang 
 
nagti-training dito pero ngayon ko lang natikman to..." sabi ni Simon "talaga!?... buti naman at
 
napadpad ako dito kung hindi, hindi ka na makakatikim nito" pabirong sabi ni Kim habang kinkagat ang turon.
 
"yeah i know.... you were destined to be here with me" sabi ni Simon at napatingin naman si Kim kay Simon
 
at nginitian lang niya ito, sa response na yun ni Kim ay makikita na sumasang-ayon si Kim sa  sabi ni Simon.
 
"alam mo bibili rin ako ng sapatos katulad nung sayo.... masarap sa paa." sabi ni Kim kay Simon.
 
"gusto mo sayo nalang?" sabi ni Simon kay Kim.. "hmmp? okay ka lang!? ang laki kaya nun..." sabay tawa ni
 
Kim.
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
adul21 #1
hello po sa inyo...... eto na naman po ako.... pasensya na po pero hindi ko talaga matapos yung isang fanfic...... mahirap po kasi talaga..... binaha po kami dito sa city namin..... opo taga ILIGAN CITY po ako..... so medyo tumengga ang utak ko sa mga nangyayari samin dito..... please tulungan nyo po kaming magdasal...... sana po talaga maintindihan nyo..... pero eto na po nagsusulat na ako ulit para umusad naman ako.....
adul21 #2
HELLO PO!..... alam ko po masyado nang overdue yung hinihingi ko na extension..... pasensya na po talaga hehe kasi po nag shift ako ng course this sem. and it was a culture shock for me.... and it was exam week for me before the break, but I PROMISE.... I will post the new FANFIC BEFORE christmas... pamasko ko narin po sa inyo...... nasa CHAPTER 15 na ako dun hangga't sa matengga na nga... hehe... sana po abangan nyo parin....
adul21 #3
pasensya na po to keep you waiting.......... malayo-layo narin po ako dun sa isa..... but I just can't post it now..... kasi masyadong madami akong gustong ilagay..... it's giving me hard time para palusot lusutin ang sitwasyon sa istorya...... gusto ko tapos na siya bago ko i post para if ever na may maisip ako mas maganda masingit ko nalang..... thank you po ulit......
cflores28 #4
that's really a great news! i hope you can start posting now. :)
adul21 #5
slowly completing the draft of the next story.... abangan hehe....
cflores28 #6
I hope you can make more stories. It love reading it!
adul21 #7
maraming salamat po.. for being good to me on my first try..... had thought of another plot but it won't be this light.... pinag-iisipan ko pa kung itutuloy ko... hehehe anyways maraming salamat ulit
143kimon
#8
@Adul21 Oh, thanks naman kung ganun!!... hahahha... I love it talaga.. Ang sarap mag-asssume dba?!? lalo na kung iniisip mo na totoo iyong mga nasusulat mo.... Sarap lang sa feeling na nasi-share natin ung,, mga nai-imagine natin, sa ibang kimon.....
adul21 #9
@143kimon maraming salamat po!!! since napaka private kasi ng dalawa eh kung ano ano na tuloy iniisip ko... ahahaha kung minsan nagiging over assuming na ako sa mga tweets ni Simon dati.... ahaha kabaliwan ko lang, and yung sa star magic ball, sinulat ko yun nung mga ilang araw nalang bago ung totoong star magic ball hoping na sila ang magkasama ahahaha kabaliwan ulit... pero salamat po sa pagbabasa, sana din maka update kana, i'm reading yours too :D
143kimon
#10
Oh my god adul21!!!!..... Ang ganda.... Parehas talaga tau ng mga nasa isip,,, yung ibang ideas at scenes na nakasulat,,naisip ko na rin,,,.. Sarap lang sa feeling na hindi lang pla ako ang nakakaiisip ng mga scences na ganun...... Wahhhhhaaaaaaa!!!..... i love it...... <br />